1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:06,089 --> 00:00:09,926
ISANG DOKUMENTARYO MULA SA NETFLIX

3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

4
00:00:11,177 --> 00:00:14,639
Kung di dahil sa panalo ni
Bill Russell sa mga kampeonato,

5
00:00:14,723 --> 00:00:18,184
pag-uusapan pa ba
ang Bolton Celtics? Hindi.

6
00:00:18,268 --> 00:00:20,812
Nagbibiro ka ba? Tapos ang usapan.

7
00:00:20,895 --> 00:00:23,523
Siya ang pinakamahusay,
pinakamaraming panalo

8
00:00:23,606 --> 00:00:26,401
na nakita natin sa
kasaysayan ng basketball.

9
00:00:26,985 --> 00:00:30,739
At ang nasa mga kamay niya?
Mas maraming singsing kaysa daliri.

10
00:00:31,406 --> 00:00:35,410
Labing-isang singsing…
Sino pang makakatapat doon?

11
00:00:35,493 --> 00:00:37,370
Nag-iisa ang kampeon na iyon.

12
00:00:37,454 --> 00:00:40,165
Matatalo niya ang Diyos.
Siya ang Big Bang.

13
00:00:40,790 --> 00:00:44,919
<i>Nanalo siya ng 11 kampeonato,</i>
<i>dalawa bilang player-coach.</i>

14
00:00:45,003 --> 00:00:49,299
<i>Limang beses siyang binoto</i>
<i>bilang Most Valuable Player sa NBA.</i>

15
00:00:50,300 --> 00:00:53,470
Ang pamana ni Bill Russell,
tagapagtaguyod ng laro.

16
00:00:54,262 --> 00:01:00,018
Itinatag niya ang pinakamalupit na
American sports dynasty sa kasaysayan.

17
00:01:00,810 --> 00:01:03,730
Lahat ng nasa liga,
kapag naiisip si Bill Russell,

18
00:01:03,813 --> 00:01:04,898
iniisip manalo.

19
00:01:04,981 --> 00:01:08,193
Nananalo siya nang di pumupuntos.
Siya lang ang ganoon.

20
00:01:08,276 --> 00:01:11,362
Siya ang pinakamatalinong manlalaro.

21
00:01:11,446 --> 00:01:15,283
Tinakot ni Bill ang lahat ng
sumusubok lumapit at tumira.

22
00:01:15,366 --> 00:01:19,329
Dahil kay Russell, ayoko ng berde,
Boston clam chowder,

23
00:01:19,412 --> 00:01:21,623
ayoko ng kahit anong Boston.

24
00:01:21,706 --> 00:01:27,128
<i>Bawat koponan at manlalaro sa liga,</i>
<i>sinubukang pabagsakin ang dinastiya.</i>

25
00:01:27,212 --> 00:01:29,422
<i>Isa lang ang nakalapit.</i>

26
00:01:30,048 --> 00:01:32,801
Napakagandang laban n'on.

27
00:01:32,884 --> 00:01:37,305
Dalawang makasaysayang halimaw ito,
parang mga higanteng naglaban sa ring.

28
00:01:37,388 --> 00:01:40,517
Kahanga-hangang laban iyon
at iyon ang ipinunta namin.

29
00:01:40,600 --> 00:01:44,479
Mas matangkad sa kanya
si Chamberlain, at nadadaig bawat player

30
00:01:44,562 --> 00:01:46,147
na makaharap niya.

31
00:01:46,231 --> 00:01:50,985
Pero wala siya ng mahahalagang numero,
'yong mga naipanalong kampeonato.

32
00:01:53,196 --> 00:01:56,950
Ipinapakita ng medal of freedom recipients
ang pinakahusay natin

33
00:01:57,033 --> 00:01:58,827
at ang nais nating maging.

34
00:01:59,577 --> 00:02:01,788
Higit sa kahit sinong atleta noon,

35
00:02:01,871 --> 00:02:04,415
larawan si Bill Russell ng "panalo."

36
00:02:04,499 --> 00:02:09,045
si Bill Russell ay isang taong tumayo
para sa karapatan at dignidad ng lahat.

37
00:02:09,921 --> 00:02:11,256
Nakimartsa kay King.

38
00:02:11,756 --> 00:02:13,091
Sinuportahan si Ali.

39
00:02:13,174 --> 00:02:16,219
Naging posible ang tagumpay
ng maraming sumunod.

40
00:02:16,302 --> 00:02:19,139
Ang maganda sa mga lider,
sila ang nangunguna.

41
00:02:19,222 --> 00:02:22,517
Marami siyang binagong patakaran
at binasag na harang.

42
00:02:22,600 --> 00:02:25,895
Higit ang ipinaglalaban ni Bill,

43
00:02:25,979 --> 00:02:30,150
at iyon ay ang makasapi sa pantay na laban

44
00:02:30,233 --> 00:02:31,609
gaya ng puting Amerika.

45
00:03:28,958 --> 00:03:30,543
<i>Inanunsyo kanina na</i>

46
00:03:30,627 --> 00:03:35,381
<i>ang Boston Celtics basketball legend</i>
<i>na si Bill Russell ay yumao sa edad na 88.</i>

47
00:03:37,050 --> 00:03:41,012
<i>Ngunit ngayong gabi, inaalala siya</i>
<i>bilang isang atleta at aktibista.</i>

48
00:03:41,554 --> 00:03:45,266
<i>Ang mga ginawa ni Bill sa loob</i>
<i>at labas ng court sa buhay niya</i>

49
00:03:45,350 --> 00:03:48,102
<i>ang humubog sa</i>
<i>ilang henerasyon ng manlalaro,</i>

50
00:03:48,186 --> 00:03:49,938
<i>at nagpapasalamat kami roon.</i>

51
00:03:50,021 --> 00:03:52,774
<i>Narito kami sa estatwang</i>
<i>binuksan noong 2013.</i>

52
00:03:52,857 --> 00:03:56,361
<i>May mga bumibisita rito ngayon,</i>
<i>nagbabahagi ng mga kuwento,</i>

53
00:03:56,444 --> 00:03:59,072
<i>inilalarawan ang impact ni Russell.</i>

54
00:04:02,033 --> 00:04:04,452
Nang mawala si Bill, di ako makapaniwala.

55
00:04:04,535 --> 00:04:08,456
Pero binalikan ko ang lahat
ng magagandang nagawa niya,

56
00:04:08,539 --> 00:04:10,917
at mga kontribusyon niya sa sangkatuhan.

57
00:04:11,000 --> 00:04:12,418
Iyon ang pinakamahalaga.

58
00:04:13,753 --> 00:04:15,713
<i>Pitong buwan bago siya mamayapa,</i>

59
00:04:15,797 --> 00:04:18,967
<i>pina-auction ni Russell</i>
<i>ang kanyang memorabilia.</i>

60
00:04:21,594 --> 00:04:24,097
<i>Lahat ng nasa personal na koleksyon,</i>

61
00:04:24,180 --> 00:04:28,476
<i>kabilang ang championship rings,</i>
<i>MVP trophies, at mga gamit na jersey.</i>

62
00:04:28,559 --> 00:04:32,188
<i>Ilan sa proceeds ay mapupunta</i>
<i>sa charity ni Russell na MENTOR,</i>

63
00:04:32,272 --> 00:04:35,608
<i>isang organisasyong nakatuon</i>
<i>sa kanyang pangakong</i>

64
00:04:35,692 --> 00:04:38,569
<i>mabigyang-oportunidad</i>
<i>ang lahat ng kabataan.</i>

65
00:04:40,113 --> 00:04:44,701
Gusto ko ng ilan sa koleksyong iyan.
Napakabait niya sa akin.

66
00:04:44,784 --> 00:04:45,618
Isa siyang…

67
00:04:45,702 --> 00:04:49,622
Di matatawaran ang nagawa niya
para sa karapatang sibil sa bansa.

68
00:04:51,874 --> 00:04:56,546
Walang makaka-outbid sa akin
sa pagkuha ng 11 sa mga singsing niya.

69
00:04:56,629 --> 00:05:00,842
Parang gusto ko ng manuskrito
ng isa sa mga libro niya,

70
00:05:00,925 --> 00:05:03,845
gaya ng orihinal
na rough draft ng <i>Second Wind</i>,

71
00:05:03,928 --> 00:05:06,014
espesyal din iyon.

72
00:05:06,097 --> 00:05:08,182
950,000, online buyer.

73
00:05:08,266 --> 00:05:09,559
Ikatlo't huling call.

74
00:05:11,561 --> 00:05:14,814
Sold nang $950,000 sa online buyer.

75
00:05:21,362 --> 00:05:24,157
<i>Nagsisimula't nagtatapos</i>
<i>ang laro sa orasan.</i>

76
00:05:24,240 --> 00:05:26,075
<i>Pati ang karera sa basketball.</i>

77
00:05:30,913 --> 00:05:34,542
<i>Sa labas ng laro, bihira kang</i>
<i>makakahanap ng mga puntos na</i>

78
00:05:34,625 --> 00:05:37,211
<i>magsasabi ng simula</i>
<i>at wakas ng pangyayari.</i>

79
00:05:40,048 --> 00:05:42,425
<i>Madalas, nakadepende iyon sa simula mo,</i>

80
00:05:42,508 --> 00:05:44,177
<i>at sa iyong punto-de-bista.</i>

81
00:05:53,436 --> 00:05:58,733
<i>Noong Disyembre 1956, lumapag sina</i>
<i>Bill at Rose Russell sa Logan Airport.</i>

82
00:05:58,816 --> 00:06:01,611
<i>Dalawang linggo pa lang silang kasal.</i>

83
00:06:02,195 --> 00:06:05,281
Nang sumali ako sa Celtics,
unang punta ko sa Boston,

84
00:06:05,782 --> 00:06:09,786
noong dumating ako roon
para pumirma sa kanila.

85
00:06:09,869 --> 00:06:14,582
<i>National champion sa kolehiyo si Bill</i>
<i>at Olympic gold medal winner.</i>

86
00:06:15,541 --> 00:06:19,629
<i>Umasa ang Celtics fans na magdadala</i>
<i>si Bill ng kampeonato sa siyudad.</i>

87
00:06:33,726 --> 00:06:37,855
Bente-dos lang ako n'on,
hindi pa nagsisimulang mag-ahit,

88
00:06:37,939 --> 00:06:40,733
kaya medyo may balbas ako noon.

89
00:06:41,984 --> 00:06:45,405
Ang unang tanong nila sa akin
sa unang press conference,

90
00:06:45,488 --> 00:06:47,740
"Kailan mo aahitin ang balbas mo?"

91
00:06:47,824 --> 00:06:51,077
Di ko naisip iyon. Sabi ko, "Ganito."

92
00:06:51,619 --> 00:06:55,164
"Pagkatapos ng unang kampeonato
ng Celtics, mag-aahit ako."

93
00:07:02,213 --> 00:07:06,175
Akala nila, dahil mula sa Olympics,
mahusay na siya, pero hindi.

94
00:07:06,259 --> 00:07:10,388
Sabi niya, "Di ko akalaing
ganoon ang pro basketball. Mahirap pala."

95
00:07:11,514 --> 00:07:15,309
Di ako nakasali sa tatlong quarters,
at kulang ako sa praktis.

96
00:07:15,393 --> 00:07:18,563
Isang buwan na akong
di nakakapag-basketball.

97
00:07:19,981 --> 00:07:23,901
<i>Dumating ako sa liga nang walang</i>
<i>kumpiyansang makapuntos.</i>

98
00:07:23,985 --> 00:07:27,280
<i>Sabi ng mga kritiko, di ako</i>
<i>makakasali sa pro ball dahil</i>

99
00:07:27,363 --> 00:07:30,074
<i>sablay tira ko pag higit</i>
<i>tatlong talampakan.</i>

100
00:07:31,033 --> 00:07:35,538
<i>Natural na gusto kong</i>
<i>makapuntos mula sa malayo.</i>

101
00:07:36,330 --> 00:07:40,793
<i>Halos sablay ako sa lahat, syempre.</i>
<i>Umiiling ang mga tao at sinasabing,</i>

102
00:07:40,877 --> 00:07:43,504
<i>"Kita mo ang sinasabi ko?</i>
<i>Di siya marunong."</i>

103
00:07:46,632 --> 00:07:50,094
<i>Kinuwestiyon ng Boston press</i>
<i>ang halaga ni Russell sa team,</i>

104
00:07:50,178 --> 00:07:52,972
<i>kinokompara siya sa isa pang rookie,</i>

105
00:07:53,055 --> 00:07:56,767
<i>ang all-time leading scorer</i>
<i>sa Holy Cross na si Tommy Heinsohn.</i>

106
00:07:57,810 --> 00:08:00,354
Di alam ng press ang kakayahan ni Russell.

107
00:08:00,938 --> 00:08:04,317
Di nila inakalang magiging
mahalaga si Russell sa NBA.

108
00:08:04,400 --> 00:08:08,029
Lagpas sa backboard ang layup niya.
Napakahina niya sa offense

109
00:08:08,112 --> 00:08:12,158
na di mo maiisip
ang magagawa niya sa ball club.

110
00:08:14,118 --> 00:08:17,163
<i>Walang pahinga</i>
<i>para kay Russell sa road games.</i>

111
00:08:18,122 --> 00:08:22,960
<i>Puno ang Kiel Auditorium</i>
<i>noong gabi ng Disyembre 1956.</i>

112
00:08:23,794 --> 00:08:26,964
<i>Umangat ang bola,</i>
<i>tinalon namin ni Bob Pettit.</i>

113
00:08:27,507 --> 00:08:30,801
<i>"Unggoy!" "Bumalik ka sa Aprika, unggoy!"</i>

114
00:08:30,885 --> 00:08:33,679
<i>"Ingat ka, Pettit,</i>
<i>mababalot ka sa tsokolate."</i>

115
00:08:34,180 --> 00:08:36,390
<i>Walang duda kung sino'ng sinisigawan.</i>

116
00:08:36,891 --> 00:08:39,101
<i>Ako lang ang atletang Negro sa laro.</i>

117
00:08:41,604 --> 00:08:46,025
Pagkatapos ng limang laro,
totoong nagduda na ako sa kakayahan ko.

118
00:08:46,901 --> 00:08:51,781
At sabi ko kay Rose pag-uwi ko,
"Ihanda na siguro natin ang bagahe natin,

119
00:08:51,864 --> 00:08:53,824
di na tayo magtatagal dito."

