1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.BZ

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.BZ

3
00:00:17,800 --> 00:00:19,440
Sa Mukdahan,

4
00:00:19,960 --> 00:00:22,359
sinusuportahan ng publiko
ang paghanap kay Chompoo,

5
00:00:22,360 --> 00:00:27,120
ang tatlong taong gulang na batang babae
na nawala sa bahay nang walang bakas.

6
00:00:31,280 --> 00:00:34,520
Noong una, akala namin
simpleng nawawalang bata lang.

7
00:00:36,760 --> 00:00:40,840
Pero naging malaking balita ito
na tinutukan ng buong bansa.

8
00:00:42,240 --> 00:00:44,040
Tungkol sa kaso ni Chompoo…

9
00:00:45,640 --> 00:00:48,759
Nagpadala agad ng puwersa
ang mga awtoridad doon.

10
00:00:48,760 --> 00:00:52,079
<i>Araw at gabi, hinanap siya sa kagubatan.</i>

11
00:00:52,080 --> 00:00:53,640
<i>Wala silang nakita.</i>

12
00:00:55,320 --> 00:00:57,560
Nag-interview kami

13
00:00:58,080 --> 00:01:00,000
ng 384 na witness.

14
00:01:00,640 --> 00:01:03,840
Kung kidnapping 'to,
walang puso 'yong gumawa.

15
00:01:04,600 --> 00:01:06,520
Tiyuhin lang ni Chompoo si Phol.

16
00:01:07,400 --> 00:01:11,320
<i>Biglang naging parang beauty pageant
ang kaso ng batang ito.</i>

17
00:01:13,120 --> 00:01:14,879
Phol, tingin sa camera.

18
00:01:14,880 --> 00:01:16,160
Ang pogi mo.

19
00:01:16,680 --> 00:01:17,959
Check…

20
00:01:17,960 --> 00:01:19,279
Hello, Mang Phol.

21
00:01:19,280 --> 00:01:20,999
Love you, Mang Phol.

22
00:01:21,000 --> 00:01:23,119
Sabi ko, "Ang guwapo,
dapat mag-artista ka."

23
00:01:23,120 --> 00:01:25,359
"Tao Ngoi" by Jintara at Phol!

24
00:01:25,360 --> 00:01:27,520
Mang Phol!

25
00:01:29,120 --> 00:01:30,799
<i>Sayaw tayo.</i>

26
00:01:30,800 --> 00:01:32,560
<i>Dumating ang mga YouTuber.</i>

27
00:01:33,080 --> 00:01:35,319
Ngayon ka lang umuwi. Payakap nga.

28
00:01:35,320 --> 00:01:36,160
Ayos.

29
00:01:37,680 --> 00:01:39,600
Lahat sila, nakatutok kay Phol.

30
00:01:42,440 --> 00:01:45,280
<i>Nakalimutan na nila
'yong nangyari sa bata.</i>

31
00:01:52,960 --> 00:01:54,199
Speed.

32
00:01:54,200 --> 00:01:57,399
CHAIPHOL WIPHA
"MANG PHOL," TITO NI CHOMPOO

33
00:01:57,400 --> 00:01:59,799
Ready na ang sound? Rolling.

34
00:01:59,800 --> 00:02:01,079
Hello po.

35
00:02:01,080 --> 00:02:07,040
CHOMPOO: LOST & FORGOTTEN

36
00:02:13,360 --> 00:02:15,480
Noong bagong lipat ako sa Kok Kork,

37
00:02:16,000 --> 00:02:18,599
parang lumipat ako sa tagong lugar.

38
00:02:18,600 --> 00:02:20,720
Walang koneksyon sa labas.

39
00:02:21,520 --> 00:02:26,320
KOK KORK VILLAGE,
NORTHEASTERN REGION, THAILAND

40
00:02:26,920 --> 00:02:31,519
ANAMAI WONGSRICHA
TATAY NI CHOMPOO

41
00:02:31,520 --> 00:02:34,239
Nagtutulungan kami dito.

42
00:02:34,240 --> 00:02:36,760
Tutulungan kita, tutulungan mo ako.

43
00:02:39,600 --> 00:02:40,719
"MANANG TON"
TAGABARYO

44
00:02:40,720 --> 00:02:42,640
Magkakakilala kaming lahat dito.

45
00:02:43,240 --> 00:02:45,519
Magkakamag-anak kami sa baryo,

46
00:02:45,520 --> 00:02:48,280
pero karamihan sa mga lalaki,
mga manugang.

47
00:02:52,280 --> 00:02:54,240
Mahirap kami, pero masaya.

48
00:02:54,920 --> 00:02:57,560
Pag may pagkain, pinaghahatian namin.

49
00:02:58,160 --> 00:03:01,240
Sama-samang kumakain ang mga bata,
mga kamag-anak, at si Chompoo.

50
00:03:03,880 --> 00:03:05,479
Kawawa naman si Chompoo.

51
00:03:05,480 --> 00:03:08,320
Paano nagawa 'yon sa kanya?

52
00:03:11,080 --> 00:03:13,880
'Yong totoong nangyari sa Kok Kork,

53
00:03:14,960 --> 00:03:18,680
ako at 'yong mga tao
na nasa lugar at parte ng nangyari…

54
00:03:19,440 --> 00:03:22,560
Mas alam namin 'yong nangyari sa Kok Kork.

55
00:03:31,560 --> 00:03:34,880
Ang naaalala ko noong huling araw 'yon,

56
00:03:36,000 --> 00:03:37,440
si Chompoo…

57
00:03:39,360 --> 00:03:43,999
MAY 11, 2020
6:00 A.M., ARAW NG PAGKAWALA

58
00:03:44,000 --> 00:03:48,360
Nakasakay ako sa traktora ko,
paalis na ako para patagin 'yong palayan.

59
00:03:50,880 --> 00:03:53,360
Lumabas si Chompoo at tinawag ako.

60
00:03:55,480 --> 00:03:56,560
Sabi niya…

61
00:03:59,720 --> 00:04:01,160
"Umuwi ka agad.

62
00:04:01,680 --> 00:04:03,960
"Huwag mong kalimutan bumili ng meryenda."

63
00:04:05,560 --> 00:04:07,960
Nakatatak sa isip ko 'yong imaheng 'yon.

64
00:04:10,520 --> 00:04:12,000
Di ko 'yon nalilimutan.

65
00:04:15,880 --> 00:04:17,199
Tapos, umalis na ako

66
00:04:17,200 --> 00:04:20,160
para gawin 'yong trabaho ko,
patagin 'yong palayan.

67
00:04:31,720 --> 00:04:34,159
Mga 9:00 o 10:00 a.m.,

68
00:04:34,160 --> 00:04:38,319
may tumawag sa akin,
at pagsagot ko, sinabi nila

69
00:04:38,320 --> 00:04:40,080
na umuwi na ako agad

70
00:04:40,720 --> 00:04:42,440
dahil di nila makita si Chompoo.

71
00:04:44,880 --> 00:04:47,240
Di ako masyadong nag-alala no'ng una.

72
00:04:48,680 --> 00:04:50,920
Baka naglakad-lakad lang siya sa baryo

73
00:04:51,480 --> 00:04:54,040
o naglaro kasama
'yong mas malalaking bata.

74
00:04:59,760 --> 00:05:02,800
Mahilig siyang manood ng cartoons
at maglaro ng mga laruan.

75
00:05:03,960 --> 00:05:05,920
Nagtitinda-tindahan.

76
00:05:10,960 --> 00:05:14,560
Malapit siya sa ate niya.
Lagi silang magkasama.

77
00:05:17,200 --> 00:05:20,000
Inaalagaan siya ng ate niya.

78
00:05:24,840 --> 00:05:27,880
Sabi ni Sading,
may ginagawa daw siya noon.

79
00:05:28,400 --> 00:05:31,119
Nagse-cellphone siya,
naglalaro o kung ano man 'yon.

80
00:05:31,120 --> 00:05:33,320
Tinitingnan-tingnan niya lang si Chompoo.

81
00:05:37,000 --> 00:05:39,720
Nalingat lang siya sandali,
nawala na si Chompoo.

82
00:05:46,040 --> 00:05:48,599
Pag tiningnan mo ang mga mata niya,

83
00:05:48,600 --> 00:05:50,520
makikita mong malungkot siya.

84
00:05:51,680 --> 00:05:56,320
Lagi niyang inaalagaan ang kapatid niya
dahil lagi silang magkasama.

85
00:05:59,160 --> 00:06:03,079
Kadalasan, hindi naman umaalis
mag-isa si Chompoo.

86
00:06:03,080 --> 00:06:04,880
Hindi siya pumapasok sa gubat.

87
00:06:11,040 --> 00:06:13,079
Noong gumabi na,

88
00:06:13,080 --> 00:06:16,720
nararamdaman ko nang may mali.

89
00:06:25,360 --> 00:06:26,760
Ineng.

90
00:06:27,360 --> 00:06:29,040
Balik ka na kay Tatay.

91
00:06:31,200 --> 00:06:33,239
<i>Naghanap ako agad kung saan-saan</i>

92
00:06:33,240 --> 00:06:35,800
<i>na naisip kong puwede niyang puntahan.</i>

93
00:06:36,320 --> 00:06:38,240
Hinahanap ka ni Tatay.

94
00:06:39,760 --> 00:06:43,360
<i>Kasama ko 'yong partner ko.</i>

95
00:06:43,920 --> 00:06:44,959
Ineng.

96
00:06:44,960 --> 00:06:48,760
<i>Pinakinggan namin ang paligid
para sa tunog na puwedeng galing sa bata.</i>

97
00:06:53,840 --> 00:06:56,800
<i>No'ng unang gabi,
di ako nakatulog hanggang umaga.</i>

98
00:06:59,640 --> 00:07:03,799
Sobrang nag-aalala ako
kung okay lang ba ang anak ko

99
00:07:03,800 --> 00:07:06,040
at kung may dumukot ba sa kanya.

100
00:07:07,080 --> 00:07:11,159
24 ORAS PAGKATAPOS MAWALA SI CHOMPOO

101
00:07:11,160 --> 00:07:14,799
Sa Mukdahan, tulong-tulong ang mga tao
sa paghahanap kay Chompoo,

102
00:07:14,800 --> 00:07:18,880
ang tatlong taong gulang na batang babae
na nawala sa bahay nang walang bakas.

103
00:07:20,360 --> 00:07:22,799
Nagsagawa ng masusing paghahanap
ang mga tagabaryo,

104
00:07:22,800 --> 00:07:24,200
pero wala silang nakita.

105
00:07:25,240 --> 00:07:27,800
Nawala ang pamangkin ko no'ng umaga.
Wala ako sa bahay.

106
00:07:28,640 --> 00:07:31,120
No'ng mawala si Chompoo sa baryo,

107
00:07:32,680 --> 00:07:36,000
nagtipon-tipon ang mga kamag-anak
sa bahay ng nanay niya.

108
00:07:37,200 --> 00:07:39,240
Baka pumunta siya doon.

109
00:07:40,200 --> 00:07:41,639
Pamangkin ko siya.

110
00:07:41,640 --> 00:07:44,959
Kadugo siya ng pamilya ni Taen.

111
00:07:44,960 --> 00:07:46,920
Inaalagaan namin siya noon.

112
00:07:47,440 --> 00:07:51,159
Siya ang bunso ng pamilya.
Iniiwasan naming mag-away dahil sa kanya.

113
00:07:51,160 --> 00:07:52,079
"MANANG TAEN"

114
00:07:52,080 --> 00:07:55,360
Mahal na mahal namin
ang isa't isa dahil sa kanya.

115
00:07:59,920 --> 00:08:02,839
MANOP POLSAWANG
"MANONG MOK," TAGABARYO

116
00:08:02,840 --> 00:08:05,680
Minsan, nawawala ang mga bata sa gubat.

117
00:08:08,120 --> 00:08:09,840
Delikado doon.

118
00:08:10,960 --> 00:08:12,960
May mga ahas at lamok.

119
00:08:14,000 --> 00:08:16,600
Ano'ng kakainin nila?
Walang pagkain o tubig.

120
00:08:19,720 --> 00:08:23,080
Hindi sumasama si Chompoo sa iba.
At hindi siya lumalayo.

121
00:08:27,040 --> 00:08:28,879
May sabi-sabi tungkol kay Chompoo.

122
00:08:28,880 --> 00:08:32,239
Alam lang nila na nawawala siya
at may nanakit sa kanya, tapos…

123
00:08:32,240 --> 00:08:35,719
Pero di ko sinabi sa kapatid ko
na ganito at ganyan ang nangyari.

124
00:08:35,720 --> 00:08:37,399
Ayokong ma-stress siya.

125
00:08:37,400 --> 00:08:39,240
Ang totoo, wala na si Chompoo.

126
00:08:39,760 --> 00:08:40,680
Shit!

127
00:08:44,600 --> 00:08:48,279
Dumami nang dumami
ang mga taong tumulong para hanapin siya

128
00:08:48,280 --> 00:08:49,760
dahil di namin siya mahanap.

129
00:08:52,720 --> 00:08:55,640
Apat o limang beses
akong umakyat-baba sa bundok.

130
00:08:58,640 --> 00:09:02,479
Ang mga opisyal
mula sa Royal Forest Department…

131
00:09:02,480 --> 00:09:03,519
COMMUNITY FOREST AREA

132
00:09:03,520 --> 00:09:07,240
…ang gumabay sa mga tagabaryo
dahil kabisado nila ang lugar.

133
00:09:07,840 --> 00:09:12,200
48 ORAS PAGKATAPOS MAWALA SI CHOMPOO

134
00:09:13,920 --> 00:09:17,599
Nag-post ako tungkol sa pagkawala niya,
at nag-post ako ng number ko.

135
00:09:17,600 --> 00:09:19,759
NAWAWALA SI CHOMPOO
POST

136
00:09:19,760 --> 00:09:20,719
NAWAWALA SI CHOMPOO

137
00:09:20,720 --> 00:09:22,919
Tapos halos wala nang tigil ang ring.

138
00:09:22,920 --> 00:09:24,720
KUNG MAY ALAM KAYO, TUMAWAG SA…

139
00:09:27,440 --> 00:09:29,640
Dumami na ang mga naghanap sa kanya.

140
00:09:31,760 --> 00:09:36,000
Tingnan n'yo rin 'yong kanal.
Subukan n'yong mag-focus sa kanal, tapos…

141
00:09:41,200 --> 00:09:44,799
Naghanap 'yong mga tao sa putikan
at kung saan-saan sa Kok Kork.

142
00:09:44,800 --> 00:09:49,639
Mahal na espiritu ng kagubatan,
tulungan mo silang makuha ang gusto nila.

143
00:09:49,640 --> 00:09:50,680
Sa kanan?

144
00:09:51,560 --> 00:09:52,480
Sundan mo siya.

145
00:09:53,640 --> 00:09:56,759
May mga albularyo at monk na nagsasabi

146
00:09:56,760 --> 00:09:58,760
na nandito o nandoon si Chompoo.

147
00:09:59,680 --> 00:10:02,799
Kuman Ngern, Kuman Thong, Pia, Klae…

148
00:10:02,800 --> 00:10:04,559
May tinuro sa 'min ang mga medium…

149
00:10:04,560 --> 00:10:05,799
INA NI CHOMPOO, "SAWITRI"

150
00:10:05,800 --> 00:10:07,160
…at ginawa namin lahat.

151
00:10:09,160 --> 00:10:12,359
Bale, naniwala kayo sa mga albularyo noon?

152
00:10:12,360 --> 00:10:14,560
Kahit hindi, ginawa ko pa rin.

153
00:10:17,440 --> 00:10:20,559
Dumating 'yong mga monk,
tuloy-tuloy lang kami sa ginagawa namin

154
00:10:20,560 --> 00:10:24,480
para lang matahimik ang loob namin,
'yon ang naging pag-asa namin.

155
00:10:25,080 --> 00:10:28,960
72 ORAS PAGKATAPOS MAWALA SI CHOMPOO

156
00:10:31,480 --> 00:10:33,320
Sa pang-apat na araw…

157
00:10:36,760 --> 00:10:40,880
di na ako makalakad
dahil halos di ako kumakain o umiinom.

158
00:10:41,400 --> 00:10:45,480
Di ako natutulog dahil hanap ako
nang hanap sa kanya pag maisipan ko.

159
00:10:46,960 --> 00:10:48,360
Masama ang kutob ko.

160
00:10:49,480 --> 00:10:51,359
Wala ngang mauupuan.

161
00:10:51,360 --> 00:10:54,000
Ako naman, hindi ako kumain o uminom.

162
00:10:55,520 --> 00:10:57,360
May tumawag at sinabi

163
00:10:58,400 --> 00:11:00,479
na may nakita silang sapatos.

164
00:11:00,480 --> 00:11:01,320
Tama.

165
00:11:02,600 --> 00:11:05,479
Di nila sinabi kung pambabae o panlalaki.

166
00:11:05,480 --> 00:11:08,400
- Pambata?
- Sabi nila, pambata.

167
00:11:14,200 --> 00:11:17,759
May bumaba at sinabing
may nakita silang sapatos ng bata,

168
00:11:17,760 --> 00:11:20,160
pero di alam kung kanino,
kaya sinabi nila sa 'min.

169
00:11:22,440 --> 00:11:24,800
- Chompoo.
- Nasaan ka, anak?

170
00:11:30,280 --> 00:11:32,559
- Nasaan ka, anak?
- Nasaan ka?

171
00:11:32,560 --> 00:11:35,359
Maraming forest rangers, mga pulis,

172
00:11:35,360 --> 00:11:37,599
at mga tagabaryo ang umakyat.

173
00:11:37,600 --> 00:11:40,960
Mga 40 o 50 katao
'yong sumama sa amin doon.

