1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:23,690 --> 00:00:25,358
<i>Kalagitnaan ng ika-18 siglo.</i>

4
00:00:25,859 --> 00:00:29,069
<i>Dahil sa magulong kondisyon sa Europa,</i>

5
00:00:29,070 --> 00:00:31,780
<i>parehong hinangad ng Pransiya at Austria</i>

6
00:00:31,781 --> 00:00:35,994
<i>na gawin panghabambuhay
ang kanilang alyansa.</i>

7
00:00:36,494 --> 00:00:39,705
<i>Kaya naman ikinasal
ang Dauphin Louis ng Pransiya</i>

8
00:00:39,706 --> 00:00:43,543
<i>at Archduchess
Marie Antoinette ng Austria.</i>

9
00:00:44,419 --> 00:00:47,005
<i>Ang panahon ay Mayo, 1770.</i>

10
00:00:47,505 --> 00:00:51,509
<i>Kararating lang sa Pransiya
ng karwahe na sakay ang babaeng ikakasal.</i>

11
00:01:15,950 --> 00:01:17,701
Ito pala ang Pransiya.

12
00:01:17,702 --> 00:01:21,748
Sa wakas, nakita ko na
ang tanawing ito at ang mga tao!

13
00:01:24,417 --> 00:01:26,377
Archduchess Marie Antoinette.

14
00:01:27,670 --> 00:01:33,133
Mula sa araw na ito,
kayo ang dauphine ng Pransiya.

15
00:01:33,134 --> 00:01:35,303
Sa inyo ang tanawin at ang mga tao.

16
00:01:38,932 --> 00:01:40,600
Tingnan ninyo!

17
00:01:41,226 --> 00:01:43,061
Nakakabighani, gaya ng dati...

18
00:01:56,616 --> 00:01:58,118
Princess Marie!

19
00:01:59,494 --> 00:02:01,954
Kondesa de Noah, sino iyan?

20
00:02:01,955 --> 00:02:02,872
Po?

21
00:02:04,499 --> 00:02:07,335
Siya po si Oscar François de Jarjayes.

22
00:02:07,919 --> 00:02:11,548
Napakagandang lalaki
ng mga panginoon sa Pransiya.

23
00:02:12,298 --> 00:02:13,800
Archduchess.

24
00:02:14,467 --> 00:02:16,635
Babae po si Oscar.

25
00:02:16,636 --> 00:02:17,554
Ha?

26
00:02:18,138 --> 00:02:20,389
Siya ang bunsong anak ni Heneral Jarjayes.

27
00:02:20,390 --> 00:02:25,145
Kahit na babae siya,
kapitan siya ng mga Guwardiya ng Hari.

28
00:02:28,314 --> 00:02:30,942
Oscar François de Jarjayes...

29
00:02:37,866 --> 00:02:41,536
{\an8}MAYO, 1770
COMPIÈGNE

30
00:02:46,332 --> 00:02:48,543
Mga Kamahalan.

31
00:02:49,127 --> 00:02:51,713
Dumating na po ang Mahal na Dauphine.

32
00:02:58,845 --> 00:03:03,141
Ikinagagalak ko pong makilala kayo,
Kamahalan. Kumusta po kayo?

33
00:03:05,810 --> 00:03:08,228
Napakagandang babae!

34
00:03:08,229 --> 00:03:12,025
Tila narito ka para magdala ng saya
sa buong Pransiya.

35
00:03:13,860 --> 00:03:14,694
Naku!

36
00:03:16,279 --> 00:03:17,321
Ngayon,

37
00:03:17,322 --> 00:03:22,285
nariyan ang apo kong si Louis,
ang dauphin at ang mapapangasawa mo.

38
00:03:26,748 --> 00:03:28,917
<i>Siya ang asawa ko?</i>

39
00:03:29,417 --> 00:03:33,171
Halika na! Hindi mo ba babatiin
ng halik ang asawa mo?

40
00:03:44,182 --> 00:03:48,227
Ngayong may dumating
na napakagandang manugang...

41
00:03:48,228 --> 00:03:50,688
<i>Hindi man lang tumibok ang puso ko.</i>

42
00:03:51,231 --> 00:03:52,607
<i>Ito na ba iyon?</i>

43
00:03:53,274 --> 00:03:54,901
Malapit na tayo.

44
00:03:59,322 --> 00:04:03,825
<i>Bunsong anak ng sikat na Emperatris
Maria Theresa ng Austria,</i>

45
00:04:03,826 --> 00:04:05,912
<i>si Marie Antoinette.</i>

46
00:04:06,829 --> 00:04:08,997
<i>Ipinanganak sa marangal
na pamilyang Jarjayes,</i>

47
00:04:08,998 --> 00:04:11,583
<i>ang mga nagsisilbi sa maharlikang Pranses,</i>

48
00:04:11,584 --> 00:04:15,170
<i>ipinalaki si Oscar François de Jarjayes
bilang lalaking anak</i>

49
00:04:15,171 --> 00:04:17,048
<i>na papalit sa kanyang ama.</i>

50
00:04:19,550 --> 00:04:23,095
<i>At ang lugar kung saan mabubuhay
ang dalawang rosas</i>

51
00:04:23,096 --> 00:04:26,516
<i>sa napakagulong panahon...</i>

52
00:04:32,981 --> 00:04:36,776
<i>ay dito sa Versailles, Pransiya.</i>

53
00:04:44,492 --> 00:04:46,576
<i>Nawa'y mamulaklak sa pag-ibig
Ang ating diwa</i>

54
00:04:46,577 --> 00:04:47,953
THE ROSE OF VERSAILLES

55
00:04:47,954 --> 00:04:50,622
<i>Nang maluwalhati</i>

56
00:04:50,623 --> 00:04:52,708
<i>Ito ang tadhana natin</i>

57
00:04:52,709 --> 00:04:57,170
<i>Huwag mong tatalikuran
Hindi tayo bibiguin ng pag-ibig natin</i>

58
00:04:57,171 --> 00:05:00,507
<i>Nawa'y mamulaklak sa pag-ibig
Ang ating diwa</i>

59
00:05:00,508 --> 00:05:03,260
<i>The rose of Versailles</i>

60
00:05:03,261 --> 00:05:07,389
<i>Magniningning ang mga puso natin
magpakailanman</i>

61
00:05:07,390 --> 00:05:10,601
<i>Hanggang sa dulo ng panahon</i>

62
00:05:17,358 --> 00:05:20,277
<i>Paggising ko</i>

63
00:05:20,278 --> 00:05:23,488
<i>Alam ko na
Nagsimula ang paglalakbay</i>

64
00:05:23,489 --> 00:05:26,825
<i>Koronilya ng tadhana</i>

65
00:05:26,826 --> 00:05:29,786
<i>Kung tatanggapin ko man
Ano ang susunod?</i>

66
00:05:29,787 --> 00:05:36,168
<i>Nakakulong sa loob ng puting butones
Na nagkulong sa akin sa kasinungalingan</i>

67
00:05:36,169 --> 00:05:42,716
<i>Hindi na tatahimik ang puso ko
Hahayaan kong sumigaw</i>

68
00:05:42,717 --> 00:05:46,094
<i>Nagniningning ang liwanag
Sa mga dahon sa itaas</i>

69
00:05:46,095 --> 00:05:48,806
<i>Nanginginig ang hangin ngayon
Oo, mahal ko</i>

70
00:05:49,390 --> 00:05:55,103
<i>Lagi kong tatandaan
Nagliwanag ka sa mga mata ko</i>

71
00:05:55,104 --> 00:06:01,568
<i>Ang sakripisyo ko ay panghabambuhay
Alam mong isusuko ko ang buhay ko</i>

72
00:06:01,569 --> 00:06:06,531
<i>Huwag mo kaming itali
Dapat tayong lumipad</i>

73
00:06:06,532 --> 00:06:10,118
<i>Nawa'y mamulaklak sa pag-ibig
Ang ating diwa</i>

74
00:06:10,119 --> 00:06:12,704
<i>Nang maluwalhati</i>

75
00:06:12,705 --> 00:06:14,956
<i>Ito ang kapalaran natin</i>

76
00:06:14,957 --> 00:06:19,336
<i>Huwag mong tatalikuran
Hindi tayo bibiguin ng pag-ibig natin</i>

77
00:06:19,337 --> 00:06:22,714
<i>Nawa'y mamulaklak sa pag-ibig
Ang ating diwa</i>

78
00:06:22,715 --> 00:06:25,384
<i>The rose of Versailles</i>

79
00:06:25,385 --> 00:06:29,596
<i>Magniningning ang mga puso natin
Magpakailanman</i>

80
00:06:29,597 --> 00:06:32,933
<i>Hanggang sa dulo ng panahon</i>

81
00:06:32,934 --> 00:06:36,186
<i>Nagniningning ang mas masasayang araw
Hindi kumukupas</i>

82
00:06:36,187 --> 00:06:39,398
<i>Ipinagmamalaki ang daan natin
Ang sinasabi nila</i>

83
00:06:39,399 --> 00:06:42,526
<i>Namumulaklak sa langit
Mas pipiliin ko pa</i>

84
00:06:42,527 --> 00:06:45,654
<i>Walang oras para maghintay ng ulan
Tayo na</i>

85
00:06:45,655 --> 00:06:51,868
<i>Abutin ang puwedeng maging atin habambuhay
Ang himig ng saya na iniiyakan natin</i>

86
00:06:51,869 --> 00:06:55,038
<i>Sundin ang mahalimuyak na alab</i>

87
00:06:55,039 --> 00:06:58,793
<i>Pakinggan mo ang puso mo
Sumama ka sa akin</i>

88
00:07:24,193 --> 00:07:26,446
Gumaling ka, André.

89
00:07:27,572 --> 00:07:31,159
Marami pa akong kakainin
bago kita maabot.

90
00:07:33,953 --> 00:07:35,454
Dumating na rin sa wakas.

91
00:07:35,455 --> 00:07:37,665
Ang araw na pinakahihintay mo.

92
00:07:38,166 --> 00:07:39,083
Oo.

93
00:07:39,584 --> 00:07:41,461
Noong 11 taong gulang ako,

94
00:07:42,211 --> 00:07:45,464
<i>sabi ng ama ko,
maglilingkod ako at poprotektahan</i>

95
00:07:45,465 --> 00:07:48,426
<i>si Marie Antoinette
na magpapakasal sa dauphin.</i>

96
00:07:50,052 --> 00:07:53,763
Nakita ko siya
sa unang pagkakataon kanina.

97
00:07:53,764 --> 00:07:57,643
Parang umaagos ang dignidad
mula sa loob niya.

98
00:07:58,186 --> 00:08:00,730
Ipinanganak talaga siya para maging reyna.

99
00:08:02,273 --> 00:08:07,987
Pinaalalahanan ako na ang tungkulin ko
ay protektahan siya nang buong lakas ko.

100
00:08:12,867 --> 00:08:13,743
André.

101
00:08:14,285 --> 00:08:19,081
Mula ngayon, dadalas rin ang pagbisita mo
sa palasyo bilang katulong ko.

102
00:08:19,790 --> 00:08:22,459
Mas kakailanganin ko na ang tulong mo.

103
00:08:22,460 --> 00:08:23,753
Maaasahan mo ako.

104
00:08:24,754 --> 00:08:28,299
Nasa tabi mo ako noon pa man,
at kahit kailan.

105
00:08:33,971 --> 00:08:37,140
Oscar, magaling ang nagawa mo ngayon.

106
00:08:37,141 --> 00:08:38,142
Ama.

107
00:08:40,228 --> 00:08:43,731
Isa kang papuri sa akin
at sa buong angkan ng Jarjayes.

108
00:08:44,982 --> 00:08:46,234
Salamat po.

109
00:08:47,318 --> 00:08:50,821
- Nagsanay ka na naman sa espada, André?
- Lola?

110
00:08:52,073 --> 00:08:52,989
Makinig ka.

111
00:08:52,990 --> 00:08:56,326
Maaring espesyal ang trato sa 'yo
ni Binibining Oscar,

112
00:08:56,327 --> 00:08:58,245
pero huwag mong kalilimutan.

113
00:08:58,246 --> 00:09:01,374
Bilang karaniwang tao,
narito tayo para maglingkod.

114
00:09:02,041 --> 00:09:04,335
Siyempre alam ko 'yon.

115
00:09:06,796 --> 00:09:08,506
- Naiintindihan mo?
- Opo, Ama.

116
00:09:09,632 --> 00:09:10,883
Alam na alam ko 'yon.

117
00:09:16,180 --> 00:09:19,141
{\an8}<i>Lahat ng nakakasilaw sa mundong ito</i>

118
00:09:23,563 --> 00:09:26,899
<i>Nasa mga kamay ko, walang maiiwan</i>

119
00:09:29,569 --> 00:09:33,238
<i>Matutupad lahat ng mga hiling ko</i>

120
00:09:33,239 --> 00:09:37,158
<i>Di mabilang na tila mga bituin sa langit</i>

121
00:09:37,159 --> 00:09:40,704
<i>Parpala, diyamante
Nandito lahat ng paborito ko</i>

122
00:09:40,705 --> 00:09:44,708
<i>Champagne, tsokolate
Gusto kong magsaya</i>

123
00:09:44,709 --> 00:09:48,336
<i>Magtitipon-tipon agad ang lahat</i>

124
00:09:48,337 --> 00:09:51,632
<i>Isang ngiti ko lang ang kailangan</i>

125
00:09:52,258 --> 00:09:55,802
<i>Nakakasakal ang mga tradisyon
At mga kumbensyon, pero</i>

126
00:09:55,803 --> 00:09:59,139
<i>Araw-araw akong abala
May kainan at sayawan</i>

127
00:09:59,140 --> 00:10:05,186
<i>Napakaganda nito
La vie en rose</i>

128
00:10:05,187 --> 00:10:08,940
<i>Lahat ng nakikita mo ngayon dito ay akin</i>

129
00:10:08,941 --> 00:10:12,736
<i>Ang kaligayahang ipinangako sa akin</i>

130
00:10:12,737 --> 00:10:16,364
<i>Oo, susundan nila ako
Ako ang bituin nila</i>

131
00:10:16,365 --> 00:10:20,160
<i>Pero pakiramdam ko may kulang pa rin</i>

132
00:10:20,161 --> 00:10:23,788
<i>Lahat ng nakikita mo ngayon dito ay akin</i>

133
00:10:23,789 --> 00:10:27,208
<i>Iyan ang pinaniwalaan ko hanggang ngayon</i>

134
00:10:27,209 --> 00:10:31,004
<i>Oo, susundan nila ako
Ako ang bituin nila</i>

135
00:10:31,005 --> 00:10:35,300
<i>Pero pakiramdam ko may mali pa rin</i>

136
00:10:35,301 --> 00:10:40,680
<i>Walang nakakakita</i>

137
00:10:40,681 --> 00:10:42,682
<i>Na ganito ang nararamdaman ko</i>

138
00:10:42,683 --> 00:10:49,439
{\an8}<i>May puwang sa puso ko
Bakit ganito?</i>

139
00:10:49,440 --> 00:10:53,401
<i>Pero naniniwala pa rin ako sa sarili ko</i>

140
00:10:53,402 --> 00:10:57,197
<i>Ito ako mismo</i>

141
00:10:57,198 --> 00:11:00,950
<i>Mabubuhay akong nagpapakatotoo</i>

142
00:11:00,951 --> 00:11:05,748
<i>At sa paraang gusto ko</i>

143
00:11:13,964 --> 00:11:17,384
<i>Lahat ng nakikita mo ngayon dito ay akin</i>

144
00:11:17,385 --> 00:11:21,012
<i>Oo, susundan nila ako
Ako ang bituin nila</i>

145
00:11:21,013 --> 00:11:24,766
<i>Wala bang makakapansin sa akin?</i>

146
00:11:24,767 --> 00:11:29,021
<i>Nandito ako
Nag-iisa</i>

147
00:11:35,778 --> 00:11:38,071
Tatlong taon na kaming kasal,

148
00:11:38,072 --> 00:11:41,449
pero bakit mailap pa rin
ang dauphin sa akin?

149
00:11:41,450 --> 00:11:44,620
Maingat at tahimik na tao po
ang Kamahalan.

150
00:11:46,288 --> 00:11:49,082
May nabasa akong libro dati.

151
00:11:49,083 --> 00:11:54,880
Makikita raw ng babae
ang tadhana niya, iibig, at ikakasal.

152
00:11:56,340 --> 00:12:00,009
Dapat daw biglang nahuhulog mula sa langit
ang pag-ibig tulad ni Icarus

153
00:12:00,010 --> 00:12:05,015
at mag-alab sa puso mo
na parang bagyong hindi mapaglabanan.

154
00:12:06,892 --> 00:12:11,730
Mabubuhay na lang ba ako
nang hindi ko 'yon mararamdaman?

155
00:12:11,731 --> 00:12:16,151
Balang araw,
kayo ang magiging Reyna ng Pransiya.

156
00:12:16,152 --> 00:12:18,320
Napakagandang tungkulin po iyon.

157
00:12:18,946 --> 00:12:23,242
Hanggang pangarap lang po 'yon
para sa mga karaniwang babae.

158
00:12:23,784 --> 00:12:24,659
Pero...

159
00:12:24,660 --> 00:12:29,707
Ako, si Oscar, may mahalagang
responsibilidad na protektahan kayo.

160
00:12:30,207 --> 00:12:32,542
Ito po ang pinakamataas na karangalan.

161
00:12:32,543 --> 00:12:33,836
Oscar...

162
00:12:35,129 --> 00:12:39,675
Kung lalaki ka sana,
nahulog na ako sa iyo.

163
00:12:45,723 --> 00:12:48,391
Prinsesa, hindi po puwede!

164
00:12:48,392 --> 00:12:52,563
Hindi magandang pumunta sa Paris
nang patago sa ganitong oras ng gabi.

165
00:12:54,648 --> 00:12:56,649
Pakiusap, Oscar!

166
00:12:56,650 --> 00:12:58,527
Hindi na ako makahinga rito.