120
00:09:03,459 --> 00:09:06,212
<i>Lumipat si Russell sa Boston</i>
<i>mula sa Bay Area.</i>

121
00:09:07,213 --> 00:09:11,634
<i>Nag-high school sa West Oakland,</i>
<i>nag-aral sa University of San Francisco,</i>

122
00:09:12,385 --> 00:09:15,763
<i>ang tanging kolehiyong nag-alok</i>
<i>ng basketball scholarship.</i>

123
00:09:17,348 --> 00:09:21,727
<i>dPara sa amin sa West Oakland,</i>
<i>ang San Francisco ay kakaiba.</i>

124
00:09:22,728 --> 00:09:25,481
<i>Lumikha ng agwat sa kultura</i>
<i>ang Bay Bridge na</i>

125
00:09:25,565 --> 00:09:28,067
<i>di magkaintindihan ang magkabilang panig.</i>

126
00:09:28,150 --> 00:09:31,529
<i>Biro ko, di ko alam na</i>
<i>wala palang karugtong ang "ina"</i>

127
00:09:31,612 --> 00:09:33,739
<i>bago ako mag-San Francisco.</i>

128
00:09:34,657 --> 00:09:37,994
<i>At natagpuan ko na lang sarili ko</i>
<i>sa dagat ng mga puti.</i>

129
00:09:39,745 --> 00:09:42,832
Pumasok ako sa rec hall.
Sabi ng isang freshman,

130
00:09:42,915 --> 00:09:44,959
"Uy, bata, ano'ng tawag sa 'yo?"

131
00:09:45,876 --> 00:09:50,047
Sabi ko, "Ako si William Russell."
Sabi niya, "Papalayawan kita."

132
00:09:50,131 --> 00:09:52,508
Sabi ko, "Sige, patutumbahin kita."

133
00:09:53,593 --> 00:09:57,096
Nang pumasok ako sa USF,
nasa lima yata ang Black students,

134
00:09:58,097 --> 00:09:58,931
iyon na.

135
00:10:00,057 --> 00:10:03,686
At ang roommate ko, isang lalaking
nagngangalang K.C. Jones.

136
00:10:05,313 --> 00:10:07,898
<i>Nagkasundo sina Bill</i>
<i>at K.C. sa basketball,</i>

137
00:10:07,982 --> 00:10:10,318
<i>at nagtulungan para kumita sa korte.</i>

138
00:10:10,401 --> 00:10:14,780
Wala kaming masyadong masuot sa kolehiyo.

139
00:10:14,864 --> 00:10:18,200
Kumikita ako ng $30 kada buwan, di ba?

140
00:10:18,284 --> 00:10:22,455
Para sa pagtabas ng damo o kung ano.
At walang-wala si Russell.

141
00:10:22,538 --> 00:10:26,334
Gagamitin namin ang panloob ng isa't isa.

142
00:10:27,376 --> 00:10:30,838
Di ba? Iyon lang ang kasya
sa aming dalawa.

143
00:10:31,339 --> 00:10:35,968
<i>Sinubukan ni Russell ang pagiging atleta</i>
<i>sa iba pang sport bilang walk-on.</i>

144
00:10:37,219 --> 00:10:40,264
<i>Noong summer, sinubukan kong</i>
<i>sumali sa track.</i>

145
00:10:40,348 --> 00:10:42,683
<i>Ang totoo, dalawa ang dahilan ko.</i>

146
00:10:43,267 --> 00:10:46,604
<i>Varsity lettermen lang</i>
<i>ang may button-down sweater.</i>

147
00:10:46,687 --> 00:10:48,648
<i>Kailangan ko ng sweater.</i>

148
00:10:49,315 --> 00:10:52,151
<i>Ikalawa, hilig kong tumakbo at tumalon.</i>

149
00:10:53,361 --> 00:10:55,571
Nag-track siya bilang katuwaan,

150
00:10:55,655 --> 00:10:58,699
nagsimula siyang mag-high jump.
Iba ang porma niya,

151
00:10:58,783 --> 00:11:01,327
tumatalon nang una ang mukha.

152
00:11:02,161 --> 00:11:04,080
Iba siya sa lahat.

153
00:11:04,163 --> 00:11:08,250
Aatras siya nang 50 yarda,
mabagal magsisimula, tapos, bibilis,

154
00:11:08,334 --> 00:11:11,629
tapos, tatakbo nang 100 miles per hour
bago tumalon.

155
00:11:11,712 --> 00:11:13,881
Nakatalon siya nang 6'7", 6'8".

156
00:11:13,964 --> 00:11:17,468
Halos world-class high jumper
na siya sa simula pa lang.

157
00:11:18,844 --> 00:11:21,722
<i>Nang subukan niyang</i>
<i>gamitin ang lakas niya roon</i>

158
00:11:21,806 --> 00:11:25,226
<i>sa basketball court,</i>
<i>di iyon gusto ng mga coach niya.</i>

159
00:11:27,311 --> 00:11:32,358
Naglalaro kami sa Cal-Berkely,
at preseason All-American ang center nila.

160
00:11:33,192 --> 00:11:35,611
Unang limang tira niya, naharang ko.

161
00:11:37,279 --> 00:11:40,241
Wala pa sa mga naroon
ang nakakita nang ganoon.

162
00:11:40,324 --> 00:11:43,327
Nag-time out sila, sumali ako sa huddle,

163
00:11:43,411 --> 00:11:46,163
sabi ng coach ko,
"Di dapat ganoon depensa mo."

164
00:11:47,665 --> 00:11:50,042
"Walang pagtalon sa magandang depensa."

165
00:11:50,126 --> 00:11:52,628
"Tumatalon ka para manupalpal." Di puwede.

166
00:11:53,963 --> 00:11:55,965
Kaya bumalik ako, sinubukan ko,

167
00:11:56,048 --> 00:11:58,884
at sunod-sunod na nag-layup 'yong lalaki.

168
00:11:58,968 --> 00:12:01,011
Kaya bumalik ako sa paraan ko.

169
00:12:04,348 --> 00:12:07,309
<i>Basta lang itong sinupalpal</i>
<i>ng 6'10" na si Russell.</i>

170
00:12:08,728 --> 00:12:12,440
Inimbento ni Bill Russell
ang modern defensive basketball.

171
00:12:12,940 --> 00:12:16,110
Binago niya ang dating horizontal na laro,

172
00:12:16,193 --> 00:12:20,614
na nilalaro ng karamiha'y Caucasians,
at ginawang gaya ng laro ngayon.

173
00:12:20,698 --> 00:12:23,117
Ang ginawa ni Bill, mapapanood mo,

174
00:12:23,200 --> 00:12:26,537
di niya iyon basta binara
para lang mapahiya ang lalaki.

175
00:12:26,620 --> 00:12:29,832
Naglaro siya
dahil para lang 'yong rebound.

176
00:12:29,915 --> 00:12:34,587
Sa labas ang opensa, sa loob ang depensa.
Kung mahahawakan niya iyon,

177
00:12:34,670 --> 00:12:38,591
isa sa teammates niya
ang makakasalo ng bola. Fast break na.

178
00:12:38,674 --> 00:12:41,135
Malupit ang antisipasyon niya.

179
00:12:41,635 --> 00:12:43,721
Tatalon siya para humarang,

180
00:12:43,804 --> 00:12:46,557
at kung di niya haharangin ang tira,

181
00:12:46,640 --> 00:12:49,059
mapapatira ka niya nang mahirap

182
00:12:49,143 --> 00:12:52,229
o kulang sa balanse o palyado.

183
00:12:53,481 --> 00:12:57,401
<i>Dahil sa depensa ni Russell,</i>
<i>hindi matalo-talo ang USF Dons.</i>

184
00:12:59,361 --> 00:13:01,822
<i>Titira na siya. At hayun, pasok.</i>

185
00:13:01,906 --> 00:13:03,324
<i>Panalo ang Dons.</i>

186
00:13:04,074 --> 00:13:07,536
<i>Nanalo ng sunod-sunod na 55 laro</i>
<i>ang Dons ni Bill Russell</i>

187
00:13:08,037 --> 00:13:10,790
<i>at back-to-back na NCAA championships.</i>

188
00:13:10,873 --> 00:13:13,959
<i>Hinirang si Bill Russell</i>
<i>bilang Most Valuable Player.</i>

189
00:13:17,087 --> 00:13:18,798
Pinapanood ko siyang maglaro,

190
00:13:18,881 --> 00:13:22,426
at ang pag-intimidate niya
sa mga grupong lalaki sa kolehiyo,

191
00:13:22,510 --> 00:13:23,761
espesyal iyon.

192
00:13:23,844 --> 00:13:29,391
At siya lang ang dahilan
kung bakit nanalo sila.

193
00:13:29,475 --> 00:13:34,146
Pero ang mga gantimpalang
dapat na napunta sa kanya,

194
00:13:34,230 --> 00:13:35,189
nawala.

195
00:13:35,898 --> 00:13:41,195
Noong 3rd year ako sa kolehiyo, nasa 20
ang puntos at rebounds ko kada laro.

196
00:13:41,278 --> 00:13:43,656
Mga 15 ang hinaharang kong tira.

197
00:13:44,240 --> 00:13:46,534
Ako ang MVP sa mga kampeonato.

198
00:13:46,617 --> 00:13:50,454
Umuwi ako sa Northern California banquet,

199
00:13:50,538 --> 00:13:53,249
at iba ang player of the year nila.

200
00:13:53,332 --> 00:13:56,293
Sa tingin ko, ang dahilan n'on
ay dahil blond siya.

201
00:13:56,377 --> 00:13:58,087
Alam nilang mainit siya.

202
00:13:58,170 --> 00:14:02,299
Inatasan nila ang coach kong
utusan akong, "Tumayo ka at magsabi ng,

203
00:14:02,383 --> 00:14:06,512
'Pagbati sa batang ito.
Sana manalo na ako sa susunod na taon.'"

204
00:14:06,595 --> 00:14:08,472
Sabi ko, "Di ko gagawin iyon."

205
00:14:11,851 --> 00:14:15,938
Malaking bagay manalo ng
back-to-back National Championship.

206
00:14:16,981 --> 00:14:19,859
Pero tingin ko, di gusto ng mga tao

207
00:14:19,942 --> 00:14:24,154
na may tatlong Itim
na nagsisimula sa San Francisco.

208
00:14:24,238 --> 00:14:26,782
Umaalis sila at hindi sila pinapayagang

209
00:14:26,866 --> 00:14:29,785
pumasok sa mga hotel at mga kainan.

210
00:14:32,329 --> 00:14:35,374
Ang nangyari talaga, umalis ako sa hotel,

211
00:14:35,457 --> 00:14:38,043
at pumasok sa kainan sa kanto.

212
00:14:38,127 --> 00:14:40,379
Sabi ko, "Pakain lang."

213
00:14:42,131 --> 00:14:45,342
Puwede raw, pero sa kusina ako kakain.

214
00:14:45,426 --> 00:14:49,179
Tumanggi ako, bumalik sa hotel at natulog.

215
00:14:50,598 --> 00:14:55,185
<i>Noong 1955, dalawang pangyayari</i>
<i>ang tumatak sa buong buhay ko.</i>

216
00:14:55,269 --> 00:14:59,398
<i>Ang14-anyos na si Emmett Till</i>
<i>ay pinaslang ng dalawang puting lalaki</i>

217
00:14:59,481 --> 00:15:02,443
<i>dahil umano sa pambabastos</i>
<i>sa puting babae.</i>

218
00:15:02,985 --> 00:15:06,280
<i>Giit ng kanyang ina,</i>
<i>buksan ang ataul niya sa burol</i>

219
00:15:06,363 --> 00:15:10,075
<i>upang makita ng mundo</i>
<i>ang brutal na ginawa sa kanyang anak.</i>

220
00:15:11,577 --> 00:15:15,039
<i>Sa taon ding iyon,</i>
<i>ang Itim na mananahing si Rosa Parks</i>

221
00:15:15,122 --> 00:15:18,292
<i>ay inaresto sa di pagbibigay</i>
<i>ng upuan niya sa puti</i>

222
00:15:18,375 --> 00:15:20,920
<i>sa pampublikong bus</i>
<i>sa Montgomery, Alabama.</i>

223
00:15:21,879 --> 00:15:24,465
Panahon na para tumanggi.

224
00:15:24,548 --> 00:15:27,718
Sawa na ako, at ito na ang katapusan.

225
00:15:30,137 --> 00:15:33,474
Napakahirap ng dekada 1950

226
00:15:34,350 --> 00:15:38,896
para maging Itim na teenager.

227
00:15:38,979 --> 00:15:39,980
Subalit,

228
00:15:41,315 --> 00:15:43,359
pag isinantabi mo iyon,

229
00:15:43,442 --> 00:15:49,198
tutuloy ka pa rin sa paglalaro
sa napakataas na lebel.

230
00:15:50,532 --> 00:15:54,453
<i>Napagpasyahan kong magiging</i>
<i>mahusay na basketball player ako.</i>

231
00:15:54,536 --> 00:15:58,040
<i>Ibinuhos ko ang lahat-lahat</i>
<i>sa desisyong iyon.</i>

232
00:15:58,123 --> 00:16:01,961
<i>Lahat ng galit at pagkamangha,</i>
<i>nagsama para sa iisang layunin.</i>

233
00:16:14,807 --> 00:16:17,142
Lumaki si Russell sa Jim Crow South.

234
00:16:17,226 --> 00:16:20,562
Noong 1930s, isa siyang bata
sa Monroe, Louisiana.

235
00:16:20,646 --> 00:16:24,942
Ang pattern sa Jim Crow South,
tanggalan ng karapatan ang mga Itim,

236
00:16:25,025 --> 00:16:29,488
pagbawalan silang bumoto,
pisikal silang ihiwalay ng lugar sa iba,

237
00:16:29,571 --> 00:16:32,157
kabilang ang di-makatarungang pagpaslang.

238
00:16:34,702 --> 00:16:36,078
Pinagdiinan ng Jim Crow

239
00:16:36,161 --> 00:16:39,248
na mababang uri ng mamamayan
ang African Americans.

240
00:16:39,832 --> 00:16:44,211
Alam kong nakatira ako noon
sa hiwalay na lugar.

241
00:16:45,087 --> 00:16:48,841
Ang iniisip ko sa buhay ko noon,
lalo na noong bata ako,

242
00:16:48,924 --> 00:16:50,467
labis akong protektado.

243
00:16:51,802 --> 00:16:55,222
Tiniyak ng mga magulang ko
na malayo ako sa kapahamakan.