174
00:11:42,800 --> 00:11:45,079
<i>Parang may mga espiritu
sa malalaking puno.</i>

175
00:11:45,080 --> 00:11:47,199
<i>Pag lumalapit kami, kinikilabutan kami.</i>

176
00:11:47,200 --> 00:11:48,760
<i>Hanggang ngayon nga.</i>

177
00:11:50,880 --> 00:11:54,160
<i>Madilim no'n, kaya lahat kami
naglakad nang nakapila.</i>

178
00:11:56,480 --> 00:11:58,519
- Uy.
- Uy.

179
00:11:58,520 --> 00:11:59,439
Nasaan ka?

180
00:11:59,440 --> 00:12:01,480
Nag-flashlight kami dahil madilim.

181
00:12:05,400 --> 00:12:06,720
Ineng.

182
00:12:07,680 --> 00:12:09,600
- Nasaan ka?
- Nasaan ka?

183
00:12:11,000 --> 00:12:12,800
- May ahas!
- Uy!

184
00:12:13,320 --> 00:12:14,160
Hoy!

185
00:12:14,920 --> 00:12:17,760
Nakakita kami ng ahas,
kaya nagtakbuhan kami.

186
00:12:21,280 --> 00:12:23,360
Tapos nakita ko ang katawan niya.

187
00:12:28,600 --> 00:12:30,799
- Nakita namin siya.
<i>- Nakita namin 'yong bata.</i>

188
00:12:30,800 --> 00:12:33,599
Nakita na namin 'yong bata!

189
00:12:33,600 --> 00:12:34,719
Nakita na namin siya.

190
00:12:34,720 --> 00:12:38,840
Tapos, tinawagan ko 'yong kaibigan ko
na umakyat doon.

191
00:12:40,560 --> 00:12:43,759
Hindi siya makapagsalita.

192
00:12:43,760 --> 00:12:48,840
Tumahimik siya saglit,
tapos sinabi niyang wag akong mabibigla.

193
00:12:49,440 --> 00:12:53,240
Nagulat ako sa sinabi niya.

194
00:12:58,000 --> 00:13:02,720
Sabi ko sa kanya nang paulit-ulit,
"Sabihin mo na."

195
00:13:05,960 --> 00:13:08,320
Tapos sabi niya,

196
00:13:09,400 --> 00:13:10,600
na ang anak ko…

197
00:13:12,000 --> 00:13:13,480
nasa mas mabuting lugar na.

198
00:13:30,040 --> 00:13:33,000
<i>Parang paulit-ulit akong sinasaksak.</i>

199
00:13:33,520 --> 00:13:36,000
<i>Alam ko na kung ano
ang kalagayan ng anak ko.</i>

200
00:13:36,520 --> 00:13:37,839
<i>Di na kailangang marinig</i>

201
00:13:37,840 --> 00:13:41,599
<i>na nilamig siya, na nasa gubat siya,
o na nagutom siya o umiyak.</i>

202
00:13:41,600 --> 00:13:42,560
<i>Alam ko na 'yon.</i>

203
00:13:48,000 --> 00:13:49,160
No'ng oras na 'yon,

204
00:13:50,640 --> 00:13:52,280
ang naramdaman ko…

205
00:13:54,600 --> 00:13:57,280
sari-sari at nakakalitong emosyon.

206
00:13:59,560 --> 00:14:02,600
Hindi parang broken heart, e.

207
00:14:06,120 --> 00:14:10,240
Nawala 'yong pinakamahalaga sa 'kin.

208
00:14:11,880 --> 00:14:13,800
Ang taong pinakamamahal ko.

209
00:14:17,160 --> 00:14:19,800
Ayoko nang mabuhay noon.

210
00:14:24,120 --> 00:14:26,320
'Yong itsura niyang nakahiga sa lupa,

211
00:14:27,880 --> 00:14:29,600
nakatatak pa rin sa isip ko.

212
00:14:33,720 --> 00:14:38,399
Nagdasal ako kay Phra That Phanom,
na sana 'yong gumawa no'n sa kanya,

213
00:14:38,400 --> 00:14:40,839
sinadya man o hindi,

214
00:14:40,840 --> 00:14:42,559
sana sumuko na.

215
00:14:42,560 --> 00:14:46,280
Gusto kong umamin sila
at pagsisihan nila ang ginawa nila.

216
00:14:51,200 --> 00:14:54,799
SAKON NAKHON

217
00:14:54,800 --> 00:14:58,640
PALENGKE NG MARUAY
WONGSRICHA FAMILY

218
00:15:03,320 --> 00:15:07,239
'Yong mga nakatatak pa rin sa akin,

219
00:15:07,240 --> 00:15:09,879
'yong tumatakbo siya,
naglalaro kasama ang tiyahin niya,

220
00:15:09,880 --> 00:15:12,199
magulang, at lolo't lola niya.

221
00:15:12,200 --> 00:15:14,640
Nasa alaala ko ang lahat ng 'yon.

222
00:15:16,760 --> 00:15:19,439
Ang kaso ni Chompoo,
tatlong taong gulang na bata

223
00:15:19,440 --> 00:15:22,039
na sinusubaybayan natin…

224
00:15:22,040 --> 00:15:24,639
Natagpuan na siya kahapon,

225
00:15:24,640 --> 00:15:26,960
pero pumanaw na siya.

226
00:15:29,040 --> 00:15:31,519
Nagpadala agad
ng mga tauhan ang awtoridad.

227
00:15:31,520 --> 00:15:35,880
Pumunta sila sa Phu Lek Fai Forest
sa Phu Pha Yon National Park.

228
00:15:36,400 --> 00:15:39,519
Bukod sa medyo matarik ang lupain,

229
00:15:39,520 --> 00:15:41,999
medyo mahirap lakaran 'yong daan

230
00:15:42,000 --> 00:15:45,119
dahil may malalaki at maliliit na bato.

231
00:15:45,120 --> 00:15:46,679
NAWALA RITO

232
00:15:46,680 --> 00:15:47,679
NATAGPUAN DITO
1.82KM

233
00:15:47,680 --> 00:15:52,679
{\an8}Hindi kayang lakarin ng bata
'yong lugar kung saan siya nakita.

234
00:15:52,680 --> 00:15:53,639
{\an8}2.38 KM

235
00:15:53,640 --> 00:15:56,119
Ang masasabi namin
no'ng makita ang katawan niya…

236
00:15:56,120 --> 00:15:57,719
SARAWAT KIJPANIT
"ICE," REPORTER

237
00:15:57,720 --> 00:15:59,320
…di siya makakarating doon mag-isa.

238
00:16:00,200 --> 00:16:02,759
Kung gano'n, may nagdala sa kanya do'n.

239
00:16:02,760 --> 00:16:06,640
Kaya posibleng murder ang kaso na 'to.

240
00:16:08,080 --> 00:16:10,119
1,390 COMMENTS
SANA MA…

241
00:16:10,120 --> 00:16:11,239
POST COMMENT

242
00:16:11,240 --> 00:16:12,599
MAY GUMAWA NO'N

243
00:16:12,600 --> 00:16:15,439
SANA MAHULI 'YONG GUMAWA.
NAKAKATAKOT NA ANG MGA TAO NGAYON

244
00:16:15,440 --> 00:16:19,000
SANA MAPARUSAHAN 'YONG GUMAWA NITO

245
00:16:21,600 --> 00:16:24,919
Dahil walang forensic tools
tulad ng CCTV cameras doon,

246
00:16:24,920 --> 00:16:26,839
at nangyari ito sa kagubatan,

247
00:16:26,840 --> 00:16:29,399
ang magagawa lang namin
ay tanungin ang mga saksi,

248
00:16:29,400 --> 00:16:31,720
gaya ng ginagawa lagi ng mga detective.

249
00:16:32,840 --> 00:16:35,079
Inobserbahan din namin
'yong mga tao sa paligid.

250
00:16:35,080 --> 00:16:37,159
- Oo.
- Nagsagawa kami ng surveillance.

251
00:16:37,160 --> 00:16:39,560
Binantayan namin 'yong mga kilos nila.

252
00:16:40,720 --> 00:16:44,319
Binantayan namin ang emosyon nila,
ang body language nila,

253
00:16:44,320 --> 00:16:45,439
mga itsura, at kilos.

254
00:16:45,440 --> 00:16:46,999
- Pinag-aralan namin lahat.
- Oo.

255
00:16:47,000 --> 00:16:49,519
Bumalik kami sa basics
sa imbestigasyong ito.

256
00:16:49,520 --> 00:16:51,880
PULIS PARA SA TAO

257
00:16:55,800 --> 00:16:58,960
Pagkatapos ng insidente,

258
00:16:59,480 --> 00:17:01,120
walang tigil ang tanong sa 'min.

259
00:17:08,200 --> 00:17:10,199
Lahat ng tanong nila, sinagot namin.

260
00:17:10,200 --> 00:17:11,519
Sinabi namin ang totoo.

261
00:17:11,520 --> 00:17:12,799
Sinabi namin lahat

262
00:17:12,800 --> 00:17:14,999
dahil gusto naming malaman

263
00:17:15,000 --> 00:17:18,080
kung ano'ng nangyari sa anak namin
at paano nangyari.

264
00:17:21,440 --> 00:17:24,719
KITTISAK WEERACHAICHAORENSUK
JOURNALIST

265
00:17:24,720 --> 00:17:27,559
Nagko-cover na ako
ng krimen sa Northeast no'n,

266
00:17:27,560 --> 00:17:31,119
kaya pinapunta ako ng istasyon
sa Mukdahan.

267
00:17:31,120 --> 00:17:33,880
Nandito kami ngayon sa arko ng templo.

268
00:17:34,520 --> 00:17:35,439
'Yong entrance.

269
00:17:35,440 --> 00:17:36,760
Sige.

270
00:17:39,120 --> 00:17:41,199
No'ng una, naisip kong magiging mahirap,

271
00:17:41,200 --> 00:17:42,600
at mahirap nga talaga.

272
00:17:46,200 --> 00:17:48,159
Simple lang ang pamumuhay nila do'n.

273
00:17:48,160 --> 00:17:50,199
Naghanap nga ako ng CCTV camera.

274
00:17:50,200 --> 00:17:51,519
Pero wala, e.

275
00:17:51,520 --> 00:17:54,440
Kaya… di ko alam ang gagawin ko.

276
00:17:58,520 --> 00:17:59,999
<i>Sabi ng mga opisyal,</i>

277
00:18:00,000 --> 00:18:03,399
<i>lahat ng nakita malapit sa katawan ng bata</i>

278
00:18:03,400 --> 00:18:05,839
<i>at sa daan papunta sa katawan niya</i>

279
00:18:05,840 --> 00:18:08,000
<i>ay itinuturing na ebidensiya.</i>

280
00:18:10,160 --> 00:18:11,799
<i>Ang di lang nila nakita</i>

281
00:18:11,800 --> 00:18:14,799
<i>ay 'yong pang-itaas na suot niya
no'ng nawala siya.</i>

282
00:18:14,800 --> 00:18:16,679
<i>Hubad siya no'ng nakita siya.</i>

283
00:18:16,680 --> 00:18:19,080
<i>May kumuha ng damit niya. Para saan?</i>

284
00:18:21,240 --> 00:18:23,959
Di ako makapaniwala. Nakita ko siya…

285
00:18:23,960 --> 00:18:25,920
Para siyang manika na nakahiga.

286
00:18:28,440 --> 00:18:29,880
Nakatihaya.

287
00:18:32,280 --> 00:18:33,800
Nakaharap siya doon.

288
00:18:34,920 --> 00:18:37,200
Nakabukaka siya.

289
00:18:39,760 --> 00:18:41,640
Wala siyang suot na damit.

290
00:18:44,640 --> 00:18:48,040
Naging suspek
ang halos lahat ng lalaki sa baryo.

291
00:18:48,840 --> 00:18:50,479
Bakit lalaki lang?

292
00:18:50,480 --> 00:18:54,960
Dahil no'ng nakita nila
ang katawan ng bata,

293
00:18:55,560 --> 00:18:59,200
wala siyang suot na kahit ano sa ibaba.

294
00:19:01,080 --> 00:19:04,800
Kinuha ng pulis ang DNA
ng halos lahat ng lalaki.

295
00:19:09,000 --> 00:19:12,000
Ang mga suspek namin, 'yong mga adik,

296
00:19:12,640 --> 00:19:14,520
'yong mga obsessed sa sex,

297
00:19:15,040 --> 00:19:17,879
o 'yong mga may alitan
sa mga magulang niya.

298
00:19:17,880 --> 00:19:19,240
'Yon ang naisip namin.

299
00:19:21,600 --> 00:19:23,599
Wala pang kinasuhan?

300
00:19:23,600 --> 00:19:26,679
…mas masusi at detalyado.

301
00:19:26,680 --> 00:19:29,920
Palalawakin din namin
ang area ng imbestigasyon.

302
00:19:30,440 --> 00:19:34,800
Baka matatagalan pa.
Sa ngayon, wala pa akong masabi.

303
00:19:41,200 --> 00:19:44,080
Kinuha ng mga tagabaryo
ang katawan niya para ipa-autopsy.

304
00:19:51,120 --> 00:19:55,199
<i>Nag-iwan ng mga tanong na walang kasagutan
ang pagkamatay ni Chompoo.</i>

305
00:19:55,200 --> 00:19:56,599
<i>Sa huli, pinatigil na nila.</i>

306
00:19:56,600 --> 00:19:58,159
<i>Pero sa unang resulta ng autopsy</i>

307
00:19:58,160 --> 00:20:00,919
<i>mula sa Sunpasitthiprasong Hospital
sa Ubon Ratchathani,</i>

308
00:20:00,920 --> 00:20:05,360
<i>walang ebidensiya ng sexual assault
o physical abuse.</i>

309
00:20:06,040 --> 00:20:08,280
<i>Pero may duda pa rin ang pamilya.</i>

310
00:20:09,680 --> 00:20:14,839
Mapapansin n'yo na tatlong beses
in-autopsy ang katawan niya.

311
00:20:14,840 --> 00:20:18,239
Ang una, sa Dong Luang Hospital,
walang dissection doon.

312
00:20:18,240 --> 00:20:20,880
'Yong pangalawa,

313
00:20:21,400 --> 00:20:24,360
sa Sunpasitthiprasong Hospital
sa Ubon Ratchathani.

314
00:20:26,000 --> 00:20:28,919
Base sa autopsy na 'yon,

315
00:20:28,920 --> 00:20:33,240
hindi nila matukoy
ang sanhi ng pagkamatay.

316
00:20:34,040 --> 00:20:38,999
Nagpahayag ng pag-aalala
ang mga magulang ng bata

317
00:20:39,000 --> 00:20:42,400
dahil may mga tanong pa silang
hindi nasasagot

318
00:20:42,920 --> 00:20:44,919
tungkol sa sanhi ng pagkamatay.

319
00:20:44,920 --> 00:20:47,959
'Yon ang dahilan ng muling pag-autopsy.

320
00:20:47,960 --> 00:20:49,559
'Yong pangatlong exam,

321
00:20:49,560 --> 00:20:53,000
ginawa ng Institute of Forensic Medicine,
Police General Hospital.

322
00:20:55,040 --> 00:20:58,480
Kinuha ng mga pulis 'yong katawan
para sa isa pang exam.

323
00:21:00,120 --> 00:21:01,679
Para sa autopsy.

324
00:21:01,680 --> 00:21:04,480
- Isa pang autopsy sa Bangkok.
- Sa Police General Hospital.

325
00:21:05,440 --> 00:21:08,360
Tinanong nila kung may kamag-anak
na sasama, wala raw.

326
00:21:09,160 --> 00:21:11,519
Kaya nag-volunteer si Phol.

327
00:21:11,520 --> 00:21:13,760
INSTITUTE OF FORENSIC MEDICINE

328
00:21:15,480 --> 00:21:19,399
<i>Sabi ng tiyuhin, sana hindi
mula sa komunidad nila ang salarin.</i>

329
00:21:19,400 --> 00:21:21,079
<i>Kung tagaroon nga,</i>

330
00:21:21,080 --> 00:21:23,359
<i>patuloy siyang mag-aalala</i>

331
00:21:23,360 --> 00:21:26,399
<i>dahil di pa nahahanap ang salarin.</i>

332
00:21:26,400 --> 00:21:29,879
Nakita siguro ng mga journalist
na nagsasalita ako tungkol sa kaso,

333
00:21:29,880 --> 00:21:33,280
kaya gusto nila akong ma-interview
para marinig ang opinyon ko.

334
00:21:35,480 --> 00:21:37,959
Oo. Bakit hindi? Di ako takot sa media.

335
00:21:37,960 --> 00:21:41,320
Kung kidnapping 'to,
walang puso 'yong gumawa.

336
00:21:43,800 --> 00:21:48,119
At saka, hindi rin natin masabi
kung ang ikinamatay niya

337
00:21:48,120 --> 00:21:51,159
ay gutom ba, uhaw,
o kagagawan ng ibang tao.

338
00:21:51,160 --> 00:21:53,000
Di pa natin masasabi 'yon.

339
00:21:54,680 --> 00:21:55,599
Kaya,

340
00:21:55,600 --> 00:21:58,439
tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Chompoo,

341
00:21:58,440 --> 00:22:01,680
hindi pa rin namin matukoy
kung ano talaga.

342
00:22:03,800 --> 00:22:05,080
Nagtataka ang mga tao.

343
00:22:07,200 --> 00:22:09,559
Lalo kami naging interesado.

344
00:22:09,560 --> 00:22:12,360
At mas maraming manonood
ang mas lalong tumutok.

345
00:22:14,160 --> 00:22:19,080
Di siya sumasama sa mga di niya kilala.
Sasama lang siya sa kilala niya.