167
00:13:14,293 --> 00:13:16,795
<i>Masquerade, masquerade
Isang magarbong handaan</i>

168
00:13:16,796 --> 00:13:19,672
<i>Masquerade, masquerade
Isang panaginip para sa isang gabi</i>

169
00:13:19,673 --> 00:13:22,675
<i>Itago mo ang mukha
Ipakita mo ang puso</i>

170
00:13:22,676 --> 00:13:25,178
<i>Sumayaw tayo
At kalimutan ang lahat</i>

171
00:13:25,179 --> 00:13:27,847
<i>Masquerade, masquerade
Isang lihim na handaan</i>

172
00:13:27,848 --> 00:13:30,934
<i>Masquerade, masquerade
Isang matamis na prutas</i>

173
00:13:30,935 --> 00:13:33,645
<i>Magkita tayo at magsayaw
Daanan lang ang isa't isa</i>

174
00:13:33,646 --> 00:13:36,732
<i>Sa mga bula ng champagne
Umiikot ang lason ng pag-ibig</i>

175
00:13:37,399 --> 00:13:39,527
<i>Paligsahan para sa pag-ibig</i>

176
00:13:40,236 --> 00:13:42,654
<i>Isang larong panandalian</i>

177
00:13:42,655 --> 00:13:45,490
<i>Nasaan ang maliliit na kuneho?</i>

178
00:13:45,491 --> 00:13:48,535
<i>At nasaan ang mga aso?</i>

179
00:13:48,536 --> 00:13:51,371
<i>May kasalanan at kasiyahan</i>

180
00:13:51,372 --> 00:13:53,915
<i>May pagmamahal at katiwalian</i>

181
00:13:53,916 --> 00:13:59,755
<i>Bumubulong at buntong-hininga
Kumaway sa ere</i>

182
00:14:30,494 --> 00:14:31,871
Paumanhin, binibini.

183
00:14:35,791 --> 00:14:37,501
Puwede ba kitang makasayaw?

184
00:14:39,628 --> 00:14:40,879
Magpakilala ka.

185
00:14:40,880 --> 00:14:42,047
Oscar!

186
00:14:42,882 --> 00:14:48,012
Kapag tinatanong ang pangalan ng tao,
dapat lang na magpakilala ka muna.

187
00:14:48,762 --> 00:14:51,139
Ako si Oscar François de Jarjayes,

188
00:14:51,140 --> 00:14:53,933
kapitan ng mga Guwardiya ng Hari.

189
00:14:53,934 --> 00:14:56,978
Ako si Hans Axel von Fersen.

190
00:14:56,979 --> 00:14:59,899
Isa akong konde mula sa Sweden.

191
00:15:00,608 --> 00:15:01,775
Von Fersen.

192
00:15:02,276 --> 00:15:04,485
Kung gusto mong makausap siya,

193
00:15:04,486 --> 00:15:08,866
pumunta ka sa Palasyo ng Versailles
at magsumite ng pormal na kahilingan.

194
00:15:09,742 --> 00:15:13,161
Siya ang Dauphine ng Pransiya,

195
00:15:13,162 --> 00:15:14,830
Marie Antoinette.

196
00:15:21,629 --> 00:15:22,755
Kamahalan.

197
00:15:24,590 --> 00:15:28,636
Gusto raw kayong makausap
ng isang batang konde mula sa Sweden.

198
00:15:32,890 --> 00:15:36,309
Salamat sa pagbisita, Konde von Fersen.

199
00:15:36,310 --> 00:15:39,730
Isang pribilehiyong makita kayong muli.

200
00:15:50,908 --> 00:15:54,078
Naku! Tulong!

201
00:15:54,912 --> 00:15:56,622
Kamahalan!

202
00:16:05,589 --> 00:16:07,590
Pumikit po kayo, Kamahalan!

203
00:16:07,591 --> 00:16:08,842
Oscar!

204
00:16:15,808 --> 00:16:16,892
Kamahalan!

205
00:16:17,559 --> 00:16:18,394
Oscar!

206
00:16:22,356 --> 00:16:24,065
André, tama ba?

207
00:16:24,066 --> 00:16:29,445
Dahil sa kabayong dinala mo
mula sa kuwadra, nasugatan ang Dauphine.

208
00:16:29,446 --> 00:16:32,074
Pagbabayaran mo ito ng buhay mo.

209
00:16:34,827 --> 00:16:35,953
Kamahalan!

210
00:16:37,413 --> 00:16:38,580
Ano ito?

211
00:16:43,002 --> 00:16:45,253
Aksidente po ang nangyari.

212
00:16:45,254 --> 00:16:47,423
Hindi po dapat sisihin si André.

213
00:16:48,007 --> 00:16:50,175
Sigurado akong nakita n'yo rin.

214
00:16:54,263 --> 00:16:55,681
Kamahalan.

215
00:16:56,306 --> 00:16:59,685
Kung kailangan ninyo talagang
parusahan si André...

216
00:17:02,021 --> 00:17:05,607
Tatanggapin ko po
ang responsibilidad bilang amo niya.

217
00:17:06,108 --> 00:17:11,113
Hinihiling kong kunin ninyo ang buhay
ni Oscar François, ngayon din po mismo.

218
00:17:14,992 --> 00:17:16,035
Oscar...

219
00:17:16,827 --> 00:17:18,871
Wala pong kasalanan si André!

220
00:17:22,916 --> 00:17:26,754
Kamahalan, nasaksihan ko po
ang buong pangyayari.

221
00:17:27,337 --> 00:17:28,838
Nakikiusap po ako.

222
00:17:28,839 --> 00:17:30,049
Von Fersen...

223
00:17:30,924 --> 00:17:33,177
Kaya ko ring mamatay para sa hustisya.

224
00:17:35,512 --> 00:17:38,598
Paano ko matatanggap ang...

225
00:17:38,599 --> 00:17:39,808
Kamahalan!

226
00:17:42,686 --> 00:17:44,605
Marie Antoinette...

227
00:17:46,899 --> 00:17:50,569
Kamahalan, ako po ang may kasalanan!

228
00:17:51,153 --> 00:17:54,030
Nagpumilit po ako na gusto kong mangabayo.

229
00:17:54,031 --> 00:17:56,992
Nagulat ko po ang kabayo sa kapabayaan ko.

230
00:17:57,493 --> 00:17:59,495
André. Oscar. Von Fersen.

231
00:18:00,079 --> 00:18:04,083
Hindi ko kakayanin kung may mamatay
kahit isa sa inyo dahil sa akin.

232
00:18:04,792 --> 00:18:09,004
Magiging maayos din ito.
Napakalambot ng puso ng hari.

233
00:18:11,673 --> 00:18:12,883
Mabuti.

234
00:18:13,634 --> 00:18:16,678
Kung ipipilit ng dauphine,

235
00:18:17,638 --> 00:18:20,891
walang masisisi sa okasyong ito.

236
00:18:26,063 --> 00:18:27,271
André.

237
00:18:27,272 --> 00:18:30,275
Mabait ang amo mo.

238
00:18:30,859 --> 00:18:31,819
Kamahalan...

239
00:18:36,365 --> 00:18:39,534
Von Fersen,
pinasasalamatan kita nang buong puso.

240
00:18:39,535 --> 00:18:42,412
Hindi ko makakalimutan
ang utang na loob na ito.

241
00:18:42,913 --> 00:18:43,914
Oscar.

242
00:18:44,915 --> 00:18:46,959
- Oscar!
- Oscar!

243
00:18:50,754 --> 00:18:52,255
Naku naman po.

244
00:18:52,256 --> 00:18:55,049
Napakarami ninyong pasa.

245
00:18:55,050 --> 00:18:58,303
Pero may espesyal
na pantapal ang yaya ninyo.

246
00:18:58,804 --> 00:19:00,055
Salamat.

247
00:19:01,431 --> 00:19:02,557
André!

248
00:19:02,558 --> 00:19:05,185
Lumabas muna kayo ni Konde von Fersen!

249
00:19:05,686 --> 00:19:06,519
Sige.

250
00:19:06,520 --> 00:19:08,521
Ano'ng problema?

251
00:19:08,522 --> 00:19:12,109
Tinatago ba ng mga maharlikang Pranses
ang katawan nila kahit sa kapwa lalaki?

252
00:19:14,194 --> 00:19:18,115
Ang lakas ng loob mong pagsalitaan
ng ganyan ang senyorita namin!

253
00:19:20,701 --> 00:19:23,078
Babae pala siya?

254
00:19:23,662 --> 00:19:25,496
Oo, babae nga.

255
00:19:25,497 --> 00:19:26,707
Kaya pala,

256
00:19:27,207 --> 00:19:29,960
mukhang maselan
at may pagkamahina si Oscar.

257
00:19:30,669 --> 00:19:31,503
Pero...

258
00:19:36,967 --> 00:19:38,468
Kahanga-hangang tao siya.

259
00:19:47,686 --> 00:19:48,520
Oscar.

260
00:19:49,021 --> 00:19:52,482
Balang araw,
ibibigay ko ang buhay ko para sa 'yo,

261
00:19:53,066 --> 00:19:58,113
gaya ng pagtaya ng buhay mo
para sa akin ngayon.

262
00:20:02,284 --> 00:20:05,287
<i>Abril, 1774.</i>

263
00:20:05,787 --> 00:20:09,082
<i>Biglang nagkasakit ang Haring Louis XV.</i>

264
00:20:09,791 --> 00:20:12,501
<i>Ang pangalan ng sakit niya ay smallpox.</i>

265
00:20:12,502 --> 00:20:15,505
{\an8}MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN

266
00:20:16,006 --> 00:20:17,841
Patay na ang hari!

267
00:20:20,886 --> 00:20:25,641
Mabuhay ang bagong hari,
Kamahalan Louis XVI!

268
00:20:28,352 --> 00:20:31,021
Maligayang pagbati, Kamahalan.

269
00:20:31,521 --> 00:20:36,026
Simula ngayon,
kayo na po ang Reyna ng Pransiya.

270
00:20:42,783 --> 00:20:45,952
Mabuhay ang Haring Louis XVI!

271
00:20:45,953 --> 00:20:47,119
Mabuhay ang reyna!

272
00:20:47,120 --> 00:20:51,999
<i>Si Louis XVI at si Marie Antoinette
ay wala pang 20 taong gulang,</i>

273
00:20:52,000 --> 00:20:56,588
<i>pero ang batang hari at reyna
ay maghahari sa Pransiya.</i>

274
00:20:57,089 --> 00:21:03,010
<i>Ang ating hari at reyna
Ang hangin, bulaklak, liwanag natin</i>

275
00:21:03,011 --> 00:21:09,643
<i>Kapayapaan at kaluwalhatian
Gagabayan nila ang bansang ito</i>

276
00:21:11,103 --> 00:21:16,857
<i>Tapos na ang mga araw
Ng malupit na pagbubuwis</i>

277
00:21:16,858 --> 00:21:22,989
<i>Hindi na tayo takot sa gutom o sakit</i>

278
00:21:22,990 --> 00:21:28,995
<i>Dating Paris, bumalik ka sa amin!</i>

279
00:21:28,996 --> 00:21:35,168
<i>Magbabago ang buhay natin
Ngayon at bukas</i>

280
00:21:36,586 --> 00:21:39,423
<i>Ang ating hari at reyna...</i>

281
00:21:40,007 --> 00:21:42,925
Sobrang sikat ng bagong hari at reyna.

282
00:21:42,926 --> 00:21:47,764
Ibig sabihin, ganoon karaming tao
ang umaasa sa bagong panahon.

283
00:21:50,976 --> 00:21:52,184
Oscar.

284
00:21:52,185 --> 00:21:54,771
Maraming salamat sa naging serbisyo mo.

285
00:21:55,272 --> 00:21:57,356
Bilang Major ng Guwardiya ng Hari,

286
00:21:57,357 --> 00:22:00,610
hinihiling kong manatili ka sa tabi ko
nang mas malapit kaysa dati.

287
00:22:01,111 --> 00:22:05,532
Dodoblehin din ang sahod mo
kumpara sa dati.

288
00:22:07,367 --> 00:22:11,788
Bilang wala pa akong 20 taong gulang,
napakalaking pribilehiyo po nito.

289
00:22:12,289 --> 00:22:13,123
Gayunpaman...

290
00:22:14,333 --> 00:22:19,128
hindi po maganda ang sitwasyon
ng yaman ng Pransiya sa ngayon.

291
00:22:19,129 --> 00:22:21,964
Sana ipanatili po ninyo
ang dati kong sahod.

292
00:22:21,965 --> 00:22:22,882
Pero...

293
00:22:22,883 --> 00:22:23,884
Kung hindi...

294
00:22:24,676 --> 00:22:28,305
tatanggihan ko po ang puwestong ito.

295
00:22:30,140 --> 00:22:31,475
Naintindihan ko.

296
00:22:32,100 --> 00:22:33,018
Pero...

297
00:22:35,020 --> 00:22:39,940
Pero ngayon, maibibigay ko na sa 'yo
ang kahit na anong gusto mo.

298
00:22:39,941 --> 00:22:43,444
Mahal kong Oscar, ano ang hiling mo?

299
00:22:43,445 --> 00:22:49,618
Ang hiling ko po, maging isa kayong
kahanga-hangang Reyna ng Pransiya.

300
00:22:50,202 --> 00:22:52,453
Iyon lang po, Kamahalan.

301
00:22:52,454 --> 00:22:53,538
Naku!

302
00:22:54,873 --> 00:22:58,043
Gusto ko rin
ang pagiging ganyan mo, Oscar.

303
00:22:59,795 --> 00:23:00,920
Alam ko na!

304
00:23:00,921 --> 00:23:03,589
Isama mo ulit si André sa susunod.

305
00:23:03,590 --> 00:23:04,924
At si von Fersen din.

306
00:23:04,925 --> 00:23:08,804
Oo, magpahinga
at magsalu-salo tayong apat.

307
00:23:09,971 --> 00:23:11,556
Pasulong, kad!

308
00:23:13,892 --> 00:23:15,018
Balikat, ta!

309
00:23:17,896 --> 00:23:18,730
Tanghal, ta!

310
00:23:28,532 --> 00:23:30,032
Kapitan de Girodelle.

311
00:23:30,033 --> 00:23:32,577
Binabati ko kayo sa pag-angat ninyo.

312
00:23:34,579 --> 00:23:39,458
Sa totoo lang, sa tingin ko
mas bagay maging Major ang tulad mo.

313
00:23:39,459 --> 00:23:42,503
Hindi, baligtad nga po,

314
00:23:42,504 --> 00:23:45,507
naniniwala akong mas bagay kayo
sa posisyon ng awtoridad.

315
00:23:46,007 --> 00:23:46,842
Salamat.

316
00:23:48,176 --> 00:23:49,719
May problema po ba?

317
00:23:50,804 --> 00:23:53,515
Parang wala kayo sa sarili ngayon.

318
00:23:54,891 --> 00:23:56,268
Guni-guni mo lang 'yon.

319
00:24:01,314 --> 00:24:03,775
Karaniwang taong tulad ko, sa salu-salo?

320
00:24:04,484 --> 00:24:06,152
Malaking karangalan 'yon.

321
00:24:06,153 --> 00:24:10,365
Totoo talaga siya
sa mga nararamdaman niya.

322
00:24:10,949 --> 00:24:15,537
Gagawin niya ang lahat
para sa mga taong gusto niya.

323
00:24:16,538 --> 00:24:19,623
Pero natatakot ako sa pagiging totoo niya.

324
00:24:19,624 --> 00:24:21,751
Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?

325
00:24:22,252 --> 00:24:26,715
Lahat ng perang ginagastos niya
ay mula sa pagbubuwis sa mamamayan.

326
00:24:27,215 --> 00:24:32,136
Baka kung ano
ang maging tingin ng mga tao sa kanya.

327
00:24:32,137 --> 00:24:34,388
Masyado kang nag-aalala.

328
00:24:34,389 --> 00:24:37,141
Mahal ng mga tao ang reyna nila.

329
00:24:37,142 --> 00:24:39,978
Sana nga manatiling ganoon.

330
00:24:40,687 --> 00:24:41,563
Pero...

331
00:24:43,273 --> 00:24:47,319
May isang bagay
na alam kong kailangan kong gawin ngayon.

332
00:25:05,504 --> 00:25:08,798
Oscar, pumunta ako ngayon para magpaalam.

333
00:25:10,383 --> 00:25:12,636
Nagdesisyon akong bumalik sa Sweden

334
00:25:13,136 --> 00:25:15,555
para protektahan ang reputasyon ng reyna.

335
00:25:16,806 --> 00:25:18,141
Reputasyon niya?

336
00:25:18,642 --> 00:25:19,476
Oo.

337
00:25:20,018 --> 00:25:22,061
Hindi ba napapansin mo rin?

338
00:25:22,062 --> 00:25:24,856
Mabuti nga at wala pang
kumakalat na sabi-sabi...

339
00:25:28,068 --> 00:25:29,194
Napagtanto ko...

340
00:25:31,446 --> 00:25:37,994
may espesyal siyang pagtingin sa akin
kaya't pinakitaan ako ng sobrang kabaitan.

341
00:25:42,374 --> 00:25:45,793
<i>Ilang sandali lang</i>

342
00:25:45,794 --> 00:25:51,841
<i>Alam kong mananatili pa rin ang alaala
Nang napakalinaw</i>

343
00:25:53,510 --> 00:25:56,971
<i>Napakainosenteng mga mata
Hindi ako nakahinga...</i>

344
00:25:56,972 --> 00:25:58,223
Oo nga.

345
00:25:58,723 --> 00:26:01,016
Noong dauphine pa siya,

346
00:26:01,017 --> 00:26:05,313
malaya siyang makipagkita
sa gusto niya at gawin ang gusto niya.

347
00:26:06,147 --> 00:26:08,275
Pero ngayon, iba na.

348
00:26:08,775 --> 00:26:10,569
Siya ang Reyna ng Pransiya.