244
00:16:56,974 --> 00:17:00,144
Saksi ang tatay ko sa pang-aalipin.

245
00:17:01,020 --> 00:17:02,855
Siya ang sumunod na henerasyon.

246
00:17:02,938 --> 00:17:04,898
Mga alipin sila sa pamilya.

247
00:17:04,982 --> 00:17:07,651
Pang-aalipin ang pinakamatinding
pangdudusta,

248
00:17:07,735 --> 00:17:11,030
kaya tiniyak ng tatay kong
di siya ituturing

249
00:17:11,113 --> 00:17:12,990
na parang alipin.

250
00:17:13,574 --> 00:17:17,828
Isa mga bagay na napakahalaga sa kanya

251
00:17:17,911 --> 00:17:20,122
ay mamuhay nang may dignidad,

252
00:17:20,205 --> 00:17:22,624
para ipagmalaki siya ng mga anak niya.

253
00:17:28,088 --> 00:17:32,342
Nagtatrabaho sa pabrika ang tatay ko,
at humingi siya ng umento sa sahod.

254
00:17:33,635 --> 00:17:36,346
Sabi ng amo niya, "Di puwede, Charlie."

255
00:17:37,765 --> 00:17:40,726
"Pag tumaas ang sahod mo,
papantay ka sa mga puti,

256
00:17:40,809 --> 00:17:44,229
at di puwedeng pareho
ang bayad ko sa 'yo sa mga puti."

257
00:17:45,731 --> 00:17:48,275
At tinawag niya ng n-word ang tatay ko.

258
00:17:49,443 --> 00:17:52,196
Na parang… wala lang iyon.

259
00:17:53,489 --> 00:17:55,949
Umuwi ang tatay ko ng gabing iyon,

260
00:17:56,033 --> 00:17:58,702
malakas niyang sinabi,

261
00:18:00,079 --> 00:18:03,457
"Aalis ako rito
dahil kapag nanatili ako rito,

262
00:18:05,959 --> 00:18:08,879
makakapatay ako o mapapatay ako."

263
00:18:20,432 --> 00:18:23,727
Siyam na taon ako nang lumipat kami.

264
00:18:24,311 --> 00:18:25,729
Patungong California.

265
00:18:31,193 --> 00:18:33,612
Tandaan n'yo, siyam na taon lang ako.

266
00:18:34,571 --> 00:18:37,449
Ito ang pinakamatinding
paglalakbay para sa akin.

267
00:18:39,034 --> 00:18:40,244
Pagsakay sa tren,

268
00:18:41,662 --> 00:18:45,290
Pagpunta sa kung saan,
walang ideya sa mangyayari.

269
00:18:51,171 --> 00:18:54,299
<i>Ikinagulat namin ng kapatid ko</i>
<i>ang ideya ng paglipat.</i>

270
00:18:54,383 --> 00:18:56,051
<i>Di kami sanay bumiyahe.</i>

271
00:18:56,135 --> 00:18:58,637
<i>Katabi ko ang nanay ko sa hanay ng Colored</i>

272
00:18:58,720 --> 00:19:00,180
<i>hanggang St. Louis.</i>

273
00:19:02,141 --> 00:19:04,726
<i>Tapos, sa unang pagkakataon</i>
<i>sa buhay namin,</i>

274
00:19:05,394 --> 00:19:06,812
<i>nakaupo kami kahit saan.</i>

275
00:19:14,862 --> 00:19:17,739
<i>Ang paglipat na ito</i>
<i>ay bahagi ng Great Migration</i>

276
00:19:17,823 --> 00:19:20,784
<i>ng Black Americans</i>
<i>na nilisan ang Jim Crow South</i>

277
00:19:20,868 --> 00:19:24,288
<i>para sa mas maayos na oportunidad</i>
<i>noong World War II.</i>

278
00:19:30,419 --> 00:19:35,841
Ikinuwento ni Bill ang pagdating
sa California bilang mga imigrante

279
00:19:35,924 --> 00:19:37,926
dahil galing sila sa ibang bansa,

280
00:19:38,969 --> 00:19:44,016
at kailangan nilang matutunan
ang mga kaugalian ng bagong bansang ito,

281
00:19:44,099 --> 00:19:47,519
kung saan puwedeng uminom
sa iisang water fountain,

282
00:19:48,020 --> 00:19:51,106
puwedeng umupo kahit saan sa bus.

283
00:19:52,691 --> 00:19:55,611
Parehong magulang ko
ang nagtrabaho sa mga pier.

284
00:19:57,321 --> 00:20:01,825
Halo-halo ang mga paaralan,
at malaking pagbabago iyon.

285
00:20:03,118 --> 00:20:07,164
Wala akong ideya kung ano
ang basketball.

286
00:20:07,664 --> 00:20:11,251
Kumuha ang mga bata ng backboard
at basket mula sa kung saan,

287
00:20:11,335 --> 00:20:14,379
ewan ko kung saan.
Siguradong di nila binili iyon.

288
00:20:16,924 --> 00:20:19,426
Nakita ko silang nagba-basketball.

289
00:20:19,509 --> 00:20:24,014
Sumali ako. Hindi talaga ako magaling.

290
00:20:24,556 --> 00:20:30,520
Nang dumating si Bill sa Oakland,
dinala siya ng nanay niya sa gusaling ito.

291
00:20:30,604 --> 00:20:32,898
Nakakatawa raw iyon, sabi ni Bill.

292
00:20:32,981 --> 00:20:35,150
Sabi nito, "Maglalagi ka rito."

293
00:20:35,234 --> 00:20:39,821
Tanong ni Bill, "Ano'ng sinasabi mo?"
Nakaturo siya sa aklatan.

294
00:20:39,905 --> 00:20:44,409
Hindi sila nakakapasok
sa aklatan noong nasa Louisiana sila.

295
00:20:44,493 --> 00:20:46,870
Di puwedeng magbasa ang mga Itim doon.

296
00:20:46,954 --> 00:20:50,832
Magbabasa ako sa aklatan.
At may nabasa akong aklat sa kasaysayan.

297
00:20:51,458 --> 00:20:53,627
May isang linya roon na ang sabi,

298
00:20:55,170 --> 00:20:59,967
"Mas maayos ang buhay ng mga alipin
sa Amerika kaysa noong malaya sila

299
00:21:00,050 --> 00:21:01,468
sa pinagmulan nila."

300
00:21:03,428 --> 00:21:05,138
At nagulat ako roon.

301
00:21:05,222 --> 00:21:09,017
Sampung taon ako noon, sabi ko,
"Imposible iyon."

302
00:21:09,101 --> 00:21:14,106
Kasi lahat ng tao sa mundo,
gustong lumaya.

303
00:21:17,359 --> 00:21:21,071
<i>May sarili akong mundo noon,</i>
<i>at ang pinakamahalagang pag-aari ko</i>

304
00:21:21,154 --> 00:21:24,157
<i>ay ang library card ko</i>
<i>sa Oakland Public Library.</i>

305
00:21:24,741 --> 00:21:26,410
<i>Halos araw-araw ako roon.</i>

306
00:21:26,493 --> 00:21:30,706
<i>Titingnan ko ang mga kopya</i>
<i>ng mga paintings at iuuwi ang mga iyon.</i>

307
00:21:30,789 --> 00:21:33,292
<i>Mga gawa nina Da Vinci at Michelangelo.</i>

308
00:21:34,668 --> 00:21:36,586
<i>Nabighani ako sa gawa nila.</i>

309
00:21:36,670 --> 00:21:41,300
<i>Ilang oras kong pag-aaralan at kakabisahin</i>
<i>ang mga detalye ni Michelangelo.</i>

310
00:21:41,883 --> 00:21:45,429
<i>Ilang linggo bago ako masisiyahan</i>
<i>na ipipikit ko ang mata ko</i>

311
00:21:45,512 --> 00:21:49,433
<i>at iisip ng kahit anong nahahawig</i>
<i>sa nakita ko sa kopyang iyon.</i>

312
00:21:49,516 --> 00:21:52,185
<i>Tapos, ihahanda ko</i>
<i>ang sarili ko sa pagsubok,</i>

313
00:21:52,269 --> 00:21:54,396
<i>at iguguhit iyon mula sa alaala.</i>

314
00:21:54,938 --> 00:21:56,940
<i>Lagi akong nanlulumo sa resulta.</i>

315
00:22:00,819 --> 00:22:03,780
<i>Simula pa lang ng school</i>
<i>noong taglagas ng 1946,</i>

316
00:22:03,864 --> 00:22:08,076
<i>nang umuwi ako isang araw</i>
<i>at sinugod sa ospital ang nanay ko.</i>

317
00:22:08,160 --> 00:22:10,704
<i>Trangkaso lang daw, di ganoon kaseryoso.</i>

318
00:22:11,496 --> 00:22:14,624
<i>Sa dalawang linggong</i>
<i>pagbisita sa kanya, tatawa siya,</i>

319
00:22:14,708 --> 00:22:17,669
<i>ikukuwento kung paano niya</i>
<i>nalilito ang mga doktor.</i>

320
00:22:18,211 --> 00:22:21,757
<i>Pagkatapos, ginising kami ni Charlie</i>
<i>sa mahimbing na tulog</i>

321
00:22:21,840 --> 00:22:24,468
<i>at sinabing, "Wala na ang nanay n'yo."</i>

322
00:22:26,094 --> 00:22:29,431
<i>Labingdalawang taon lang ako noon,</i>
<i>at wala na siya.</i>

323
00:22:32,642 --> 00:22:35,645
Nang mamatay ang nanay niya,
noong panahong iyon,

324
00:22:35,729 --> 00:22:39,691
natural lang na ang mga tiyahin niya

325
00:22:39,775 --> 00:22:42,819
ang kukuha at magpapalaki sa mga bata.

326
00:22:42,903 --> 00:22:46,990
Sabi ng tatay niya,
"Hindi, lalaki sila sa akin."

327
00:22:47,074 --> 00:22:49,951
Una, "Nangako ako sa nanay nila."
Ikalawa,

328
00:22:50,035 --> 00:22:53,330
di niya hahayaang palakihin ng iba
ang mga anak niya.

329
00:22:53,413 --> 00:22:56,249
Pero para kay Bill,
mahirap ang panahong iyon.

330
00:22:57,876 --> 00:23:02,422
<i>Di na ako gaya ng dati.</i>
<i>Naging mapag-isa at mapagkimkim ako.</i>

331
00:23:03,256 --> 00:23:05,217
<i>Pinigilan ako ng mga alinlangan</i>g

332
00:23:05,300 --> 00:23:07,803
<i>kaya kong maging kahit ano</i>
<i>nang walang ina.</i>

333
00:23:10,430 --> 00:23:14,226
<i>Lahat ng nakasalamuha ko,</i>
<i>damang may mali sa akin.</i>

334
00:23:14,309 --> 00:23:16,436
<i>Ang malala, sang-ayon ako sa kanila.</i>

335
00:23:17,979 --> 00:23:19,856
<i>Palpak ako sa lahat.</i>

336
00:23:24,653 --> 00:23:29,574
Pagdating ko sa junior high school,
may "homeroom league" kami dati,

337
00:23:29,658 --> 00:23:33,203
kung saan bawat homeroom
ay may 15-minutong laro sa tanghali,

338
00:23:33,286 --> 00:23:35,831
at substitute ako sa homeroom team.

339
00:23:38,959 --> 00:23:42,212
Wala yatang nakahula
sa hinaharap niya bilang manlalaro.

340
00:23:42,295 --> 00:23:44,798
Parang di niya alam ang lakas niya.

341
00:23:44,881 --> 00:23:50,011
Biniyayaan siya ng pisikal na lakas
na noon ay di niya alam na mayroon siya

342
00:23:50,095 --> 00:23:51,513
at paano gamitin iyon.

343
00:23:53,598 --> 00:23:58,437
Natanggal ako sa junior varsity
noong Grade 11.

344
00:23:58,520 --> 00:24:01,606
Sabi ng varsity coach,
na siyang homeroom teacher ko

345
00:24:01,690 --> 00:24:04,651
sa junior high school,
"Mabuti at natanggal ka,

346
00:24:05,819 --> 00:24:08,321
kasi ngayon, puwede ka nang mag-varsity."

347
00:24:08,905 --> 00:24:13,702
<i>Nakitaan ng husay ni Coach George Powles</i>
<i>si Bill, bago pa iyon mapagtanto ni Bill.</i>

348
00:24:15,620 --> 00:24:17,622
Tanda kong sinabi ko kay Bill

349
00:24:17,706 --> 00:24:20,834
na maglaro nang maglaro sa summer,

350
00:24:20,917 --> 00:24:24,880
dahil magiging sentro siya
sa susunod na season,

351
00:24:24,963 --> 00:24:26,381
simula Oktubre.

352
00:24:27,299 --> 00:24:30,385
Sabi niya, "Baka puwede ako sa boys club."

353
00:24:31,887 --> 00:24:33,513
Binigyan ko siya ng pilak,

354
00:24:33,597 --> 00:24:36,475
at iyon ang pinakasulit na dolyar

355
00:24:36,558 --> 00:24:40,103
dahil nakapasok siya sa boys club
noong summer na iyon,

356
00:24:40,187 --> 00:24:42,397
at habambuhay na nag-basketball.

357
00:24:44,524 --> 00:24:48,987
Parang naging seryoso ang laro
noong huling taon ko sa high school.

358
00:24:50,155 --> 00:24:54,284
Sa kalagitnaan ng season,
may nakikita at napapansin na ako.

359
00:24:57,329 --> 00:25:00,290
<i>Alam ko na ang magagawa ko</i>
<i>sa basketball court</i>

360
00:25:00,373 --> 00:25:03,043
<i>ang di ko magawa sa mga painting.</i>

361
00:25:04,044 --> 00:25:07,797
<i>Nakapikit akong nakaupo,</i>
<i>nanonood ng mga laro sa isip ko.</i>

362
00:25:10,258 --> 00:25:12,928
<i>Nasa sariling basketball laboratory ako,</i>

363
00:25:13,011 --> 00:25:14,804
<i>nagmamarka para sa sarili ko.</i>

364
00:25:17,599 --> 00:25:19,017
<i>Nakailang supalpal ako.</i>

365
00:25:19,100 --> 00:25:22,562
<i>Masayang gawin ang ilan</i>
<i>sa mga disenyong ginawa ko.</i>

366
00:25:23,063 --> 00:25:25,774
<i>Minsan, tumatama ako sa unang subok.</i>

367
00:25:25,857 --> 00:25:30,487
<i>Para sa akin, para na rin 'yong</i>
<i>paglikha ng Michelangelo sa canvas.</i>

368
00:25:31,154 --> 00:25:33,573
<i>Sabi ko sa sarili ko, "Nagawa ko!"</i>

369
00:25:34,324 --> 00:25:39,120
Astig na konsepto iyon dahil
isang beses lang siyang manonood ng laro

370
00:25:39,746 --> 00:25:42,624
at paulit-ulit na niya 'yong naiisip

371
00:25:42,707 --> 00:25:44,834
bago niya susubukan iyon,

372
00:25:44,918 --> 00:25:48,213
at naging natural na iyon
bago pa siya magseryoso.