346
00:22:21,760 --> 00:22:23,200
Kung paniniwalaan natin 'to…

347
00:22:25,200 --> 00:22:29,959
dapat hanapin 'yong taong
nakakalapit sa kanya nang di siya iiyak.

348
00:22:29,960 --> 00:22:32,320
'Yan ang tinitingnan namin.

349
00:22:33,400 --> 00:22:36,280
Kilala niya, malapit sa kanya,
'yong sasamahan niya.

350
00:22:37,520 --> 00:22:40,120
No'ng tinutukan ng mga manonood…

351
00:22:42,400 --> 00:22:43,719
parang nakakapagtaka

352
00:22:43,720 --> 00:22:46,359
na maraming interesado
sa pagkamatay ng isang bata.

353
00:22:46,360 --> 00:22:47,599
Kaya naging kakaiba.

354
00:22:47,600 --> 00:22:51,279
Isang batang nawala at natagpuang patay

355
00:22:51,280 --> 00:22:52,840
sa bundok.

356
00:22:53,880 --> 00:22:56,519
Pero bakit gano'n na lang
ang interes ng mga tao?

357
00:22:56,520 --> 00:22:58,040
Ang daming interesado.

358
00:22:59,520 --> 00:23:01,640
May kanya-kanyang anggulo
ang bawat channel.

359
00:23:02,280 --> 00:23:03,199
Pero kahapon,

360
00:23:03,200 --> 00:23:07,560
nakatanggap ng impormasyon
ang field reporters ng Thairath TV.

361
00:23:09,480 --> 00:23:11,319
Sabi ng taong ito,

362
00:23:11,320 --> 00:23:14,840
baka daw ang mga magulang
ni Chompoo ang may gawa.

363
00:23:15,440 --> 00:23:18,440
Kung nag-aalala nga talaga sila,
bakit di nila hinanap nang mabuti?

364
00:23:19,480 --> 00:23:21,919
Madalas akong puntahan ng mga pulis.

365
00:23:21,920 --> 00:23:25,119
Tinanong nila ako
kung pinaghihinalaan ko 'yong kapatid ko.

366
00:23:25,120 --> 00:23:27,960
Bakit daw di siya umakyat sa bundok?
Bakit ganito, ganyan.

367
00:23:29,680 --> 00:23:31,679
No'ng panahong 'yon, sinisisi nila kami,

368
00:23:31,680 --> 00:23:35,280
tinatanong kung bakit di namin siya
nabantayan at paano siya nawala.

369
00:23:36,240 --> 00:23:38,639
Kasalanan daw naming mga magulang niya.

370
00:23:38,640 --> 00:23:39,920
Sinabi 'yon ni Phol.

371
00:23:46,640 --> 00:23:49,400
Gusto ko ring tanungin 'yong mga magulang.

372
00:23:50,280 --> 00:23:54,200
Bakit di pa rin sila umaakyat
sa bundok ng Phu Lek Fai?

373
00:23:54,840 --> 00:23:58,600
Kahit noong inihatid ng mga monk
ang kaluluwa ni Chompoo dito.

374
00:23:59,760 --> 00:24:01,559
NANAY NI CHOMPOO… BAKIT MO…

375
00:24:01,560 --> 00:24:02,839
NAWALA SI CHOMPOO…

376
00:24:02,840 --> 00:24:04,159
{\an8}ANG LUNGKOT SIGURO NI PHOL

377
00:24:04,160 --> 00:24:06,159
{\an8}DI GAYA NG MGA MAGULANG NA DI NALULUNGKOT

378
00:24:06,160 --> 00:24:09,399
{\an8}MA'AM, BA'T DI KA UMAKYAT SA BUNDOK
AT TINGNAN ANG BANGKAY NG ANAK MO?

379
00:24:09,400 --> 00:24:12,879
{\an8}KUNG MAHAL TALAGA NILA ANG ANAK NILA
DI NILA DAPAT SABIHING PAGOD SILA

380
00:24:12,880 --> 00:24:15,599
{\an8}NAKAKAPAGTAKA, DI BA?
NAGHINTAY LANG SA BAHAY ANG MAGULANG

381
00:24:15,600 --> 00:24:17,759
{\an8}HABANG NAGHANAP ANG MGA TAO SA GABI

382
00:24:17,760 --> 00:24:20,439
Ipinipilit mo pa ring
di mo sasaktan ang anak mo?

383
00:24:20,440 --> 00:24:21,280
Oo.

384
00:24:22,320 --> 00:24:25,519
Kung may ebidensiya sila,
sige, arestuhin nila ako.

385
00:24:25,520 --> 00:24:26,680
Sa nagsabi noon,

386
00:24:27,200 --> 00:24:29,080
wag kayong mag-akusa nang walang basehan.

387
00:24:32,560 --> 00:24:34,760
Nagalit kami noon.

388
00:24:35,560 --> 00:24:37,560
Pero tiniis namin.

389
00:24:42,680 --> 00:24:46,600
Hinayaan naming dumaan
sa legal at tamang proseso.

390
00:24:50,320 --> 00:24:53,760
No'ng panahong 'yon,
di kami nagpa-interview sa ibang channel.

391
00:24:56,240 --> 00:24:59,519
Hindi kami nagpaliwanag
o nagsalita sa publiko.

392
00:24:59,520 --> 00:25:04,000
Tumahimik kami
at nakipagtulungan lang sa pulis.

393
00:25:05,160 --> 00:25:08,440
Minsan pa nga, in-interview ko
'yong mga magulang hanggang magalit sila.

394
00:25:09,960 --> 00:25:11,879
Di magaling magsalita 'yong nanay niya.

395
00:25:11,880 --> 00:25:15,479
Di siya masyadong lumalabas sa media,
di masyadong umiiyak,

396
00:25:15,480 --> 00:25:16,999
kaya sabi ng mga tagabaryo,

397
00:25:17,000 --> 00:25:18,399
"Pinatay niya ang anak niya."

398
00:25:18,400 --> 00:25:21,679
AKALA KO HINDI UMAKYAT NG BUNDOK
ANG NANAY NIYA, PERO SABI NGAYON, OO!

399
00:25:21,680 --> 00:25:24,319
MAY NARINIG DAW NA DALAWANG LALAKI
'YONG MANGANGAHOY

400
00:25:24,320 --> 00:25:26,759
TATAY AT 'YONG ISANG TIYUHIN BA?
MUKHANG CLOSE SILA

401
00:25:26,760 --> 00:25:29,759
'YONG MAGULANG ANG SUSPEK KO.
MAINGAT NA NILATAG ANG BANGKAY…

402
00:25:29,760 --> 00:25:32,359
ASAR NA AKO SA PAG-AAKUSA
NI SAWITRI KAY PHOL

403
00:25:32,360 --> 00:25:35,119
SIYA AT ANG ASAWA NIYA
ANG PINAGHIHINALAAN NG BUONG BANSA

404
00:25:35,120 --> 00:25:36,720
TANUNGIN NIYA ANG SARILI NIYA

405
00:25:39,920 --> 00:25:42,959
Napanood daw nila ang balita
kaya pumunta sila para magtanong.

406
00:25:42,960 --> 00:25:45,239
Pinuntahan kami,
kaya kinuwento namin sa kanila.

407
00:25:45,240 --> 00:25:46,839
Siniraan nila kami.

408
00:25:46,840 --> 00:25:51,439
Kung ano-ano ang sinabi nila sa press
at sa social media.

409
00:25:51,440 --> 00:25:52,359
1,190 COMMENTS

410
00:25:52,360 --> 00:25:54,079
ANG KARMA…
COMMENT

411
00:25:54,080 --> 00:25:56,079
ANG SAKLAP. PURO GULO ANG NAGAGAWA NIYA.

412
00:25:56,080 --> 00:25:58,039
HINAHABOL NA NG KARMA ANG MAKASALANAN

413
00:25:58,040 --> 00:26:01,919
Nasaktan kami sa paninira nila,
ang sama ng tingin sa 'min ng mga tao.

414
00:26:01,920 --> 00:26:05,080
Ininsulto nila kami sa comments
sa mga live namin.

415
00:26:05,680 --> 00:26:07,560
Bastos ang pananalita nila.

416
00:26:08,440 --> 00:26:09,960
Oo, bastos talaga.

417
00:26:11,760 --> 00:26:14,719
MA'AM, DI MO BA NAISIP
NA BAKA NAINITAN LANG ANG ANAK MO?

418
00:26:14,720 --> 00:26:16,720
KAHALAYAN LANG BA ANG NAIISIP MO?

419
00:26:17,320 --> 00:26:20,399
DR. TRYNH PHORAKSA
CRIMINOLOGIST AT LECTURER

420
00:26:20,400 --> 00:26:22,839
Puno ng bias ang lipunan natin

421
00:26:22,840 --> 00:26:26,239
at may emotional expectations sa kapwa.

422
00:26:26,240 --> 00:26:30,640
Iniisip nating susunod ang iba
sa expectations natin.

423
00:26:31,800 --> 00:26:35,559
Halimbawa, kapag may batang nawawala,
"Ba't di sila malungkot?"

424
00:26:35,560 --> 00:26:37,399
Baka malungkot ang magulang,

425
00:26:37,400 --> 00:26:39,480
pero 'yong pag-express nila
ng emosyon nila,

426
00:26:40,080 --> 00:26:41,999
hindi tulad ng inaasahan mo.

427
00:26:42,000 --> 00:26:44,880
Hindi umabot sa level na ine-expect mo.

428
00:26:46,920 --> 00:26:48,960
Kailangan naming malampasan 'to.

429
00:26:50,360 --> 00:26:52,560
Malalaman natin ang resulta bukas.

430
00:26:53,200 --> 00:26:55,400
Kailangang magtiis
hanggang sa matapos ang kaso.

431
00:27:02,280 --> 00:27:05,759
SONGPON RUENGSAMUT
PHOTOJOURNALIST

432
00:27:05,760 --> 00:27:08,520
Binibigyang halaga ng media
'yong pamilya ng bata

433
00:27:09,040 --> 00:27:11,040
at si Mang Phol.

434
00:27:16,360 --> 00:27:20,560
Pero 'yong kabilang panig,
halos di lumabas sa media.

435
00:27:21,080 --> 00:27:23,159
Parang hati ang media.

436
00:27:23,160 --> 00:27:24,600
Okay.

437
00:27:26,680 --> 00:27:29,920
Nasa bahay ng nanay 'yong isang agency,
'yong isa, nasa bahay ni Ton,

438
00:27:30,600 --> 00:27:34,199
ini-interview ako, si Taen, at si Ton.

439
00:27:34,200 --> 00:27:36,319
Check…

440
00:27:36,320 --> 00:27:37,760
One, two, three. One…

441
00:27:38,280 --> 00:27:40,440
No'ng naglabas ng balita 'yong dalawa,

442
00:27:40,960 --> 00:27:43,279
'yong coverage mula sa bahay ni Ton,

443
00:27:43,280 --> 00:27:45,319
nagkaroon ng maraming followers.

444
00:27:45,320 --> 00:27:46,719
Pataas nang pataas ang views.

445
00:27:46,720 --> 00:27:49,119
- Oo.
- Gusto ka ng mga bata.

446
00:27:49,120 --> 00:27:50,239
- Ito.
- Sige.

447
00:27:50,240 --> 00:27:51,439
Nakikita mo ba siya?

448
00:27:51,440 --> 00:27:54,199
Pumalo sa number one sa rankings.

449
00:27:54,200 --> 00:27:58,439
{\an8}Dinaig ang pinakasikat
na teleserye sa Thailand, nag-top one pa.

450
00:27:58,440 --> 00:28:00,080
{\an8}Nasa taas 'yong ratings ng agency.

451
00:28:08,560 --> 00:28:11,680
Mahirap talunin ng news ang mga teleserye
pagdating sa ratings.

452
00:28:12,520 --> 00:28:16,040
Pumalo sa top three 'yong rating.

453
00:28:16,560 --> 00:28:18,519
Napakaimposible no'n.

454
00:28:18,520 --> 00:28:20,439
- Bale…
- Sige, Mang Phol.

455
00:28:20,440 --> 00:28:21,879
- Mang Phol.
- O?

456
00:28:21,880 --> 00:28:24,559
Pagdating mo rito, ano'ng nakita mo?

457
00:28:24,560 --> 00:28:25,919
- At bakit ka pumunta?
- Kasi…

458
00:28:25,920 --> 00:28:28,479
Pinadala ako ng boss ko
para i-cover si Mang Phol.

459
00:28:28,480 --> 00:28:30,240
Sige, sakay na tayo.

460
00:28:31,720 --> 00:28:34,360
Pinahinto ko na 'yong oras. Nakahinto na.

461
00:28:35,040 --> 00:28:37,239
Nagpatugtog siya at kumanta.

462
00:28:37,240 --> 00:28:40,760
Umupo ako sa likod
at kinunan siya habang kumakanta.

463
00:28:46,240 --> 00:28:47,520
Pinadala ko sa mga boss ko.

464
00:28:48,120 --> 00:28:51,320
Tapos sabi ng mga manonood,
ang ganda raw ng boses niya!

465
00:28:51,840 --> 00:28:54,560
<i>Ilang araw, buwan, taon</i>

466
00:28:55,160 --> 00:28:57,679
<i>Ang pinagdaanan ko sa buhay</i>

467
00:28:57,680 --> 00:29:00,399
<i>Sa dami ng pasikot-sikot</i>

468
00:29:00,400 --> 00:29:04,679
<i>Di ko matakasan o maligaw</i>

469
00:29:04,680 --> 00:29:07,479
<i>Pare-pareho lang ang landas</i>

470
00:29:07,480 --> 00:29:13,000
<i>Hinding-hindi makakatakas</i>

471
00:29:13,600 --> 00:29:14,519
Salamat.

472
00:29:14,520 --> 00:29:17,639
Tuwang-tuwa ang mga journalist

473
00:29:17,640 --> 00:29:19,960
dahil tinalo ng coverage nila
ang mga teleserye.

474
00:29:20,560 --> 00:29:21,879
- Kunin mo, Phol.
- Oo.

475
00:29:21,880 --> 00:29:22,880
Sige.

476
00:29:23,640 --> 00:29:26,439
Nakabatay ang bonus sa kita ng negosyo

477
00:29:26,440 --> 00:29:27,959
at sa ratings ng taon.

478
00:29:27,960 --> 00:29:30,200
…hati sa dalawa,
bale, parang hiniwa ng kutsilyo.

479
00:29:31,080 --> 00:29:34,480
'Yong iba, ang laki ng nakuha.
Apat na buwan ang katumbas.

480
00:29:36,280 --> 00:29:37,640
Dahil masaya sila.

481
00:29:40,200 --> 00:29:43,280
Noon, sinusubukan siyang gawing star
ng media.

482
00:29:44,600 --> 00:29:46,720
Pero tahimik lang ako

483
00:29:47,520 --> 00:29:52,280
habang naghihintay ng update
sa kaso ng anak ko.

484
00:29:55,480 --> 00:29:58,799
Tungkol sa kaso, ano na ang status, sir?

485
00:29:58,800 --> 00:30:00,799
Nakabinbin pa.

486
00:30:00,800 --> 00:30:05,360
Sa totoo lang, maraming aspeto
kung saan natigil kami at di makausad.

487
00:30:05,880 --> 00:30:08,000
Attention!

488
00:30:08,760 --> 00:30:12,239
Kung sa ibang bansa nangyari 'to,
may initial statement.

489
00:30:12,240 --> 00:30:14,759
Depende sa kanila kung ano ang ilalabas.

490
00:30:14,760 --> 00:30:16,159
Sa Thailand, walang sinasabi

491
00:30:16,160 --> 00:30:19,680
hanggang sa mag-viral ang kaso,
saka lang magsasalita ang pulis.

492
00:30:21,440 --> 00:30:22,519
FORENSIC POLICE

493
00:30:22,520 --> 00:30:25,320
Maganda sana kung magsasalita sila
kahit konti, pero hindi, e.

494
00:30:26,280 --> 00:30:29,600
Kapag di nagsasalita ang pulis,
media na ang sasalo.

495
00:30:35,840 --> 00:30:38,119
Kaya niyang kumain nang kumain.

496
00:30:38,120 --> 00:30:40,199
Kung tatanungin n'yo ako

497
00:30:40,200 --> 00:30:43,839
kung posible bang kinain ng bakang 'to
'yong damit ni Chompoo,

498
00:30:43,840 --> 00:30:45,880
masasabi kong posible.

499
00:30:48,880 --> 00:30:50,920
Marami pang ibang bagay

500
00:30:51,440 --> 00:30:52,959
na di related sa kaso.

501
00:30:52,960 --> 00:30:54,800
- Uy.
- Hala.

502
00:30:57,360 --> 00:30:59,240
Lahat, reenactment.

503
00:31:00,120 --> 00:31:03,480
Sinabi ko sa mga tao lahat ng gagawin ko.

504
00:31:04,960 --> 00:31:09,919
Ni-reenact ko pa 'yong insidente
nang may pagbitbit pa ng sako.

505
00:31:09,920 --> 00:31:13,879
Maglalakad ako
nang may dalang sampung kilong abono,

506
00:31:13,880 --> 00:31:15,920
na pareho sa timbang ni Chompoo.

507
00:31:18,360 --> 00:31:20,320
Pumunta ako kung saan siya nakita.

508
00:31:23,960 --> 00:31:26,160
Malapit na tayo. Eto na.

509
00:31:27,360 --> 00:31:29,719
Inorasan ko kung gaano katagal

510
00:31:29,720 --> 00:31:32,720
bago siya nadala ng salarin doon.

511
00:31:34,520 --> 00:31:36,080
Sa totoo lang,

512
00:31:36,600 --> 00:31:39,360
ayoko sanang i-report,
pero gusto ng mga boss.