349
00:26:11,444 --> 00:26:14,364
Kaya nagpasya akong umalis

350
00:26:15,240 --> 00:26:20,245
bago kumalat ang kuwento
at umabot sa puntong wala nang magagawa.

351
00:26:22,747 --> 00:26:24,332
Ganoon din ang naisip ko.

352
00:26:26,042 --> 00:26:29,588
Pupunta na nga sana ako sa bahay mo

353
00:26:30,171 --> 00:26:32,966
para payuhan kang umalis ng Pransiya.

354
00:26:33,592 --> 00:26:37,971
Pero hindi ko na pala
kailangang sabihin sa iyo iyon.

355
00:26:38,680 --> 00:26:41,474
Pareho pala tayo ng naiisip.

356
00:26:44,060 --> 00:26:45,186
Oscar.

357
00:26:45,687 --> 00:26:49,481
Gusto kong protektahan mo
at suportahan siya pati para sa akin.

358
00:26:49,482 --> 00:26:51,985
Oo naman. Pangako ko 'yan.

359
00:26:55,405 --> 00:26:57,949
Nagulat ako noong nalaman kong babae ka.

360
00:26:59,409 --> 00:27:03,913
Pero mas higit pa ito
sa pagkakaiba gaya ng lalaki o babae.

361
00:27:04,664 --> 00:27:07,208
Isa kang marangal at mahalagang kaibigan.

362
00:27:08,418 --> 00:27:11,087
Ganiyan din ang nararamdaman ko.

363
00:27:12,714 --> 00:27:13,548
Mabuti naman.

364
00:27:14,507 --> 00:27:17,218
Oscar, sigurado akong
magkikita rin tayo balang araw.

365
00:27:18,595 --> 00:27:19,429
Hindi ba?

366
00:27:21,056 --> 00:27:22,474
Oo, magkikita tayo.

367
00:27:23,183 --> 00:27:24,142
Walang duda.

368
00:27:29,105 --> 00:27:32,359
Bumalik si Von Fersen sa Sweden?

369
00:27:38,323 --> 00:27:39,991
Ano ba ang problema ko?

370
00:27:40,867 --> 00:27:41,826
Ano ba ito?

371
00:27:42,494 --> 00:27:45,413
Para bang nabutas ang puso ko.

372
00:27:59,260 --> 00:28:03,806
<i>Pag-alis ni von Fersen,
pinalibutan ni Marie Antoinette ang sarili</i>

373
00:28:03,807 --> 00:28:07,769
<i>sa mga paborito niyang alalay
at namuhay nang marangya at maluho.</i>

374
00:28:18,196 --> 00:28:21,824
Nagsusugal tuwing yayain kayo
ng mga paborito ninyo.

375
00:28:21,825 --> 00:28:25,495
Nagbibigay ng lupa
at opisyal na posisyon tuwing hingin nila.

376
00:28:25,995 --> 00:28:29,331
Nakikiusap po ako
na itigil n'yo na ang mga ganito.

377
00:28:29,332 --> 00:28:31,375
Naku, Oscar.

378
00:28:31,376 --> 00:28:34,920
Gusto ko lang gawin
ang maitutulong ko sa mga kaibigan ko.

379
00:28:34,921 --> 00:28:37,631
Gusto ko lang silang makasundo. Iyon lang.

380
00:28:37,632 --> 00:28:39,342
Kamahalan!

381
00:28:43,471 --> 00:28:45,681
<i>Sa loob ng sumunod na tatlong taon,</i>

382
00:28:45,682 --> 00:28:48,560
<i>naging mahirap ang buhay
ng mga karaniwang tao.</i>

383
00:28:49,602 --> 00:28:54,106
<i>Hindi lang ang mga luho
ni Marie Antoinette ang dahilan,</i>

384
00:28:54,107 --> 00:28:57,610
<i>ngunit naging punterya siya
ng hinanakit ng mga tao.</i>

385
00:29:03,700 --> 00:29:06,410
- Wala nang tinapay!
- Kailangan ng gatas ng anak ko.

386
00:29:06,411 --> 00:29:08,288
Kasalanan ng Austriana na 'to.

387
00:29:08,955 --> 00:29:13,209
{\an8}- Hindi niya puwedeng takasan 'to.
- Mamamatay tayo nang ganito!

388
00:29:20,633 --> 00:29:23,553
{\an8}TAONG 1778

389
00:29:32,854 --> 00:29:34,980
Apat na taon na yata.

390
00:29:34,981 --> 00:29:36,565
Hindi kita nakilala.

391
00:29:36,566 --> 00:29:39,527
Pinag-uusapan ka kahit sa Sweden.

392
00:29:40,111 --> 00:29:42,781
Kuwento ng babaeng kapitan
na may katakot-takot na galing.

393
00:29:44,699 --> 00:29:48,494
Gaano ka katagal sa Pransiya?

394
00:29:48,495 --> 00:29:50,746
Tingnan na lang natin.

395
00:29:50,747 --> 00:29:53,957
Bumalik ako rito para maghanap
ng mapapangasawa.

396
00:29:53,958 --> 00:29:54,875
Ha?

397
00:29:54,876 --> 00:29:59,088
Utos kasi ng ama ko.
Kailangan kong ipagpatuloy ang angkan.

398
00:29:59,589 --> 00:30:02,341
Hindi puwedeng binata ako habambuhay.

399
00:30:02,342 --> 00:30:04,260
Ganoon ba...

400
00:30:05,053 --> 00:30:06,554
Alam na ba ng Kamahalan?

401
00:30:07,305 --> 00:30:09,516
Bibisitahin ko siya sa palasyo bukas.

402
00:30:10,058 --> 00:30:14,187
Pero hindi ko na siya
basta-basta kikitain tulad nang dati.

403
00:30:15,355 --> 00:30:16,397
Tama ka.

404
00:30:22,278 --> 00:30:25,198
Balak magpakasal ni von Fersen?

405
00:30:30,662 --> 00:30:32,455
Bakit sumasakit ang puso ko?

406
00:30:39,504 --> 00:30:43,883
Hans Axel von Fersen...

407
00:30:47,846 --> 00:30:49,096
Paumanhin.

408
00:30:49,097 --> 00:30:52,934
Narito ako para maghanap
ng mapapangasawa.

409
00:30:56,062 --> 00:30:58,565
Mag-ingat po kayo, Kamahalan.

410
00:31:01,985 --> 00:31:04,863
Ikakasal na si von Fersen?

411
00:31:07,323 --> 00:31:09,283
Hindi ba tama lang 'yon?

412
00:31:09,284 --> 00:31:11,494
Bakit ako magugulat?

413
00:31:12,453 --> 00:31:13,496
Bakit?

414
00:31:16,040 --> 00:31:17,125
Ang puso ko...

415
00:31:23,214 --> 00:31:24,340
Ito ang makakabuti.

416
00:31:25,133 --> 00:31:28,136
Hindi na ako dapat
lumapit pa sa Kamahalan.

417
00:31:28,845 --> 00:31:32,891
Kung paninindigan ko itong damdamin,
pagtataksil 'yon sa Hari ng Pransiya.

418
00:31:36,102 --> 00:31:37,561
Simula ngayon,

419
00:31:37,562 --> 00:31:40,815
ang magagawa ko lang
ay panoorin siya mula sa malayo.

420
00:31:48,406 --> 00:31:49,324
Von Fersen?

421
00:31:59,417 --> 00:32:01,835
Humuhingi po ako ng paumanhin, Kamahalan.

422
00:32:01,836 --> 00:32:03,087
Hindi na kailangan.

423
00:32:05,048 --> 00:32:06,048
Bale,

424
00:32:06,049 --> 00:32:09,844
nakapili ka na ba ng mapapangasawa mo?

425
00:32:11,220 --> 00:32:15,016
Makikipagkita ako sa ilang mga dalaga.

426
00:32:17,226 --> 00:32:19,312
Ganoon ba.

427
00:32:19,812 --> 00:32:22,940
Kapag nakapagdesisyon ka na,
sana sabihan mo ako.

428
00:32:22,941 --> 00:32:24,734
Kailangan nating ipagdiwang.

429
00:32:32,367 --> 00:32:34,577
Salamat po sa kabaitan ninyo.

430
00:32:37,372 --> 00:32:39,207
Sana maging masaya kayo.

431
00:33:14,993 --> 00:33:16,076
Von Fersen.

432
00:33:16,077 --> 00:33:18,246
O, mahal kong von Fersen!

433
00:33:36,514 --> 00:33:42,395
<i>Tila mga bituin sa langit
Nang napakatahimik</i>

434
00:33:43,980 --> 00:33:49,986
<i>Alam kong nagbago ang mga bagay
Simula noong gabing iyon</i>

435
00:33:51,070 --> 00:33:57,451
{\an8}<i>Hinahanap ko pa rin ang mga salita
Para maibahagi ang katapatan ko</i>

436
00:33:57,452 --> 00:34:01,538
{\an8}<i>Pakiramdaman mo ang tibok ng puso ko
Mahal na mahal kita</i>

437
00:34:01,539 --> 00:34:07,837
{\an8}<i>Ikaw lang ang nakikita ko, mahal ko
Wag mong tatalikuran</i>

438
00:34:09,213 --> 00:34:12,883
<i>Yayakapin kita nang mahigpit
At hindi kita bibitawan</i>

439
00:34:12,884 --> 00:34:17,345
<i>Sa iyo ang puso ko at sa akin ang sa iyo
Wag mong itanggi</i>

440
00:34:17,346 --> 00:34:23,685
<i>Itong sandali lang ang mayroon tayo</i>

441
00:34:23,686 --> 00:34:27,564
<i>Yakapin mo ako at huwag mo akong pakawalan</i>

442
00:34:27,565 --> 00:34:31,860
<i>Kailangan kong malaman
Kung pareho ang nararamdaman ng mga puso</i>

443
00:34:31,861 --> 00:34:36,448
<i>Itong umaapaw na saya</i>

444
00:34:36,449 --> 00:34:40,786
<i>Kahit ngayon lang
Maging tapat ka muna sa akin</i>

445
00:34:40,787 --> 00:34:43,414
<i>Sa akin, sa akin</i>

446
00:34:43,915 --> 00:34:47,167
<i>Tunay ang nararamdaman ko</i>

447
00:34:47,168 --> 00:34:50,755
<i>Nag-uumapaw ang damdamin ko</i>

448
00:34:51,255 --> 00:34:54,508
<i>Maging tapat ka kahit ngayon lang</i>

449
00:34:54,509 --> 00:34:58,386
<i>Anuman ang katotohanan</i>

450
00:34:58,387 --> 00:35:01,681
<i>Sa ating dalawa lang ito</i>

451
00:35:01,682 --> 00:35:08,147
<i>Sa ating dalawa lang</i>

452
00:35:11,943 --> 00:35:13,152
Patawarin mo ako.

453
00:35:13,861 --> 00:35:17,990
Kahit pugutin man ako rito ngayon,

454
00:35:18,491 --> 00:35:20,284
wala akong pagsisisi.

455
00:35:21,077 --> 00:35:22,870
Huwag ka nang magsalita.

456
00:35:23,371 --> 00:35:27,250
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako
nakaramdam ng ganitog saya.

457
00:35:29,377 --> 00:35:32,088
<i>Ang tunog ng pag-ibig</i>

458
00:35:33,005 --> 00:35:35,133
<i>Sino ang nakakaalam sa mangyayari?</i>

459
00:35:36,425 --> 00:35:39,470
<i>Ang pag-ibig ko ay walang hanggan</i>

460
00:35:40,138 --> 00:35:46,769
<i>Kahit tila kislap ang sandaling ito</i>

461
00:35:52,483 --> 00:35:56,611
Mas nagniningning
ang Kamahalan kaysa dati.

462
00:35:56,612 --> 00:35:58,530
Naku, hindi mo ba alam?

463
00:35:58,531 --> 00:36:01,909
Alam mo na,
si Konde von Fersen daw ang dahilan.

464
00:36:02,535 --> 00:36:04,703
Magkasintahan sila. Pag-ibig!

465
00:36:04,704 --> 00:36:05,912
Talaga?

466
00:36:05,913 --> 00:36:07,998
Nakakapag-alala 'yon.

467
00:36:07,999 --> 00:36:10,667
Siya ang Reyna ng Pransiya!

468
00:36:10,668 --> 00:36:15,256
Isang pagtataksil sa Hari
ay pagtataksil sa bansa.

469
00:36:16,299 --> 00:36:17,550
Napakasama naman...

470
00:36:19,552 --> 00:36:23,306
Pasensiya na po, Kamahalan.
Kailangan kitang bigyan ng payo.

471
00:36:25,391 --> 00:36:29,270
Pinag-uusapan sa buong korte
ang relasyon ninyo kay von Fersen.

472
00:36:29,770 --> 00:36:34,441
Ang tungkulin ninyo bilang reyna
ay maging ina sa bansang Pransiya.

473
00:36:34,442 --> 00:36:36,152
Nalimutan n'yo na ba iyon?

474
00:36:36,861 --> 00:36:38,320
Bukod doon,

475
00:36:38,321 --> 00:36:41,489
may mga taong hindi maganda
ang tingin sa inyong mga luho,

476
00:36:41,490 --> 00:36:46,287
hindi lang ang mga mamamayan
pero sa loob din ng korte.

477
00:36:46,913 --> 00:36:49,665
Pakiusap, nakikiusap po akong
sundin mo ang payo ko.

478
00:36:50,625 --> 00:36:54,879
Kung walang magbabago,
baka malagay kayo sa panganib, Kamahalan...

479
00:36:56,631 --> 00:36:57,548
Salamat.

480
00:36:58,090 --> 00:37:01,468
Salamat sa pag-aalala sa akin.

481
00:37:01,469 --> 00:37:02,385
Kung gano'n...

482
00:37:02,386 --> 00:37:03,596
Pero...

483
00:37:04,222 --> 00:37:06,349
kahit na babae ka,

484
00:37:06,849 --> 00:37:08,559
hindi mo rin naiintindihan.

485
00:37:09,644 --> 00:37:12,604
Dumating ako sa bansang ito
para pakasalan ang dauphin

486
00:37:12,605 --> 00:37:14,607
noong 14 taong gulang lang ako.

487
00:37:18,277 --> 00:37:20,987
Hindi ko pa nararanasan
ang unang pag-ibig.

488
00:37:20,988 --> 00:37:23,324
Isa lang akong makulit na bata.

489
00:37:24,325 --> 00:37:26,535
Para sa alyansa
sa pagitan ng dalawang bansa,

490
00:37:27,036 --> 00:37:31,749
ako ang magiging dauphine,
ang reyna, ang ina ng bayan.

491
00:37:32,416 --> 00:37:38,673
Napilitan akong kalimutan na isa akong
babae sa pangalang Marie Antoinette.

492
00:37:39,298 --> 00:37:40,466
Gayunpaman,

493
00:37:41,092 --> 00:37:45,720
isa muna akong tao bago ang reyna!
May puso at damdamin ako.

494
00:37:45,721 --> 00:37:50,226
Isang babaeng nanginginig
na nagnanais magmahal at mahalin!

495
00:37:51,060 --> 00:37:52,812
Kamahalan...

496
00:37:54,772 --> 00:37:57,108
Mabuting tao ang Hari.

497
00:37:58,234 --> 00:38:02,280
<i>Malumanay, desente, at masipag mag-aral.</i>

498
00:38:02,863 --> 00:38:04,991
Nirerespeto ko siya nang buong puso.

499
00:38:05,700 --> 00:38:06,617
Gayunpaman...

500
00:38:07,743 --> 00:38:11,998
Gayunpaman, hindi matatawag
na pag-ibig ang pakiramdam na iyon.

501
00:38:13,416 --> 00:38:14,583
Von Fersen...

502
00:38:16,419 --> 00:38:21,674
Ang makilala siya at mahalin siya
ang naging dahilan ng kabataan ko.

503
00:38:22,383 --> 00:38:24,260
Siya ang una kong minahal.

504
00:38:26,012 --> 00:38:28,513
Biglang nahuhulog
mula sa langit tulad ni Icarus

505
00:38:28,514 --> 00:38:32,435
at sinusunog ang puso mo
na parang bagyong hindi mapaglabanan.

506
00:38:34,061 --> 00:38:37,981
Akala ko hindi ko na mararanasan
sa buong buhay ko,

507
00:38:37,982 --> 00:38:40,901
pero nararamdaman ko na ngayon.

508
00:38:52,663 --> 00:38:53,831
<i>Ano'ng nangyari?</i>

509
00:38:54,623 --> 00:38:57,460
<i>Babae rin ako,</i>

510
00:38:58,252 --> 00:39:03,174
<i>pero hindi ko naintindihan
ang lungkot at sakit niya!</i>

511
00:39:03,716 --> 00:39:09,554
<i>Ang kahulugan ng kaligayahan
Ang kulay ng kalungkutan</i>

512
00:39:09,555 --> 00:39:11,766
<i>Mahalaga lang ang nakikita...</i>

513
00:39:12,350 --> 00:39:15,811
Mula noong sinabi sa akin
ng ama ko ang tungkulin ko,

514
00:39:16,395 --> 00:39:19,857
nagtrabaho ako para protektahan siya,
kahit kapalit pa ng buhay ko.

515
00:39:20,483 --> 00:39:22,860
Pero hindi ko nagawa.

516
00:39:24,612 --> 00:39:27,198
Kahit nasa tabi niya lang ako.

517
00:39:28,449 --> 00:39:29,282
Oscar...

518
00:39:29,283 --> 00:39:33,745
<i>Ang hugis ng pag-ibig
Problemang walang laman</i>

519
00:39:33,746 --> 00:39:39,793
<i>Walang makapagpapaliwanag
Ang maliit at mahinang nagliliyab na ilaw</i>

520
00:39:39,794 --> 00:39:42,922
<i>Nagtatago sa loob ko</i>

521
00:39:44,673 --> 00:39:46,549
<i>Ano'ng nagpapagalaw sa puso ko?</i>

522
00:39:46,550 --> 00:39:48,302
Nakapagdesisyon na ako.