373
00:25:51,758 --> 00:25:56,763
<i>Ginamit ni Russell ang disenyo ng</i>
<i>depensa sa mga college championship,</i>

374
00:25:56,846 --> 00:25:59,307
<i>at dinala iyon sa mundo</i>

375
00:25:59,391 --> 00:26:03,019
<i>sa 1856 US men's Olympic team.</i>

376
00:26:03,728 --> 00:26:05,605
Heto ang All-American ng lahat.

377
00:26:05,689 --> 00:26:09,734
Walang talong season, at ngayon,
napili siya para sa Olympic squad.

378
00:26:09,818 --> 00:26:12,237
Sabik ka na ba sa Olympic trip?

379
00:26:12,320 --> 00:26:15,490
Inaabangan ko na iyon dati pa lang.

380
00:26:18,910 --> 00:26:22,247
Noon, nakapokus ang Olympic movement
sa pakikipaglaban.

381
00:26:23,415 --> 00:26:27,043
Di mahalaga kung saan nagmula ang atleta.

382
00:26:29,296 --> 00:26:34,050
<i>Ang kakaibang depensa ni Russell ang</i>
<i>nagpanalo ng ginto para sa mga Amerikao</i>

383
00:26:34,134 --> 00:26:35,969
<i>laban sa koponang Soviet.</i>

384
00:26:36,052 --> 00:26:40,098
Isa sa talagang nakakasabik
sa pagwawagi ng gintong medalya,

385
00:26:41,433 --> 00:26:42,976
sa sandaling iyon,

386
00:26:43,893 --> 00:26:46,605
alam mong ikaw
ang pinakamahusay sa planeta.

387
00:26:46,688 --> 00:26:50,525
At talagang ipagmamalaki mo iyon.

388
00:26:53,528 --> 00:26:56,656
<i>Sa dalawang kampeonato</i>
<i>sa kolehiyo at gintong medalya,</i>

389
00:26:56,740 --> 00:26:58,450
<i>handa nang mag-pro si Bill.</i>

390
00:27:00,744 --> 00:27:06,207
Di maiisip iyon ng mga tao sa ngayon,
pero dati, puting-puti ang NBA.

391
00:27:06,291 --> 00:27:10,420
Kung titingnan ang mga larawan dati,
karamihan sa kanila ay mga puti.

392
00:27:11,838 --> 00:27:14,924
Di man nasusulat,
isang Itim lang kada koponan.

393
00:27:15,008 --> 00:27:18,428
Sa pagtagal ng liga,
puwede nang magkaroon ng dalawa.

394
00:27:18,511 --> 00:27:22,015
Una, dahil magsasama rin sila
sa kuwarto, pero tama na iyon.

395
00:27:22,599 --> 00:27:26,645
Ang unang Itim na player sa NBA

396
00:27:26,728 --> 00:27:29,147
ay si Chuck Cooper mula sa Duquesne,

397
00:27:29,648 --> 00:27:35,111
at nagmula ang pasyang iyon sa coach
ng Bolton Celtics na si Red Auerbach.

398
00:27:36,571 --> 00:27:40,367
Walang pakialam si Auerbach
sa sitwasyon pagdating sa kulay.

399
00:27:40,450 --> 00:27:44,537
Alam niyang ang kailangan ay manalo,

400
00:27:44,621 --> 00:27:48,166
at kailangan niyang kumilos
para manalo sa mga laro.

401
00:27:48,249 --> 00:27:52,879
Ibig sabihin, kailangan ng koponang
may napakahuhusay na manlalaro.

402
00:27:55,757 --> 00:27:59,260
Noong 1950s, laging muntikan lang
manalo ang Boston Celtics.

403
00:27:59,344 --> 00:28:01,221
Magaling sila sa opensa

404
00:28:01,304 --> 00:28:04,766
at naroon sina Bill Sharman
at Bob Cousy,

405
00:28:04,849 --> 00:28:07,185
ang mahusay na backcourt noon,

406
00:28:07,268 --> 00:28:09,479
pero di sila nananalo ng kampeonato.

407
00:28:09,562 --> 00:28:13,024
<i>Isa si Bob Cousy</i>
<i>sa mga unang NBA superstar.</i>

408
00:28:13,108 --> 00:28:16,778
Kapag nagtanong ka sa karaniwang tao
sa kalye noong 1950s,

409
00:28:16,861 --> 00:28:20,323
"Isang tanong. Magbigay ng
isang basketball player,"

410
00:28:20,407 --> 00:28:23,952
at karamihan ay sasagot
ng Bob Cousy higit kahit kanino.

411
00:28:24,035 --> 00:28:27,247
<i>Nawala si Cousy sa screen,</i>
<i>napakalupit ng tira.</i>

412
00:28:28,581 --> 00:28:31,835
Nakagawa ako ng mga di pangkaraniwan,

413
00:28:31,918 --> 00:28:36,131
at siguro may imahinasyon akong
nakatutugma roon,

414
00:28:36,214 --> 00:28:39,592
ang gumawa ng mga bagay
na di pa nagagawa ng iba.

415
00:28:40,260 --> 00:28:44,055
Tinawag nila akong Mr. Basketball,
ang "Houdini of the hardwood."

416
00:28:44,973 --> 00:28:47,517
<i>Malakas ang opensa ng Celtics,</i>

417
00:28:48,017 --> 00:28:51,521
<i>pero nahirapan sila sa depensa</i>
<i>at pagre-rebound.</i>

418
00:28:52,063 --> 00:28:54,023
Mahalagang nasa iyo ang bola.

419
00:28:54,107 --> 00:28:56,025
Kung makaka-rebound ka,

420
00:28:56,109 --> 00:28:58,778
kaya mong gawin ang kahit ano sa court.

421
00:28:58,862 --> 00:29:03,241
Pinuntahan ako ni Arnold isang taon
bago niya ginawa iyon, at sinabing

422
00:29:03,324 --> 00:29:06,828
may mahusay na taga-California,
kung makukuha natin siya,

423
00:29:07,370 --> 00:29:09,998
siya na ang sagot sa mga problema natin.

424
00:29:11,541 --> 00:29:15,587
Wala akong dudang
kailangan namin si Bill Russell.

425
00:29:15,670 --> 00:29:18,840
Mabilis ang reaksyon niya,
mahusay ang reflex,

426
00:29:18,923 --> 00:29:21,217
at mahahaba ang braso. Ang galing.

427
00:29:21,843 --> 00:29:23,887
<i>Di madaling makuha si Russell.</i>

428
00:29:23,970 --> 00:29:27,098
<i>Ang unang draft pick</i>
<i>ay nasa Rochester Royals.</i>

429
00:29:28,600 --> 00:29:31,102
<i>Ikapito ang draft pick ng Celtics,</i>

430
00:29:31,186 --> 00:29:34,564
<i>kaya may mga kinausap si Red</i>
<i>para makaangat sa ikalawa.</i>

431
00:29:36,441 --> 00:29:37,776
<i>Pero di pa siya tapos.</i>

432
00:29:39,194 --> 00:29:43,281
Dahil laging nakakaisip si Auerbach
ng anggulo para makuha ang nais,

433
00:29:43,364 --> 00:29:46,075
lumapit siya kay
Walter Brown, Celtics owner,

434
00:29:46,159 --> 00:29:48,828
na major stockholder sa Ice Capades,

435
00:29:48,912 --> 00:29:52,332
isang malaking porma ng entertainment

436
00:29:52,415 --> 00:29:55,001
na nakaka-sold out ng kahit anong arena.

437
00:29:55,084 --> 00:29:59,756
Sa udyok ni Auerbach, nilapitan ni Brown
ang mayi-ari ng Rochester Royals,

438
00:29:59,839 --> 00:30:02,133
at sinabing, "Ito ang gagawin ko."

439
00:30:02,217 --> 00:30:05,970
"Ipapadala namin ang Ice Capades
sa mga gusto n'yong palabas,

440
00:30:06,054 --> 00:30:10,058
kung di n'yo kukunin si Bill Russell
bilang number one pick."

441
00:30:10,141 --> 00:30:12,977
At na-trade si Bill Russell
para sa Ice Capades.

442
00:30:13,061 --> 00:30:14,938
Kagagawan ni Auerbach iyon.

443
00:30:17,774 --> 00:30:19,818
<i>Nagawang makuha ni Red si Russell,</i>

444
00:30:20,318 --> 00:30:22,821
<i>pero hirap magpatunay ang rookie,</i>

445
00:30:22,904 --> 00:30:26,324
<i>kinuwestiyon na ni Russell ang sarili</i>
<i>kung bagay siya rito,</i>

446
00:30:26,950 --> 00:30:29,202
<i>hanggang mag-usap sila minsan ni Red.</i>

447
00:30:30,495 --> 00:30:34,040
Sabi niya, "Agahan mo sa laro,
gusto kitang kausapin."

448
00:30:34,123 --> 00:30:36,042
Nakaupo kami sa Boston Garden,

449
00:30:36,125 --> 00:30:40,171
at inaayos nila ang court at mga basket,

450
00:30:40,255 --> 00:30:42,715
at sabi niya, "May sasabihin ako sa 'yo."

451
00:30:42,799 --> 00:30:45,760
"Wala akong pakialam sa ipupuntos mo."

452
00:30:45,844 --> 00:30:48,096
"Tulungan mo lang kaming manalo."

453
00:30:49,472 --> 00:30:54,018
Sabi ko, "Magbabase sang sahod mo
sa mga matang ito."

454
00:30:54,102 --> 00:30:56,563
Hindi sa isusuko mo ang pagtira,

455
00:30:56,646 --> 00:30:58,731
pero 'wag mong isipin ang stats.

456
00:30:58,815 --> 00:31:01,609
Isipin mo lang, "Panalo ba kami o talo?"

457
00:31:01,693 --> 00:31:03,152
Ganoon lang.

458
00:31:04,654 --> 00:31:07,323
Natanggal n'on ang maraming pressure

459
00:31:07,407 --> 00:31:09,450
sa aming dalawa, pagkatapos,

460
00:31:09,534 --> 00:31:12,453
nakita na ni Red ang magagawa kong impact

461
00:31:12,537 --> 00:31:14,539
sa rebound at depensa.

462
00:31:18,251 --> 00:31:23,006
Sa transition game, kailangan mo
ng magkokontrol ng defensive board,

463
00:31:23,089 --> 00:31:26,009
epektibong rebound,
at ganoon ang ginawa ni Russ.

464
00:31:27,218 --> 00:31:31,431
Ang susi sa fast break
ay defensive rebound at outlet pass.

465
00:31:33,600 --> 00:31:37,103
Pagtaas ng bola, pupuwesto ako sa gilid,

466
00:31:37,186 --> 00:31:40,064
sa pinakamalapit,
hihintayin ang pasa niya,

467
00:31:40,148 --> 00:31:43,568
para makapagsimula ng fast break

468
00:31:43,651 --> 00:31:46,154
dahil alam kong makaka-rebound siya.

469
00:31:47,363 --> 00:31:48,948
Titira ang kabilang team.

470
00:31:49,032 --> 00:31:53,077
Paglapag ng tumira,
nagle-layup na kami sa kabila.

471
00:31:59,334 --> 00:32:03,880
Trabaho niyang mag-rebound,
manupalpal, harangan ang mga pasa,

472
00:32:03,963 --> 00:32:07,675
at ilipat iyon sa kabilang direksyon

473
00:32:07,759 --> 00:32:11,638
at bayaan ang ibang tumakbo sa court

474
00:32:11,721 --> 00:32:13,348
gaya ng paparating na alon.

475
00:32:19,312 --> 00:32:20,855
Bob, masarap siguro

476
00:32:20,939 --> 00:32:23,858
na maging pinakamahusay
na player sa laro ngayon,

477
00:32:23,942 --> 00:32:27,403
na magkaroon ng kasamang
makakakuha ng bola. Kumusta iyon?

478
00:32:27,487 --> 00:32:30,782
Syempre, marami sa mga basketball fan na

479
00:32:30,865 --> 00:32:33,576
nanonood ng Celtics,
alam na ang opensa natin

480
00:32:33,660 --> 00:32:35,578
ay nakatuon sa fast break,

481
00:32:35,662 --> 00:32:38,081
at wala tayong tao para doon noon.

482
00:32:38,164 --> 00:32:43,419
Kahit sa puntong ito,
pagdating sa rebound, pasa, depensa,

483
00:32:43,503 --> 00:32:46,673
walang duda sa husay ni Russell.

484
00:32:46,756 --> 00:32:48,257
NAPAKAHUSAY! DAMBUHALA!

485
00:32:51,511 --> 00:32:53,054
<i>Utang ko ito sa asawa ko.</i>

486
00:32:54,138 --> 00:32:58,309
<i>Minsan, nag-aalinlangan ako.</i>
<i>Pero si Rose, di tumigil sa pagkumbinsi.</i>

487
00:32:58,393 --> 00:33:01,145
<i>Pagkatapos ng praktis,</i>
<i>kahit sa mga pahinga,</i>

488
00:33:01,229 --> 00:33:02,480
<i>hinihikayat niya ako.</i>

489
00:33:02,563 --> 00:33:04,691
<i>Ganoon din siya kahit sa bahay.</i>

490
00:33:04,774 --> 00:33:07,652
<i>Di lang niya nagagawa iyon</i>
<i>kapag bumabiyahe kami.</i>

491
00:33:08,152 --> 00:33:10,279
<i>Hinahanap ko ang pep talk niya roon.</i>

492
00:33:12,907 --> 00:33:17,996
<i>Nang pakasalan ko si Rose noong 1956,</i>
<i>22 lang ako, sariwa sa Olympics,</i>

493
00:33:18,079 --> 00:33:21,165
<i>at walang kaide-ideya sa ginagawa ko.</i>

494
00:33:21,249 --> 00:33:24,419
<i>Alam ko lang na tanggap</i>
<i>at mahalaga ako kay Rose,</i>

495
00:33:25,169 --> 00:33:29,007
<i>bukod sa basketball,</i>
<i>na malaking tagumpay para sa akin.</i>

496
00:33:31,843 --> 00:33:34,595
<i>Nanguna ang Celtics sa Eastern Division sa</i>

497
00:33:34,679 --> 00:33:36,597
<i>unang pagkakataon sa kasaysayan.</i>

498
00:33:40,518 --> 00:33:43,896
<i>Kakaharapin nila ang St. Louis Hawks</i>
<i>para sa kampeonato.</i>

499
00:33:43,980 --> 00:33:47,734
CELTS, NAKATAGPO ANG HAWKS
SA PLAYOFF OPENER

500
00:33:48,818 --> 00:33:52,280
<i>Sa Boston, nakita ng mga tao</i>
<i>ang hirap sa NBA championship</i>

501
00:33:52,363 --> 00:33:55,366
<i>sa pagitan ng St. Louis Hawks</i>
<i>at ng Boston Celtics.</i>

502
00:33:57,201 --> 00:33:58,453
<i>Nakuha ni Russell.</i>

503
00:33:59,620 --> 00:34:01,039
Magandang serye iyon.