513
00:31:40,120 --> 00:31:42,159
'Yong sa iba, sabi ko, "Di na tama 'to."

514
00:31:42,160 --> 00:31:44,600
Pero ginawa 'yon ng kalaban,
kaya dapat kami din.

515
00:31:46,880 --> 00:31:48,520
Gustong-gusto ng viewers.

516
00:31:49,320 --> 00:31:50,160
<i>Sathu.</i>

517
00:31:51,320 --> 00:31:52,359
Okay, tapos na.

518
00:31:52,360 --> 00:31:53,759
Mas lalong napansin ang kaso.

519
00:31:53,760 --> 00:31:57,159
May dumating na medium.
Iba naman ang ginawa ng isa.

520
00:31:57,160 --> 00:31:59,280
Tapos iba naman do'n sa isa.

521
00:32:09,800 --> 00:32:10,880
Tapos, ito…

522
00:32:14,720 --> 00:32:17,079
Kagalang‑galang na Monghe,
ba't mo sinindihan?

523
00:32:17,080 --> 00:32:18,879
- Ah.
- Ilang piraso lahat?

524
00:32:18,880 --> 00:32:20,799
- Siyam lahat.
- Okay.

525
00:32:20,800 --> 00:32:24,239
Ang ibig sabihin ng siyam na paputok

526
00:32:24,240 --> 00:32:26,280
ay ang pag-aalis ng sumpa.

527
00:32:30,080 --> 00:32:32,359
Makakatawid na siya nang payapa

528
00:32:32,360 --> 00:32:35,560
ngayong ginapos ko na
ang lahat ng demonyo.

529
00:32:37,640 --> 00:32:42,000
Sinundan sila ng mga reporter
at hinayaan silang gawin ang gusto nila.

530
00:32:44,960 --> 00:32:48,520
Nando'n na rin sila, kaya hiniling namin
na ipakita nila 'yong himala nila.

531
00:32:49,120 --> 00:32:51,880
Hinayaan lang namin silang gawin
ang gusto nila.

532
00:32:54,080 --> 00:32:55,559
Para saan 'yong ahas?

533
00:32:55,560 --> 00:32:57,359
Hahanapin nito ang salarin.

534
00:32:57,360 --> 00:32:59,279
- Ah.
- At ilalantad sila.

535
00:32:59,280 --> 00:33:01,519
- Hahabulin 'yong salarin?
- Oo.

536
00:33:01,520 --> 00:33:02,799
- 'Yon nga.
- Ah.

537
00:33:02,800 --> 00:33:04,680
- Ipahuli natin sa kanya.
- Ah.

538
00:33:05,840 --> 00:33:08,479
Lahat ng nakita ng mga junior reporter,

539
00:33:08,480 --> 00:33:09,600
kinunan nila.

540
00:33:10,200 --> 00:33:13,079
Mga bagay na walang kuwenta,
may kuwenta, o walang koneksyon.

541
00:33:13,080 --> 00:33:14,240
Kinunan nila lahat.

542
00:33:15,320 --> 00:33:19,159
May dumaan na may sakit sa pag-iisip.
Di pa nahuhuli 'yong salarin noon.

543
00:33:19,160 --> 00:33:20,840
Dumaan 'yong may sakit sa pag-iisip.

544
00:33:25,160 --> 00:33:26,239
Kinunan 'yon,

545
00:33:26,240 --> 00:33:29,919
kung napanood n'yo, tumakbo ako
papunta sa kanya at tinanong ko,

546
00:33:29,920 --> 00:33:32,200
"Excuse me, may gusto ka bang sabihin?"

547
00:33:34,200 --> 00:33:38,000
Kinausap ko siya noon,
napaisip ang mga tao kung sangkot ba siya.

548
00:33:40,040 --> 00:33:42,799
Di pa nahuhuli 'yong salarin,
kaya sabi ng viewers,

549
00:33:42,800 --> 00:33:44,679
"Siya 'yon. Baka siya nga."

550
00:33:44,680 --> 00:33:46,559
1,460 COMMENTS
BAKIT DI MO HINULI…

551
00:33:46,560 --> 00:33:48,239
KADUDA-DUDA SIYA. SUNDAN N'YO

552
00:33:48,240 --> 00:33:50,839
TAMA. MAY LAMAN 'YONG SAKO

553
00:33:50,840 --> 00:33:53,399
BAKIT DI N'YO SIYA HINULI?
KUNAN N'YO 'YONG BUONG MUKHA

554
00:33:53,400 --> 00:33:55,080
Inaresto siya ng pulis.

555
00:33:56,680 --> 00:33:58,639
{\an8}"Napatay, patay na, deadline…"

556
00:33:58,640 --> 00:34:00,079
Ano 'to, manong?

557
00:34:00,080 --> 00:34:00,920
Wala.

558
00:34:01,640 --> 00:34:04,559
Di ko ginamit 'yan.
Inayos ko lang para malinaw.

559
00:34:04,560 --> 00:34:07,720
Bakit ka tumakbo
no'ng nakita mo 'yong reporters?

560
00:34:08,240 --> 00:34:11,199
- Ayokong makipag-usap. Sayang ang oras.
- Sana kinausap mo sila.

561
00:34:11,200 --> 00:34:14,199
Dumaan sa tamang proseso
ang imbestigasyon sa kanya.

562
00:34:14,200 --> 00:34:15,440
Lumabas na not guilty.

563
00:34:16,240 --> 00:34:19,919
No'ng buhay pa si Chompoo,
sinusundan siya nito kahit saan.

564
00:34:19,920 --> 00:34:21,559
Sinusundan siya kahit saan.

565
00:34:21,560 --> 00:34:23,160
Sabi ng reporter doon,

566
00:34:24,200 --> 00:34:28,000
inutusan daw siyang sundan 'yong aso
kahit saan 'yon pumunta.

567
00:34:30,680 --> 00:34:31,719
Som.

568
00:34:31,720 --> 00:34:33,799
Oo, sabi nga niya, "Ano ba naman?"

569
00:34:33,800 --> 00:34:36,520
Bakit niya kailangang bantayan
'yong asong natutulog,

570
00:34:37,280 --> 00:34:38,839
sundan nang sundan,

571
00:34:38,840 --> 00:34:41,280
at obserbahan kung paano 'yon matulog?

572
00:34:44,880 --> 00:34:49,199
MAYTAWEE HOLASUT
RESEARCHER IN MEDIA STUDIES

573
00:34:49,200 --> 00:34:50,919
Nakakaaliw ba?

574
00:34:50,920 --> 00:34:54,439
Kaya ba nating aminin
na di balita ang pinapanood natin

575
00:34:54,440 --> 00:34:55,480
kundi libangan?

576
00:34:56,520 --> 00:34:57,599
Kaya mo bang aminin?

577
00:34:57,600 --> 00:35:00,399
Kaya ba nating aminin
na di lang basta impormasyon

578
00:35:00,400 --> 00:35:02,640
o katotohanan ang hatid ng balita,

579
00:35:03,200 --> 00:35:06,160
kundi para rin

580
00:35:06,680 --> 00:35:08,439
sa entertainment?

581
00:35:08,440 --> 00:35:09,559
Ang masaya,

582
00:35:09,560 --> 00:35:13,920
hindi 'yong insidente mismo,
na hindi naman masaya o nakakaaliw.

583
00:35:14,520 --> 00:35:15,999
Naging nakakaaliw

584
00:35:16,000 --> 00:35:19,479
dahil sa mga taong sangkot sa insidente.

585
00:35:19,480 --> 00:35:23,359
'Yong media, 'yong netizens,

586
00:35:23,360 --> 00:35:25,919
at 'yong mga tao sa totoong buhay,
lahat nakisali.

587
00:35:25,920 --> 00:35:30,080
At naging…
isa na namang masayang araw sa Thailand.

588
00:35:31,160 --> 00:35:32,760
Dapat maayos ang itsura.

589
00:35:33,280 --> 00:35:37,359
Nagsimulang pumunta
ang mga sikat kay Mang Phol,

590
00:35:37,360 --> 00:35:40,400
at unti-unti na siyang sumikat.

591
00:35:49,080 --> 00:35:51,039
Magaling ako sa pagdi-discover.

592
00:35:51,040 --> 00:35:53,520
Tinatawag akong
"Thailand's Top Star-maker."

593
00:35:54,720 --> 00:35:57,040
Nag-alaga ako ng mga sikat.

594
00:35:59,080 --> 00:36:03,799
OOP WIRIYA
TALENT SCOUT

595
00:36:03,800 --> 00:36:07,839
Sa murder mystery movies,
gusto nating malaman kung sino ang killer.

596
00:36:07,840 --> 00:36:09,239
Nakakaintriga kasi.

597
00:36:09,240 --> 00:36:12,039
Ang pinakamahalaga,
pinanganak na guwapo si Phol.

598
00:36:12,040 --> 00:36:13,959
Grabe, ang guwapo mo, Phol!

599
00:36:13,960 --> 00:36:18,560
Kaya nakuha niya ang puso ng fans,
lalo na 'yong mga 30 to 50 years old.

600
00:36:20,880 --> 00:36:22,639
Magaling magsalita si Phol.

601
00:36:22,640 --> 00:36:24,120
Napaka-eloquent niya.

602
00:36:26,040 --> 00:36:28,559
Kaya niyang mapahanga ang mga tao

603
00:36:28,560 --> 00:36:30,320
at pakiligin sila.

604
00:36:31,120 --> 00:36:35,960
Sabi ng governor, gusto raw niya akong
imbitahan na magtanim ng palay.

605
00:36:36,520 --> 00:36:39,199
Sabi ko, "Ang guwapo,
dapat mag-artista ka."

606
00:36:39,200 --> 00:36:40,319
Ikaw muna, Phol.

607
00:36:40,320 --> 00:36:42,520
Phol, tingin sa camera.

608
00:36:43,480 --> 00:36:44,800
Ang pogi mo.

609
00:36:46,160 --> 00:36:48,759
Gano'n ako, di ba? 'Yon ang gawain ko.

610
00:36:48,760 --> 00:36:51,880
Kaya pinasok ko si Phol
sa entertainment industry.

611
00:36:54,880 --> 00:36:58,600
Rumampa siya sa runway,
nag-commercial, nag-attend ng events.

612
00:37:00,960 --> 00:37:02,280
Isyu-shoot ko na.

613
00:37:03,440 --> 00:37:05,160
Nagturo si Oop ng runway walk.

614
00:37:06,120 --> 00:37:08,000
Tinuturo niya 'yon sa mga kabataan.

615
00:37:08,520 --> 00:37:11,200
<i>- Runway walking na itinuro ni…</i>
- Gusto niyang pasikatin sila.

616
00:37:12,120 --> 00:37:14,679
Sabihin mo kay Manang Ton.
Manang Ton, ang ganda mo.

617
00:37:14,680 --> 00:37:15,719
Salamat.

618
00:37:15,720 --> 00:37:19,319
- Masaya bang rumampa sa runway?
- Masaya, pero di ko kaya.

619
00:37:19,320 --> 00:37:22,040
Sabi niya, ganito, tapos ako naman…

620
00:37:23,160 --> 00:37:24,879
Naku, ang saya nga.

621
00:37:24,880 --> 00:37:27,160
Mang Phol!

622
00:37:29,600 --> 00:37:31,000
Palakpakan naman d'yan!

623
00:37:32,640 --> 00:37:34,919
Dumating sina Jintara at Yinglee.

624
00:37:34,920 --> 00:37:37,600
Hit ang "Tao Ngoi." Ang daming tao.

625
00:37:38,840 --> 00:37:43,760
Napasigaw at napasaya ni Phol
ang mga Thai.

626
00:37:46,040 --> 00:37:47,760
One, two, three, four!

627
00:37:59,080 --> 00:38:00,960
Nakatutok kay Phol lahat.

628
00:38:03,280 --> 00:38:06,919
Nakalimutan na nila
'yong nangyari sa isang bata

629
00:38:06,920 --> 00:38:08,240
at sa kasong 'to.

630
00:38:13,720 --> 00:38:16,079
FORENSIC POLICE

631
00:38:16,080 --> 00:38:17,519
Sabi ng investigation team,

632
00:38:17,520 --> 00:38:21,320
na-clear na ang lahat ng duda
tungkol sa mga magulang at ate ni Chompoo.

633
00:38:23,200 --> 00:38:27,079
{\an8}Interesado ang publiko sa kasong ito.

634
00:38:27,080 --> 00:38:29,759
{\an8}At gaya ng sinabi ko dati,

635
00:38:29,760 --> 00:38:31,599
{\an8}kung may progreso,

636
00:38:31,600 --> 00:38:34,280
{\an8}maglalabas kami ng opisyal na anunsyo.

637
00:38:37,040 --> 00:38:39,720
Sa imbestigasyon at pagkuha ng ebidensiya,

638
00:38:40,240 --> 00:38:44,839
Nag-interview kami ng 384 na witness.

639
00:38:44,840 --> 00:38:47,639
Nakakuha kami ng mga ebidensiya,

640
00:38:47,640 --> 00:38:50,519
at mula doon,
113 na ebidensiya ang sinuri,

641
00:38:50,520 --> 00:38:53,760
kasama ang 16 na ebidensiyang
nakuha sa pinangyarihan.

642
00:38:54,880 --> 00:39:00,839
Sa ngayon, nasa 918 pages na
ang investigation report.

643
00:39:00,840 --> 00:39:04,599
At noong August 11, 2020,

644
00:39:04,600 --> 00:39:08,240
na-finalize na ng investigation team
ang autopsy report.

645
00:39:08,840 --> 00:39:11,759
Ayon sa doktor, malaki ang posibilidad

646
00:39:11,760 --> 00:39:15,760
na namatay si Chompoo
dahil sa dehydration at gutom.

647
00:39:16,560 --> 00:39:19,679
Nawala si Chompoo sa pagitan

648
00:39:19,680 --> 00:39:24,280
ng 9:11 a.m. at 9:49 a.m.

649
00:39:27,080 --> 00:39:31,600
Nasaan nga ba si Mang Phol
no'ng nawala si Chompoo?

650
00:39:33,360 --> 00:39:34,439
Binalikan namin

651
00:39:34,440 --> 00:39:37,879
at inisa-isa 'yong buong insidente
para malaman kung ano'ng nangyari.

652
00:39:37,880 --> 00:39:41,680
May mga kakaiba
kasi ang daming hindi tumutugma.

653
00:39:44,600 --> 00:39:47,679
'Yong kuwento niya kung nasaan siya,
'yong oras at araw…

654
00:39:47,680 --> 00:39:50,520
Iba-iba 'yong sinasabi niya araw-araw.

655
00:39:51,560 --> 00:39:54,759
Noong 11, naligo siya,

656
00:39:54,760 --> 00:39:56,959
nag-ikot kasama ang nanay ni Chompoo,

657
00:39:56,960 --> 00:40:00,999
umuwi nang nakamotor kasama si Taen,
at naligo ulit.

658
00:40:01,000 --> 00:40:02,640
Sinundo niya 'yong monk.

659
00:40:03,720 --> 00:40:07,080
Hinatid 'yong monk sa Nong Sung Tai.

660
00:40:08,560 --> 00:40:11,079
Hindi mo pa alam
na nawawala si Chompoo no'n?

661
00:40:11,080 --> 00:40:12,600
Di ko pa alam no'n.

662
00:40:14,840 --> 00:40:16,959
Pag-uwi nila, nabalitaan nila…

663
00:40:16,960 --> 00:40:18,439
Umalis sila para hanapin siya.

664
00:40:18,440 --> 00:40:21,479
Pero no'ng tinanong ko
kung kailan siya pumunta sa bundok,

665
00:40:21,480 --> 00:40:26,880
parang nalilito na siya sa detalye.

666
00:40:28,280 --> 00:40:32,079
Sabi ng partner ko, di niya nakita
at di niya alam kung nasaan si Chompoo.

667
00:40:32,080 --> 00:40:35,079
Sabi ko, nasa kotse 'yong monk.

668
00:40:35,080 --> 00:40:35,960
Ihatid natin.

669
00:40:36,560 --> 00:40:37,479
MAY 11, 2020

670
00:40:37,480 --> 00:40:39,999
INIKOT ANG LUPA, UMUWI,

671
00:40:40,000 --> 00:40:43,759
NALAMAN ANG TUNGKOL KAY CHOMPOO,
HINATID ANG MONK

672
00:40:43,760 --> 00:40:46,760
Base sa timeline,
di niya dapat alam na nawawala ang bata.

673
00:40:47,800 --> 00:40:49,680
Hindi 'yon ang sinabi niya sa pulis.

674
00:40:59,520 --> 00:41:01,840
Maraming pulis ang dumating.

675
00:41:03,880 --> 00:41:07,440
Pinapaliwanag nila sa 'kin
'yong oras, ginawa ko, at kasama ko.

676
00:41:10,520 --> 00:41:12,360
Pinagsama-sama nila

677
00:41:12,960 --> 00:41:14,040
'yong 24 oras.

678
00:41:14,800 --> 00:41:18,039
Tinanong nila 'yong mga tao
tungkol sa oras at lugar.

679
00:41:18,040 --> 00:41:19,720
Kailangan kong maghanap ng saksi.

680
00:41:20,240 --> 00:41:23,999
Pero maraming may ayaw sa 'kin,
kaya sino'ng magiging saksi ko?

681
00:41:24,000 --> 00:41:27,200
Si Taen lang, na lagi kong kasama.

682
00:41:30,080 --> 00:41:33,840
No'ng ininterbyu nila ako,
nalito ako sa oras. Di ako sigurado.

683
00:41:36,000 --> 00:41:38,759
Alam ko nang tatanungin nila kami

684
00:41:38,760 --> 00:41:43,199
tulad ng pagtatanong nila sa mga magulang.