523
00:39:48,844 --> 00:39:50,970
Hindi ako magpapakasal kahit kailan.

524
00:39:50,971 --> 00:39:52,472
Von Fersen...

525
00:39:52,473 --> 00:39:55,558
Isa lang ang babaeng
gusto kong makasama sa buhay ko

526
00:39:55,559 --> 00:39:59,021
at mahalin nang buong pagkatao ko.

527
00:39:59,563 --> 00:40:02,525
Isa lang din ang babaeng
nagmamahal sa akin

528
00:40:03,025 --> 00:40:05,361
at ibinibigay sa akin ang lahat.

529
00:40:06,070 --> 00:40:09,990
Habambuhay buhay kong
hindi mapapakasalan ang babaeng iyon.

530
00:40:10,574 --> 00:40:11,409
Kaya...

531
00:40:12,076 --> 00:40:15,371
hindi ako magpapakasal
kahit kanino habang nabubuhay ako.

532
00:40:17,456 --> 00:40:19,625
Ito ang kalooban ng Diyos.

533
00:40:20,167 --> 00:40:21,210
Von Fersen...

534
00:40:21,752 --> 00:40:22,628
Pero...

535
00:40:25,214 --> 00:40:27,007
napakasakit

536
00:40:27,883 --> 00:40:30,719
tuwing nakikita ko si Marie Antoinette.

537
00:40:31,220 --> 00:40:34,223
Mahal na mahal ko siya, pero...

538
00:40:39,061 --> 00:40:42,064
Napakalupit nito.

539
00:40:44,483 --> 00:40:46,943
<i>Biglang nahuhulog
mula sa langit tulad ni Icarus</i>

540
00:40:46,944 --> 00:40:50,698
at sinusunog ang puso mo
na parang bagyong hindi mapaglabanan.

541
00:40:51,824 --> 00:40:55,244
Biglaan na parang si Icarus...

542
00:41:00,624 --> 00:41:03,794
Pero ang pakiramdam na ito...

543
00:41:18,017 --> 00:41:18,851
Naku!

544
00:41:20,644 --> 00:41:23,563
Grabe, napakaganda!

545
00:41:23,564 --> 00:41:26,191
Ngayon ko lang siya nakita.

546
00:41:26,192 --> 00:41:28,819
Balita ko, kondesa siya
mula sa ibang bansa.

547
00:41:43,083 --> 00:41:48,338
<i>Magkatabing nakatayo
Para masilayan ang mukha mo</i>

548
00:41:48,339 --> 00:41:53,177
<i>Palaging nakatuon ang mga mata mo
Sa kung ano ang nasa hinaharap</i>

549
00:41:54,303 --> 00:41:57,639
<i>Kung may paraan lang</i>

550
00:41:57,640 --> 00:42:02,061
<i>Para mapansin mo
Na nandito ang hiling ko</i>

551
00:42:03,604 --> 00:42:07,941
<i>Paalam na
Paalam mahal ko</i>

552
00:42:07,942 --> 00:42:13,029
<i>Napakaganda ng ating mga araw
Bata pa tayo noon at inosente</i>

553
00:42:13,030 --> 00:42:17,868
<i>Sa tuwing hinahanap kita
Naiiwan akong mag-isa</i>

554
00:42:18,369 --> 00:42:22,122
<i>Ito ba ang pag-ibig?</i>

555
00:42:22,623 --> 00:42:25,124
<i>Dahil may paraan na ako</i>

556
00:42:25,125 --> 00:42:27,544
<i>Kailangan kong maniwala sa akin</i>

557
00:42:27,545 --> 00:42:30,129
<i>Tatanggapin ang tadhana ko</i>

558
00:42:30,130 --> 00:42:32,715
<i>Magpapatuloy ako at susulong</i>

559
00:42:32,716 --> 00:42:34,884
<i>Hindi ko ipapakita ang sakit o sugat ko</i>

560
00:42:34,885 --> 00:42:37,887
<i>Hindi ko ipapakita kung sino talaga ako</i>

561
00:42:37,888 --> 00:42:40,598
<i>Habambuhay kong hawak ang espada ko</i>

562
00:42:40,599 --> 00:42:42,851
<i>Ito lang ang daan para sa akin</i>

563
00:42:43,352 --> 00:42:48,356
<i>Noong nagkatinginan tayong dalawa</i>

564
00:42:48,357 --> 00:42:53,279
<i>Biglang nagningning
Ang mundo kong walang kulay</i>

565
00:42:54,238 --> 00:42:57,699
<i>Ang ibig sabihin
Ng pag-ibig sa unang tingin</i>

566
00:42:57,700 --> 00:43:01,662
<i>Tinuro mo sa akin sa sandaling iyon</i>

567
00:43:03,581 --> 00:43:07,917
<i>Malaking karangalan ang pagiging maharlika</i>

568
00:43:07,918 --> 00:43:12,964
<i>Pero nakahanap ako ng pangarap
Ang sandaling may tunay na pag-ibig</i>

569
00:43:12,965 --> 00:43:17,553
<i>Pareho kong di mabitawan</i>

570
00:43:18,304 --> 00:43:22,141
<i>Parehong nagniningning sa puso ko</i>

571
00:43:22,683 --> 00:43:25,184
<i>Dahil may paraan na ako</i>

572
00:43:25,185 --> 00:43:27,604
<i>Kailangan kong maniwala sa sarili ko</i>

573
00:43:27,605 --> 00:43:30,273
<i>Tatanggapin ang tadhana</i>

574
00:43:30,274 --> 00:43:32,609
<i>Magpapatuloy ako at susulong</i>

575
00:43:32,610 --> 00:43:35,194
<i>Walang itinatago ang puso ko</i>

576
00:43:35,195 --> 00:43:37,947
<i>Hindi na kailangang tumakas</i>

577
00:43:37,948 --> 00:43:40,658
<i>Hawak ang pag-ibig ko habambuhay</i>

578
00:43:40,659 --> 00:43:43,203
<i>Ito lang ang daan para sa akin</i>

579
00:43:43,704 --> 00:43:48,916
<i>Gusto kong magpakatotoo
Gusto kong magpakatotoo</i>

580
00:43:48,917 --> 00:43:51,127
<i>Kailangan kong kumapit sa sarili ko</i>

581
00:43:51,128 --> 00:43:53,671
<i>Kahit sa pinakamatinding bagyo</i>

582
00:43:53,672 --> 00:43:58,593
<i>Gusto kong magpakatotoo
Gusto kong magpakatotoo</i>

583
00:43:58,594 --> 00:44:00,595
<i>Kailangan kong kumapit sa sarili ko</i>

584
00:44:00,596 --> 00:44:04,391
<i>Parang isang bulaklak sa hangin</i>

585
00:44:05,225 --> 00:44:10,104
<i>Sa sandaling ito ng katotohanan
Dahil isusumpa ko ang buhay ko</i>

586
00:44:10,105 --> 00:44:15,151
<i>Hanggang sa katapusan ng panahon
Ikaw ang nag-iisa para sa akin</i>

587
00:44:15,152 --> 00:44:20,406
<i>Magkasama man tayo o hindi
Hindi na mahalaga</i>

588
00:44:20,407 --> 00:44:23,034
<i>Dala ang pag-ibig ko habambuhay</i>

589
00:44:23,035 --> 00:44:25,036
<i>Ito lang ang daan para sa akin</i>

590
00:44:25,037 --> 00:44:27,789
<i>Dahil may paraan na ako</i>

591
00:44:27,790 --> 00:44:30,124
<i>Kailangan kong maniwala sa akin</i>

592
00:44:30,125 --> 00:44:32,710
<i>Tatanggapin ang tadhana</i>

593
00:44:32,711 --> 00:44:35,254
<i>Hindi ako magsisisi</i>

594
00:44:35,255 --> 00:44:40,510
<i>Gaano man kalakas ang bagyo
Malalampasan ko ang lahat</i>

595
00:44:40,511 --> 00:44:42,970
<i>Huwag kang matakot, maniwala ka lang</i>

596
00:44:42,971 --> 00:44:45,683
<i>Ito lang ang daan para sa akin</i>

597
00:44:46,183 --> 00:44:51,187
<i>Gusto kong magpakatotoo
Gusto kong magpakatotoo</i>

598
00:44:51,188 --> 00:44:53,606
<i>Kailangan kong kumapit sa sarili ko</i>

599
00:44:53,607 --> 00:44:56,192
<i>Kahit sa pinakamatinding bagyo</i>

600
00:44:56,193 --> 00:45:01,197
<i>Gusto kong magpakatotoo
Gusto kong magpakatotoo</i>

601
00:45:01,198 --> 00:45:03,574
<i>Kailangan kong kumapit sa sarili ko</i>

602
00:45:03,575 --> 00:45:06,912
<i>Parang bulaklak sa hangin</i>

603
00:45:14,420 --> 00:45:18,215
<i>Naging matindi ang panahon,
at patuloy ang malalaking pagbabago.</i>

604
00:45:18,966 --> 00:45:20,591
<i>Sa kabila ng Karagatang Atlantiko,</i>

605
00:45:20,592 --> 00:45:23,886
<i>ang mga tao sa mga lugar sa Amerika
na sinakop ng Britanya</i>

606
00:45:23,887 --> 00:45:27,224
<i>ay nagsimula ng digmaan sa Britanya
para makamit ang kalayaan.</i>

607
00:45:27,975 --> 00:45:30,810
<i>Dahil tinitingnan ng Pransiya
bilang kalaban ang Britanya,</i>

608
00:45:30,811 --> 00:45:33,063
<i>sinuportahan nito ang mga Amerikano.</i>

609
00:45:34,064 --> 00:45:38,192
<i>Dahil sa digmaan, ang mahinang ekonomiya
ng Pransiya ay mas lumala pa.</i>

610
00:45:38,193 --> 00:45:41,696
<i>Higit pa roon, pagkatapos
ng sunod-sunod na mga sakuna,</i>

611
00:45:41,697 --> 00:45:45,492
<i>humarap ang Pransiya
sa matinding kakulangan sa pagkain.</i>

612
00:45:46,034 --> 00:45:48,454
{\an8}MAKALIPAS ANG PITONG TAON, 1785

613
00:45:51,039 --> 00:45:52,958
- Wala nga!
- Ilabas mo na!

614
00:45:56,795 --> 00:45:58,255
Huminto ka, magnanakaw!

615
00:46:00,007 --> 00:46:02,009
Mas malala pa sa inaakala ko.

616
00:46:04,887 --> 00:46:07,889
Ang mga karaniwang tao
ang laging nabibiktima ng paniniil.

617
00:46:07,890 --> 00:46:12,394
Kung hindi rin ako kinupkop ng lola ko
noong maliit ako, kahit ako...

618
00:46:13,771 --> 00:46:14,938
Hindi...

619
00:46:16,023 --> 00:46:17,566
Tama ka.

620
00:46:18,150 --> 00:46:22,111
Pero ang mga maharlika ng Versailles
at ang Haring Kamahalan...

621
00:46:22,112 --> 00:46:23,655
Pati ang reyna...

622
00:46:24,156 --> 00:46:27,159
Wala silang alam
sa mga kalupitan sa kalye ng Paris.

623
00:46:34,374 --> 00:46:35,875
Patawad po!

624
00:46:35,876 --> 00:46:39,837
Alagad pa ng duke ang sinubukang nakawan.

625
00:46:39,838 --> 00:46:41,464
Kabalastugan.

626
00:46:41,465 --> 00:46:45,343
Bigla raw lumabas ang bata
sa kalye para huminto ang karwahe.

627
00:46:45,344 --> 00:46:47,512
Tapos lumabas ang alagad.

628
00:46:47,513 --> 00:46:50,223
At biglang sinubukan daw
hablutin ang pitaka.

629
00:46:50,224 --> 00:46:54,727
Dahil sa kawalan ng pagkain dito
wala pong nakakain itong bata.

630
00:46:54,728 --> 00:46:56,771
Nadala lang po siguro siya.

631
00:46:56,772 --> 00:46:59,398
Anuman ang kalagayan,

632
00:46:59,399 --> 00:47:02,986
kailangan niyang pagbayaran
ng buhay niya ang krimen.

633
00:47:07,324 --> 00:47:08,992
Pakiusap, ibaba mo ang baril!

634
00:47:10,619 --> 00:47:13,371
Lumayo ka. Sino ka ba?

635
00:47:13,372 --> 00:47:14,747
- Pakiusap...
- Tahimik!

636
00:47:14,748 --> 00:47:15,749
Buwisit ka!

637
00:47:23,131 --> 00:47:24,715
Hindi na namin matitiis!

638
00:47:24,716 --> 00:47:28,262
Anong klaseng tao ka
para tututukan ng baril ang bata?

639
00:47:33,642 --> 00:47:34,475
Tumigil kayo.

640
00:47:34,476 --> 00:47:35,518
Oscar!

641
00:47:35,519 --> 00:47:37,103
Isa ka rin sa kanila!

642
00:47:37,104 --> 00:47:39,856
Wag! Gusto niya lang tulungan ang bata.

643
00:47:39,857 --> 00:47:41,942
Parepareho lang ang mga maharlika!

644
00:47:42,442 --> 00:47:43,568
Patumbahin sila!

645
00:47:43,569 --> 00:47:46,780
Kumalma kayo! Makinig ka!

646
00:47:51,577 --> 00:47:52,452
Sandali!

647
00:47:55,205 --> 00:47:56,123
Tumatakas siya!

648
00:47:59,209 --> 00:48:00,502
Napakaduwag!

649
00:48:01,712 --> 00:48:03,881
Kung ganoon, ikaw na ang susunod.

650
00:48:04,715 --> 00:48:05,591
Kumalma kayo.

651
00:48:06,300 --> 00:48:07,134
Lintik!

652
00:48:16,894 --> 00:48:18,812
Ang yabang mo!

653
00:48:19,313 --> 00:48:20,480
Wag!

654
00:48:31,366 --> 00:48:32,200
André!

655
00:48:33,410 --> 00:48:34,953
André!

656
00:48:36,830 --> 00:48:38,790
- Wala akong pakialam!
- Tama na!

657
00:48:44,796 --> 00:48:48,299
Kung papatayin n'yo sila,
wala kayong pinagkaiba sa duwag na duke.

658
00:48:48,300 --> 00:48:49,467
Sino ka ba?

659
00:48:49,468 --> 00:48:51,345
Taga-ulat siya sa diyaryo.

660
00:48:51,929 --> 00:48:55,765
Tayong mga karaniwang tao,
hindi malupit gaya ng mga maharlika.

661
00:48:55,766 --> 00:48:56,766
Hindi ba?

662
00:48:56,767 --> 00:48:58,727
- Oo!
- Hindi tayo tulad nila!

663
00:49:06,360 --> 00:49:08,111
Sige na. Umalis na kayo.

664
00:49:09,363 --> 00:49:10,489
Nagpapasalamat ako.

665
00:49:16,495 --> 00:49:19,748
Ako si Bernard Châtelet.
Taga-ulat ako sa diyaryo.

666
00:49:23,752 --> 00:49:24,586
André!

667
00:49:31,301 --> 00:49:35,429
Ikinalulungkot ko,
baka mabulag ang kaliwang mata niya.

668
00:49:35,430 --> 00:49:36,723
Ano?

669
00:49:42,270 --> 00:49:43,730
André...

670
00:49:44,523 --> 00:49:47,275
Patawarin mo ako.
Ginawa mo iyon para sa 'kin.

671
00:49:55,033 --> 00:50:00,747
Masaya akong ibuwis para sa 'yo
ang mata ko sa anumang oras, Oscar.

672
00:50:08,255 --> 00:50:09,506
Binibining Oscar?

673
00:50:13,969 --> 00:50:15,137
André.

674
00:50:15,971 --> 00:50:17,139
André...

675
00:50:18,390 --> 00:50:19,850
Kasalanan ko ito.

676
00:50:24,187 --> 00:50:25,439
Wala akong alam.

677
00:50:26,732 --> 00:50:30,652
<i>Hindi ko akalain na ganoon kalalim
ang galit ng mga mamamayan.</i>

678
00:50:32,487 --> 00:50:34,489
At dahil doon, si André...

679
00:50:35,824 --> 00:50:37,159
Gusto ko pang alamin.

680
00:50:38,827 --> 00:50:40,287
Kailangan kong alamin.

681
00:50:43,123 --> 00:50:45,083
Kailangan kong alamin ang kalagayan nila.

682
00:50:49,629 --> 00:50:54,926
<i>Sa libro niyang</i> The Social Contract,
<i>isinulat ni Jean-Jacques Rousseau,</i>

683
00:50:55,886 --> 00:51:02,225
<i>"Isinilang na malaya ang tao,
at nakakulong nasaan siya man."</i>

684
00:51:04,728 --> 00:51:07,354
Ano? Magbibitiw ka
mula sa Guwardiya ng Hari?

685
00:51:07,355 --> 00:51:10,524
Pasensiya na po sa biglaan kong hiling.

686
00:51:10,525 --> 00:51:11,942
Pero...

687
00:51:11,943 --> 00:51:13,820
Ano na ang gagawin mo?

688
00:51:14,404 --> 00:51:18,742
Ikatutuwa ko po kung mailipat n'yo ako
sa Rehimentong Guwardiyang Pranses.

689
00:51:19,701 --> 00:51:21,536
Sa Guwardiyang Pranses?

690
00:51:22,329 --> 00:51:24,371
Ang mga Guwardiya ng Hari,

691
00:51:24,372 --> 00:51:26,916
piniling maharlika ang bawat sundalo.

692
00:51:26,917 --> 00:51:30,252
Pero ibang usapan na
sa Guwardiyang Pranses.

693
00:51:30,253 --> 00:51:31,588
Alam ko 'yon.

694
00:51:32,255 --> 00:51:33,756
- Kung gano'n, bakit?
- Balikat, ta!

695
00:51:33,757 --> 00:51:36,008
Para protektahan ang bansa natin.