504
00:34:01,122 --> 00:34:04,083
Si Bill Russell… mas mahusay
pag mahirap ang laro.

505
00:34:04,167 --> 00:34:07,253
Nakaapat na layup ako.
Sinupalpal niya ang mga nauna,

506
00:34:07,336 --> 00:34:09,756
at sumablay ako sa iba
kakahanap sa kanya.

507
00:34:11,799 --> 00:34:14,761
<i>Ang serye, na rookie year</i>
<i>ni Russell, ay umabot</i>

508
00:34:14,844 --> 00:34:17,513
<i>hanggang sa huling minuto</i>
<i>ng Game Seven.</i>

509
00:34:18,097 --> 00:34:20,349
<i>Sa fourth quarter, nagtabla ang laro.</i>

510
00:34:20,433 --> 00:34:24,145
<i>Dumeretso sa kaliwa si Russell,</i>
<i>nag-layup. Binasag ang tabla!</i>

511
00:34:24,228 --> 00:34:26,731
<i>Na kay Macauley ang bola,</i>
<i>malapit sa ring.</i>

512
00:34:26,814 --> 00:34:29,901
<i>Ipinasa kay Pettit, tumira,</i>
<i>na-foul ni Russell.</i>

513
00:34:29,984 --> 00:34:33,488
<i>Titira siya ng free throw</i>
<i>para matabla ang laro.</i>

514
00:34:34,906 --> 00:34:38,618
<i>Handa na siya. At ibinato. Pasok!</i>

515
00:34:38,701 --> 00:34:42,038
Naroon ang dalawa sa pinakamahuhusay
na larong nakita ko.

516
00:34:42,121 --> 00:34:43,456
Una, gawa ni Russell.

517
00:34:43,539 --> 00:34:45,833
<i>Tabla ang laro, ubos na ang oras,</i>

518
00:34:45,917 --> 00:34:48,461
<i>at heto ang Celtics. Nasa kaliwa si Cousy.</i>

519
00:34:48,544 --> 00:34:52,215
Pinasahan siya ni Cousy
mula sa malayo, na dapat niyang saluhin

520
00:34:52,298 --> 00:34:55,968
at ipasok nang sabay.
Hindi niya maaabot ang basket.

521
00:34:56,052 --> 00:34:59,680
<i>Sablay! Rebound ni Martin.</i>
<i>Nasa gitna ng court si Martin.</i>

522
00:34:59,764 --> 00:35:01,516
Nasa St. Louis ang bola,

523
00:35:01,599 --> 00:35:04,519
at ipinasa ito sa lalaking,
sa isang dribble,

524
00:35:04,602 --> 00:35:06,813
ay ile-layup ang bola para manalo.

525
00:35:07,396 --> 00:35:10,399
Nasa harap ng lahat si Coleman.

526
00:35:10,483 --> 00:35:14,320
<i>Tumatakbo si Jack Coleman,</i>
<i>at magiging breakaway iyon.</i>

527
00:35:14,403 --> 00:35:17,198
Nanalig ako at inilaban ang posisyon ko.

528
00:35:17,281 --> 00:35:19,534
<i>Tumatakbo si Bill Russell.</i>

529
00:35:20,034 --> 00:35:22,203
Napakabilis ng pagtakbo ni Russell.

530
00:35:22,286 --> 00:35:26,666
<i>Nag-layup, sinupalpal ni Russell!</i>
<i>Ang lupit ni Bill Russell!</i>

531
00:35:28,459 --> 00:35:32,463
Lumamang sana sila
sa loob ng tatlo o apat na segundo.

532
00:35:32,547 --> 00:35:36,259
<i>Pagkatapos ng isang overtime,</i>
<i>tabla pa rin ang laro sa 113-113…</i>

533
00:35:36,843 --> 00:35:39,762
Ang sumunod na mahusay
na naglaro, si Alex Hannum,

534
00:35:39,846 --> 00:35:42,223
isang segundo na lang, nag-timeout sila.

535
00:35:42,306 --> 00:35:43,933
<i>Nag-foul si Jim Loscutoff.</i>

536
00:35:44,016 --> 00:35:47,770
<i>Lamang ng dos ang Celts</i>
<i>pero may isa pang tira ang Hawks.</i>

537
00:35:47,854 --> 00:35:50,815
<i>Nagtipon ang Hawks palibot</i>
<i>kay player-coach Hannum.</i>

538
00:35:50,898 --> 00:35:54,318
Sabi ni Hannum, "Ihahagis ko
ang bola sa dulo ng court."

539
00:35:54,402 --> 00:35:58,406
"Tatamaan ko ang backboard.
Pettit, saluhin mo, ipasok mo."

540
00:36:01,534 --> 00:36:03,161
Perpekto ang pasa niya.

541
00:36:04,745 --> 00:36:08,499
Umangat ako, di na bumaba.

542
00:36:09,709 --> 00:36:12,378
Gumana. Kaso di ko napasok.

543
00:36:13,296 --> 00:36:15,464
<i>At doon na nagtatapos ang laro!</i>

544
00:36:16,299 --> 00:36:19,552
<i>Nanalo ang Celtics</i>
<i>ng una nilang World Championship.</i>

545
00:36:19,635 --> 00:36:23,264
<i>At para sa akin, ang una kong</i>
<i>naanunsyong kampeonato.</i>

546
00:36:28,895 --> 00:36:30,855
Masaya, unang kampeonato iyon.

547
00:36:31,522 --> 00:36:35,067
Ilang taon nang talo ang Red Sox,
di nanalo ang Bruins,

548
00:36:35,693 --> 00:36:37,820
wala pa ang Patriots noon.

549
00:36:43,618 --> 00:36:45,161
Pagkatapos ng laro,

550
00:36:46,746 --> 00:36:49,707
sabi ni Red, "Ahitin na natin ang balbas."

551
00:36:50,541 --> 00:36:52,877
Nalimot ko na 'yon haggang sa locker,

552
00:36:52,960 --> 00:36:56,714
kung saan naglabas ang trainer
ng razor at shaving cream.

553
00:36:57,465 --> 00:37:00,551
Naging parte na talaga ako ng team
noong gabing iyon.

554
00:37:01,552 --> 00:37:04,263
CELTICS, NANALO NANG 125-123

555
00:37:04,347 --> 00:37:08,517
CELTICS, INUWI ANG UNA NITONG NBA TITLE

556
00:37:13,064 --> 00:37:15,399
<i>Mula sa matagumpay na rookie year,</i>

557
00:37:15,483 --> 00:37:19,987
<i>nagpasya sina Bill at Rose na maaaring</i>
<i>ligtas nang manirahan sa Boston.</i>

558
00:37:20,863 --> 00:37:23,157
<i>Bumili sila ng bahay sa Reading.</i>

559
00:37:24,408 --> 00:37:28,162
Suburb ng mga working-class
ang Reading, konserbatibo.

560
00:37:28,246 --> 00:37:31,624
Sa Reading tumira si Russell
sa buong Celtics career niya,

561
00:37:31,707 --> 00:37:34,877
pero di niya kailanman
naramdamang tanggap siya roon.

562
00:37:37,046 --> 00:37:40,633
Nagreklamo siya sa panliligalig
ng ibang mga tagaroon.

563
00:37:40,716 --> 00:37:44,971
Maaaring sikat sila sa bayan,
pero binababoy pa rin ang bahay niya.

564
00:37:45,680 --> 00:37:48,391
Nang lumipat kami
sa Reading, Massachusetts,

565
00:37:48,474 --> 00:37:50,726
kami ang unang Itim na pamilya roon.

566
00:37:50,810 --> 00:37:53,145
Tuwing aalis ang tatay ko,

567
00:37:53,229 --> 00:37:57,275
magkakalat ng basura ang mga "raccoon."

568
00:37:57,358 --> 00:38:00,444
Sa umaga, puno ng basura ang labas.

569
00:38:00,528 --> 00:38:03,656
Nagsumbong sa pulisya
ang tatay ko, "Kapag wala ako,

570
00:38:03,739 --> 00:38:07,618
may nanloloko sa asawa ko,
at tinutumba ang mga basura."

571
00:38:07,702 --> 00:38:11,122
Sabi nila, "Wala kaming magagawa
sa mga raccoon."

572
00:38:11,956 --> 00:38:15,835
Kaya lumapit ako sa state government

573
00:38:15,918 --> 00:38:17,753
at kumuha ng permit ng baril.

574
00:38:21,799 --> 00:38:24,593
At biglang nawala ang mga raccoon.

575
00:38:27,388 --> 00:38:29,974
Liberal na siyudad dapat
ang Boston sa lahi.

576
00:38:30,057 --> 00:38:34,145
May reputasyon ito noong ika-19 siglo
bilang "Athens ng Amerika."

577
00:38:34,228 --> 00:38:36,731
Pero nakita ni Russell ang kultura rito

578
00:38:36,814 --> 00:38:40,443
kung saan maraming
working-class na puti ang galit sa Itim.

579
00:38:41,277 --> 00:38:42,570
Ang Boston ay

580
00:38:43,863 --> 00:38:45,072
ang pinaka

581
00:38:46,240 --> 00:38:49,660
konserbatibong siyudad
sa NBA pagdating ko.

582
00:38:49,744 --> 00:38:51,871
Wala siya sa Boston para sa racism.

583
00:38:51,954 --> 00:38:54,373
1950s ito sa Amerika.

584
00:38:54,457 --> 00:38:57,835
…apat, anim, walo,
ayaw naming pagsamahin!

585
00:38:57,918 --> 00:39:01,172
Dalawa, apat, anim, walo,
ayaw naming pagsamahin!

586
00:39:01,255 --> 00:39:03,466
PANATILIHING PUTI ANG MGA PAARALAN

587
00:39:05,426 --> 00:39:09,597
<i>Sinubukan ni Russell na umalma</i>
<i>sa mga pangit na lamat sa lahi ng bansa,</i>

588
00:39:09,680 --> 00:39:13,809
<i>di lang sa paglalaro,</i>
<i>kundi sa palagiang pagpanalo.</i>

589
00:39:14,727 --> 00:39:18,189
CELTICS, PANALO ULIT
WINALIS ANG PHILADELPHIA, 106-92

590
00:39:18,272 --> 00:39:19,815
CELTS, PINULBOS ANG N.Y.

591
00:39:19,899 --> 00:39:23,903
<i>Nagmartsa ang Celtics</i>
<i>sa 1957-1958 season,</i>

592
00:39:23,986 --> 00:39:27,990
<i>madaling ginagawang puntos</i>
<i>ang 22 rebounds ni Russell kada laro.</i>

593
00:39:29,492 --> 00:39:32,119
<i>Mukhang magkakatitulo ulit sa NBA.</i>

594
00:39:32,203 --> 00:39:35,498
CELTICS, MAS PINABURAN
KAYSA SA HAWKS SA SIMULA NG LABAN

595
00:39:37,083 --> 00:39:39,960
<i>Hi, basketball fans. Si Johnny Most ito,</i>

596
00:39:40,044 --> 00:39:43,005
<i>at welcome sa 1958</i>
<i>World Championship series</i>

597
00:39:43,089 --> 00:39:45,132
<i>sa pagitan ng Hawks at Celtics.</i>

598
00:39:46,384 --> 00:39:49,595
<i>Sa second half ng Game Three,</i>
<i>tabla ang series,</i>

599
00:39:49,678 --> 00:39:52,473
<i>namali ng bagsak si Russell</i>
<i>mula sa pagsupalpal,</i>

600
00:39:52,556 --> 00:39:55,601
<i>at napunitan ng tendon</i>
<i>at nabalian ng buto sa ankle.</i>

601
00:39:59,897 --> 00:40:02,108
Ayaw naming malasin si Bill,

602
00:40:02,191 --> 00:40:05,986
pero di namin ikinalungkot
na na-sprain ang ankle niya.

603
00:40:06,070 --> 00:40:10,032
Malala ang sprain ko,
at di ako nakasali sa ilang laro.

604
00:40:10,574 --> 00:40:13,369
<i>Nakabalik si Russell</i>
<i>sa Game Six sa St. Louis,</i>

605
00:40:13,452 --> 00:40:16,288
<i>kung saan dehado ng laro ang Celtics,</i>

606
00:40:16,831 --> 00:40:19,250
<i>at hirap siya sa injury niya.</i>

607
00:40:19,750 --> 00:40:20,960
<i>Nasa baba si Pettit.</i>

608
00:40:21,043 --> 00:40:23,045
<i>Nilagpasan si Heinsohn, naka-dos.</i>

609
00:40:23,129 --> 00:40:26,006
<i>Hayun si Pettit, di napigilan ni Russell.</i>

610
00:40:27,800 --> 00:40:30,636
<i>Na kay Macauley ang bola.</i>
<i>At tapos na!</i>

611
00:40:31,512 --> 00:40:33,889
<i>Inuwi ng St. Louis Hawks ang kampeonato</i>

612
00:40:33,973 --> 00:40:36,016
<i>sa 50 puntos ni Bob Pettit.</i>

613
00:40:37,309 --> 00:40:38,936
Talo kami sa anim na laro.

614
00:40:39,019 --> 00:40:43,274
Pero alam namin ang kaibahan
ng kahirapan at kawalan.

615
00:40:43,357 --> 00:40:47,736
Nasa isip ang kahirapan, ang kawalan,
pansamantalang sitwasyon lang.