685
00:41:43,200 --> 00:41:46,799
Tulad ng ano? Anong klaseng tanong 'yon?

686
00:41:46,800 --> 00:41:47,760
Subukan mo.

687
00:41:48,520 --> 00:41:49,840
Nagtanong tungkol sa oras.

688
00:41:56,880 --> 00:42:01,640
<i>Sabi ng nanay niya, si Mang Phol lang
ang pinaghihinalaan niya.</i>

689
00:42:02,840 --> 00:42:05,400
Dapat magpaliwanag si Phol.
Magkakasama kami dito, e.

690
00:42:08,120 --> 00:42:11,919
Lahat ng tagabaryo, tatay niya,
ako, at si Sading, inimbestigahan.

691
00:42:11,920 --> 00:42:14,200
Kung nagsasabi ng totoo si Phol
mula sa simula

692
00:42:14,920 --> 00:42:16,839
at di siya kaduda-duda,

693
00:42:16,840 --> 00:42:19,520
di ko siya paghihinalaan,
pati na rin ng mga pulis.

694
00:42:21,120 --> 00:42:23,519
Nakokonsensya ako, pero kailangan.

695
00:42:23,520 --> 00:42:26,120
Kung di malulutas 'to, paano na ako?

696
00:42:26,640 --> 00:42:28,800
Lagi ko na lang paghihinalaan si Phol?

697
00:42:34,280 --> 00:42:37,000
Sobra naman
kung sasabihin kong na-offend ako.

698
00:42:37,680 --> 00:42:40,360
Medyo nasaktan lang ako.

699
00:42:40,880 --> 00:42:43,359
LIKE KUNG INOSENTE SI PHOL
COMMENT

700
00:42:43,360 --> 00:42:46,239
BAKIT MO BA PALAGING PINIPIPILIT
SI PHOL NA MAGPALIWANAG?

701
00:42:46,240 --> 00:42:48,239
NASABI NA NIYA LAHAT

702
00:42:48,240 --> 00:42:51,800
SUPORTAHAN NATIN SI PHOL

703
00:42:52,960 --> 00:42:55,440
<i>Nakuha na niya ang simpatya ng mga tao.</i>

704
00:43:03,240 --> 00:43:06,879
<i>Bayani at superstar
ang tingin ng mga tao sa kanya.</i>

705
00:43:06,880 --> 00:43:10,520
<i>Di sila naniniwala na si Phol ang salarin.</i>

706
00:43:13,080 --> 00:43:14,560
Good luck.

707
00:43:15,080 --> 00:43:16,679
<i>May pera at supporters siya.</i>

708
00:43:16,680 --> 00:43:19,960
<i>Sa tingin ko, halos isang sako
ang pera niya araw-araw mula sa donations.</i>

709
00:43:23,800 --> 00:43:28,559
May mga turistang bumisita.
Galing sila sa South. Saan pa?

710
00:43:28,560 --> 00:43:29,519
Sa Chonburi,

711
00:43:29,520 --> 00:43:31,199
sa North, at Ratchaburi.

712
00:43:31,200 --> 00:43:32,920
Dumating sila para suportahan si Phol.

713
00:43:43,400 --> 00:43:44,639
- Pasok.
- Gusto mo?

714
00:43:44,640 --> 00:43:46,359
Gusto mo bang pumasok?

715
00:43:46,360 --> 00:43:48,799
- Mag-isa ka lang? Pasok ka.
- Oo.

716
00:43:48,800 --> 00:43:52,759
Nandito ako para suportahan si Phol
sa Dong Luang.

717
00:43:52,760 --> 00:43:53,600
Halika.

718
00:43:54,760 --> 00:43:56,920
Galing pa ako sa Ubon Ratchathani.

719
00:43:57,720 --> 00:43:59,599
Maawain talaga ang mga Thai.

720
00:43:59,600 --> 00:44:01,480
- Konting tulong.
- Good luck.

721
00:44:02,240 --> 00:44:04,919
Pero alam ba niyang fan siya
ng Manchester United?

722
00:44:04,920 --> 00:44:06,679
Nangyayari din 'to sa ibang balita.

723
00:44:06,680 --> 00:44:08,879
Ganito kapag humihingi
ng donasyon ang pamilya.

724
00:44:08,880 --> 00:44:11,559
Pag nakita ng mga Thai, nagdo-donate sila.

725
00:44:11,560 --> 00:44:13,919
{\an8}KAY MANG PHOL
MAAYOS NA BUHAY, KAYAMANAN, TAGUMPAY

726
00:44:13,920 --> 00:44:16,399
- Ano'ng pakiramdam mo?
- Masaya akong makasama si Phol.

727
00:44:16,400 --> 00:44:18,919
- Nagdesisyon akong pumunta.
- Saan ka galing?

728
00:44:18,920 --> 00:44:21,440
- Sakon Nakhon.
- Wow, malayo 'yon.

729
00:44:23,640 --> 00:44:27,319
Usually, pag naging suspek ang isang tao,
tumatahimik sila

730
00:44:27,320 --> 00:44:29,079
at di lumalabas sa media.

731
00:44:29,080 --> 00:44:30,079
LIVE
PRETTY RUGS

732
00:44:30,080 --> 00:44:31,560
Gano'n kadalasan ang nangyayari.

733
00:44:32,480 --> 00:44:33,679
Sige.

734
00:44:33,680 --> 00:44:35,679
Mga fans ni Phol 'to.

735
00:44:35,680 --> 00:44:37,439
Pumunta sila para sumuporta. Woo!

736
00:44:37,440 --> 00:44:39,200
Laban lang, Phol.

737
00:44:39,720 --> 00:44:41,720
Nagdatingan ang mga YouTuber.

738
00:44:42,240 --> 00:44:45,599
Pagkatapos makakuha ni Phol
ng supporters at YouTuber,

739
00:44:45,600 --> 00:44:49,040
may lumitaw na YouTuber village
malapit sa bahay niya.

740
00:44:49,760 --> 00:44:52,799
LIVE

741
00:44:52,800 --> 00:44:55,160
Doon na tumira 'yong mga YouTuber.

742
00:44:55,760 --> 00:44:58,440
Mga 30 o 40 sila, kung tama ang tanda ko.

743
00:44:59,400 --> 00:45:03,359
Hello sa inyo, mga brothers at sisters.

744
00:45:03,360 --> 00:45:06,239
Ako ulit 'to, si Boom Noi Roi Et.

745
00:45:06,240 --> 00:45:07,599
Paki-like at share.

746
00:45:07,600 --> 00:45:08,919
- Masaya talaga.
- Oo.

747
00:45:08,920 --> 00:45:11,119
SURACHAI SUWANNAKIT
"BOOM NOI ROI ET," YOUTUBER

748
00:45:11,120 --> 00:45:12,679
- Nakuha mo?
- Oo. Salamat.

749
00:45:12,680 --> 00:45:15,600
Gusto kong pumunta do'n
para makita kung paano kumilos si Phol.

750
00:45:17,040 --> 00:45:18,359
- Hello, Manang Ton.
- Hello.

751
00:45:18,360 --> 00:45:19,639
- Hi, Manang Taen.
- Hello.

752
00:45:19,640 --> 00:45:21,640
- Bibili si Taen…
- Mamimili siya.

753
00:45:22,760 --> 00:45:23,759
Sakay na.

754
00:45:23,760 --> 00:45:24,719
Puno na.

755
00:45:24,720 --> 00:45:25,959
Saan ka pupunta?

756
00:45:25,960 --> 00:45:28,239
Fan ako, sinundan ko siya kung saan-saan.

757
00:45:28,240 --> 00:45:30,879
- I-deposit mo lang.
- Oo. Wag mong i-withdraw.

758
00:45:30,880 --> 00:45:31,999
- Salamat.
- Sige.

759
00:45:32,000 --> 00:45:34,279
- Pagpalain kayong lahat.
- Sige.

760
00:45:34,280 --> 00:45:35,959
'Yong ginawa nila,

761
00:45:35,960 --> 00:45:38,599
nagresulta sa isang kondisyon

762
00:45:38,600 --> 00:45:41,639
na tinatawag sa ibang bansa
na parasocial relationship.

763
00:45:41,640 --> 00:45:45,039
'Yong relasyon kung saan iniisip natin

764
00:45:45,040 --> 00:45:48,520
na kaibigan natin
'yong mga YouTuber at influencer.

765
00:45:49,680 --> 00:45:53,999
Dahil dito, nagbabago 'yong boundary
o linya sa pagitan ng realidad,

766
00:45:54,000 --> 00:45:57,320
ng mga indibidwal, at ng lipunan.

767
00:45:59,040 --> 00:46:02,400
Parang naging interactive reality show.

768
00:46:06,720 --> 00:46:08,560
Sikat na sikat 'yon.

769
00:46:09,200 --> 00:46:11,359
Kumita ng 150,000 baht kada buwan
ang channel.

770
00:46:11,360 --> 00:46:15,160
Nabigla ang lahat no'ng ni-launch 'yon.
Di kaya 'yon ng mga sikat na artista.

771
00:46:17,240 --> 00:46:18,679
WELCOME

772
00:46:18,680 --> 00:46:21,479
- Magpakatatag ka. Pa-pic?
- Yumaman din sana ang YouTubers.

773
00:46:21,480 --> 00:46:23,440
- Salamat.
- Salamat.

774
00:46:24,720 --> 00:46:26,320
Umabot na tayo

775
00:46:27,120 --> 00:46:28,719
ng 10,000 baht.

776
00:46:28,720 --> 00:46:30,879
- Hindi, 10,000 boxes.
- Ng 10,000 boxes.

777
00:46:30,880 --> 00:46:32,879
RESIBO
100,000.00 BAHT

778
00:46:32,880 --> 00:46:36,399
Sa mga channel na di nagbibigay
ng bayad kay Phol,

779
00:46:36,400 --> 00:46:38,919
parang ayaw niyang makipag-usap do'n.

780
00:46:38,920 --> 00:46:41,680
<i>Happy birthday to you</i>

781
00:46:42,280 --> 00:46:45,439
<i>Happy birthday, happy birthday</i>

782
00:46:45,440 --> 00:46:48,079
<i>Happy birthday to you</i>

783
00:46:48,080 --> 00:46:50,240
May nagbibigay ba sa 'yo ng biyaya?

784
00:46:50,840 --> 00:46:52,959
Nandito na. Wow.

785
00:46:52,960 --> 00:46:54,439
- Nandito na.
- Eto na.

786
00:46:54,440 --> 00:46:55,799
HUWAG PALUSUTIN ANG MAY SALA

787
00:46:55,800 --> 00:46:58,319
BAKA NASA BARYO PA ANG SALARIN

788
00:46:58,320 --> 00:46:59,519
KAHINA-HINALA

789
00:46:59,520 --> 00:47:01,239
MUKDAHAN, MAGHANDA SA SAKIT NG ULO

790
00:47:01,240 --> 00:47:04,400
WAG PALAYAIN ANG MAY SALA.
BAKA NASA BARYO PA ANG SALARIN

791
00:47:10,360 --> 00:47:12,440
Naging human zoo ang Kok Kork.

792
00:47:12,960 --> 00:47:15,280
Wow, may mga dumadayo talaga

793
00:47:15,800 --> 00:47:18,240
para obserbahan ang buhay
ni ganito o ni ganyan.

794
00:47:21,800 --> 00:47:23,919
- Kuhanan mo siya.
- Sino 'yan?

795
00:47:23,920 --> 00:47:24,880
Hello.

796
00:47:27,040 --> 00:47:29,039
Sa Kok Kork, karamihan sa mga tagabaryo,

797
00:47:29,040 --> 00:47:32,559
sa pagkakaalam ko,
nahati-hati sa mga grupo.

798
00:47:32,560 --> 00:47:38,160
Ibig kong sabihin, may mga grupo
na may iba't ibang opinyon.

799
00:47:39,840 --> 00:47:41,919
Natatakot akong baka may masabi ako

800
00:47:41,920 --> 00:47:46,000
tungkol sa ibang bagay,
tapos i-video nila at ibalita nila.

801
00:47:47,200 --> 00:47:49,040
Kasi pang-international ang YouTube.

802
00:47:52,200 --> 00:47:55,880
Ngayon kasi, di na magkakasundo
ang mga YouTuber, di ba?

803
00:48:01,120 --> 00:48:03,280
Masaya ako pero malungkot din.

804
00:48:05,880 --> 00:48:09,559
Dati, tahimik ang lugar namin.
Parang magkakapamilya kami.

805
00:48:09,560 --> 00:48:11,759
Oo, maganda ka.

806
00:48:11,760 --> 00:48:14,680
Pero nang nagtagal, nagkawatak-watak kami.

807
00:48:18,480 --> 00:48:21,560
Ayaw na nga naming magtinginan noon.

808
00:48:26,200 --> 00:48:28,720
- Uy, gumagana.
- Gusto mo ng pera?

809
00:48:30,120 --> 00:48:33,959
Naalala ko lang 'yong magagandang bagay
tungkol sa mga YouTuber na kasama namin

810
00:48:33,960 --> 00:48:35,160
bilang media outlet.

811
00:48:35,680 --> 00:48:37,719
Pero ang pinakamahalaga,

812
00:48:37,720 --> 00:48:39,799
ang ipinagmamalaki ko,

813
00:48:39,800 --> 00:48:44,119
'yong milyon-milyong tao pa rin
ang gustong makita kung ano ako.

814
00:48:44,120 --> 00:48:45,279
Ensaladang may dugo.

815
00:48:45,280 --> 00:48:48,839
Mula noon hanggang ngayon at sa hinaharap,
iniisip ko pa rin

816
00:48:48,840 --> 00:48:51,600
na may mabuti at masamang side ang media.

817
00:48:52,120 --> 00:48:53,000
Sige na.

818
00:48:54,560 --> 00:48:58,719
Di natin puwedeng asahan
na puro positibo lang ang ipapakita.

819
00:48:58,720 --> 00:49:01,480
Lahat tayo may masamang ugali.
Walang 100% na perpekto.

820
00:49:20,280 --> 00:49:23,999
Ang mga tao, may genetics sa utak

821
00:49:24,000 --> 00:49:27,879
na pumapabor sa mga may itsura.

822
00:49:27,880 --> 00:49:30,360
Mas pinaniniwalaan natin
'yong magaganda at guwapo.

823
00:49:34,760 --> 00:49:36,639
Ito 'yong bayan ko. Hello, Jee.

824
00:49:36,640 --> 00:49:38,319
- Hello.
- Hi.

825
00:49:38,320 --> 00:49:40,519
- Kasama ko 'yong mga reporter.
- Sige.

826
00:49:40,520 --> 00:49:41,360
Sige.

827
00:49:41,880 --> 00:49:45,280
Dito 'yong entrance ng eskuwelahan ko.

828
00:49:48,760 --> 00:49:51,360
Mabilis akong matuto. Matalino ako.

829
00:49:52,040 --> 00:49:55,200
Sa madaling salita, di ako nagyayabang.
Sabi 'yon ng mga teacher ko.

830
00:50:01,240 --> 00:50:04,359
Dito ako ipinanganak at lumaki.

831
00:50:04,360 --> 00:50:07,480
Kulang-kulang 15 taon din
akong tumira dito.

832
00:50:10,400 --> 00:50:13,039
Pagkatapos no'n, tumira ako sa Bangkok.

833
00:50:13,040 --> 00:50:15,360
Do'n ako nagkaroon ng mga experience.

834
00:50:19,040 --> 00:50:23,119
May experience ako sa security work,
katulad ng pulis at sundalo.

835
00:50:23,120 --> 00:50:26,239
'Yong ganitong ugali ko, galing sa…

836
00:50:26,240 --> 00:50:27,999
Head ako ng security noon.

837
00:50:28,000 --> 00:50:32,840
Kung may nanakit sa hotel guests,
kailangan kong imbestigahan, di ba?

838
00:50:37,000 --> 00:50:41,199
Ang grandiose type, naniniwalang
may espesyal silang kapangyarihan.

839
00:50:41,200 --> 00:50:44,640
Ang maling pag-iisip na ito
ay tinatawag na delusion.

840
00:50:46,760 --> 00:50:49,959
Mas naging maingat ako sa kilos ko,

841
00:50:49,960 --> 00:50:52,959
kasi naging kilalang tao na ako.

842
00:50:52,960 --> 00:50:55,120
Gusto ng lahat malaman ang buhay ko.

843
00:50:57,200 --> 00:50:59,719
Sa ganitong karakter,
di mapapansin ng karaniwang tao

844
00:50:59,720 --> 00:51:04,679
ang anumang kakaiba
o kahina‑hinala sa kaso.

845
00:51:04,680 --> 00:51:09,319
Pero sa mata ng awtoridad,
siguradong kahina‑hinala ito.

846
00:51:09,320 --> 00:51:12,639
Pero hindi puwedeng hinala lang
ang basehan ng hatol.

847
00:51:12,640 --> 00:51:15,879
Kailangan natin ng forensic evidence

848
00:51:15,880 --> 00:51:18,080
at physical evidence.

849
00:51:20,920 --> 00:51:23,880
Salamat sa panonood. Dumating na si Phol.

850
00:51:24,480 --> 00:51:28,520
SOMKIAT ROJANAWARAKAMON
ABOGADO

851
00:51:30,000 --> 00:51:32,839
No'ng una kong makilala si Phol,

852
00:51:32,840 --> 00:51:35,319
naawa ako at gusto ko siyang tulungan.

853
00:51:35,320 --> 00:51:39,040
Anim na kaso ang hinawakan ko
para kina Phol at Taen.

854
00:51:41,640 --> 00:51:45,680
No'ng nakasama ko na siya
at nakilala ko na siya,

855
00:51:46,320 --> 00:51:47,600
nagbago ang pananaw ko.