696
00:51:36,009 --> 00:51:37,635
- Ang bansa natin?
- Tanghal, ta!

697
00:51:37,636 --> 00:51:42,348
Kung higit sa 80 porsyento ng populasyon
ay hindi namumuhay nang payapa,

698
00:51:42,349 --> 00:51:44,351
walang kinabukasan ang Pransiya.

699
00:51:44,851 --> 00:51:46,685
Sa pagprotekta sa mga karaniwang tao,

700
00:51:46,686 --> 00:51:51,607
mapoprotektahan natin ang bansa
at ang pamilyang maharlika na rin.

701
00:51:51,608 --> 00:51:53,318
'Yan ang paniniwala ko.

702
00:51:55,237 --> 00:51:56,988
Huwag mo nang subukang pigilan ako.

703
00:51:57,739 --> 00:51:59,157
Hindi kita pipigilan.

704
00:52:01,743 --> 00:52:07,415
Tutal, lagi kang sumusunod
nang matatag sa paniniwala mo.

705
00:52:17,843 --> 00:52:20,512
André! Nandito ba si André?

706
00:52:21,471 --> 00:52:23,557
Sumali ka sa Guwardiyang Pranses.

707
00:52:24,266 --> 00:52:26,601
Huwag kang umalis sa tabi ni Oscar,

708
00:52:27,102 --> 00:52:31,105
hanggang matuto ng leksyon
at sumuko ang mayabang na 'yon.

709
00:52:31,106 --> 00:52:32,399
Basta, samahan mo siya.

710
00:52:33,900 --> 00:52:35,360
Opo, panginoon.

711
00:52:42,534 --> 00:52:45,494
Sigurado ka bang magaling na ang mata mo?

712
00:52:45,495 --> 00:52:50,000
Oo, nasanay na akong tingnan
ang mundo ng isang mata lang.

713
00:52:51,209 --> 00:52:52,043
Talaga?

714
00:52:56,590 --> 00:52:57,464
André.

715
00:52:57,465 --> 00:53:01,928
Wala na akong ginawa kundi bigyan ka
ng problema sa pagiging makasarili ko.

716
00:53:03,138 --> 00:53:07,559
Lagi kitang sasamahan,
sa Guwardiyang Pranses man o kahit saan.

717
00:53:13,607 --> 00:53:14,524
Kapitan.

718
00:53:15,483 --> 00:53:17,777
Handa na ang lahat sa parada.

719
00:53:19,070 --> 00:53:19,905
Sige.

720
00:53:22,741 --> 00:53:25,618
Koronel d'Agoult,
ano ang ibig sabihin nito?

721
00:53:25,619 --> 00:53:29,497
Kanina lang, nakalinya sila
nang maayos dito.

722
00:53:33,460 --> 00:53:37,213
Ano raw? Anak ng maharlika, kapitan natin?

723
00:53:37,214 --> 00:53:39,840
Umiiyak na siguro siya sa ama niya ngayon.

724
00:53:39,841 --> 00:53:44,054
Kung tumakas na siya,
magandang balita 'yan sa atin.

725
00:53:45,597 --> 00:53:47,265
- Ano'ng nangyayari rito?
- Ha?

726
00:53:50,769 --> 00:53:55,481
Aba! Sa tingin mo
susunod kami sa utos ng babae?

727
00:53:55,482 --> 00:53:57,274
Mga guwardiya rin kami ng palasyo,

728
00:53:57,275 --> 00:53:59,860
pero hindi kami palamuti
tulag ng mga Guwardiya ng Hari!

729
00:53:59,861 --> 00:54:02,030
- Tama!
- "Palamuti"?

730
00:54:04,658 --> 00:54:07,202
Ayaw namin ng babaeng kapitan!

731
00:54:09,120 --> 00:54:13,290
Kayo lang ang tumuring sa akin
bilang babae sa umpisa pa lang.

732
00:54:13,291 --> 00:54:14,375
Ano'ng sinabi mo?

733
00:54:14,376 --> 00:54:16,543
Puro kayo, "Babae! Babae!"

734
00:54:16,544 --> 00:54:21,131
Pero sino sa inyo ang may lakas ng loob
na makipagkumpitensya sa akin?

735
00:54:21,132 --> 00:54:22,675
Putang 'to!

736
00:54:22,676 --> 00:54:26,011
Ako, si Alain, ang magtuturo sa 'yo
para di ka makapagsalita ng ganyan!

737
00:54:26,012 --> 00:54:28,222
Kung ako ang manalo,

738
00:54:28,223 --> 00:54:31,810
ipangako n'yong lahat
na sasali kayo sa pagsasanay.

739
00:54:34,396 --> 00:54:35,729
Koronel d'Agoult,

740
00:54:35,730 --> 00:54:39,734
kahit matalo ako,
hindi dapat parusahan ang mga sundalo.

741
00:54:40,986 --> 00:54:42,945
<i>Tumabi ka</i>

742
00:54:42,946 --> 00:54:46,824
<i>Tayo ay mandirigma
Hindi susuko</i>

743
00:54:46,825 --> 00:54:50,869
<i>Para protektahan ang buhay natin
Di tayo natatakot sa panganib</i>

744
00:54:50,870 --> 00:54:55,040
<i>Tayo ay mandirigma
Hindi susuko</i>

745
00:54:55,041 --> 00:54:58,669
<i>Mandirigmang walang nakakakilala</i>

746
00:54:58,670 --> 00:55:02,798
<i>Kami ang magtuturo sa 'yo
Ng pagkakaiba mo sa amin</i>

747
00:55:02,799 --> 00:55:06,552
<i>Galit at poot namin
Patutumbahin ka namin ngayon</i>

748
00:55:06,553 --> 00:55:10,472
<i>Lumalaban para manatiling buhay
Dahilan kung bakit kami ay mga mandirigma</i>

749
00:55:10,473 --> 00:55:14,936
<i>Imposibleng matalo kami
Maglaban tayo</i>

750
00:55:32,746 --> 00:55:36,333
Ngayon lang ako nakaharap
ng kasing galing mo.

751
00:55:48,720 --> 00:55:51,890
Kapitan! Sigurado ka bang
hindi siya paparusahan?

752
00:55:52,432 --> 00:55:53,558
Hindi na.

753
00:55:59,606 --> 00:56:01,815
- Mag-ingat kayo para di madapa.
- Dito!

754
00:56:01,816 --> 00:56:04,985
Ina, Ama, bilisan ninyo!

755
00:56:04,986 --> 00:56:07,863
May mga pato sa lawa sa le Petit Trianon!

756
00:56:07,864 --> 00:56:09,574
Ako ang nakakita!

757
00:56:11,409 --> 00:56:14,746
Lumaki na ang mga bata.

758
00:56:15,246 --> 00:56:18,416
Ang bilis ng panahon.

759
00:56:20,960 --> 00:56:23,463
Maaari bang mauna na kayo?

760
00:56:24,047 --> 00:56:27,509
Gusto kong tapusin ang pagbabasa
sa isang sulat na dumating kanina.

761
00:56:39,187 --> 00:56:41,940
Mahal, naiinip na kahihintay ang mga bata...

762
00:56:44,025 --> 00:56:46,861
Kamahalan, ano'ng problema?

763
00:56:57,914 --> 00:56:59,249
<i>Kamahalan, ang Hari.</i>

764
00:56:59,749 --> 00:57:01,708
<i>Sa loob ng mahigit sampung taon,</i>

765
00:57:01,709 --> 00:57:05,337
<i>nagkaroon ng romantikong relasyon
ang reyna kay Konde von Fersen.</i>

766
00:57:05,338 --> 00:57:09,299
<i>Masaya silang nakipagkita nang patago
at pinatili ang matalik na relayon.</i>

767
00:57:09,300 --> 00:57:13,888
<i>Masasabi kong si Prinsipe Louis-Charles
ay maaaring anak ni Konde von Fersen.</i>

768
00:57:18,435 --> 00:57:20,770
Paki...

769
00:57:24,065 --> 00:57:25,275
Pakiusap...

770
00:57:26,276 --> 00:57:27,734
Patawarin mo ako.

771
00:57:27,735 --> 00:57:29,821
Mahal ko si von Fersen.

772
00:57:30,321 --> 00:57:32,322
Pero maniwala ka sa akin.

773
00:57:32,323 --> 00:57:36,161
Hindi naging malalim
ang relasyon namin tulad nang nasa sulat!

774
00:57:38,538 --> 00:57:42,375
Isinusumpa ko, anak mo
si Louis-Charles, Kamahalan.

775
00:57:44,210 --> 00:57:45,044
Oo.

776
00:57:48,047 --> 00:57:50,425
Noong una kitang nakilala,

777
00:57:51,134 --> 00:57:54,803
<i>napakaganda mo,
nagniningning na parang biniyayaan ka</i>

778
00:57:54,804 --> 00:57:56,889
<i>ng diyosa ng pag-ibig
mula ulo hanggang paa.</i>

779
00:57:56,890 --> 00:58:00,268
<i>Labis na nasilaw ang mga mata ko.</i>

780
00:58:03,521 --> 00:58:06,232
<i>Lagi kang nakangiti nang napaliwanag.</i>

781
00:58:06,733 --> 00:58:10,403
<i>Matalino ka, masayahin, at mapaglaro.</i>

782
00:58:20,038 --> 00:58:22,165
Pero ako,

783
00:58:22,749 --> 00:58:26,043
mataba ako at hindi biniyayaan
ng kagwapuhan.

784
00:58:26,044 --> 00:58:29,047
Hindi rin ako marunong sumayaw
o makipagkuwentuhan nang masaya.

785
00:58:29,589 --> 00:58:30,757
Kamahalan...

786
00:58:31,674 --> 00:58:33,760
Pero pinakasalan mo ako

787
00:58:34,260 --> 00:58:38,348
at binigyan ako ng prinsesa
at dalawang prinsipe.

788
00:58:39,182 --> 00:58:42,560
Naghangad ka lang
ng kaligayahan bilang babae.

789
00:58:44,437 --> 00:58:46,689
Paano kita masisisi roon?

790
00:58:54,113 --> 00:58:58,910
Kung mas payat lang sana ako
at mas magandang lalaki, baka nasabi ko.

791
00:59:00,036 --> 00:59:02,330
"Mahal kita."

792
00:59:04,123 --> 00:59:05,207
{\an8}TAONG 1788

793
00:59:05,208 --> 00:59:08,710
{\an8}<i>Mas lumala pa
ang katayuang pinansyal ng Pransiya,</i>

794
00:59:08,711 --> 00:59:11,422
{\an8}<i>at nasa bingit na ng pagkabangkarote
ang pamilya ng hari.</i>

795
00:59:13,341 --> 00:59:17,302
<i>Dumagsa sa Paris
ang mga mahihirap sa probinsiya.</i>

796
00:59:17,303 --> 00:59:20,472
<i>Ang kabisera ay wala nang pag-asa</i>

797
00:59:20,473 --> 00:59:23,935
<i>dahil sa mga kaguluhan
at pagnanakaw sa iba't ibang lugar.</i>

798
00:59:33,903 --> 00:59:36,030
May bisita ang ama ko?

799
00:59:37,365 --> 00:59:40,201
Binibining Oscar! Si Ginoong Jarjayes...

800
00:59:40,702 --> 00:59:44,914
Sabi ni Ginoong Jarjayes,
gusto raw po niyang mag-asawa kayo.

801
00:59:45,790 --> 00:59:47,000
Mag-asawa?

802
00:59:49,002 --> 00:59:50,628
Ano'ng sinasabi mo?

803
00:59:51,129 --> 00:59:53,006
Imposibleng sabihin niya 'yan.

804
00:59:53,923 --> 00:59:56,216
Seryoso po siya!

805
00:59:56,217 --> 00:59:58,761
Nakikipag-usap po siya ngayon sa binata...

806
01:00:10,398 --> 01:00:12,942
Kapitan. Nagkita po tayo ulit.

807
01:00:13,735 --> 01:00:15,319
De Girodelle?

808
01:00:15,320 --> 01:00:18,030
Pinayagan po ako ng ama ninyo

809
01:00:18,031 --> 01:00:20,450
para maging manliligaw ninyo.

810
01:00:21,326 --> 01:00:22,159
Ama!

811
01:00:22,160 --> 01:00:25,162
Ipagpatuloy ninyong dalawa
ang pamilyang Jarjayes.

812
01:00:25,163 --> 01:00:30,126
Bigyan n'yo ako ng malakas at matalinong
lalaki para matahimik na ang isip ko.

813
01:00:31,252 --> 01:00:32,879
Nasisiraan na kayo ng bait!

814
01:00:34,839 --> 01:00:36,466
<i>Mademoiselle</i> Oscar.

815
01:00:38,301 --> 01:00:42,555
Mula noong una kitang nakita
sa mga Guwardiya ng Hari,

816
01:00:43,514 --> 01:00:46,476
hinahangad na kita.

817
01:00:50,938 --> 01:00:53,775
Mula noong umpisa, at kahit kailan,

818
01:00:54,275 --> 01:00:58,029
palaging babae
ang naging tingin ko sa 'yo.

819
01:00:58,571 --> 01:01:01,574
Mula noong umpisa?
Gano'n ang tingin mo sa akin?

820
01:01:02,116 --> 01:01:03,451
<i>Mademoiselle.</i>

821
01:01:04,202 --> 01:01:07,914
Habang paganda ka nang paganda
sa uniporme ng sundalo...

822
01:01:09,874 --> 01:01:12,126
mas lalong masakit makita 'yon
para sa akin.

823
01:01:13,711 --> 01:01:14,795
Bakit?

824
01:01:14,796 --> 01:01:18,758
Bakit mo tinatalikuran
ang init at bait ng tahanan?

825
01:01:21,094 --> 01:01:23,012
Tigilan mo na ang biro mo!

826
01:01:24,013 --> 01:01:26,015
Hindi ako magpapakasal.

827
01:01:28,351 --> 01:01:29,519
Oscar...

828
01:01:39,987 --> 01:01:42,657
Pagkatapos ng lahat,
gusto mo akong mabuhay bilang babae?

829
01:01:45,034 --> 01:01:45,868
Kung gano'n,

830
01:01:46,703 --> 01:01:49,539
para saan pala ang buhay ko?

831
01:01:52,792 --> 01:01:57,672
<i>Sa harap ni von Fersen,
puwede lang akong mabuhay bilang lalaki.</i>

832
01:01:58,965 --> 01:02:00,174
<i>Para saan pala 'yon?</i>

833
01:02:08,683 --> 01:02:12,562
<i>Kailan pa man, minahal ko ang bansa ko</i>

834
01:02:13,146 --> 01:02:16,190
<i>at kumapit sa daang pinaniniwalaan ko.</i>

835
01:02:17,525 --> 01:02:18,735
<i>Pero...</i>

836
01:02:24,115 --> 01:02:26,908
Isa muna akong tao bago ang reyna!

837
01:02:26,909 --> 01:02:30,872
Isa kang papuri sa akin
at sa buong angkan ng Jarjayes.

838
01:02:31,914 --> 01:02:35,625
Sa tingin mo
susunod kami sa utos ng babae?

839
01:02:35,626 --> 01:02:38,587
Ipagpatuloy n'yong dalawa
ang pamilyang Jarjayes.

840
01:02:38,588 --> 01:02:40,923
Para matahimik na ang isip ko.

841
01:02:44,051 --> 01:02:46,094
Ang buhay ko...

842
01:02:46,095 --> 01:02:49,681
<i>Kahit na ramdam ng puso ko
Ang matinding sakit</i>

843
01:02:49,682 --> 01:02:54,019
<i>Bakit parang hinihiwa ito?</i>

844
01:02:54,020 --> 01:02:57,732
<i>Bakit walang laman ang puso ko?</i>

845
01:02:58,316 --> 01:03:02,444
<i>Hindi ko kaya
Hindi ko na kaya</i>

846
01:03:02,445 --> 01:03:06,615
<i>Matagal na akong sumasayaw sa kawalan</i>

847
01:03:06,616 --> 01:03:10,786
<i>Hindi ko kaya
Hindi ko na kaya</i>

848
01:03:10,787 --> 01:03:12,204
<i>Lumalabo ang paningin...</i>

849
01:03:12,205 --> 01:03:15,500
Ang buhay ko...

850
01:03:28,346 --> 01:03:29,305
Oscar.

851
01:03:30,556 --> 01:03:32,850
Sapat na sa 'kin noon
na pinapanood lang kita.

852
01:03:33,392 --> 01:03:36,896
Pagiging pinakamalapit sa 'yo, at basta...

853
01:03:38,272 --> 01:03:41,108
Akala ko maitatago ko
ang damdamin ko habambuhay,

854
01:03:41,609 --> 01:03:44,195
hanggang paghiwalayin tayo ng kamatayan,

855
01:03:45,238 --> 01:03:48,658
basta nariyan lang ako sa tabi mo.

856
01:03:50,326 --> 01:03:55,122
Pati ba iyon, ipagbabawal na sa akin?

857
01:04:09,804 --> 01:04:10,805
Hindi puwede...

858
01:04:21,148 --> 01:04:22,984
<i>The New Heloise.</i>

859
01:04:24,402 --> 01:04:28,698
Kuwento ng pag-iibigan sa pagitan
ng anak ng maharlika at ng karaniwang tao.

860
01:04:29,448 --> 01:04:33,703
Dahil sa pagkakaiba ng kalagayan nila,
sa kamatayan lang sila puwedeng magsama.

861
01:04:34,704 --> 01:04:36,497
Sa kamatayan...

862
01:04:51,304 --> 01:04:52,263
Oscar.

863
01:04:55,892 --> 01:04:58,101
Hindi ko maintindihan kung bakit,

864
01:04:58,102 --> 01:05:01,731
pero kanina pang ayaw tumigil ang luha ko.

865
01:05:03,858 --> 01:05:05,568
<i>The New Heloise.</i>

866
01:05:06,319 --> 01:05:10,197
Noong binasa ko 'yan dati,
hindi naman ako nagandahan.