616
00:40:48,696 --> 00:40:51,490
At alam naming pansamantala lang iyon.

617
00:40:52,241 --> 00:40:57,329
Sa sumunod na taon, kailangan lang naming
manalo nang manalo, hangga't maaari.

618
00:40:57,413 --> 00:41:00,082
Palaban kaming lahat, mula kay Arnold.

619
00:41:00,166 --> 00:41:02,501
Dalhin ang bola, Mendy! Minsan, ha?

620
00:41:06,088 --> 00:41:07,506
Matindi si Red.

621
00:41:08,382 --> 00:41:12,595
Ayaw niyang kamayan namin
ang kalaban bago ang laro.

622
00:41:12,678 --> 00:41:14,096
Galit kami sa kanila!

623
00:41:14,930 --> 00:41:17,766
Baka napasobra si Arnold

624
00:41:17,850 --> 00:41:20,269
pero ayaw niyang makasundo sila,

625
00:41:20,352 --> 00:41:22,146
kung di namin sila matatalo.

626
00:41:22,897 --> 00:41:26,442
<i>Sa sumunod na taon,</i>
<i>noong 1958-1959 season,</i>

627
00:41:26,525 --> 00:41:29,612
<i>pinakamaganda ang rekord</i>
<i>ng Celtics sa wakas ng liga.</i>

628
00:41:29,695 --> 00:41:32,656
Kaya namin ang kahit anong
istilo ng basketball.

629
00:41:32,740 --> 00:41:34,283
Kaya naming sabayan lahat,

630
00:41:35,117 --> 00:41:38,037
o pulbusin sa half-court ang kahit sino,

631
00:41:38,787 --> 00:41:40,247
sa pantay na pasilidad.

632
00:41:43,876 --> 00:41:48,464
<i>Pinuno ni Red ang squad ng batang team</i>
<i>na inasahan niyang magkakasundo.</i>

633
00:41:52,801 --> 00:41:55,846
<i>Pagkatapos ng 1957 draft,</i>
<i>tinawagan ako ni Red,</i>

634
00:41:56,347 --> 00:42:00,059
<i>"Kinuha ko si Sam Jones</i>
<i>ng North Carolina Central University."</i>

635
00:42:00,142 --> 00:42:03,145
<i>"Kumusta siya, Russ?</i>
<i>Makakatulong ba siya sa atin?"</i>

636
00:42:04,146 --> 00:42:08,442
<i>Sabi ko, "Sino si Sam Jones?"</i>
<i>"Schvartze siya."</i>

637
00:42:08,526 --> 00:42:10,736
<i>Kolokyal na Yiddish para sa Itim.</i>

638
00:42:10,819 --> 00:42:15,282
<i>"Akala ko, kilala mo." Sabi ko,</i>
<i>"Red, di ko sila kilalang lahat."</i>

639
00:42:16,492 --> 00:42:17,618
<i>Kilala man o hindi,</i>

640
00:42:17,701 --> 00:42:21,997
<i>walang dudang magiging malakas</i>
<i>na basketball player si Sam Jones.</i>

641
00:42:23,290 --> 00:42:26,502
Ang nakakatawa, parang matanda na si Sam.

642
00:42:27,086 --> 00:42:31,048
Kulang si Sam Jones sa pagkilalang
dapat sa kanya bilang manlalaro.

643
00:42:31,131 --> 00:42:34,218
Alam ng marurunong
na maaasahan si Sam sa hirap.

644
00:42:34,301 --> 00:42:38,639
Di mo alam kung saan siya papunta,
pero alam mong makaka-bank shot siya.

645
00:42:40,015 --> 00:42:42,851
Di mo gugustuhing makaharap siya.

646
00:42:42,935 --> 00:42:46,814
Di siya magdadalawang-isip tumira,
at hindi siya sumasablay.

647
00:42:51,694 --> 00:42:56,282
<i>Pinagtagpo rin ni Red si Bill</i>
<i>sa college roommate nitong si KC Jones.</i>

648
00:42:57,741 --> 00:43:01,161
Laging kinukulit ng mga reporter
si Red tungkol kay KC.

649
00:43:01,245 --> 00:43:05,124
"Bakit mo siya isinali?
Wala siyang ginagawa."

650
00:43:05,207 --> 00:43:08,627
Hihithit si Red ng tabako,
ibubuga ang usok n'on,

651
00:43:08,711 --> 00:43:11,880
at sasabihing, "Uy, KC Jones,
ang alam ko lang,

652
00:43:11,964 --> 00:43:15,092
tuwing ipinapasok ko siya,
nangunguna ang team namin."

653
00:43:16,260 --> 00:43:19,388
<i>Hinarang ni KC Jones,</i>
<i>at narito na ang Celtics.</i>

654
00:43:20,180 --> 00:43:23,309
Sa tingin ko, pinakamahusay
na defensive guard si KC.

655
00:43:27,438 --> 00:43:30,941
<i>Ginamit ni Red sa team</i>
<i>ang mga kawirduhan ng players,</i>

656
00:43:31,025 --> 00:43:33,152
<i>at hinayaang maging malaya.</i>

657
00:43:33,235 --> 00:43:36,322
<i>Higit pa sa matagumpay</i>
<i>na franchise ang binuo niya.</i>

658
00:43:36,405 --> 00:43:38,407
<i>Samahan ito ng magkakapatid.</i>

659
00:43:38,490 --> 00:43:41,035
Pamilya kami, at mapalad kaming

660
00:43:41,118 --> 00:43:43,287
mapanatili ang nucleus na iyon.

661
00:43:43,370 --> 00:43:46,123
Sinuportahan namin ang isa't isa,

662
00:43:46,206 --> 00:43:49,752
at ginawa namin ang lahat
para magtagumpay ang bawat isa.

663
00:43:51,045 --> 00:43:52,379
Mahal niya ang team,

664
00:43:52,463 --> 00:43:55,257
at para na itong
ikalawang pamilya sa kanya.

665
00:43:56,008 --> 00:43:58,427
Mapagmahal kami sa isa't isa.

666
00:43:58,510 --> 00:44:00,971
Sa pagpapatawa namin ipinakita iyon.

667
00:44:02,640 --> 00:44:04,975
Kausapin mo ang mga kakilala ni Bill,

668
00:44:05,059 --> 00:44:09,521
ang una mong maiisip ay 'yong tawa.
'Yong tawa talaga.

669
00:44:13,901 --> 00:44:16,153
Alam mo, arogante siya.

670
00:44:16,236 --> 00:44:17,988
Siya si Bill Russell!

671
00:44:18,572 --> 00:44:23,285
Pero baliw rin siyang makikipagbiruan
at tawanan sa 'yo, at masayang kasama.

672
00:44:23,911 --> 00:44:27,956
Dinig mo ang pamosong tawa niya.

673
00:44:28,040 --> 00:44:31,710
Nakakahawa ang tawa niya, kakaiba.

674
00:44:31,794 --> 00:44:32,753
Totoo.

675
00:44:36,840 --> 00:44:37,841
Para 'yong…

676
00:44:42,388 --> 00:44:44,765
Noong una kong marinig iyon, sabi ko,

677
00:44:44,848 --> 00:44:47,226
"Tinatawanan ba niya ako, o…?"

678
00:44:47,309 --> 00:44:48,394
"Ano iyon?"

679
00:44:52,064 --> 00:44:54,775
Kapag napatawa mo siya,
natutuwa siya sa 'yo.

680
00:44:58,946 --> 00:45:03,325
Sabi ni Red, mapapalayas ko siya
sa basketball sa tawa at pagsuka ko.

681
00:45:05,119 --> 00:45:08,664
Dumating ako sa laro minsan,
at biglang nagsuka.

682
00:45:08,747 --> 00:45:11,291
Para sa akin, malaking bagay ang kaba.

683
00:45:11,375 --> 00:45:14,962
May malalakas talagang mga tao,

684
00:45:16,338 --> 00:45:19,091
na humahanap ng paraan
para mailabas ang lakas

685
00:45:19,174 --> 00:45:22,386
para makarelaks at makapagtrabaho.

686
00:45:23,053 --> 00:45:26,765
Pagkatapos n'on, ayos na ako
at napakasahol ng hitsura n'on.

687
00:45:30,018 --> 00:45:32,771
Minsan, nagpapainit kami sa isang laro.

688
00:45:32,855 --> 00:45:34,314
Sabi ko, "Alam mo,

689
00:45:34,398 --> 00:45:38,402
nalimutang sumuka ni Russell."
Kaya pinalabas ko ang team sa court.

690
00:45:38,485 --> 00:45:41,196
Sabi ko, "Bumalik kayo sa locker room."

691
00:45:41,280 --> 00:45:44,074
Lumingon ako, sabi ko, "Russell, suka na."

692
00:45:44,783 --> 00:45:47,411
Sumuka nga siya, at nanalo kami.

693
00:45:47,494 --> 00:45:52,040
Narinig namin siya at naisip,
"Salamat at nagsuka siya!"

694
00:45:52,124 --> 00:45:55,878
Kasi alam naming handa siya.
Magiging malupit ang laro niya.

695
00:45:58,922 --> 00:46:01,175
<i>Sa pagtatapos ng 1958-1959 season,</i>

696
00:46:01,258 --> 00:46:04,094
<i>may panibagong tsansa</i>
<i>ang Celtics sa kampeonato.</i>

697
00:46:05,471 --> 00:46:06,597
Ang unang labanan

698
00:46:06,680 --> 00:46:09,558
sa pagitan ng Celtics
at Lakers ay noong 1959.

699
00:46:09,641 --> 00:46:12,644
Nasa Minneapolis pa noon
ang Lakers kaya limot na,

700
00:46:12,728 --> 00:46:16,356
pero iyon ang simula
ng pagsagupa ng Celtics sa Lakers.

701
00:46:16,440 --> 00:46:20,360
<i>Nawalis ng Boston ang tatlong laro,</i>
<i>at do-or-die na ito sa Lakers.</i>

702
00:46:21,361 --> 00:46:25,073
<i>Sa Game Four, pinigilan ni Russell</i>
<i>ang pagbawi sa mga rebound,</i>

703
00:46:25,157 --> 00:46:27,117
<i>at nakatatlumpung rebounds.</i>

704
00:46:27,826 --> 00:46:31,872
<i>Papunta si Bob Cousy sa basket</i>
<i>at tumitindi ang pressure sa Boston.</i>

705
00:46:31,955 --> 00:46:34,500
<i>Panalo ang Celtics, 118-113.</i>

706
00:46:34,583 --> 00:46:38,045
<i>Nawalis ng koponan ni Auerbach</i>
<i>ang titulo ng playoffs.</i>

707
00:46:38,128 --> 00:46:41,423
<i>Pinatunayan ng paghahari</i>
<i>ng Celtics sa 1959 finals</i>

708
00:46:41,507 --> 00:46:43,759
<i>na naroon na talaga ang team,</i>

709
00:46:43,842 --> 00:46:46,428
<i>at nag-angat muli kay Bill bilang kampeon.</i>

710
00:46:46,512 --> 00:46:51,308
CELTICS, WINALIS ANG IKAAPAT NA LARO
PARA SA IKALAWANG TITULO SA 3 TAON

711
00:46:52,226 --> 00:46:54,728
Mahal na mahal ko ang career ko noon.

712
00:46:54,812 --> 00:46:58,774
Gustong-gusto ko iyon,
ang bawat minuto n'on.

713
00:47:07,032 --> 00:47:10,452
Napakagandang panahon n'on
para sa akin.

714
00:48:03,088 --> 00:48:07,217
<i>Noong taong iyon, di napunta kay Russell</i>
<i>ang MVP award ng NBA,</i>

715
00:48:07,301 --> 00:48:09,303
<i>ngunit kay Bob Pettit ng Hawks.</i>

716
00:48:10,178 --> 00:48:11,096
<i>Pero sa Boston,</i>

717
00:48:11,179 --> 00:48:15,142
<i>nagiging malinaw nang</i>
<i>si Bill Russell ang most valuable Celtic.</i>

718
00:48:15,976 --> 00:48:19,271
Alam kong mahusay siyang rebounder,
at magaling pumasa,

719
00:48:19,354 --> 00:48:21,398
pero mahusay din siyang lider.

720
00:48:22,274 --> 00:48:25,652
Maraming di nakakaalam nito,
pero dedikado siya sa panalo

721
00:48:26,236 --> 00:48:29,156
at sa istruktura ng team.

722
00:48:29,823 --> 00:48:32,200
Ang mahalaga, panalo siya.

723
00:48:32,284 --> 00:48:36,622
Kaya naisip niyang dapat
makatanggap siya ng paggalang

724
00:48:36,705 --> 00:48:40,250
base sa nagagawa nila bilang team.

725
00:48:40,334 --> 00:48:43,712
Lider si Bob Cousy,
pero walang duda kung sino ang bago.

726
00:48:44,212 --> 00:48:47,049
Pagdating ni Bob, siya ang bida sa team.

727
00:48:47,132 --> 00:48:52,304
Sinabi niya sanang, "Uy, ako ang bida."
Pero ang sinabi niya, "Magtulungan tayo."

728
00:48:52,387 --> 00:48:53,430
-Magkasama?
-Oo.

729
00:48:54,097 --> 00:48:56,808
Ako ang bida pagdating niya sa Boston,

730
00:48:56,892 --> 00:48:58,894
tapos, naging siya ang bida,

731
00:48:58,977 --> 00:49:03,148
pero di siya gaanong kinilala
ng media bilang bida.

732
00:49:04,524 --> 00:49:08,028
<i>Bago ang isang road trip,</i>
<i>na-sprain ang ankle ni Bob Cousy.</i>

733
00:49:09,404 --> 00:49:12,574
<i>Maglalakbay tayo.</i>
<i>Lima ang sunod-sunod na laro.</i>

734
00:49:13,742 --> 00:49:16,703
Nais ipakita ni Russell,
kaya niyang wala si Cousy.

735
00:49:16,787 --> 00:49:19,581
Libo-libong tira
ang sinupalpal niya. Pambihira.

736
00:49:19,665 --> 00:49:21,875
<i>Heto si LaRusso, naharang ni Russell!</i>

737
00:49:22,501 --> 00:49:23,794
Nanalo kami sa lahat.

738
00:49:25,212 --> 00:49:29,591
Bumalik kami sa Boston.
Ang balita, "Maglalaro kaya si Cousy?"