856
00:51:50,600 --> 00:51:54,159
Nakita kong hindi ordinaryo si Phol
gaya ng una kong inisip.

857
00:51:54,160 --> 00:51:56,519
Sa tingin ko, matalino siya.

858
00:51:56,520 --> 00:51:58,079
Matalino talaga.

859
00:51:58,080 --> 00:52:01,279
At minsan, mainitin ang ulo.

860
00:52:01,280 --> 00:52:03,120
Medyo makasarili.

861
00:52:06,600 --> 00:52:09,119
Narinig ko sa mga tagabaryo

862
00:52:09,120 --> 00:52:11,600
na dalawa ang personalidad niya,

863
00:52:12,480 --> 00:52:14,440
isa kapag masaya siya at isa kapag hindi.

864
00:52:19,480 --> 00:52:23,120
Nasa likod ako ng bahay niya.
Umupa ako ng kubo sa likod.

865
00:52:25,400 --> 00:52:27,679
Minsan, paggising niya, makikita ko siya,

866
00:52:27,680 --> 00:52:30,200
sumisigaw, sinisigawan 'yong asawa niya.

867
00:52:34,360 --> 00:52:37,960
Hindi gano'n ang tono
na ginagamit niya sa interview.

868
00:52:40,280 --> 00:52:41,999
Hindi malumanay.

869
00:52:42,000 --> 00:52:44,919
Sa halip, malakas at matapang.

870
00:52:44,920 --> 00:52:48,880
Iba siya sa harap at likod ng camera.

871
00:52:49,400 --> 00:52:51,119
Nagkaproblema.

872
00:52:51,120 --> 00:52:53,159
Nagkaproblema siya sa reporter.

873
00:52:53,160 --> 00:52:54,719
Nauna akong kumausap sa 'yo.

874
00:52:54,720 --> 00:52:58,279
Siguro na-stress at na-pressure siya
sa dami ng nangyayari,

875
00:52:58,280 --> 00:53:00,440
kasama na ang pagiging suspek.

876
00:53:01,120 --> 00:53:05,080
At pare-pareho lang 'yong mga issue
na kino-cover ng mga journalist.

877
00:53:05,680 --> 00:53:08,399
Patingin kung anong channel.
Sige, akin na.

878
00:53:08,400 --> 00:53:09,759
Akin na 'yong mic.

879
00:53:09,760 --> 00:53:11,439
Hahawakan ko. Itong channel.

880
00:53:11,440 --> 00:53:12,799
- Bitawan mo.
- Di pwede.

881
00:53:12,800 --> 00:53:14,919
Hahawakan ko. Okay lang. Pahawak.

882
00:53:14,920 --> 00:53:16,519
- Itong channel.
- Okay lang.

883
00:53:16,520 --> 00:53:17,919
Pahawak. Ano ba'ng problema?

884
00:53:17,920 --> 00:53:19,439
- Wag mo 'kong saktan.
- Akin na.

885
00:53:19,440 --> 00:53:20,440
- Okay lang!
- Okay.

886
00:53:21,080 --> 00:53:24,079
Nakita namin na mainitin ang ulo niya.

887
00:53:24,080 --> 00:53:27,000
- Sir!
- Sir…

888
00:53:28,520 --> 00:53:30,199
- Wag mo 'kong sasaktan.
- Hindi nga.

889
00:53:30,200 --> 00:53:33,039
Reporter ako.
Ginagawa ko lang ang trabaho ko.

890
00:53:33,040 --> 00:53:35,279
Wag mo akong sasaktan.

891
00:53:35,280 --> 00:53:37,000
Wala akong ginagawang masama.

892
00:53:45,840 --> 00:53:48,039
Tayong mga tao,
kapag kinurot, nasasaktan doon.

893
00:53:48,040 --> 00:53:51,239
Masakit kung saan ka kinurot,
hindi sa ibang parte.

894
00:53:51,240 --> 00:53:53,439
Kapag kinurot mo 'yong puso ko,
doon masakit.

895
00:53:53,440 --> 00:53:54,519
Kaya sabi ko,

896
00:53:54,520 --> 00:53:56,280
nasaktan mo 'yong damdamin ko

897
00:53:56,800 --> 00:53:59,200
kahit mabait ako sa inyong mga reporter.

898
00:54:05,080 --> 00:54:08,040
<i>Balikan natin 'yong araw
na natagpuan 'yong katawan ni Chompoo.</i>

899
00:54:12,360 --> 00:54:16,240
MAY 14, 2020
NATAGPUAN ANG KATAWAN NI CHOMPOO

900
00:54:19,920 --> 00:54:22,240
Kumusta si Phol no'ng makita ang bata?

901
00:54:23,360 --> 00:54:24,799
Di siya agad umiyak.

902
00:54:24,800 --> 00:54:26,039
Di ba siya agad umiyak?

903
00:54:26,040 --> 00:54:27,200
Hindi, di agad.

904
00:54:27,720 --> 00:54:28,879
<i>Nahanap na namin.</i>

905
00:54:28,880 --> 00:54:29,720
Oo.

906
00:54:31,520 --> 00:54:33,280
Nakita na natin siya. Sabihin mo.

907
00:54:35,200 --> 00:54:36,560
Ikaw ba 'yong tatay?

908
00:54:38,560 --> 00:54:40,440
- Nahanap na natin.
- Siya 'yong tatay.

909
00:54:42,360 --> 00:54:45,080
<i>…magbigay ng signal.</i>

910
00:54:45,600 --> 00:54:47,280
- Uy!
<i>- May naririnig akong umiiyak.</i>

911
00:54:50,800 --> 00:54:53,559
Umiyak siya
no'ng dumating 'yong mga reporter.

912
00:54:53,560 --> 00:54:55,759
Magkasunod lang sila.

913
00:54:55,760 --> 00:54:58,160
Ilang minuto lang ang agwat.

914
00:55:00,320 --> 00:55:05,279
<i>Tugma 'yon sa theory ng crocodile tears.</i>

915
00:55:05,280 --> 00:55:09,720
<i>Nagpapanggap na umiiyak
para pagtakpan ang kasalanan.</i>

916
00:55:12,480 --> 00:55:13,840
Pinalabas ng mga tao

917
00:55:14,800 --> 00:55:18,359
na masama ako sa mata ng media.

918
00:55:18,360 --> 00:55:22,279
Sabi nila, mainitin ang ulo ko
at malamang, ako ang suspek.

919
00:55:22,280 --> 00:55:24,759
"Kita mo? Mainitin ang ulo."

920
00:55:24,760 --> 00:55:27,640
"Baka may nagawa siya sa bata
nang di nag-iisip."

921
00:55:31,760 --> 00:55:34,799
Isang araw, kinausap ako ng mga pulis.

922
00:55:34,800 --> 00:55:37,239
Parang kumakain lang kami ng mga officer.

923
00:55:37,240 --> 00:55:39,639
Naisip ko, baka natukoy na nila
'yong salarin.

924
00:55:39,640 --> 00:55:42,199
Sa madaling salita,
pagkatapos kong pakinggan lahat,

925
00:55:42,200 --> 00:55:45,159
alam kong si Mang Phol ang tinutukoy nila.

926
00:55:45,160 --> 00:55:47,839
Ang trabaho ng pulis ngayong linggo

927
00:55:47,840 --> 00:55:51,999
ay ang pagtipon sa mga grupong
naghanap kay Chompoo

928
00:55:52,000 --> 00:55:54,719
mula May 11 hanggang 14.

929
00:55:54,720 --> 00:55:59,440
Pinagsama-sama nila
para i-reenact 'yong nangyari noon.

930
00:56:01,200 --> 00:56:04,879
Nag-imbestiga ang mga pulis
at tinanong kaming lahat.

931
00:56:04,880 --> 00:56:07,439
Isang tao lang ang di malinaw ang sagot.

932
00:56:07,440 --> 00:56:08,439
FORENSIC POLICE

933
00:56:08,440 --> 00:56:10,599
Nasaan ka noong araw na 'yon,
at anong oras?

934
00:56:10,600 --> 00:56:12,640
Tinanggal ng pulis 'yong may mga alibi.

935
00:56:13,680 --> 00:56:14,920
Tinanggal nila lahat.

936
00:56:15,600 --> 00:56:18,320
Ang natira, si Mang Phol lang.

937
00:56:20,360 --> 00:56:22,760
Ito ang mga pangunahing saksi

938
00:56:23,280 --> 00:56:26,160
na posibleng may alam
kung sino ang kumuha sa bata.

939
00:56:27,040 --> 00:56:27,959
Dalawang tao,

940
00:56:27,960 --> 00:56:29,920
'yong tatay ni Bam at…

941
00:56:30,440 --> 00:56:33,079
- Tawag nila sa kanya, Manang Nom.
- Um…

942
00:56:33,080 --> 00:56:34,239
Nangongolekta ng kahoy.

943
00:56:34,240 --> 00:56:36,559
Nasa rubber plantation sila,

944
00:56:36,560 --> 00:56:40,439
na puwedeng lakarin papunta sa lugar
kung saan nawala 'yong bata.

945
00:56:40,440 --> 00:56:41,879
Malapit sa bangkay niya.

946
00:56:41,880 --> 00:56:44,520
No'ng oras na ginagawa ng salarin
ang krimen.

947
00:56:45,360 --> 00:56:48,600
WATCHARIN KONGKAENTHAO
"TATAY NI BAM," TAGABARYO

948
00:56:49,240 --> 00:56:54,080
Tiningnan ko 'yong katabing plantasyon
at nakita ko si Phol, tatay ni Ohm.

949
00:56:54,680 --> 00:56:55,599
MAY 11, 2020

950
00:56:55,600 --> 00:56:57,680
9:00-10:00 A.M.,
ARAW NG PAGKAWALA

951
00:57:00,720 --> 00:57:02,639
Nakita ko siyang nagmamasid.

952
00:57:02,640 --> 00:57:05,880
Nagtaka ako kung bakit.
Naisip kong kakaiba 'yon.

953
00:57:07,440 --> 00:57:09,600
Kaya tinanong ko siya.

954
00:57:13,760 --> 00:57:14,679
Tinanong ko siya,

955
00:57:14,680 --> 00:57:19,119
"Phol, maghihiwa ka ba ng rubber tree?"
Pinapayagan siya ng may-ari, e.

956
00:57:19,120 --> 00:57:20,839
Pumunta pa rin siya. Oo.

957
00:57:20,840 --> 00:57:24,159
Ako, may testigo ako,
pero di ko puwedeng sabihin.

958
00:57:24,160 --> 00:57:28,559
Nakita ng testigong 'yon ang salarin,
pero sabi ng pulis, wag daw magsasalita,

959
00:57:28,560 --> 00:57:32,319
kaya sinabi ko sa news station
na siya 'yong pangunahing testigo.

960
00:57:32,320 --> 00:57:35,799
Sabi ng pulis, wag daw naming ilabas,
kaya hindi namin nilabas.

961
00:57:35,800 --> 00:57:38,400
May lolang nakakita
ng taong may buhat na bata.

962
00:57:39,120 --> 00:57:42,799
Galing sila sa likod ng bahay ng bata,
sa mga puno ng kawayan.

963
00:57:42,800 --> 00:57:45,240
Pinatahimik kami ng pulis,
kaya tumahimik kami.

964
00:57:46,160 --> 00:57:47,080
Sino'ng nagbubuhat?

965
00:57:48,360 --> 00:57:49,880
'Yong suspek.

966
00:57:56,320 --> 00:57:57,839
Hindi ako nakikialam.

967
00:57:57,840 --> 00:58:00,320
Nag-aalala ba ako sa iba? Oo.

968
00:58:02,560 --> 00:58:04,520
Ikukuwento ko 'yong sa tatay ni Bam.

969
00:58:05,360 --> 00:58:09,199
'Yong tatay ni Bam,
mahalaga siya sa kaso, eye witness siya.

970
00:58:09,200 --> 00:58:11,519
- Oo.
- Di nagbago ang testimonya niya.

971
00:58:11,520 --> 00:58:14,000
Pagkatapos kong makita 'yong balita,
kinabukasan…

972
00:58:16,400 --> 00:58:19,199
pumunta ako sa bahay ng tatay ni Bam,
sa tapat ng bahay ko.

973
00:58:19,200 --> 00:58:20,560
Sa tapat lang.

974
00:58:21,120 --> 00:58:23,039
Sabi ko, "'Yong sinabi mo sa balita,

975
00:58:23,040 --> 00:58:25,200
totoo ba 'yon o nagkamali ka lang?"

976
00:58:27,600 --> 00:58:30,560
Galit sa akin 'yong mga tao
sa paligid niya.

977
00:58:31,160 --> 00:58:35,360
Sinubukan nila akong takutin,
tinakot ako nang husto.

978
00:58:36,080 --> 00:58:38,280
Pumunta sila sa bahay ko no'ng gabi.

979
00:58:41,920 --> 00:58:45,720
Inambahan nila ako ng bakal.
May dala silang kutsilyo.

980
00:58:47,440 --> 00:58:48,800
Gusto nila akong saksakin.

981
00:58:50,760 --> 00:58:53,080
Nakaalerto ako, handang lumaban.

982
00:58:53,800 --> 00:58:57,400
Tapos naduwag sila
at sinigawan ako bago umalis.

983
00:59:00,880 --> 00:59:04,039
No'ng nalaman mong
si Phol ang pinaghihinalaan,

984
00:59:04,040 --> 00:59:05,880
sinabihan ka bang maghintay?

985
00:59:08,960 --> 00:59:11,560
Gusto ko na siyang maaresto.

986
00:59:12,360 --> 00:59:14,199
Pero para maaresto siya,

987
00:59:14,200 --> 00:59:18,319
kailangan ng matibay na ebidensiya
para di siya makatakas at manlaban.

988
00:59:18,320 --> 00:59:19,640
Naghintay ako ng ebidensiya.

989
00:59:20,280 --> 00:59:21,919
…two, three, four.

990
00:59:21,920 --> 00:59:23,400
Ibang pose pa.

991
00:59:27,800 --> 00:59:31,639
Sa kaso ni Chompoo,
kailangang masiguro ng mga pulis

992
00:59:31,640 --> 00:59:34,079
na may forensic evidence kami

993
00:59:34,080 --> 00:59:37,280
na nagpapatunay
na sangkot si Phol sa kaso.

994
00:59:38,400 --> 00:59:42,240
Ininspeksyon ng pulis ang kotse ni Phol
na sinasakyan ni Chompoo.

995
00:59:42,760 --> 00:59:45,280
Kahit saan siya pumunta,
lagi siyang nakikisakay doon.

996
00:59:48,920 --> 00:59:50,999
No'ng binuksan ko 'yong pinto

997
00:59:51,000 --> 00:59:53,080
sa magkabilang gilid

998
00:59:53,600 --> 00:59:56,479
at itinaas 'yong windshield wipers,

999
00:59:56,480 --> 00:59:58,279
lumayo ako sa kotse.

1000
00:59:58,280 --> 01:00:01,079
"Sige, gawin n'yo na ang gusto n'yo."

1001
01:00:01,080 --> 01:00:02,920
"Gusto n'yong inspeksyunin? Sige."

1002
01:00:08,520 --> 01:00:11,440
Pumasok sila sa kotse
at ininspeksyon 'yong ganito, ganyan.

1003
01:00:12,040 --> 01:00:15,759
Ginawa nila ang trabaho nila
habang nakatayo ako,

1004
01:00:15,760 --> 01:00:18,760
nakapamewang, nanonood,
"Ano'ng gagawin nila sa 'kin?"

1005
01:00:19,440 --> 01:00:20,280
Tama na.

1006
01:00:21,120 --> 01:00:21,960
Ibaba mo.

1007
01:00:24,280 --> 01:00:25,639
Paano 'yong gitna?

1008
01:00:25,640 --> 01:00:28,520
Sabi ko, "Parang mali 'to."

1009
01:00:29,560 --> 01:00:32,079
Di ko alam kung saan nila kinuha
'yong mga buhok,

1010
01:00:32,080 --> 01:00:35,960
pero sabi sa balita,
kinuha nila 'yon sa kung saan.

1011
01:00:38,720 --> 01:00:42,600
Nag-uniporme sila
at nilagyan ng yellow tape 'yong lugar.

1012
01:00:43,760 --> 01:00:46,320
Nagulat ako sa nangyayari sa paligid.

1013
01:00:49,000 --> 01:00:52,440
Tinanong nila ako
kung ano ang suot namin no'ng 11.

1014
01:00:53,400 --> 01:00:55,239
Di ko na maalala. Matagal na 'yon.

1015
01:00:55,240 --> 01:00:57,800
Di ko rin inintindi
kung ano'ng sinusuot ko.

1016
01:00:59,040 --> 01:01:02,280
Isinusuot ko lang kung ano'ng meron,
kaya di ko maalala.

1017
01:01:03,560 --> 01:01:06,279
At di ko nililinis
'yong loob ng sasakyan ko.

1018
01:01:06,280 --> 01:01:08,000
Paano ko masisiguro na totoo 'yon?

1019
01:01:09,320 --> 01:01:10,959
Di ko alam kung ano'ng dala nila,

1020
01:01:10,960 --> 01:01:13,599
ano'ng kinuha nila,
o saan nila kinuha 'yon.

1021
01:01:13,600 --> 01:01:15,840
Di nila pinakita sa 'kin. Bakit hindi?

1022
01:01:17,080 --> 01:01:19,959
'Yong isa sa mga buhok
na nakita sa kotse ni Mang Phol

1023
01:01:19,960 --> 01:01:22,759
ay may cross-section
sa gilid ng surface nito

1024
01:01:22,760 --> 01:01:25,879
na katulad ng angle
ng dalawang buhok ng bata.