867
01:05:11,365 --> 01:05:13,743
Ano kaya ang nag-iba, André?

868
01:05:14,952 --> 01:05:17,121
Dinalhan mo pala ako ng alak.

869
01:05:19,707 --> 01:05:22,417
Nagdasal ka na ba ngayong gabi?

870
01:05:22,418 --> 01:05:23,336
Oo.

871
01:05:24,378 --> 01:05:28,466
Bakit kaya? Puro tungkol sa mga nakaraan
ang naiisip ko ngayong gabi.

872
01:05:30,384 --> 01:05:31,719
Nakaraan?

873
01:05:33,054 --> 01:05:35,765
Noong dumating ka dito sa bahay

874
01:05:36,349 --> 01:05:38,768
<i>dahil kinupkop ka ng lola mo.</i>

875
01:05:46,067 --> 01:05:49,028
<i>Noong unang beses tayong nagsanay
ng paggamit ng espada.</i>

876
01:05:49,946 --> 01:05:51,696
Nakakainis!

877
01:05:51,697 --> 01:05:54,241
<i>Noong napili akong
maglingkod kay Marie Antoinette</i>

878
01:05:54,742 --> 01:05:58,829
<i>bilang opisyal ng Guwardiya ng Hari
kahit hindi pa ako nakakapagtapos.</i>

879
01:06:00,247 --> 01:06:03,793
Kahit kailan, ikaw ang nasa tabi ko.

880
01:06:05,252 --> 01:06:07,004
Salamat, André.

881
01:06:19,016 --> 01:06:20,393
Wag... Wag mong inumin...

882
01:06:23,521 --> 01:06:24,772
Wag, Oscar!

883
01:06:45,209 --> 01:06:48,670
<i>Tapat na pag-ibig
Ihinahagis ang puso ko sa kaguluhan</i>

884
01:06:48,671 --> 01:06:51,673
<i>Pinapasaya lang ang sarili
Nang paulit-ulit</i>

885
01:06:51,674 --> 01:06:53,633
<i>Nalalasing sa nagniningning mong tingin</i>

886
01:06:53,634 --> 01:06:54,551
Pasensiya na.

887
01:06:54,552 --> 01:06:57,804
<i>Ginigising ang alab na pinipigilan ko</i>

888
01:06:57,805 --> 01:07:00,932
<i>Ang buhok mo
Kumikinang na parang ginto</i>

889
01:07:00,933 --> 01:07:04,310
<i>Kahit isang hibla lang ay walang katumbas</i>

890
01:07:04,311 --> 01:07:06,688
<i>Hinuhuli ang mga kamay ko...</i>

891
01:07:06,689 --> 01:07:09,942
Nangako ako noon.

892
01:07:11,902 --> 01:07:15,281
Tatanggapin ko po
ang responsibilidad bilang amo niya.

893
01:07:15,865 --> 01:07:20,745
Hinihiling kong kunin ninyo ang buhay
ni Oscar François, ngayon din po mismo.

894
01:07:30,087 --> 01:07:33,758
Nangako akong ibibigay ko
ang buhay ko para sa 'yo balang araw,

895
01:07:34,550 --> 01:07:35,593
Oscar.

896
01:07:36,969 --> 01:07:39,430
Pero... Ang ginawa ko...

897
01:07:44,852 --> 01:07:45,978
André...

898
01:07:52,860 --> 01:07:54,486
Brigada Heneral Jarjayes!

899
01:07:54,487 --> 01:07:55,987
Sina Alain?

900
01:07:55,988 --> 01:07:57,030
Opo!

901
01:07:57,031 --> 01:08:00,450
Pinagbebenta raw po sa bayan
ang mga armas ng mga Guwardiyang Pranses!

902
01:08:00,451 --> 01:08:02,161
Papunta na po si Heneral Bouillé!

903
01:08:07,875 --> 01:08:10,669
Kasuklam-suklam na krimen
laban sa bansa ang ginawa ninyo!

904
01:08:11,253 --> 01:08:13,838
Paparusahan kayo, ngayon din!

905
01:08:13,839 --> 01:08:18,928
- Sandali lang po, Heneral Bouillé!
- Ano ba'ng problema, Brigada Heneral?

906
01:08:20,763 --> 01:08:24,975
Hindi ako makapaniwalang ginawa nila 'yon.

907
01:08:26,393 --> 01:08:28,771
Masyado kang mabait, Kapitan.

908
01:08:29,855 --> 01:08:32,023
Binenta nga namin ang armas namin!

909
01:08:32,024 --> 01:08:36,069
- Ano...
- Pero wala kaming pinagsisisihan.

910
01:08:36,070 --> 01:08:38,196
- Tama!
- Di rin ako nagsisisi!

911
01:08:38,197 --> 01:08:41,074
Sa perang nakuha ko
sa pagbebenta ng mga baril,

912
01:08:41,075 --> 01:08:44,035
may mainit na sabaw
ang nanay ko sa buong linggo!

913
01:08:44,036 --> 01:08:47,163
- Ako rin!
- Nadala ko sa doktor ang tatay ko!

914
01:08:47,164 --> 01:08:50,792
Nakasuot na sa wakas ng sapatos
ang bunso kong kapatid!

915
01:08:50,793 --> 01:08:53,545
Hindi na masusugatan
sa bubog ang paa niya!

916
01:08:53,546 --> 01:08:55,839
Ayos lang kahit makulong ako!

917
01:08:55,840 --> 01:08:58,551
- Ako rin!
- Parusahan mo na kami!

918
01:09:01,220 --> 01:09:04,056
<i>Diyos ko...</i>

919
01:09:04,682 --> 01:09:08,018
<i>Wala akong kaalam-alam na ganito pala...</i>

920
01:09:09,645 --> 01:09:12,105
Nagdadahilan pa kayo!

921
01:09:12,106 --> 01:09:13,898
Hindi ito mapapatawad!

922
01:09:13,899 --> 01:09:15,025
Heneral Bouillé!

923
01:09:15,818 --> 01:09:19,530
Ako na po ang magpaparusa
sa mga sundalo mamaya.

924
01:09:20,030 --> 01:09:21,865
Kaya pakiusap...

925
01:09:21,866 --> 01:09:24,492
Wag kang makialam, babae!

926
01:09:24,493 --> 01:09:26,828
Ano bang alam ng maharlikang tulad mo?

927
01:09:26,829 --> 01:09:29,373
Parusahan mo na kami, Heneral!

928
01:09:30,082 --> 01:09:33,794
Kapitan, dapat parusahan mo na rin kami.

929
01:09:34,962 --> 01:09:36,379
Tahimik!

930
01:09:36,380 --> 01:09:39,258
Ikukulong kayong lahat
sa kuwartel ng isang linggo!

931
01:09:40,676 --> 01:09:42,386
Heneral, sandali lang po!

932
01:09:42,970 --> 01:09:44,263
Heneral!

933
01:09:48,559 --> 01:09:49,976
Sa kuwartel? 'Yon lang?

934
01:09:49,977 --> 01:09:51,812
Walang problema!

935
01:10:04,700 --> 01:10:06,493
Hindi n'yo ba naiintindihan?

936
01:10:07,578 --> 01:10:10,164
Madali lang kayong parusahan.

937
01:10:10,664 --> 01:10:12,750
Nasa akin ang awtoridad na iyon.

938
01:10:13,250 --> 01:10:16,294
Pero kahit gumamit ako
ng dahas laban sa inyo,

939
01:10:16,295 --> 01:10:19,714
hindi ko mahahawakan
pati ang puso ninyo.

940
01:10:19,715 --> 01:10:23,219
Dahil malaya ang puso.

941
01:10:24,220 --> 01:10:26,638
Bawat isa sa atin, sino man tayo,

942
01:10:26,639 --> 01:10:31,268
may kalayaan sa puso natin
na hindi kayang angkinin ninuman.

943
01:10:32,311 --> 01:10:34,980
At dahil doon... dahil doon mismo,

944
01:10:35,522 --> 01:10:38,525
hindi ko gagamitin
ang awtoridad ko para mapigilan kayo.

945
01:10:39,026 --> 01:10:40,736
Hindi ko kayo pinaparusahan.

946
01:10:43,322 --> 01:10:46,867
Bakit ba hindi n'yo maintindihan?

947
01:10:54,041 --> 01:10:56,001
Patawad sa pagbuhat ko ng kamay,

948
01:10:56,919 --> 01:10:59,879
at kahit na ako ang mas nakakataas,

949
01:10:59,880 --> 01:11:04,134
wala akong alam tungkol sa paghihirap
ng inyong mga pamilya.

950
01:11:06,303 --> 01:11:10,057
Wala akong dahilan
o karapatan para manatili rito.

951
01:11:10,641 --> 01:11:13,644
Tulad ng gusto ninyo,
aalis na ako sa Guwardiyang Pranses.

952
01:11:14,561 --> 01:11:16,939
Hanggang may maitalagang bagong kapitan,

953
01:11:17,439 --> 01:11:20,275
imumungkahi ko si Koronel d'Agoult
bilang maging kapitan muna.

954
01:11:20,276 --> 01:11:22,235
Brigada Heneral Jarjayes...

955
01:11:22,236 --> 01:11:25,281
- André, dalhan mo ako ng kabayo.
- Oscar.

956
01:11:26,407 --> 01:11:29,827
Mga sundalo. Sundin ninyo
ang utos ni Koronel d'Agoult.

957
01:11:34,957 --> 01:11:35,791
Kapitan!

958
01:11:39,712 --> 01:11:41,671
Huwag po kayong bibitiw!

959
01:11:41,672 --> 01:11:43,923
Pupunta po kami sa kuwartel!

960
01:11:43,924 --> 01:11:46,634
Kusang loob po namin!

961
01:11:46,635 --> 01:11:49,179
Hindi po dahil pinilit kami!

962
01:11:49,722 --> 01:11:52,098
- Nang taas noo!
- Magiging malaya po kami!

963
01:11:52,099 --> 01:11:53,767
- Kapitan!
- Pupunta kami!

964
01:11:54,518 --> 01:11:56,270
Ano...

965
01:12:01,900 --> 01:12:02,943
Anong...

966
01:12:03,652 --> 01:12:05,571
Ano bang...

967
01:12:19,335 --> 01:12:20,502
<i>Oscar.</i>

968
01:12:27,009 --> 01:12:33,057
<i>Muntik na kitang agawan
ng ganito katinding kasiyahan...</i>

969
01:12:39,146 --> 01:12:41,023
Dalhan mo ako ng alak, André.

970
01:12:48,530 --> 01:12:49,448
Salamat.

971
01:12:51,825 --> 01:12:52,743
Oscar.

972
01:12:53,619 --> 01:12:55,204
Kagabi, may...

973
01:12:55,788 --> 01:13:00,501
Ikaw ang palaging nasa pinakamalapit
sa akin hanggang ngayon.

974
01:13:01,126 --> 01:13:02,752
'Yan ang sinabi ko sa 'yo.

975
01:13:02,753 --> 01:13:04,254
Oo.

976
01:13:05,339 --> 01:13:06,423
Simula rin ngayon,

977
01:13:07,341 --> 01:13:12,429
André, gusto kong ikaw
ang nasa pinakamalapit sa akin.

978
01:13:13,305 --> 01:13:14,848
Gaya lang din ng dati.

979
01:13:29,988 --> 01:13:32,241
Ano'ng pag-uusapan natin?

980
01:13:33,075 --> 01:13:35,619
May isang lalaki rito.

981
01:13:36,286 --> 01:13:38,288
Ang hinala ko

982
01:13:39,081 --> 01:13:43,001
kung magiging asawa ako ng iba,
hindi na niya kakayaning mabuhay.

983
01:13:43,919 --> 01:13:46,547
Ganoon niya ako kamahal.

984
01:13:47,339 --> 01:13:51,301
Kung hindi na siya mabubuhay pa...

985
01:13:52,594 --> 01:13:55,139
kung hindi siya magiging masaya...

986
01:13:56,723 --> 01:14:01,019
ako rin ay magiging pinakamalungkot
na tao sa buong mundo.

987
01:14:04,106 --> 01:14:06,358
Si André Grandier ba ang tinutukoy mo?

988
01:14:06,984 --> 01:14:10,696
Ibig mong sabihin, hindi ka magpapakasal
kahit kanino dahil sa kanya?

989
01:14:15,033 --> 01:14:17,202
Mahal mo ba siya?

990
01:14:25,919 --> 01:14:27,045
Hindi ko pa alam.

991
01:14:28,172 --> 01:14:31,467
Hindi ko siya tinitingnan
nang ganoon noon.

992
01:14:32,551 --> 01:14:33,927
Para kaming magkapatid.

993
01:14:35,012 --> 01:14:37,764
Hindi, baka nga
mas may pinagsamahan pa kami

994
01:14:38,557 --> 01:14:40,309
sa hirap at ginhawa,

995
01:14:40,809 --> 01:14:43,228
higit pa sa mga magkakapatid.

996
01:14:43,854 --> 01:14:46,356
At hindi ko man lang namalayan,

997
01:14:47,065 --> 01:14:50,652
mas naging malapit ang mga kaluluwa namin.

998
01:14:57,075 --> 01:15:00,787
Ang kalungkutan niya,
magdadala rin sa 'yo ng lungkot.

999
01:15:02,623 --> 01:15:05,042
- Iyon lang ang dapat kong malaman.
- Ano?

1000
01:15:06,293 --> 01:15:09,670
Dahil kung hindi ka masaya,

1001
01:15:09,671 --> 01:15:12,799
magiging pinakamalungkot
na tao sa mundo rin ako.

1002
01:15:13,675 --> 01:15:14,801
De Girodelle...

1003
01:15:16,845 --> 01:15:18,429
Tanggapin mo sana,

1004
01:15:18,430 --> 01:15:22,184
ito lang ang maibibigay kong pruweba
ng pagmamahal ko.

1005
01:15:23,602 --> 01:15:25,103
Babawiin ko ang alok ko ng kasal.

1006
01:15:34,655 --> 01:15:36,615
Salamat, de Girodelle.

1007
01:15:44,373 --> 01:15:45,457
Oscar?

1008
01:15:46,959 --> 01:15:49,210
Kailangan kitang pasalamatan, Ama.

1009
01:15:49,211 --> 01:15:50,128
Ano?

1010
01:15:50,712 --> 01:15:53,632
{\an8}Binigyan mo ako ng buhay na ganito.

1011
01:15:54,383 --> 01:15:57,928
{\an8}Kahit na babae ako,
marami akong nakita sa mundo

1012
01:15:58,512 --> 01:16:01,556
{\an8}at nagawa kong hanapin
ang landas ko bilang tao.

1013
01:16:01,557 --> 01:16:02,641
Oscar.

1014
01:16:03,225 --> 01:16:05,142
Wala na akong pagsisisi.

1015
01:16:05,143 --> 01:16:11,148
Susunod ako sa puso ko
at tatahakin ang landas na pinili ko.

1016
01:16:11,149 --> 01:16:14,152
Ibibigay ko ang sarili
sa espada at mga bala ko

1017
01:16:16,071 --> 01:16:18,698
at mamuhay bilang anak ni Mars!

1018
01:16:18,699 --> 01:16:24,704
<i>Dahil nagawa kong sirain ang pader
At naintindihan ang tunay na pag-ibig</i>

1019
01:16:24,705 --> 01:16:27,748
<i>Nagkaroon ng lakas ng loob</i>

1020
01:16:27,749 --> 01:16:30,460
<i>Para hindi pagdudahan ang sarili ko</i>

1021
01:16:31,545 --> 01:16:33,755
<i>Anuman ang sabihin ng iba</i>

1022
01:16:34,339 --> 01:16:36,716
<i>Ang mga alaala ng buhay ko</i>

1023
01:16:36,717 --> 01:16:42,556
<i>Napakalinaw, imposibleng maiwanan ko</i>

1024
01:16:43,432 --> 01:16:48,644
<i>Mabuhay nang ayon sa paniniwala ko</i>

1025
01:16:48,645 --> 01:16:53,941
<i>Pakawalan mo ako
Pakawalan mo ang kaluluwa ko</i>

1026
01:16:53,942 --> 01:17:00,698
<i>Kahit kadenang bakal
Hindi maitatali ang kalayaan ko</i>

1027
01:17:00,699 --> 01:17:05,578
<i>Nagdesisyon na ako
Lalaban ako</i>

1028
01:17:05,579 --> 01:17:08,581
<i>Ito ang tadhana ko</i>

1029
01:17:08,582 --> 01:17:13,045
<i>Hindi na mag-aalinlangan</i>

1030
01:17:24,765 --> 01:17:30,353
<i>Dahil anak ako ni Mars</i>

1031
01:17:30,354 --> 01:17:36,401
<i>Hindi, hindi na ako mag-aalinlangan</i>

1032
01:17:43,033 --> 01:17:45,868
<i>Sa pagtatangkang iligtas
ang bumabagsak na ekonomiya,</i>

1033
01:17:45,869 --> 01:17:49,665
<i>binalak ng gobyerno na dagdagan pa
ang buwis ng mga karaniwang mamamayan.</i>

1034
01:17:50,415 --> 01:17:52,793
<i>Hindi maiiwasan,
nagkaroon ng matinding pagtutol.</i>

1035
01:17:53,293 --> 01:17:56,712
<i>Walang magawa si Louis XVI
kundi magpatawag ng mga kinatawan</i>

1036
01:17:56,713 --> 01:17:59,757
<i>ng kaparian, ng maharlika,
at ng mga karaniwang tao</i>

1037
01:17:59,758 --> 01:18:02,844
<i>para sa pagtitipon na kilala
bilang Pangkalahatang Kapulungan.</i>

1038
01:18:04,346 --> 01:18:10,310
<i>Kahit nahihirapan sila, hindi natakot
ang mga delegado ng karaniwang mamamayan.</i>

1039
01:18:10,852 --> 01:18:12,061
Mga kasama!

1040
01:18:12,062 --> 01:18:17,525
Ipangako natin ngayon na mga puso,
mga kamay, at mga boses natin ay nag-iisa!