739
00:49:30,717 --> 00:49:33,220
WALA SI COUSY, PERO PANALO ANG CELTICS

740
00:49:33,303 --> 00:49:35,889
WALANG TALO ANG CELTICS
KAHIT WALANG COUSY

741
00:49:35,973 --> 00:49:38,809
ANI FANS, ANGAT PA RIN SI COUSY

742
00:49:38,892 --> 00:49:40,560
Habang lumalaki sa Boston,

743
00:49:40,644 --> 00:49:43,105
ang Russell-Cousy team

744
00:49:43,188 --> 00:49:46,233
ang tanging nanalong professional sports

745
00:49:46,316 --> 00:49:48,151
sa lugar namin.

746
00:49:51,196 --> 00:49:53,407
RUSSELL… MAHUSAY
HEINSOHN… MAS MAHUSAY

747
00:49:53,490 --> 00:49:55,242
COUSY… PINAKAMAHUSAY
18 PUNTOS

748
00:49:57,828 --> 00:50:01,832
<i>Lumaki ang fandom ng Celtics,</i>
<i>pero hindi ang kay Bill.</i>

749
00:50:04,459 --> 00:50:07,754
Di nakatanggap ng ganap
na pagsang-ayon si Bill Russell

750
00:50:07,838 --> 00:50:11,133
na dapat sa kanya,
dahil lang sa Itim siya.

751
00:50:11,216 --> 00:50:12,926
Ganoon lang kasimple.

752
00:50:13,010 --> 00:50:16,346
Napakabastos ng mga manunulat.

753
00:50:16,430 --> 00:50:18,849
Kapag puro puti ang media,

754
00:50:18,932 --> 00:50:20,767
na maraming biases,

755
00:50:20,851 --> 00:50:25,063
na humaharap sa una
at ikalawang bugso ng mga Itim,

756
00:50:25,564 --> 00:50:27,441
ang sahol n'on.

757
00:50:28,358 --> 00:50:35,073
May matitinding all-white guys na lihim
na ginagamit ang mga salitang iyon.

758
00:50:35,157 --> 00:50:39,536
Tiyak na nakaapekto iyon sa pagsulat nila
sa publiko. Karima-rimarim.

759
00:50:40,078 --> 00:50:43,331
"Mangmang ang mga atletang Itim.
Naglalaro lang sila."

760
00:50:43,415 --> 00:50:46,918
"Di sila intelektuwal.
Hanggang takbo't talon lang sila."

761
00:50:48,336 --> 00:50:50,756
Sa balcony, tawag sa kanila,

762
00:50:50,839 --> 00:50:54,051
halimbawa, sa Boston Garden,
"langit ng mga n-word."

763
00:50:54,134 --> 00:50:56,303
Maririnig mo 'to sa press box.

764
00:50:56,386 --> 00:50:59,014
Kaunti lang ang mga Itim sa liga.

765
00:50:59,097 --> 00:51:02,893
Laro iyon ng mga puting lalaki,
manunulat at tagapanood.

766
00:51:02,976 --> 00:51:05,312
At di "handa" ang bayang ito kay Bill.

767
00:51:06,021 --> 00:51:09,608
Nasiraan siya ng kotse sa bagyo,
at dinaan-daanan lang siya.

768
00:51:09,691 --> 00:51:13,612
Kilala nila kung sino siya.
Siya si Bill Russell, utang na loob.

769
00:51:13,695 --> 00:51:17,908
Dinaanan at pinagtawanan lang siya,
sa halip na tulungan.

770
00:51:17,991 --> 00:51:20,077
Paano kung si Larry Bird iyon?

771
00:51:20,160 --> 00:51:23,914
Magiging parking lot iyon
ng mga nagmamakaawang tumulong.

772
00:51:25,832 --> 00:51:29,211
<i>Kung nakaranas ng mga problema</i>
<i>si Russell sa Boston,</i>

773
00:51:29,294 --> 00:51:31,880
<i>haharapin niya ang unos sa court.</i>

774
00:51:33,256 --> 00:51:36,885
<i>Sa nakaraang season, nanalo ang Celts</i>
<i>ng ikalawang kampeonato,</i>

775
00:51:36,968 --> 00:51:38,720
<i>ngunit may problema.</i>

776
00:51:40,388 --> 00:51:42,808
<i>Problemang nasa anyo ni Wilt Chamberlain,</i>

777
00:51:42,891 --> 00:51:46,812
<i>na nagpamukhang maliit kay Russell.</i>
<i>Si Wilt the Stilt ay 7'2".</i>

778
00:51:50,273 --> 00:51:51,650
Syempre, mapalad ako.

779
00:51:51,733 --> 00:51:54,277
Nagsimula kong makalaban ang mga pro

780
00:51:54,361 --> 00:51:58,490
noong nasa late junior high school
at early high school ako.

781
00:51:58,573 --> 00:52:01,159
Kaya sinubukan kong pahirapan talaga sila.

782
00:52:02,160 --> 00:52:05,664
Alam kong maaaring maganda
ang maging laro ka sa pros,

783
00:52:05,747 --> 00:52:07,082
kahit sa edad na iyon.

784
00:52:07,582 --> 00:52:10,836
Isa marahil si Chamberlain
sa pinakamahuhusay na atleta

785
00:52:10,919 --> 00:52:12,754
sa kahit anong sport.

786
00:52:13,839 --> 00:52:16,800
Super athlete ang taong ito

787
00:52:16,883 --> 00:52:20,428
na nasa 7'2" at 122 kg na katawan.

788
00:52:21,346 --> 00:52:25,225
Si Wilt Chamberlain ay parang si Shaq
noong wala pang Shaq,

789
00:52:25,308 --> 00:52:28,436
kung Olympic-level athlete din si Shaq.

790
00:52:28,520 --> 00:52:31,314
Pag nasa 7 feet ka
at higit 250 lbs ang timbang,

791
00:52:31,398 --> 00:52:34,067
aasahan kong mangingibabaw ka.

792
00:52:34,151 --> 00:52:35,694
Kung walang Wilt,

793
00:52:35,777 --> 00:52:39,156
walang Magic, walang Bird,
walang MJ, wala sila.

794
00:52:40,991 --> 00:52:44,911
<i>Pero ang unang basketball job offer</i>
<i>ni Wilt ay hindi sa NBA.</i>

795
00:52:46,329 --> 00:52:47,622
<i>Sa bagong atraksyon,</i>

796
00:52:47,706 --> 00:52:51,626
<i>nakaani ng higit 20% tagahanga</i>
<i>ang Harlem Globetrotters noong 1958.</i>

797
00:52:51,710 --> 00:52:54,921
<i>Ang pamosong grupo,</i>
<i>na itinatag ni Abe Saperstein,</i>

798
00:52:55,005 --> 00:52:57,424
<i>nakaani ng maraming tagahanga sa mundo.</i>

799
00:52:58,717 --> 00:53:01,845
Kapag isa kang batang Itim,

800
00:53:01,928 --> 00:53:04,431
para nang langit ang Harlem Globetrotters.

801
00:53:05,223 --> 00:53:09,144
<i>Tinanggap ni Wilt ang papel</i>
<i>sa mga pakulo ng Globetrotters.</i>

802
00:53:09,936 --> 00:53:13,148
Pinadalhan nila ako ng kopya
ng tsekeng $100,000.

803
00:53:13,231 --> 00:53:17,402
Inalok nila ako ng $100,000 para maglaro
sa kanila sa loob ng 6 buwan.

804
00:53:17,485 --> 00:53:20,572
Kayo, laging kumikita
nang ganoon, pero ako? Uy.

805
00:53:20,655 --> 00:53:24,159
$100,000, baka tumalon ako
sa Empire State Building.

806
00:53:26,912 --> 00:53:29,372
Para sa lolo ko't sa henerasyon niya,

807
00:53:29,456 --> 00:53:32,542
maipagmamalaki ang Harlem Globetrotters.

808
00:53:32,626 --> 00:53:36,838
Nilibot nila ang bansa,
laging tinatalo ang Washington Generals.

809
00:53:37,589 --> 00:53:41,176
Pero may kritisismo
sa mga intelektuwal na Itim

810
00:53:41,259 --> 00:53:43,178
na katatawanan lang sila.

811
00:53:43,261 --> 00:53:46,681
Na, ang totoo, extension sila
ng Mantan Moreland

812
00:53:46,765 --> 00:53:49,809
at ng ibang karakter sa Black Sambo.

813
00:53:50,560 --> 00:53:53,563
Para sa manonood na Itim,
hindi na sila bayani,

814
00:53:53,647 --> 00:53:55,690
nangmamaliit na lang ng mga Itim.

815
00:53:56,483 --> 00:54:00,111
<i>Noong 1956, nakatanggap</i>
<i>si Bill Russell ng malaking alok</i>

816
00:54:00,195 --> 00:54:02,906
<i>mula sa Globetrotters</i>
<i>habang nasa kolehiyo pa.</i>

817
00:54:02,989 --> 00:54:06,618
Nilapitan nila si Bill Russell,
"Gusto mong kumita? Halika!"

818
00:54:06,701 --> 00:54:09,537
Si Russell naman, "Huwag na."

819
00:54:10,121 --> 00:54:14,334
Sabi ng tatay ko, "Hindi maglalaro
ang anak ko para sa Globetrotters."

820
00:54:14,417 --> 00:54:17,379
"Siya ang pinakamahusay
na basketbolista sa mundo."

821
00:54:17,462 --> 00:54:18,922
"Hindi siya payaso."

822
00:54:19,005 --> 00:54:22,884
"Bakit ako sasali roon
kung Olympic athlete ako?"

823
00:54:22,968 --> 00:54:23,885
"Panalo ako."

824
00:54:23,969 --> 00:54:26,972
"Di ko kailangan ito
para patunayan ang sarili ko."

825
00:54:28,723 --> 00:54:31,476
<i>Wala ring nais patunayan si Wilt.</i>

826
00:54:31,559 --> 00:54:34,062
<i>Matapos ang taon ni Wilt sa Globetrotters,</i>

827
00:54:34,145 --> 00:54:38,566
<i>sumali siya sa NBA noong 1959</i>
<i>sa Philadelphia Warriors.</i>

828
00:54:39,276 --> 00:54:42,988
Inaabangan ng mga tagahanga
ang magagawa mo,

829
00:54:43,071 --> 00:54:46,241
lalo na laban sa mga manlalarong
gaya ni Bill Russell.

830
00:54:46,324 --> 00:54:48,285
Handa ka na ba rito?

831
00:54:48,368 --> 00:54:50,704
Tingin ko, kaya ko namang makaharap

832
00:54:50,787 --> 00:54:53,039
ang halos kahit sino sa liga.

833
00:54:56,626 --> 00:54:59,504
<i>Panahon ng pagkatalo ng Warriors noon,</i>

834
00:54:59,587 --> 00:55:01,798
<i>pero binigyan sila ni Wilt ng panalo.</i>

835
00:55:04,384 --> 00:55:09,723
Nang unang dumating si Wilt sa liga,
magaganda ang puntos na inambag niya.

836
00:55:11,016 --> 00:55:14,978
<i>Ang average niya ay 37 puntos</i>
<i>at 27 rebounds kada laro,</i>

837
00:55:15,478 --> 00:55:18,356
<i>at biglang naging malakas</i>
<i>ang Philadelphia.</i>

838
00:55:18,440 --> 00:55:20,483
<i>Nag-iinit na si Wilt the Stilt.</i>

839
00:55:24,571 --> 00:55:26,323
Nakakapuntos kahit kailan.

840
00:55:26,406 --> 00:55:29,576
Mas malakas, mas mataas
sa kahit sino sa liga.

841
00:55:29,659 --> 00:55:32,954
'Pag nasa kanya ang bola sa ring,
walang makadepensa.

842
00:55:33,038 --> 00:55:34,205
Imposible iyon.

843
00:55:36,791 --> 00:55:40,128
Unang engkuwentro namin
sa regular season ay sa Boston.

844
00:55:40,211 --> 00:55:41,796
RUSSELL, HAHARAPIN SI WILT

845
00:55:41,880 --> 00:55:44,841
<i>Nag-sold out ang Garden</i>
<i>ilang buwan bago ang laro,</i>

846
00:55:44,924 --> 00:55:47,719
<i>at puno na ang bleachers</i>
<i>bago pa ang warm-up.</i>

847
00:55:55,727 --> 00:55:59,522
Nang lumabas ang Philadelphia,
naghiyawan ang mga tao.

848
00:56:00,648 --> 00:56:04,486
Nakakabingi. Tiningnan ko
ang kamay niya, at alam ko na agad.

849
00:56:04,569 --> 00:56:07,489
"Baseball lang ang hawak niya
sa basketball."

850
00:56:08,615 --> 00:56:12,535
Alam naming may problema kami,
at magkakaproblema si Russell.

851
00:56:15,413 --> 00:56:17,832
Akala ko, mas matangkad siya nang 5 ft.

852
00:56:19,125 --> 00:56:23,213
At iniisip ko na,
"Tititigan ko ba siya o yuyuko ako?"

853
00:56:25,590 --> 00:56:28,385
Sabi ko, "Deretso na lang ang tingin."

854
00:56:29,803 --> 00:56:31,513
Kaya sa dibdib ang tingin ko.

855
00:56:32,514 --> 00:56:34,015
Hindi puwede 'to.

856
00:56:39,396 --> 00:56:42,232
Dalawa sa pinakamahuhusay
na manlalaro ng panahon

857
00:56:42,315 --> 00:56:45,902
ang maglalaban sa unang pagkakataon.

858
00:57:08,133 --> 00:57:09,801
<i>Panay puntos si Chamberlain,</i>

859
00:57:09,884 --> 00:57:14,931
<i>tinratong karaniwang center sa liga</i>
<i>si Russell, ngunit matatag si Russell.</i>

860
00:57:16,641 --> 00:57:19,811
Sa atin ngayon, dalawa ang dedepensa
sa ganoon kalaki.

861
00:57:19,894 --> 00:57:24,399
Sa lahat ng napanood kong clips,
mag-isa lang si Mr. Russell sa kanya,

862
00:57:24,482 --> 00:57:26,985
kaya gumamit siya
ng mga anggulo't physics.

863
00:57:28,695 --> 00:57:32,031
Alam ni Russell na hindi niya magagawang

864
00:57:32,115 --> 00:57:35,785
pigilan si Chamberlain
kung wala siyang gagawing bago.

865
00:57:36,995 --> 00:57:39,038
Poposisyon si Bill para subukang

866
00:57:39,122 --> 00:57:41,541
harangin ang bola.