1025
01:01:25,880 --> 01:01:27,799
At may tatlong buhok na nakuha

1026
01:01:27,800 --> 01:01:30,840
malapit kung saan natagpuan
ang katawan ni Chompoo.

1027
01:01:32,200 --> 01:01:35,239
PHYSICAL EVIDENCE

1028
01:01:35,240 --> 01:01:36,439
Parang mga lubid.

1029
01:01:36,440 --> 01:01:39,639
Mahalaga lahat ng ebidensiya at saksi,
kasama na ang buhok,

1030
01:01:39,640 --> 01:01:41,280
sa forensic science.

1031
01:01:41,800 --> 01:01:43,239
Konektado 'yan lahat.

1032
01:01:43,240 --> 01:01:46,360
CRIME SCENE INVESTIGATION KIT

1033
01:01:50,320 --> 01:01:52,919
'Yong buhok na nahulog sa kotse
at sa crime scene,

1034
01:01:52,920 --> 01:01:56,439
pinutol gamit ang parehong patalim,
isang kutsilyo.

1035
01:01:56,440 --> 01:01:57,839
'Yon ang malaking bagay.

1036
01:01:57,840 --> 01:02:00,239
MAPPING/MEASUREMENT KIT

1037
01:02:00,240 --> 01:02:03,160
Gumamit ng synchrotron ang pulis.
Scientific facility 'yon.

1038
01:02:07,680 --> 01:02:11,039
Synchrotron light source
ang machine na 'to.

1039
01:02:11,040 --> 01:02:13,960
Napakalaki nitong makina.

1040
01:02:14,480 --> 01:02:18,759
Naglalabas ng radiation
ang synchrotron light bilang X-rays,

1041
01:02:18,760 --> 01:02:22,719
at mas matindi ang radiation
kaysa sa ordinaryong radiation.

1042
01:02:22,720 --> 01:02:26,400
Kaya napakadetalyado ng analysis.

1043
01:02:27,760 --> 01:02:28,719
Synchrotron.

1044
01:02:28,720 --> 01:02:32,319
May hiwa ang buhok ni Chompoo
na nakita sa crime scene,

1045
01:02:32,320 --> 01:02:34,799
at may nakita pa silang buhok
sa kotse ni Phol.

1046
01:02:34,800 --> 01:02:38,240
Minagnify nila ang mga hibla,
at konektado nga.

1047
01:02:38,760 --> 01:02:40,439
Kaya naniniwala sila

1048
01:02:40,440 --> 01:02:43,719
na noong namatay si Chompoo,
malamang nandoon si Phol.

1049
01:02:43,720 --> 01:02:45,159
METIKULOSO ANG TRABAHO NILA

1050
01:02:45,160 --> 01:02:48,680
MAHIRAP MAKALUSOT
KUNG MAY GANITONG FORENSIC EVIDENCE

1051
01:03:01,760 --> 01:03:04,200
Noon, di namin alam
kung ba't niya pinutol 'yon.

1052
01:03:07,200 --> 01:03:08,839
Tinanong ko 'yong mga tagabaryo,

1053
01:03:08,840 --> 01:03:11,280
kulam daw 'yon,
ginagapos niya ang mga kaluluwa.

1054
01:03:15,640 --> 01:03:17,919
Maraming teorya para ipaliwanag 'yon.

1055
01:03:17,920 --> 01:03:20,039
AKARAPONG KHAMKOON
PROFESSOR IN THAI STUDIES

1056
01:03:20,040 --> 01:03:23,240
Baka human sacrifice?

1057
01:03:25,840 --> 01:03:28,120
Ayon sa paniniwala ng Thai,

1058
01:03:28,640 --> 01:03:30,279
minsan, may inaalay

1059
01:03:30,280 --> 01:03:32,199
na isang batang birhen,

1060
01:03:32,200 --> 01:03:35,480
'yong wala pang nobyo o asawa.

1061
01:03:36,320 --> 01:03:40,239
Nangyayari din 'to sa Western movies,
kung saan inaalay ang mga birhen at dugo

1062
01:03:40,240 --> 01:03:41,240
kay Satanas.

1063
01:03:41,760 --> 01:03:43,319
May mga ganyan sila.

1064
01:03:43,320 --> 01:03:44,839
Posible 'yon.

1065
01:03:44,840 --> 01:03:47,319
Maraming motibo.

1066
01:03:47,320 --> 01:03:50,439
Posible kayang kinuha niya si Chompoo
o 'yong damit niya

1067
01:03:50,440 --> 01:03:52,279
para gamitin sa kung ano?

1068
01:03:52,280 --> 01:03:56,839
Kung kulam nga talaga 'to, posible.

1069
01:03:56,840 --> 01:03:59,240
Sa pananaw naming
mga tagahilagang-silangan.

1070
01:04:01,800 --> 01:04:06,040
Dapat may bagay na nasa damit
para makilala ang salarin.

1071
01:04:07,720 --> 01:04:10,840
Gusto nila akong idikit sa kulam.

1072
01:04:12,080 --> 01:04:15,760
Wala akong kinalaman sa kulam
o kung ano pa 'yon.

1073
01:04:16,400 --> 01:04:20,040
Sinabi pa nila
na binaligtad ko 'yong insenso.

1074
01:04:23,640 --> 01:04:25,439
'Yong pagbaligtad ng insenso

1075
01:04:25,440 --> 01:04:29,439
at 'yong mga gano'n,
ibig sabihin, ayaw niyang mangako.

1076
01:04:29,440 --> 01:04:33,240
Ayaw niyang mag-commit
sa obligasyong 'yon.

1077
01:04:34,760 --> 01:04:40,280
Paraan 'yon para pigilan,
para tanggihan ang pangako.

1078
01:04:45,480 --> 01:04:46,399
At 'yong mga puno?

1079
01:04:46,400 --> 01:04:48,399
- Maganda? O gusto mo 'tong angle?
- Maganda.

1080
01:04:48,400 --> 01:04:52,959
MASTER MAHAMUNI
YOUTUBER

1081
01:04:52,960 --> 01:04:56,639
Ang pagputol ng buhok
ay paraan para itago ang isang bagay.

1082
01:04:56,640 --> 01:04:59,039
Ang pagputol sa buhok niya,
pagtanggal sa damit,

1083
01:04:59,040 --> 01:05:00,639
at pag-iwan sa kanya nang hubad,

1084
01:05:00,640 --> 01:05:04,239
ginawa 'yon para ilihis
ang atensyon sa katotohanan.

1085
01:05:04,240 --> 01:05:05,159
Kuha mo?

1086
01:05:05,160 --> 01:05:07,639
Kunwari, ako 'yong kumuha sa bata.

1087
01:05:07,640 --> 01:05:11,639
Matatakot akong malaman ng mga tao
na ako ang kumuha, kaya huhubaran ko siya

1088
01:05:11,640 --> 01:05:14,560
para magmukhang dinukot siya
para gahasain.

1089
01:05:15,680 --> 01:05:19,279
<i>'Yong katawan niya,
pinagplanuhan 'yon, di ba?</i>

1090
01:05:19,280 --> 01:05:22,999
<i>Kinuha ang damit niya.
Ang iisipin mo do'n, "Sexual abuse ba?"</i>

1091
01:05:23,000 --> 01:05:26,240
<i>- Oo.
- Di ba? Para masisi ang iba.</i>

1092
01:05:27,240 --> 01:05:31,000
Habang nanonood ng balita,
naisip kong di naniwala ang mga tao…

1093
01:05:33,320 --> 01:05:36,399
kasi mukha siyang ordinaryong probinsyano

1094
01:05:36,400 --> 01:05:38,879
na namumuhay lang sa probinsiya.

1095
01:05:38,880 --> 01:05:40,479
Di siya gagawa ng masama.

1096
01:05:40,480 --> 01:05:43,719
At higit sa lahat,
tiyuhin siya ni Chompoo,

1097
01:05:43,720 --> 01:05:45,680
at malapit siya do'n sa bata.

1098
01:05:49,680 --> 01:05:52,280
Tingnan mo siya. Tingnan mo nang maigi.

1099
01:05:52,800 --> 01:05:56,599
Magagawa ba 'yon ng isang tito
sa pamangkin niya?

1100
01:05:56,600 --> 01:06:00,319
Bakit siya aabot sa gano'n?
Ano'ng dahilan?

1101
01:06:00,320 --> 01:06:03,040
Dapat may motibo at dahilan.

1102
01:06:07,000 --> 01:06:11,400
Pag may pumapatay,
di lang dahil gusto lang nilang gawin.

1103
01:06:13,680 --> 01:06:15,799
<i>Bago pa ang kaso ni Chompoo,</i>

1104
01:06:15,800 --> 01:06:18,320
<i>may alitan na sa pamilya nila.</i>

1105
01:06:20,680 --> 01:06:22,599
ALAM KONG TUNGKOL SA PERA 'YAN

1106
01:06:22,600 --> 01:06:25,480
HINDI TAMA O MALI ANG BASEHAN NILA
KUNDI ANG KASAKIMAN

1107
01:06:28,000 --> 01:06:30,639
Pagdating sa utang, sa totoo lang,

1108
01:06:30,640 --> 01:06:32,719
siya lang ang nanghihiram sa akin.

1109
01:06:32,720 --> 01:06:36,279
Hihiram siya ng pera at di magbabayad,
kaya kailangan kong singilin.

1110
01:06:36,280 --> 01:06:39,320
Wala akong utang sa kanya.
Siya ang may utang sa 'kin.

1111
01:06:41,160 --> 01:06:46,239
Simula no'ng magsama-sama ang pamilya,
may nangyari na bang ganito kaseryoso?

1112
01:06:46,240 --> 01:06:48,919
Wala pang ganito kaseryoso.

1113
01:06:48,920 --> 01:06:51,519
- Okay.
- Mga maliit na away lang.

1114
01:06:51,520 --> 01:06:55,319
No'ng una, gusto kong tanungin si Phol
kung ginawa niya talaga.

1115
01:06:55,320 --> 01:06:56,760
Kung ginawa niya talaga,

1116
01:06:57,400 --> 01:07:00,199
dapat umamin siya na parang lalaki.

1117
01:07:00,200 --> 01:07:03,679
Kung ginawa nga niya,
bakit niya ginawa 'yon sa bata?

1118
01:07:03,680 --> 01:07:05,639
Para saan? Ano'ng galit niya?

1119
01:07:05,640 --> 01:07:09,319
Kung galit siya sa amin,
dapat sa amin siya nagalit.

1120
01:07:09,320 --> 01:07:10,680
Sa akin siya magalit.

1121
01:07:11,280 --> 01:07:12,520
Wag sa bata.

1122
01:07:23,680 --> 01:07:27,359
<i>Humingi ng arrest warrant ang pulis
sa Mukdahan Provincial Court</i>

1123
01:07:27,360 --> 01:07:30,839
<i>para kay Mr. Chaiphol Wipha, o Phol,
sa tatlong kaso.</i>

1124
01:07:30,840 --> 01:07:33,759
<i>Ang mga kaso,
pagdukot sa bata na edad 15 o mas bata</i>

1125
01:07:33,760 --> 01:07:35,320
<i>mula sa mga magulang,</i>

1126
01:07:35,840 --> 01:07:38,279
<i>pag-abandona sa bata na edad 9 o mas bata</i>

1127
01:07:38,280 --> 01:07:40,599
<i>na may intensiyong iwan siya</i>

1128
01:07:40,600 --> 01:07:44,080
<i>nang walang tagapag-alaga.</i>

1129
01:07:47,400 --> 01:07:48,319
<i>Sandali. Wag.</i>

1130
01:07:48,320 --> 01:07:50,080
Sige. Okay lang. Sige.

1131
01:07:52,240 --> 01:07:53,879
- Atras.
- Ilang minuto pa?

1132
01:07:53,880 --> 01:07:57,400
Aarestuhin namin si Mr. Chaiphol
dahil may warrant siya.

1133
01:08:00,160 --> 01:08:02,959
- Tagal naming naghintay.
- Sinusundan pa rin namin.

1134
01:08:02,960 --> 01:08:04,519
<i>Kinasuhan din ang asawa ni Phol.</i>

1135
01:08:04,520 --> 01:08:06,799
<i>Dalawang kaso ang isinampa kay Taen,</i>

1136
01:08:06,800 --> 01:08:10,799
<i>kabilang ang pakikialam sa bangkay
para baguhin ang resulta ng kaso.</i>

1137
01:08:10,800 --> 01:08:13,599
<i>- Pareho 'to sa kaso ni Phol.
- Oo.</i>

1138
01:08:13,600 --> 01:08:17,480
<i>Pangalawa, pagiging kasabwat
sa paggawa ng krimen.</i>

1139
01:08:19,000 --> 01:08:20,759
Teka, parang iba na yata 'to.

1140
01:08:20,760 --> 01:08:23,000
Naguluhan ako kung bakit
may warrant sa akin.

1141
01:08:25,600 --> 01:08:28,960
<i>Sumuko ako sa Royal Thai Police
para patunayan na wala akong kasalanan.</i>

1142
01:08:30,600 --> 01:08:31,960
Mang Phol?

1143
01:08:34,440 --> 01:08:35,359
<i>Naku!</i>

1144
01:08:35,360 --> 01:08:37,279
<i>- Kakaiba 'to.
- Oo nga.</i>

1145
01:08:37,280 --> 01:08:41,600
<i>Isang suspek na isinama
gamit ang helicopter ng pulis.</i>

1146
01:08:44,960 --> 01:08:48,360
Parang malaking drug dealer
ang naging trato nila sa 'kin.

1147
01:08:51,080 --> 01:08:54,480
{\an8}ROYAL THAI POLICE

1148
01:08:55,560 --> 01:08:58,080
Isinama ako ng pulis sa helicopter.

1149
01:09:01,920 --> 01:09:04,360
Mga fan ko 'yong mga pulis sa Hummer.

1150
01:09:05,560 --> 01:09:07,879
Nag-selfie kami na parang magkaibigan.

1151
01:09:07,880 --> 01:09:10,440
Pinahawak pa sa akin ang susi
tapos nagpa-picture sila.

1152
01:09:11,360 --> 01:09:14,120
Grabe. "Gusto kita." Mga gan'on.

1153
01:09:18,560 --> 01:09:20,200
Kumaliwa ka.

1154
01:09:21,840 --> 01:09:24,879
No'ng sumunod na araw, nasa selda na ako.

1155
01:09:24,880 --> 01:09:28,439
First time ko doon.
Nandoon ako no'ng sumunod na araw.

1156
01:09:28,440 --> 01:09:30,999
Kinanta ko 'yong kanta ko,
"Ang Totoo sa Puso Ko."

1157
01:09:31,000 --> 01:09:34,559
<i>Inakusahan ako ng maling gawain</i>

1158
01:09:34,560 --> 01:09:38,120
<i>O, kay hirap ng buhay</i>

1159
01:09:38,720 --> 01:09:44,079
<i>Binigay ko sa 'yo ang pagmamahal ko
Inalagaan kita habang nandito ka</i>

1160
01:09:44,080 --> 01:09:46,720
'Yong pulis na nakaupo roon…

1161
01:09:50,160 --> 01:09:54,319
Sa halip na pigilan ako…
"Hoy, suspek ka. Nakakulong ka."

1162
01:09:54,320 --> 01:09:57,239
Nasa ibaba 'yong mga YouTuber
at nagre-record.

1163
01:09:57,240 --> 01:09:59,040
"Uy, kumakanta si Phol. Tingnan mo!"

1164
01:10:00,080 --> 01:10:03,720
DECEMBER 20, 2023
MUKDAHAN PROVINCIAL COURT

1165
01:10:05,920 --> 01:10:08,919
Ngayong araw, itinakda
ng Court of First Instance ng Mukdahan

1166
01:10:08,920 --> 01:10:12,479
ang pagbasa ng hatol sa kaso ni Chompoo.

1167
01:10:12,480 --> 01:10:15,040
Ayon sa pinakabagong update,
inilabas na ang hatol.

1168
01:10:17,960 --> 01:10:19,320
No'ng basahin 'yong hatol,

1169
01:10:19,880 --> 01:10:22,880
siniko ko 'yong abogado ko. "Ano daw?"

1170
01:10:23,400 --> 01:10:26,239
"Pan, ano'ng kaso ko?
Di ba na-dismiss na?"

1171
01:10:26,240 --> 01:10:30,080
Sabi niya, "Teka. Huminahon ka, Phol.
Makukulong ka na."

1172
01:10:31,320 --> 01:10:34,640
Umiyak na ako. Di ko napigilan.

1173
01:10:35,400 --> 01:10:37,320
Di ko alam na makukulong na ako.

1174
01:10:38,880 --> 01:10:43,079
SA THAILAND, WALANG PUBLIC REGISTER
NG HATOL NG TRIAL COURT

1175
01:10:43,080 --> 01:10:44,599
O NG COURT OF APPEAL

1176
01:10:44,600 --> 01:10:45,919
AYON SA MEDIA,

1177
01:10:45,920 --> 01:10:49,519
HINATULAN NG MUKDAHAN PROVINCIAL COURT
SI PHOL NG 20 TAON NA PAGKAKABILANGGO,

1178
01:10:49,520 --> 01:10:52,839
AT HINATULANG MAYSALA SA SECTIONS 291
AT 317 NG CRIMINAL CODE

1179
01:10:52,840 --> 01:10:55,279
PARA SA KAPABAYAAN
NA NAGDULOT NG KAMATAYAN NG IBA,

1180
01:10:55,280 --> 01:11:00,039
AT PAGKIDNAP SA ISANG BATA
NA 15 TAON O MAS BATA MULA SA MAGULANG,

1181
01:11:00,040 --> 01:11:03,879
LAHAT NG KASO LABAN KAY TAEN AY IBINASURA

1182
01:11:03,880 --> 01:11:08,120
SINABI NI PHOL NA MAG-AAPELA SIYA

1183
01:11:12,160 --> 01:11:13,719
Naiiba ang kasong ito.