1041
01:18:17,526 --> 01:18:19,277
Hindi tayo magpapatalo!

1042
01:18:24,116 --> 01:18:26,200
<i>Napakatindi.</i>

1043
01:18:26,201 --> 01:18:28,036
<i>Nakakatuwa talaga.</i>

1044
01:18:28,912 --> 01:18:32,040
<i>Naniniwala silang lahat sa kinabukasan.</i>

1045
01:18:32,999 --> 01:18:36,294
<i>Sinusunod nila ang malayang puso nila.</i>

1046
01:18:39,381 --> 01:18:40,673
Oscar.

1047
01:18:40,674 --> 01:18:44,553
Bumalik ka sa mga Guwardiya ng Hari.
Hindi ka ligtas sa kinaroroonan mo.

1048
01:18:45,178 --> 01:18:46,930
Ano po ang ibig mong sabihin?

1049
01:18:47,681 --> 01:18:50,307
Mula sa buong Pransiya,

1050
01:18:50,308 --> 01:18:53,812
Maraming tropa ng Kamahalan
ang magtitipon sa Paris.

1051
01:18:55,522 --> 01:18:59,442
Nababagabag ang mga tao sa mga bastos
at barbarikong delegado nila.

1052
01:18:59,443 --> 01:19:00,944
Susupilin sila ng tropa.

1053
01:19:01,445 --> 01:19:06,574
Mawalang galang po, nariyan ang hukbo
para protektahan ang mamamayan.

1054
01:19:06,575 --> 01:19:09,619
Hindi nila dapat itutok
ang baril sa mga tao.

1055
01:19:10,245 --> 01:19:11,246
Oscar...

1056
01:19:11,747 --> 01:19:16,501
Tinawag ninyo ang mga delegado
na bastos at barbariko.

1057
01:19:17,085 --> 01:19:21,256
Pero hindi po ako sang-ayon.

1058
01:19:24,634 --> 01:19:26,886
Nakikiramay ka sa kanila, tama ba?

1059
01:19:26,887 --> 01:19:28,179
Hindi po, ang...

1060
01:19:28,180 --> 01:19:31,558
Ang kapangyarihan ng hari
ay inutos ng Diyos.

1061
01:19:32,142 --> 01:19:36,646
Ang Kamahalan lang
ang maaring mamuno sa bansang Pransiya.

1062
01:19:38,064 --> 01:19:42,068
Hindi maililigtas ang bansa
kung tatanggapin ang pananaw ng mga tao.

1063
01:19:43,069 --> 01:19:46,490
<i>Matinding dignidad at di matitinag
na kumpiyansa sa sarili.</i>

1064
01:19:47,365 --> 01:19:52,078
<i>Sa ganitong paraan lang mabubuhay
ang taong ipinanganak na maging reyna.</i>

1065
01:19:54,331 --> 01:19:57,292
Oscar, bumalik ka
sa pagiging Guwardiya ng Hari.

1066
01:19:58,460 --> 01:20:01,379
Kapitan po ako ng Guwardiyang Pranses.

1067
01:20:15,435 --> 01:20:16,603
<i>Paalam na.</i>

1068
01:20:17,979 --> 01:20:20,357
<i>Adieu, ang Reyna, Marie Antoinette.</i>

1069
01:20:35,455 --> 01:20:38,375
{\an8}IKA-10 NG HULYO, 1789

1070
01:20:39,125 --> 01:20:42,878
{\an8}<i>Noong ika-10 ng Hulyo, 1789,</i>

1071
01:20:42,879 --> 01:20:47,634
{\an8}<i>maraming rehimiyento ang dumating
sa Paris mula sa buong Pransiya.</i>

1072
01:20:48,176 --> 01:20:51,387
<i>Galit at sakit</i>

1073
01:20:51,388 --> 01:20:54,598
<i>Napupuno na kami
Hindi na namin kaya</i>

1074
01:20:54,599 --> 01:20:57,810
<i>Mga araw sa kadiliman</i>

1075
01:20:57,811 --> 01:21:00,856
<i>Tingnan kung paano kami magdusa</i>

1076
01:21:01,690 --> 01:21:03,108
Mga mamamayan!

1077
01:21:03,692 --> 01:21:05,109
Ito na nga,

1078
01:21:05,110 --> 01:21:10,240
inilabas ng hari ang direktang hamon
sa ating mga mamamayan!

1079
01:21:10,740 --> 01:21:13,743
<i>Hayaan mong mag-alab ang galit</i>

1080
01:21:14,327 --> 01:21:17,747
<i>Itaas ang mga armas, mga mamamayan</i>

1081
01:21:18,331 --> 01:21:20,541
<i>Ngayon na ang oras</i>

1082
01:21:20,542 --> 01:21:25,254
<i>Lahat ng tao ay ipinanganak na malaya</i>

1083
01:21:25,255 --> 01:21:26,506
<i>Putulin mo na</i>

1084
01:21:27,507 --> 01:21:31,635
<i>Ang sinaunang rehimen</i>

1085
01:21:31,636 --> 01:21:38,685
<i>At ang mga kasuklam-suklam na kadena</i>

1086
01:21:41,396 --> 01:21:47,484
<i>Itaas ang noo at lumakad sa lupa</i>

1087
01:21:47,485 --> 01:21:53,991
<i>Magkasama tayong maglakad
Nang may sulo para sa hinaharap</i>

1088
01:21:53,992 --> 01:22:00,331
<i>Abutin mo at hawakan
Bagong Pransiya</i>

1089
01:22:00,332 --> 01:22:07,422
<i>Walang makakahawak sa atin
Malaya tayong lahat</i>

1090
01:22:08,214 --> 01:22:11,383
<i>Mabuhay ang Pransiya</i>

1091
01:22:11,384 --> 01:22:14,511
<i>Kalayaan, Kapantayan, Kapatiran</i>

1092
01:22:14,512 --> 01:22:16,848
Hindi ito katanggap-tanggap, Kapitan!

1093
01:22:17,474 --> 01:22:22,520
Kung kikilos tayo, ibig-sabihin ba noon
ay magtututok tayo ng baril sa mga tao?

1094
01:22:23,021 --> 01:22:25,148
Hindi kailangan.

1095
01:22:25,815 --> 01:22:29,902
- Ang utos ay kumilos, hindi umatake.
- Ano ang ipinagkaiba?

1096
01:22:29,903 --> 01:22:32,322
Isa kang maharlika, kaya...

1097
01:22:33,156 --> 01:22:34,824
Maharlika ako, ano naman?

1098
01:22:35,617 --> 01:22:37,827
Sa tingin mo, hindi ako nasasaktan?

1099
01:22:39,663 --> 01:22:43,208
Wala bang sundalong susunod sa akin
nang walang tanong?

1100
01:22:43,833 --> 01:22:47,211
Sasamahan ko kayo
at ako mismo ang mamumuno!

1101
01:22:47,212 --> 01:22:49,756
- Si kapitan?
- Sasama sa atin?

1102
01:22:50,632 --> 01:22:53,885
Ibig sabihin, pipiliin ninyong tumayo
kasama namin?

1103
01:22:54,928 --> 01:22:55,887
Siyempre.

1104
01:22:58,348 --> 01:22:59,891
Kung ganoon, sasama ako.

1105
01:23:01,351 --> 01:23:03,019
Kung kayo ang mamumuno!

1106
01:23:03,937 --> 01:23:05,981
- Tama!
- Oo!

1107
01:23:12,153 --> 01:23:13,071
André.

1108
01:23:14,698 --> 01:23:15,740
Dito ka na lang.

1109
01:23:16,825 --> 01:23:19,911
Isa lang ang mata mo.
Delikado ang Paris para sa 'yo.

1110
01:23:21,913 --> 01:23:26,208
Patuloy na magkasama pa rin tayong dalawa.
Ikaw mismo ang nagsabi.

1111
01:23:26,209 --> 01:23:28,920
Ako ang anino mo.

1112
01:23:29,421 --> 01:23:31,381
Hindi ako mabubuhay kung wala ka.

1113
01:23:31,881 --> 01:23:34,300
Sasamahan kita kahit sa impiyerno.

1114
01:23:35,051 --> 01:23:36,219
André...

1115
01:23:38,138 --> 01:23:38,972
Sige.

1116
01:23:40,390 --> 01:23:43,685
{\an8}Kung ganoon, pagbigyan mo
ang makasarili kong kahilingan.

1117
01:23:44,185 --> 01:23:48,648
{\an8}Manatili ka sa tabi ko at huwag mong
hayaang mawalan ako ng lakas ng loob.

1118
01:23:49,149 --> 01:23:52,318
{\an8}Oo. Hindi ako aalis sa tabi mo.

1119
01:24:05,832 --> 01:24:08,752
Walang hanggan ang init ng puso mo.

1120
01:24:27,145 --> 01:24:30,065
Masama na ito.
Hindi niya ito dapat malaman.

1121
01:24:31,191 --> 01:24:33,651
Hindi ito dapat malaman ng kahit sino.

1122
01:24:39,324 --> 01:24:40,407
Oscar.

1123
01:24:40,408 --> 01:24:41,325
Ano po?

1124
01:24:41,326 --> 01:24:43,536
Noong sinabi kong magpakasal ka,

1125
01:24:44,162 --> 01:24:48,582
dahil 'yon sa kagustuhang protektahan ka
mula sa parating na kaguluhan.

1126
01:24:48,583 --> 01:24:49,501
Gayunpaman,

1127
01:24:50,418 --> 01:24:51,711
ituloy mo na.

1128
01:24:52,212 --> 01:24:56,549
Tumuloy ka sa landas na pinili mo.
Gawin mo ang hiling ng puso mo.

1129
01:24:57,217 --> 01:24:59,426
Anuman ang mangyari,

1130
01:24:59,427 --> 01:25:05,058
magtiwala kayong hindi n'yo ako pinalaki
para maging duwag, Ama.

1131
01:25:05,767 --> 01:25:06,851
Oo.

1132
01:25:07,519 --> 01:25:08,520
Pero...

1133
01:25:09,395 --> 01:25:11,689
Pero ipangako mo sa akin

1134
01:25:12,524 --> 01:25:16,277
na sisiguraduhin mong makakauwi ka.

1135
01:25:17,612 --> 01:25:18,530
Ina...

1136
01:25:25,036 --> 01:25:27,664
Oscar, nagdala ako ng alak.

1137
01:25:32,168 --> 01:25:33,461
Ilalagay ko na rito.

1138
01:25:34,671 --> 01:25:35,713
André.

1139
01:25:39,342 --> 01:25:40,301
Ngayong gabi...

1140
01:25:41,261 --> 01:25:42,262
Isang gabing ito...

1141
01:25:43,555 --> 01:25:44,430
Kasama mo...

1142
01:25:48,184 --> 01:25:50,728
Ikaw at ako...

1143
01:25:51,855 --> 01:25:54,566
Hayaan mo akong maging asawa
ni André Grandier.

1144
01:26:08,872 --> 01:26:11,958
Ibibigay mo sa akin ang lahat?

1145
01:26:13,710 --> 01:26:17,380
Sinasabi mo bang gusto mong maging akin?

1146
01:26:18,548 --> 01:26:19,757
Isang tulad ko?

1147
01:26:26,848 --> 01:26:27,765
Oscar!

1148
01:26:40,695 --> 01:26:42,697
Hindi na ako makapaghintay.

1149
01:26:44,240 --> 01:26:45,450
Naghintay na ako.

1150
01:26:45,950 --> 01:26:47,994
Matagal na akong naghintay.

1151
01:26:49,787 --> 01:26:50,788
Oscar.

1152
01:26:51,623 --> 01:26:52,916
Hindi na ako makapaghintay!

1153
01:26:59,714 --> 01:27:00,632
Walang dapat

1154
01:27:01,382 --> 01:27:02,258
ikatakot.

1155
01:27:09,140 --> 01:27:10,850
Sa iyo na ako.

1156
01:27:11,351 --> 01:27:14,228
<i>Hinahaplos ako na may lambing</i>

1157
01:27:14,229 --> 01:27:18,482
<i>Tila isang anino</i>

1158
01:27:18,483 --> 01:27:23,111
<i>Dumating na ang oras</i>

1159
01:27:23,112 --> 01:27:27,492
<i>Para sumikat ang liwanag na ito</i>

1160
01:27:28,368 --> 01:27:30,535
<i>Ibibigay ko ang lahat</i>

1161
01:27:30,536 --> 01:27:31,996
Mahal kita.

1162
01:27:32,705 --> 01:27:35,707
Sa lungkot at saya.

1163
01:27:35,708 --> 01:27:37,752
Ibinahagi ko ang buhay ko sa iyo.

1164
01:27:38,253 --> 01:27:41,838
At para patuloy na makapagbahagi,

1165
01:27:41,839 --> 01:27:44,008
ibibigay natin ang lahat.

1166
01:27:45,301 --> 01:27:46,511
Nandoon ka.

1167
01:27:47,428 --> 01:27:49,347
Sa pagdaan ng himig ng tagsibol.

1168
01:27:49,847 --> 01:27:52,183
Sa nakakasilaw na araw ng tag-init.

1169
01:27:52,767 --> 01:27:56,104
Sa pakiramdam ng taglagas
at sa lupit ng taglamig.

1170
01:27:57,063 --> 01:28:00,942
Gaya ng kambal na bituin
na Castor at Pollux,

1171
01:28:02,986 --> 01:28:04,320
nandoon ka.

1172
01:28:16,332 --> 01:28:17,500
Mahal kita.

1173
01:28:20,211 --> 01:28:21,170
<i>André.</i>

1174
01:28:22,297 --> 01:28:23,256
<i>André!</i>

1175
01:28:24,757 --> 01:28:26,175
<i>Ang asawa ko.</i>

1176
01:28:27,593 --> 01:28:28,845
<i>Mahal kita.</i>

1177
01:28:56,122 --> 01:28:58,666
Mga sundalo! Pasulong, Kad!

1178
01:29:06,716 --> 01:29:07,966
PALASYO NG TUILERIES

1179
01:29:07,967 --> 01:29:11,637
<i>Noong ika-13 ng Hulyo, 1789,</i>

1180
01:29:12,638 --> 01:29:16,350
<i>nagkagulo matapos batuhin
ng mga nagugutom na mamamayan</i>

1181
01:29:16,351 --> 01:29:18,436
<i>ang Rehimentong Royal Allemand.</i>

1182
01:29:28,738 --> 01:29:32,200
Mga sundalo! Nagpaputok
ang mga tropa sa mga sibilyan.

1183
01:29:33,701 --> 01:29:36,621
Sinabi ko na sa inyo noon.

1184
01:29:37,121 --> 01:29:38,915
Malaya ang puso.

1185
01:29:39,749 --> 01:29:44,044
Sinabi ko na ang bawat tao
ay may kalayaan sa puso nila

1186
01:29:44,045 --> 01:29:46,464
na walang sinuman ang maaring umalipin.

1187
01:29:47,298 --> 01:29:52,178
Ngayon, gusto kong
itama ang mali sa sinabi ko.

1188
01:29:53,846 --> 01:29:56,724
Hindi lang ang puso
ang nararapat sa kalayaan!

1189
01:29:58,226 --> 01:30:02,188
Bawat tao, mula sa bawat dulo ng daliri
at sa bawat hibla ng buhok,

1190
01:30:02,688 --> 01:30:07,402
ay pantay sa mata ng Diyos
at dapat malaya.

1191
01:30:09,779 --> 01:30:12,155
Ngayon, tayong mga mamamayan ng Pransiya

1192
01:30:12,156 --> 01:30:17,286
ay naninindigan sa ilalim ng bandila
ng kalayaan, kapantayan, at kapatiran.

1193
01:30:21,082 --> 01:30:25,043
Tinatalikuran ko ngayon
ang titulo kong Kondesa

1194
01:30:25,044 --> 01:30:28,381
at lahat ng teritoryong hawak ko!

1195
01:30:29,674 --> 01:30:31,633
Ngayon, pumili na kayo!

1196
01:30:31,634 --> 01:30:35,555
Magiging kasangkapan ba kayo ng maharlika
na kakalaban sa mga tao?

1197
01:30:36,180 --> 01:30:39,015
O gagamitin ninyo ang kalayaan ninyo

1198
01:30:39,016 --> 01:30:42,145
at makisali sa masa
sa maluwalhating bagong kilusan?

1199
01:30:43,146 --> 01:30:44,605
Kapitan!

1200
01:30:45,106 --> 01:30:47,275
Siyempre kasama mo kami, Kapitan!

1201
01:30:49,068 --> 01:30:50,861
Mabuhay ang kapitan!

1202
01:30:50,862 --> 01:30:52,571
Mabuhay ang Pransiya!

1203
01:30:52,572 --> 01:30:55,073
Ngayon, mga magigiting kong sundalo.

1204
01:30:55,074 --> 01:30:58,411
Lumaban tayo kasama ng mga tao
para sa ating bayan!

1205
01:30:58,911 --> 01:31:03,206
Hindi isang bayani o isang heneral
ang bumubuo ng kasaysayan

1206
01:31:03,207 --> 01:31:08,588
kundi tayong mga mamamayan!
Mga bayaning walang nakakakilala!

1207
01:31:11,424 --> 01:31:14,051
Doon tayo sa Hardin ng Tuileries!

1208
01:31:17,722 --> 01:31:18,931
Atake!

1209
01:31:27,440 --> 01:31:28,565
André.

1210
01:31:28,566 --> 01:31:31,402
Maghanda ka para sa kasal natin
pagkatapos ng laban.

1211
01:31:40,119 --> 01:31:41,037
<i>Paalam.</i>

1212
01:31:42,330 --> 01:31:44,540
<i>Paalam sa lahat ng dating hadlang</i>

1213
01:31:45,666 --> 01:31:48,753
<i>at ang nakaraang minahal ko!</i>

1214
01:32:12,485 --> 01:32:13,986
Mga Guwardiyang Pranses!

1215
01:32:16,072 --> 01:32:16,906
Sulong!