1184
01:11:13,720 --> 01:11:16,399
Ngayon lang 'yong ganito
sa 20 taon ko bilang abogado.

1185
01:11:16,400 --> 01:11:18,839
Kung kaso ng pagpatay

1186
01:11:18,840 --> 01:11:22,240
o seryosong krimen,
karaniwang kinukulong agad ng korte.

1187
01:11:23,680 --> 01:11:25,040
Pinalaya siya ng korte.

1188
01:11:28,200 --> 01:11:30,439
- Hello.
- Hello.

1189
01:11:30,440 --> 01:11:34,279
<i>Mukhang umiiyak si Mang Phol.</i>

1190
01:11:34,280 --> 01:11:38,279
<i>Pero sabi niya, tinanggap niya
ang desisyon ng trial court.</i>

1191
01:11:38,280 --> 01:11:42,320
<i>Sabi niya, naiintindihan niya
at nasa mga abogado na 'yon.</i>

1192
01:11:42,840 --> 01:11:46,159
Iniisip ko pa rin kung paano
napunta 'yong buhok sa kotse ko.

1193
01:11:46,160 --> 01:11:51,479
Pero kung sa kanya talaga 'yong buhok,

1194
01:11:51,480 --> 01:11:55,119
susubukan kong ipaliwanag sa mga abogado

1195
01:11:55,120 --> 01:11:58,680
na hindi ako naglilinis ng kotse
at sumasakay lagi si Chompoo sa kotse ko.

1196
01:11:59,840 --> 01:12:02,919
Nakita n'yo akong nakipagtalo
tungkol sa synchrotron,

1197
01:12:02,920 --> 01:12:06,159
sa pagsusuri ng buhok, at sa hiwa.

1198
01:12:06,160 --> 01:12:08,319
Di ko alam kung ano 'yong hiwa na 'yon.

1199
01:12:08,320 --> 01:12:11,519
Ito ang pahayag ni Boem,
ang abogado ni Phol.

1200
01:12:11,520 --> 01:12:16,679
Ang mga hibla ng buhok
ay mga hibla ng biological matter,

1201
01:12:16,680 --> 01:12:21,480
na iba sa mga metal.

1202
01:12:22,240 --> 01:12:24,919
Di ko alam
kung gaano na katagal ang mga 'yon

1203
01:12:24,920 --> 01:12:30,679
bago nila tiningnan ang magnified images
sa ilalim ng synchrotron light.

1204
01:12:30,680 --> 01:12:35,200
At hindi scientifcally stable
'yong gano'n.

1205
01:12:44,200 --> 01:12:46,359
AUGUST 12, 2025
1 ARAW BAGO ANG APPEAL HEARING

1206
01:12:46,360 --> 01:12:50,440
Sa totoo lang, lagi kong iniisip 'yon.

1207
01:12:50,960 --> 01:12:54,279
Nasa isip ko palagi 'yong mga alaala.

1208
01:12:54,280 --> 01:12:55,480
Kapag naaalala ko,

1209
01:12:56,000 --> 01:12:57,880
lagi akong umiiyak.

1210
01:12:58,480 --> 01:13:02,239
Kung maibabalik ko lang ang oras,

1211
01:13:02,240 --> 01:13:05,400
gusto kong mas makasama pa 'yong anak ko.

1212
01:13:07,160 --> 01:13:11,040
Nakasama ko lang siya

1213
01:13:12,440 --> 01:13:16,720
nang tatlong taon at dalawang buwan.

1214
01:13:19,480 --> 01:13:20,840
Saglit na saglit lang.

1215
01:13:23,640 --> 01:13:30,360
MUKDAHAN,
NORTHEASTERN REGION, THAILAND

1216
01:13:39,800 --> 01:13:41,120
Nakahanda na ang sarili ko.

1217
01:13:41,720 --> 01:13:44,319
Para akong dalawang tao
na nasa iisang katawan.

1218
01:13:44,320 --> 01:13:48,639
Ang isa, nagtatanong, "Kung ganito
ang kalalabasan, matatanggap mo?"

1219
01:13:48,640 --> 01:13:50,639
'Yong isa, kaya nang tanggapin

1220
01:13:50,640 --> 01:13:52,319
kasi handa na ako.

1221
01:13:52,320 --> 01:13:53,959
Handa na ako sa sakit.

1222
01:13:53,960 --> 01:13:55,040
Oo.

1223
01:13:56,360 --> 01:13:57,719
Di ko maintindihan.

1224
01:13:57,720 --> 01:13:59,479
Ano 'yong motibo,

1225
01:13:59,480 --> 01:14:02,999
ano 'yong iniisip niya, paano niya ginawa,

1226
01:14:03,000 --> 01:14:05,040
para saan niya ginawa.

1227
01:14:05,560 --> 01:14:06,800
Ano'ng pangalan mo?

1228
01:14:07,640 --> 01:14:09,200
- Ipatong mo.
- Kunin mo sa baba.

1229
01:14:11,640 --> 01:14:16,840
Gusto ko, ito na ang huling ganitong kaso.
At gusto kong makamit ang hustisya.

1230
01:14:24,640 --> 01:14:30,280
Sa tingin ko, magiging aral
ang kaso ni Phol sa maraming tao.

1231
01:14:32,040 --> 01:14:34,639
Kasama na rito kung paano natin nakikita

1232
01:14:34,640 --> 01:14:37,040
ang pagbabago sa hustisya sa bansa.

1233
01:14:37,800 --> 01:14:39,599
Di lalabas ang katotohanan

1234
01:14:39,600 --> 01:14:44,880
kung makikialam ang social media
sa mga detalye ng kaso.

1235
01:14:47,160 --> 01:14:49,239
Magandang halimbawa 'yong kaso ni Phol.

1236
01:14:49,240 --> 01:14:51,920
Pati mga abogado na gaya ko, nagulat.

1237
01:14:56,840 --> 01:15:00,039
May sasabihin ako sa mga reporter
na uhaw sa balita

1238
01:15:00,040 --> 01:15:02,919
o walang pakialam
sa mga nakukuha nilang balita.

1239
01:15:02,920 --> 01:15:06,279
Kapag nangyari ito sa pamilya n'yo,
maiintindihan n'yo

1240
01:15:06,280 --> 01:15:10,680
kung gaano kahirap
na pasanin ang mga consequence.

1241
01:15:11,200 --> 01:15:15,399
Tingin mo, gaano kalakas ang social media?

1242
01:15:15,400 --> 01:15:17,320
Napakalakas talaga.

1243
01:15:20,520 --> 01:15:23,519
Kung gagawa tayo ng YouTube videos
o mga gano'ng media,

1244
01:15:23,520 --> 01:15:26,519
dapat nating tanggapin
ang mga magiging resulta.

1245
01:15:26,520 --> 01:15:30,599
Dapat nating gawin nang mabuti
at mag-isip bago magsalita.

1246
01:15:30,600 --> 01:15:34,279
Pag nailabas na natin sa social media,
di na natin mababawi

1247
01:15:34,280 --> 01:15:37,120
dahil may kapalit ang bawat salita.

1248
01:15:39,480 --> 01:15:41,599
Para siyang maliit na anghel

1249
01:15:41,600 --> 01:15:43,719
na saglit lang nabuhay

1250
01:15:43,720 --> 01:15:45,720
pero nakatulong sa 'kin na kumita.

1251
01:15:46,440 --> 01:15:48,559
Di ko ikakaila
na sumikat ako dahil sa kanya.

1252
01:15:48,560 --> 01:15:51,240
Inaamin kong sumikat ako
dahil sa kaso ni Chompoo.

1253
01:15:54,000 --> 01:15:56,440
Di kita nakilala,
pero nakita ko ang mga litrato mo.

1254
01:15:57,920 --> 01:16:01,359
Sa susunod na buhay mo,
sana magkaroon ka ng magandang buhay

1255
01:16:01,360 --> 01:16:02,959
kasama ang mga magulang mo,

1256
01:16:02,960 --> 01:16:06,839
at di ka maghirap at mamatay
sa kamay ng malupit at masamang tao.

1257
01:16:06,840 --> 01:16:08,080
Hanggang sa araw na 'to,

1258
01:16:09,240 --> 01:16:11,200
lahat ng coverage tungkol doon,

1259
01:16:11,800 --> 01:16:14,399
putsa, basura lang.

1260
01:16:14,400 --> 01:16:17,800
Parang dumaan at lumipas lang,
tapos wala na.

1261
01:16:19,040 --> 01:16:21,040
Isang nakaraan na lang.

1262
01:16:21,560 --> 01:16:22,640
Ano naman ang susunod?

1263
01:16:25,480 --> 01:16:30,760
AUGUST 13, 2025
APPEAL HEARING NI PHOL

1264
01:16:39,960 --> 01:16:41,560
MUKDAHAN PROVINCIAL COURT

1265
01:16:45,920 --> 01:16:49,480
Kumplikado at magulo ang kuwentong ito.

1266
01:16:50,440 --> 01:16:51,359
Sa wakas,

1267
01:16:51,360 --> 01:16:54,040
dumaan na ito sa justice system.

1268
01:16:55,280 --> 01:16:58,959
Mahaba at pambihira ang kuwentong ito.

1269
01:16:58,960 --> 01:17:02,159
Nagsimula ito noong 2020

1270
01:17:02,160 --> 01:17:04,079
at nagpapatuloy pa rin ngayon,

1271
01:17:04,080 --> 01:17:05,840
ngayong 2025.

1272
01:17:13,720 --> 01:17:15,679
Ano'ng pakiramdam mo? Relax?

1273
01:17:15,680 --> 01:17:16,640
Ah,

1274
01:17:17,440 --> 01:17:18,399
kinakabahan ako.

1275
01:17:18,400 --> 01:17:20,799
- Kinakabahan. Okay.
- Kinakabahan ako.

1276
01:17:20,800 --> 01:17:24,519
Alam mo naman,
hinintay ko 'tong araw na 'to,

1277
01:17:24,520 --> 01:17:28,160
ang araw na babasahin ng korte
'yong hatol.

1278
01:17:28,960 --> 01:17:30,639
- Tingnan natin.
- Okay.

1279
01:17:30,640 --> 01:17:32,200
Dapat ngayong hapon

1280
01:17:32,880 --> 01:17:34,520
may maganda nang balita.

1281
01:17:35,120 --> 01:17:37,399
Lumaban ako hanggang ngayon

1282
01:17:37,400 --> 01:17:39,919
dahil gusto kong makamit
ng pamilya ko ang hustisya

1283
01:17:39,920 --> 01:17:43,240
gaya ng ibang pamilya
na nakamit din ang hustisya.

1284
01:17:46,280 --> 01:17:48,119
Wag kayong sumigaw. Hinaan n'yo lang.

1285
01:17:48,120 --> 01:17:51,199
Gaya ng napag-usapan,
dumating ako para suportahan si Phol.

1286
01:17:51,200 --> 01:17:54,199
Bakit fan ka pa rin niya?

1287
01:17:54,200 --> 01:17:55,120
E, kasi,

1288
01:17:56,160 --> 01:17:57,640
mabait siyang tao.

1289
01:18:01,320 --> 01:18:03,199
Kahit marami nang nangyari,

1290
01:18:03,200 --> 01:18:07,279
may mga nag-iinsulto
at nag-aakusa kina Phol at Taen,

1291
01:18:07,280 --> 01:18:10,199
may tiwala pa rin sa kanila
ang natitirang YouTubers.

1292
01:18:10,200 --> 01:18:13,080
Nakita namin 'yong mga ginagawa niya

1293
01:18:13,600 --> 01:18:16,160
mula no'ng tumira kami sa Kok Kork.

1294
01:18:18,720 --> 01:18:21,879
Kapag tanghali na
at di pa rin lumalabas si Phol,

1295
01:18:21,880 --> 01:18:25,160
ibig sabihin, hinatulan siya ng korte
sa kung anumang dahilan.

1296
01:18:31,040 --> 01:18:34,559
{\an8}Tungkol sa pambihirang kaso ni Mang Phol,

1297
01:18:34,560 --> 01:18:38,639
na inakusahan na pumatay kay Chompoo,

1298
01:18:38,640 --> 01:18:41,919
ngayong araw,
inilabas na ng Court of Appeal ang hatol.

1299
01:18:41,920 --> 01:18:45,320
Nadagdagan ang sentensiya ni Mang Phol.

1300
01:18:50,560 --> 01:18:53,359
- Ginawa ng korte na 26 na taon?
- Itinaas sa 26 na taon.

1301
01:18:53,360 --> 01:18:55,000
Naku, mahihimatay ako.

1302
01:18:55,560 --> 01:18:57,639
Binasa ng Mukdahan Provincial Court

1303
01:18:57,640 --> 01:19:00,279
ang hatol ng Court of Appeal Region 4.

1304
01:19:00,280 --> 01:19:04,559
Hinatulan ng korte si Mr. Chaiphol Wipha,
ang unang akusado, sa tatlong kaso.

1305
01:19:04,560 --> 01:19:09,999
Pagkakulong sa kasong pagpatay
na may intensyon, 15 taon,

1306
01:19:10,000 --> 01:19:12,999
pagdukot sa batang edad 15 pababa
mula sa magulang,

1307
01:19:13,000 --> 01:19:14,440
sampung taon sa kulungan,

1308
01:19:15,040 --> 01:19:16,919
at pakikialam sa bangkay

1309
01:19:16,920 --> 01:19:19,799
o sa crime scene
kung saan natagpuan ang katawan

1310
01:19:19,800 --> 01:19:23,199
bago matapos ang autopsy,
isang taon sa kulungan.

1311
01:19:23,200 --> 01:19:26,599
Sa kabuuan, 26 na taon.

1312
01:19:26,600 --> 01:19:28,159
NAKAMIT NI CHOMPOO ANG HUSTISYA

1313
01:19:28,160 --> 01:19:30,720
- Magpakatatag ka.
- Tumingin ka sa camera.

1314
01:19:31,640 --> 01:19:33,399
Lahat ng pumunta rito,

1315
01:19:33,400 --> 01:19:36,319
di makakain o makatulog.

1316
01:19:36,320 --> 01:19:39,840
Di ko alam kung ano'ng sasabihin.
Ginawa namin ang lahat.

1317
01:19:58,560 --> 01:20:01,040
Lakasan mo ang loob! Halika. Sabay tayo.

1318
01:20:01,560 --> 01:20:03,079
Magpakatatag ka. Sige.

1319
01:20:03,080 --> 01:20:05,039
Mas magaan na ba ang pakiramdam mo?

1320
01:20:05,040 --> 01:20:07,799
- Mas magaan na ba? Sige.
- Laban lang.

1321
01:20:07,800 --> 01:20:08,840
Ano'ng pangalan mo?

1322
01:20:09,360 --> 01:20:10,800
Naiyak ako.

1323
01:20:11,320 --> 01:20:15,120
Mas mabigat 'yong parusa ngayon.

1324
01:20:16,840 --> 01:20:21,039
Gusto kong pasalamatan ang lahat
ng kumilos para sa kaso ni Chompoo.

1325
01:20:21,040 --> 01:20:22,680
Nakuha niya ang hustisya.

1326
01:20:26,600 --> 01:20:27,520
Ang naramdaman ko,

1327
01:20:28,120 --> 01:20:31,000
sobrang saya, nanginginig ako at umiiyak.

1328
01:20:35,880 --> 01:20:39,079
Matagal ko nang hinintay 'yon.

1329
01:20:39,080 --> 01:20:43,200
No'ng nakita nila 'yong katawan,
nag-imbestiga ang pulis.

1330
01:20:44,800 --> 01:20:46,119
Naghintay kami.

1331
01:20:46,120 --> 01:20:49,999
Naghintay kami ng dalawa, tatlong taon,
apat na taon, limang taon

1332
01:20:50,000 --> 01:20:51,720
hanggang ngayon.

1333
01:20:52,280 --> 01:20:55,000
Ngayon, nakamit na ni Chompoo
ang hustisya.

1334
01:21:09,120 --> 01:21:12,400
Hindi sapat ito.
Malungkot ako na nagawa niya 'to sa bata.

1335
01:21:15,000 --> 01:21:18,760
Gusto kong sabihin sa mga sumubaybay
sa balitang 'to mula umpisa

1336
01:21:19,840 --> 01:21:22,800
na manood muna maigi
bago tuluyang maniwala.

1337
01:21:23,320 --> 01:21:25,639
At pati rin sa media,

1338
01:21:25,640 --> 01:21:29,280
wag gawing celebrity o star ang suspect.

1339
01:21:30,360 --> 01:21:32,720
Maging etikal sa pagre-report ng balita.

1340
01:21:36,360 --> 01:21:39,079
Sana ito na 'yong huling ganitong kaso.

1341
01:21:39,080 --> 01:21:41,320
Wag gawing superstar ang kriminal.

1342
01:21:42,480 --> 01:21:44,520
Wag na sanang maulit pa 'to.

1343
01:21:49,800 --> 01:21:52,720
Sinabi ko sa anak ko,

1344
01:21:53,560 --> 01:21:56,920
sana payapa na siya ngayon
at sana'y maging anghel siya sa langit.

1345
01:22:03,600 --> 01:22:07,559
PAGKATAPOS NG HATOL
MULA SA COURT OF APPEAL,

1346
01:22:07,560 --> 01:22:11,199
MAY ISA PANG PAGKAKATAON
SINA PHOL AT ANG TAGAUSIG

1347
01:22:11,200 --> 01:22:15,840
NA UMAPELA SA SUPREME COURT NG THAILAND

1348
01:23:13,640 --> 01:23:15,960
{\an8}Nagsalin ng Subtitle: Donna Escuin