1216
01:32:20,660 --> 01:32:21,661
Putok!

1217
01:32:24,830 --> 01:32:28,042
Kakampi natin ang mga Guwardiyang Pranses?

1218
01:32:30,711 --> 01:32:33,381
Ang mga Guwardiyang Pranses?

1219
01:32:34,840 --> 01:32:36,050
Oscar...

1220
01:32:39,971 --> 01:32:40,805
Putok!

1221
01:32:44,725 --> 01:32:46,101
Huwag sirain ang hanay.

1222
01:32:46,102 --> 01:32:47,270
Abante!

1223
01:32:49,188 --> 01:32:50,814
Ngayon, maghiwa-hiwalay!

1224
01:32:50,815 --> 01:32:53,442
Protektahan ang mga mamamayan
at palibutan ang kalaban!

1225
01:33:01,951 --> 01:33:06,455
Wag n'yong hayaang umabante sila!
Babae ang namamahala. Mawawasak sila agad!

1226
01:33:07,456 --> 01:33:10,834
- Mga aso ng maharlika.
- Minamaliit n'yo ang kapitan namin!

1227
01:33:10,835 --> 01:33:13,754
Mabuhay ang Guwardiyang Pranses!

1228
01:33:15,381 --> 01:33:17,508
Suportahan natin ang Guwardiyang Pranses!

1229
01:33:24,056 --> 01:33:25,016
Putok!

1230
01:33:30,479 --> 01:33:31,605
Handa!

1231
01:33:31,606 --> 01:33:32,898
Putok!

1232
01:33:34,650 --> 01:33:38,029
Jean!

1233
01:33:38,696 --> 01:33:39,530
Handa!

1234
01:33:43,075 --> 01:33:43,909
Oscar!

1235
01:33:44,452 --> 01:33:45,286
André!

1236
01:33:46,287 --> 01:33:47,413
Putok!

1237
01:34:06,724 --> 01:34:07,850
André!

1238
01:34:08,351 --> 01:34:09,559
Lintik.

1239
01:34:09,560 --> 01:34:10,603
Putok!

1240
01:34:18,277 --> 01:34:20,488
Buwisit sila. Atras!

1241
01:34:20,988 --> 01:34:23,449
Atras sa Champ de Mars!

1242
01:34:36,295 --> 01:34:38,673
Kumapit ka! Kaya mo iyan!

1243
01:34:46,055 --> 01:34:48,766
Bumalik ka sa posisyon mo.

1244
01:34:49,392 --> 01:34:50,642
Huwag kang magsalita.

1245
01:34:50,643 --> 01:34:53,646
Bakit umalis ang kapitan

1246
01:34:54,355 --> 01:34:57,816
sa labanan?

1247
01:34:57,817 --> 01:34:59,151
Huwag kang magsalita!

1248
01:35:05,658 --> 01:35:08,119
André. Pigilan muna natin ang pagdurugo.

1249
01:35:14,208 --> 01:35:16,293
Ang mga mata mo.

1250
01:35:16,794 --> 01:35:17,628
Ano?

1251
01:35:18,754 --> 01:35:19,880
At saka...

1252
01:35:21,757 --> 01:35:22,633
Ang ilong mo.

1253
01:35:25,761 --> 01:35:29,682
Ay, oo. Ang labi mo.

1254
01:35:30,349 --> 01:35:32,643
Hindi mo ba nakikita?

1255
01:35:33,269 --> 01:35:35,688
Kailan pa, André?

1256
01:35:38,649 --> 01:35:40,400
- Kailan pa?
- Kapitan!

1257
01:35:40,401 --> 01:35:42,820
Bakit hindi mo sinabi sa akin?!

1258
01:35:43,529 --> 01:35:45,156
Bakit ka sumama sa akin?!

1259
01:35:46,282 --> 01:35:49,410
Napakatanga mo!

1260
01:36:00,337 --> 01:36:01,714
André...

1261
01:36:12,099 --> 01:36:14,894
Oscar...

1262
01:36:24,278 --> 01:36:25,654
<i>Ang asul mong mga mata.</i>

1263
01:36:26,489 --> 01:36:27,907
<i>Para bang</i>

1264
01:36:28,824 --> 01:36:30,910
<i>mga mata ng Pegasus.</i>

1265
01:36:31,577 --> 01:36:34,205
<i>At tulad ng nakakaantig nitong pakpak,</i>

1266
01:36:35,539 --> 01:36:38,083
<i>kumakaway sa hangin ang ginto mong buhok.</i>

1267
01:36:39,251 --> 01:36:40,753
<i>Sa hangin...</i>

1268
01:36:56,060 --> 01:36:57,019
André.

1269
01:36:59,146 --> 01:37:01,899
Huwag... Huwag kang mamatay!

1270
01:37:03,317 --> 01:37:04,777
Huwag mo akong iiwan!

1271
01:37:05,319 --> 01:37:07,738
Huwag mo akong iiwang mag-isa rito!

1272
01:37:08,489 --> 01:37:09,824
André!

1273
01:37:20,960 --> 01:37:24,046
André!

1274
01:37:30,719 --> 01:37:34,473
<i>Ika-14 ng Hulyo, 1789.</i>

1275
01:37:35,015 --> 01:37:37,892
<i>Ang araw na ito,
na nakilala ng buong mundo,</i>

1276
01:37:37,893 --> 01:37:40,187
<i>ay nagsimula tulad ng nakaraang araw.</i>

1277
01:37:40,896 --> 01:37:43,983
<i>Maaliwalas na langit. Mainit.</i>

1278
01:37:45,317 --> 01:37:46,360
Mga sundalo.

1279
01:37:47,444 --> 01:37:53,033
<i>Ang mga kanyon sa Bastille
ay nakatutok lahat sa mga kalye ng Paris.</i>

1280
01:37:54,618 --> 01:37:57,745
<i>Nang may galit sa kanilang mga puso,</i>

1281
01:37:57,746 --> 01:38:00,082
<i>papalapit na ang mga mamamayan
sa Bastille.</i>

1282
01:38:04,795 --> 01:38:06,505
Sumama tayo sa kanila!

1283
01:38:07,172 --> 01:38:08,716
Lumaban tayo kasama nila!

1284
01:38:12,803 --> 01:38:14,470
Tayo na, André.

1285
01:38:14,471 --> 01:38:15,598
Handa ka na ba?

1286
01:38:26,692 --> 01:38:28,944
Sandali lang, pasensiya na.

1287
01:38:32,239 --> 01:38:33,866
Paumanhin.

1288
01:39:04,730 --> 01:39:06,273
Sa Bastille!

1289
01:39:15,658 --> 01:39:18,994
- Buksan n'yo!
- Ibigay n'yo ang mga armas!

1290
01:39:30,172 --> 01:39:32,049
Kumander, ano ang utos mo?

1291
01:39:32,591 --> 01:39:37,179
Pampagulo lang ang mga mamamayan.
Wala silang laban sa atin.

1292
01:39:38,222 --> 01:39:39,682
Humanda sa pagputok!

1293
01:39:40,349 --> 01:39:41,350
Putok!

1294
01:39:51,944 --> 01:39:53,403
Tulungan ang sugatan!

1295
01:39:53,404 --> 01:39:54,863
Bakit sila namamaril?

1296
01:40:16,468 --> 01:40:17,970
Ligtas na tayo!

1297
01:40:24,476 --> 01:40:26,228
Ang mga Guwardiyang Pranses!

1298
01:40:36,488 --> 01:40:37,740
Handa!

1299
01:40:39,908 --> 01:40:40,825
Putok!

1300
01:40:40,826 --> 01:40:43,745
<i>Ngayon na ang oras
Para palayain tayo sa kadena</i>

1301
01:40:43,746 --> 01:40:46,497
<i>Sapat na ang paghihirap natin
Nasira na dahil sa bigat</i>

1302
01:40:46,498 --> 01:40:49,293
<i>Para bang mataas at mahirap
Para mabasag ang pader...</i>

1303
01:40:49,918 --> 01:40:51,336
Tinamaan nga!

1304
01:40:53,881 --> 01:40:57,718
Ihanda ang mga susunod na putok!
Biglain natin sila!

1305
01:41:08,896 --> 01:41:09,979
Mga mamamayan!

1306
01:41:09,980 --> 01:41:12,441
Sindihan ang karwaheng puno ng dayami!

1307
01:41:13,067 --> 01:41:15,611
Atakihin ang tulay mula sa likod ng usok!

1308
01:41:26,038 --> 01:41:29,291
Alain! Ituloy ang pagputok!
Asintahin ang mga kanyon!

1309
01:41:34,213 --> 01:41:35,296
Pierre!

1310
01:41:35,297 --> 01:41:38,966
Pangunahan ang mga sundalo para tulungan
ang mga mamamayan na ibaba ang tulay!

1311
01:41:38,967 --> 01:41:40,469
Lulusubin natin!

1312
01:42:01,657 --> 01:42:04,493
Sige! Magpaputok lang kayo!

1313
01:42:05,661 --> 01:42:09,373
Magbigay ng panakip na paputok
kapag nasa loob na ang mga tao!

1314
01:42:12,668 --> 01:42:14,836
Ang kumander nila!

1315
01:42:14,837 --> 01:42:16,672
Asintahin n'yo siya!

1316
01:42:20,926 --> 01:42:22,176
Huwag panghinaan ng loob!

1317
01:42:22,177 --> 01:42:26,014
La Salle, dalhin mo ang mga kanyon
para pasabugin ang pasukan!

1318
01:42:31,895 --> 01:42:33,188
Kapitan!

1319
01:42:47,786 --> 01:42:50,247
Putok! Ano pang hinihintay n'yo?

1320
01:42:50,831 --> 01:42:52,708
Kapitan!

1321
01:43:07,306 --> 01:43:09,808
- Kapitan!
- Kapitan!

1322
01:43:12,186 --> 01:43:13,979
Alain, ang braso mo...

1323
01:43:14,771 --> 01:43:17,441
Ituloy n'yo ang laban...

1324
01:43:19,359 --> 01:43:23,071
Huwag huminto sa pagpapaputok...

1325
01:43:23,697 --> 01:43:26,825
Kaunti na lang...

1326
01:43:30,412 --> 01:43:34,499
Babagsak na ang Bastille.

1327
01:43:35,417 --> 01:43:37,461
- Opo, Kapitan!
- Opo, Kapitan!

1328
01:43:45,677 --> 01:43:46,595
An...

1329
01:43:49,181 --> 01:43:52,601
André ko...

1330
01:43:53,685 --> 01:43:56,939
Hindi ka ba nahirapan?

1331
01:43:58,649 --> 01:44:01,360
Tulungan mo ako, André.

1332
01:44:02,236 --> 01:44:05,989
Huwag mong hayaang mawalan ako
ng lakas ng loob.

1333
01:44:06,698 --> 01:44:08,867
Kapitan!

1334
01:44:09,660 --> 01:44:12,287
Ibaba mo ako, Alain.

1335
01:44:12,955 --> 01:44:15,289
Maari kayong magpagamot sa likod.

1336
01:44:15,290 --> 01:44:16,708
Pakiusap...

1337
01:44:17,251 --> 01:44:19,753
Pakiusap, ibaba mo ako.

1338
01:44:33,684 --> 01:44:35,060
Si André...

1339
01:44:36,353 --> 01:44:39,231
Naghihintay siya sa akin.

1340
01:45:04,464 --> 01:45:06,633
Payapa ang pakiramdam ko.

1341
01:45:07,759 --> 01:45:10,846
Sinunod ko ang sarili kong katotohanan.

1342
01:45:11,513 --> 01:45:15,642
Nabuhay ako nang walang pagsisisi.

1343
01:45:16,685 --> 01:45:18,603
Dahil nalaman ko ang pag-ibig.

1344
01:45:29,323 --> 01:45:30,866
Kapitan!

1345
01:45:31,700 --> 01:45:33,785
May puting bandila sa ibabaw ng Bastille!

1346
01:45:36,496 --> 01:45:39,875
Sa wakas, bumagsak na!

1347
01:45:53,430 --> 01:45:55,974
<i>Mahal kong Pransiya.</i>

1348
01:45:59,519 --> 01:46:04,691
<i>Ang matatapang,
kahanga-hangang mga Pranses.</i>

1349
01:46:05,817 --> 01:46:09,613
<i>Kalayaan, kapantayan, at kapatiran.</i>

1350
01:46:10,530 --> 01:46:13,200
<i>Nawa'y ang mga mithiing ito</i>

1351
01:46:14,534 --> 01:46:20,791
<i>magpakailanman ay mananatiling
pundasyon ng sangkatauhan.</i>

1352
01:46:29,841 --> 01:46:32,594
Mabuhay...

1353
01:46:33,512 --> 01:46:36,890
ang Pransiya.

1354
01:46:41,436 --> 01:46:42,270
Kapitan!

1355
01:46:43,355 --> 01:46:44,731
- Kapitan!
- Kapitan!

1356
01:46:46,525 --> 01:46:48,359
- Nagawa natin!
- Mabuhay!

1357
01:46:48,360 --> 01:46:49,986
Tagumpay!

1358
01:48:51,483 --> 01:48:58,489
Ika-14 ng Hulyo,
1789: Pagbagsak ng Bastille

1359
01:48:58,490 --> 01:49:05,580
Ang sandaling iyon ang simula
ng bagong yugto ng kasaysayan.

1360
01:49:07,874 --> 01:49:14,880
Ika-26 ng Agosto, 1789: Deklarasyon
ng Karapatan ng Tao at ng Mamamayan

1361
01:49:14,881 --> 01:49:21,554
Ang deklarasyon na ito na gumagalang
sa kalayaan at pagkapantay-pantay ng tao,

1362
01:49:21,555 --> 01:49:28,186
ay naging pangmatagalang monumento
sa kasaysayan ng tao.

1363
01:49:28,853 --> 01:49:35,859
Ika-5 ng Oktubre,
1789: Ang Martsa ng Oktubre

1364
01:49:35,860 --> 01:49:40,948
Dahil sa galit sa kakulangan ng pagkain,

1365
01:49:40,949 --> 01:49:46,037
nagmartsa ang mga Parisyana
patungong Versailles.

1366
01:49:48,206 --> 01:49:52,209
Ika-6 ng Oktubre, 1789

1367
01:49:52,210 --> 01:49:59,300
Ang maharlikang pamilya ay umalis na
sa Versailles panghabambuhay

1368
01:49:59,301 --> 01:50:06,391
at nakarating sila
sa Palasyo ng Tuileries sa Paris.

1369
01:50:09,144 --> 01:50:16,150
Ika-20 ng Hunyo,
1791: Ang Pagtakas sa Varennes

1370
01:50:16,151 --> 01:50:19,403
Sa tulong ni von Fersen,
nagtangkang tumakas ng bansa

1371
01:50:19,404 --> 01:50:22,239
ang pamilya ng hari ngunit nabigo.

1372
01:50:22,240 --> 01:50:28,413
Lalong lumala ang galit ng mga mamamayan.

1373
01:50:28,997 --> 01:50:33,000
Ika-13 ng Agosto, 1792

1374
01:50:33,001 --> 01:50:40,090
Binawi ang kapangyarihan ng mga Maharlika.

1375
01:50:40,091 --> 01:50:47,182
Ang pamilya ng hari
ay ikinulong sa Tour du Temple.

1376
01:50:49,934 --> 01:50:53,937
Ika-20 ng Setyembre, 1792:
Pagwawakas ng Monarkiya

1377
01:50:53,938 --> 01:51:01,029
Nagbitiw si Louis XVI,
at idineklarang republika ang Pransiya.

1378
01:51:10,455 --> 01:51:14,458
Ika-21 ng Enero, 1793

1379
01:51:14,459 --> 01:51:18,546
Hinatulan ng kamatayan si Louis XVI.

1380
01:51:30,558 --> 01:51:33,560
Ika-1 ng Agosto, 1793

1381
01:51:33,561 --> 01:51:40,651
Hiniwalay si Marie Antoinette
sa mga anak niya

1382
01:51:40,652 --> 01:51:47,742
at pinalipat sa Conciergerie.

1383
01:51:50,370 --> 01:51:54,373
Ika-16 ng Oktubre, 1793

1384
01:51:54,374 --> 01:51:59,462
Hinatulan ng kamatayan
si Marie Antoinette.

1385
01:52:11,349 --> 01:52:13,434
Ika-20 ng Hunyo, 1810

1386
01:52:13,435 --> 01:52:20,524
Pinatay si Hans Axel von Fersen
ng mga nagkakagulong tao sa Sweden.

1387
01:52:20,525 --> 01:52:26,280
Tumupad siya sa pangako niya
kay Marie Antoinette,

1388
01:52:26,281 --> 01:52:30,868
hindi na siya kinasal.

1389
01:52:30,869 --> 01:52:33,620
Ang Himagsikang Pranses,

1390
01:52:33,621 --> 01:52:37,541
na nagsimula sa pagbagsak ng Bastille
noong ika-14 ng Hulyo, 1789,

1391
01:52:37,542 --> 01:52:39,626
at nagresulta sa Reign of Terror,

1392
01:52:39,627 --> 01:52:43,547
ay natapos sa coup d'état ni Napoleon
sa ika-9 ng Nobyembre, 1799.

1393
01:52:43,548 --> 01:52:49,303
Nabuhay ang mga rosas
sa mga panahong iyon,

1394
01:52:49,304 --> 01:52:52,390
habang pinaninindigan
ang sarili nilang kagustuhan.

1395
01:52:59,272 --> 01:53:02,484
<i>At patuloy silang namumukadkad,
taglay ang kagandahan,</i>

1396
01:53:03,234 --> 01:53:05,695
<i>kasiglahan, at dangal.</i>

1397
01:53:06,529 --> 01:53:08,865
<i>Hinding-hindi kumukupas ang kulay nila,</i>

1398
01:53:09,574 --> 01:53:12,202
<i>habang naliligo sa gintong sinag ng araw.</i>

1399
01:53:18,708 --> 01:53:23,713
Nagsalin ng Subtitle: Donna Escuin