867
00:57:41,624 --> 00:57:46,921
Samantala, makikita mo
ang kalkulasyon sa isip ni Wilt,

868
00:57:47,005 --> 00:57:49,299
para pigilan ang ginagawa ni Bill.

869
00:57:50,216 --> 00:57:52,469
Alam kong kaya ko siyang pigilan.

870
00:57:54,012 --> 00:57:58,349
Pero kaya kong pahirapan siya.
Iyon na lang ang magagawa ko.

871
00:58:00,018 --> 00:58:04,105
Parang higit 20 puntos
at 20 rebounds ang nagawa ko.

872
00:58:05,190 --> 00:58:09,694
At akala ko, maganda ang laro ko
sa higit 20 rebounds at 30 puntos.

873
00:58:11,070 --> 00:58:13,573
At nakarami kami ng supalpal at iba pa.

874
00:58:15,909 --> 00:58:18,745
Sa larong iyon, nakalamang si Chamberlain…

875
00:58:20,121 --> 00:58:22,248
maliban sa isa, pagkapanalo.

876
00:58:28,338 --> 00:58:29,547
WILT, DI NAGPATALO

877
00:58:31,716 --> 00:58:36,221
STILT, WALANG NAGAWA KAY RUSSELL
SA UNANG SAGUPAAN NG MGA HIGANTE

878
00:58:50,401 --> 00:58:54,030
<i>Noong simula ng 1960s,</i>
<i>umasa ang NBA na makahatak ng fans sa</i>

879
00:58:54,113 --> 00:58:56,241
<i>preseason tours ng exhibition games.</i>

880
00:58:56,741 --> 00:58:59,452
<i>Noong 1962, nagkasundo</i>
<i>ang Celtics at Hawks</i>

881
00:58:59,536 --> 00:59:01,871
<i>na maglaban sa Lexington, Kentucky.</i>

882
00:59:03,164 --> 00:59:05,041
At naubos ang tiket doon!

883
00:59:05,124 --> 00:59:08,419
Unang beses iyon na napuno
ng 10,000 katao ang stadium.

884
00:59:09,045 --> 00:59:12,840
<i>Umaga ng laro, nag-check in</i>
<i>ang Celtics sa Phoenix Hotel.</i>

885
00:59:13,341 --> 00:59:17,679
<i>Pero gaya ng ibang siyudad sa South,</i>
<i>segregated pa rin ang Lexington.</i>

886
00:59:18,263 --> 00:59:20,473
Bumaba kami sa hotel

887
00:59:20,557 --> 00:59:23,476
at sinabi sa amin ng mga nasa counter,

888
00:59:23,560 --> 00:59:25,812
"Bawal ang mga Negro dito."

889
00:59:25,895 --> 00:59:28,690
Parehong hotel,
pero magkaiba ang pagkain namin.

890
00:59:28,773 --> 00:59:30,149
Kaya nagpasya akong,

891
00:59:30,233 --> 00:59:33,736
at nakiisa rin ang iba pa,
na hindi maglaro.

892
00:59:33,820 --> 00:59:36,072
Sinabi ko kay Red na aalis na kami.

893
00:59:36,155 --> 00:59:39,242
Sabi niya, "Sandali.
Tingnan ko ang magagawa ko."

894
00:59:40,410 --> 00:59:41,828
May tinawagan si Arnold,

895
00:59:41,911 --> 00:59:45,623
ang manager ng coffee shop,
at sinabing, "Mga bisita sila!"

896
00:59:45,707 --> 00:59:48,126
"Pagsilbihan n'yo ang lahat ng bisita."

897
00:59:48,209 --> 00:59:53,381
Bumaba ulit kami at sinabi nila,
"Awtorisado kaming pagsilbihan ka."

898
00:59:54,507 --> 00:59:59,095
Sabi ni Russ, "Nagbibiro lang kami.
Hindi kami tumutuloy sa hotel."

899
00:59:59,178 --> 01:00:01,764
Tapos, sabi nila, "Bawal ka rito!"

900
01:00:01,848 --> 01:00:04,475
"Bawal ang mga Negro sa hotel."

901
01:00:04,559 --> 01:00:09,397
Kaya nag-impake na lang kami at umalis.

902
01:00:10,857 --> 01:00:11,941
Sabi ko kay Red,

903
01:00:12,025 --> 01:00:15,820
gusto kong maglaro ang Celtics,
at maintindihan nang malinaw,

904
01:00:15,903 --> 01:00:19,407
ang sinabi ng mga Itim,
"Di kami maglalaro kapag ganito."

905
01:00:19,490 --> 01:00:21,701
Tinawagan ko ang kabilang koponan

906
01:00:21,784 --> 01:00:25,038
at sinabing di maglalaro
ang mga Itim sa Celtics.

907
01:00:25,538 --> 01:00:30,001
Kaya ang mga Itim sa kabilang koponan
ay nagpasya ring di na maglaro.

908
01:00:31,586 --> 01:00:36,090
<i>Puro puting Celtics vs. Hawks</i>
<i>ang naglaro sa Lexington noon.</i>

909
01:00:36,758 --> 01:00:41,387
Sigaw ng media, dapat silang
masuspende at pagmultahin,

910
01:00:41,471 --> 01:00:44,599
pinabayaan nila ang teammates nila,
nagnanakaw sila

911
01:00:44,682 --> 01:00:47,226
dahil bayad sila kahit di sila naglaro.

912
01:00:47,310 --> 01:00:49,020
At nilinaw iyon ni Bill.

913
01:00:49,103 --> 01:00:52,273
"Kapag nangyari ulit iyon,
gagawin ulit namin iyon."

914
01:00:52,357 --> 01:00:56,694
Bahagi siya ng unang bugso
ng mga Itim na manlalaro.

915
01:00:56,778 --> 01:01:01,574
Alam niya ang bigat ng lahi
na nasa mga balikat niya

916
01:01:01,658 --> 01:01:05,328
sa pagkakatawan, di lang ng sarili,
ngunit ng isang komunidad.

917
01:01:06,579 --> 01:01:09,874
Ipinagpapatuloy ng mga atleta ngayon
ang labang iyon.

918
01:01:09,957 --> 01:01:11,793
May platforms na kami ngayon.

919
01:01:11,876 --> 01:01:13,878
Na-tweet sana iyon doon sa kainan.

920
01:01:13,961 --> 01:01:16,881
Tipong, "Teka, ayaw n'yo kaming pakainin?"

921
01:01:16,964 --> 01:01:19,884
Nailabas agad namin iyon sa Twitter.

922
01:01:19,967 --> 01:01:21,052
Laki ako sa layaw.

923
01:01:21,135 --> 01:01:24,430
Di ko alam kung paano pumunta
sa hotel at masabihang,

924
01:01:24,514 --> 01:01:27,433
"Di ka puwedeng matulog dito.
Doon ka sa likod."

925
01:01:27,517 --> 01:01:31,020
Kung paano uminom
sa water fountain na para lang sa puti.

926
01:01:31,104 --> 01:01:33,648
Karamihan sa mga naglalaro ngayon,

927
01:01:33,731 --> 01:01:37,402
di mararanasan ang naranasan niya.

928
01:01:40,363 --> 01:01:46,786
Ang nakakatawa, habang nakakaranas sila
ng racism sa labas ng court,

929
01:01:46,869 --> 01:01:50,498
Lalong nakikilala sa basketball
ang mga Itim na manlalaro.

930
01:01:51,666 --> 01:01:52,917
Sa simula ng 1960s,

931
01:01:53,000 --> 01:01:56,129
pumapasok na sa American
sports mainstream ang NBA.

932
01:01:56,212 --> 01:01:59,090
Panahon ito ng malaking paglago.

933
01:01:59,632 --> 01:02:01,926
Isang salik doon ay itong

934
01:02:02,009 --> 01:02:04,637
mahuhusay na African American superstars.

935
01:02:04,721 --> 01:02:07,932
Oscar Robertson, Elgin Baylor.

936
01:02:08,015 --> 01:02:11,102
Napakahuhusay talaga
ng mga basketbolistang ito.

937
01:02:11,894 --> 01:02:15,398
Ang pagdagdag ng maraming
mahuhusay na atletang Itim sa liga

938
01:02:15,481 --> 01:02:17,358
ang lalo pang nagpalago rito.

939
01:02:18,651 --> 01:02:21,821
Inaangat ng mga taong ito ang basketball,

940
01:02:22,363 --> 01:02:26,826
Black athletic aesthetic ang tawag ko.
"Paano mapapakita sarili ko sa laro?"

941
01:02:32,290 --> 01:02:35,460
Nabighani ang publiko sa bagong sagupaan

942
01:02:35,543 --> 01:02:37,503
ng mahuhusay na Black centers.

943
01:02:37,587 --> 01:02:40,715
Pinasikat pa ito ng mga diyaryo
at ng mga tagahanga.

944
01:02:40,798 --> 01:02:42,258
Magandang laban iyon.

945
01:02:42,341 --> 01:02:44,385
BILL: 'MADUGO BANTAYAN SI WILT'

946
01:02:44,469 --> 01:02:45,970
WILT: 'GLADIATOR SI BILL'

947
01:02:46,012 --> 01:02:50,266
Ginamit ng NBA sina Russell at Wilt
para ibenta ang laro, at gumana iyon.

948
01:02:51,934 --> 01:02:54,312
Dinala nila ang mga tao sa laro.

949
01:02:54,395 --> 01:02:58,608
Tawagin mong hype o publicity iyon,
pero dumami ang manonood.

950
01:02:59,150 --> 01:03:01,736
Awtomatikong sold out
ang parehong siyudad.

951
01:03:02,612 --> 01:03:06,240
Maganda iyon sa media,
para makahatak ng mga tao,

952
01:03:06,324 --> 01:03:10,036
pero wala kaming pakialam
sa sinusulat nila, nais naming manalo.

953
01:03:10,703 --> 01:03:12,872
Di madaling kalaban si Chamberlain.

954
01:03:15,374 --> 01:03:20,671
Ilang taon pa lang naglalaro si Wilt,
pero nangingibabaw na siya.

955
01:03:22,465 --> 01:03:24,675
Nangunguna siya sa mga laro.

956
01:03:25,802 --> 01:03:31,098
Nasa 50 puntos ang average niya kada laro
sa season na iyon. Nasa 50, kada laro.

957
01:03:31,766 --> 01:03:34,018
Average na 50 kada laro?

958
01:03:34,101 --> 01:03:39,232
Isang beses ko lang nagawa iyon sa
13 taon, at apat pa ang overtime n'on!

959
01:03:40,316 --> 01:03:45,696
<i>At sa laro laban sa New York Knicks</i>
<i>noong Marso 1962, humigit pa si Wilt,</i>

960
01:03:46,405 --> 01:03:49,575
<i>at nakapagtala ng rekord na</i>
<i>maaaring di na mababali.</i>

961
01:03:50,159 --> 01:03:52,119
<i>Naka-100 puntos siya.</i>

962
01:03:53,412 --> 01:03:56,916
Pagkatapos n'on, gabi-gabi na
silang naghanap ng 100 puntos.

963
01:03:58,042 --> 01:04:03,339
<i>Sa pagkakaalam ng publiko,</i>
<i>si Bill Russell ang makakatapat kay Wilt.</i>

964
01:04:05,299 --> 01:04:07,635
<i>Iyon ang pinalabas ng media,</i>

965
01:04:07,718 --> 01:04:10,972
<i>at pasan ng dalawang higante</i>
<i>ang pressure n'on.</i>

966
01:04:12,431 --> 01:04:15,017
Para sa akin, tuwing Linggo,

967
01:04:16,394 --> 01:04:19,522
exposed kami sa national TV.

968
01:04:19,605 --> 01:04:23,943
At kapag karaniwan lang
ang naging laro ko, mapapatay ako.

969
01:04:24,527 --> 01:04:26,904
Nasa 60 o 65 ang tatargetin niya.

970
01:04:27,238 --> 01:04:30,241
May ganoong sagupaan sina Wilt at Bill.

971
01:04:30,324 --> 01:04:34,579
Di mo sila makokompara sa kahit sino
sa ngayon. Iba ang panahon noon.

972
01:04:34,662 --> 01:04:38,624
Di makapagpasya ang mga tao
kung sino ang mabuti at masama,

973
01:04:38,708 --> 01:04:41,627
dahil mas malapit sa tao si Chamberlain.

974
01:04:41,711 --> 01:04:43,629
Mas madali siyang malapitan.

975
01:04:43,713 --> 01:04:46,757
Tipong, "Ang gusto namin sa mga Negro."

976
01:04:46,841 --> 01:04:48,217
Sa kabilang banda,

977
01:04:48,301 --> 01:04:51,637
naroon si Bill Russell,
isang nakakatakot na Negro.

978
01:04:51,721 --> 01:04:54,807
"Di nga natin alam
kung gusto niya tayo." Ganoon?

979
01:04:56,392 --> 01:05:01,355
<i>Sa pagtatapos ng 1961-1962 season,</i>
<i>sinubukan uli ni Wilt na patunayan</i>

980
01:05:01,439 --> 01:05:04,358
<i>na kaya niyang dalhin</i>
<i>ang Warriors sa finish line</i>

981
01:05:04,442 --> 01:05:06,152
<i>at patumbahin ang Celtics.</i>

982
01:05:09,697 --> 01:05:12,533
Maaaring superstar na si Bill nito,

983
01:05:12,617 --> 01:05:16,287
pero inisip niyang isa lang din siya
sa limang lalaki.

984
01:05:16,370 --> 01:05:20,249
Si Wilt, "Ako si Wilt Chamberlain.
Makakapuntos ako ng 100."

985
01:05:20,333 --> 01:05:22,627
"Bahala kayo, ipapanalo ko 'to."

986
01:05:22,710 --> 01:05:24,128
Magkaiba sila ng atake.

987
01:05:24,962 --> 01:05:27,340
<i>Epektibo ang parehong estratehiya.</i>

988
01:05:27,423 --> 01:05:30,927
<i>Dinali ng team ni Bill</i>
<i>ang Warriors sa simula,</i>

989
01:05:31,010 --> 01:05:32,178
<i>pero sa Game Two,</i>

990
01:05:32,261 --> 01:05:35,389
<i>pinantay ng sunod-sunod</i>
<i>na puntos ni Wilt ang series.</i>

991
01:05:35,473 --> 01:05:40,561
Dinisiplina ko ang sarili kong
wag makipaglamangan sa kanya.

992
01:05:41,562 --> 01:05:44,649
Sa seryeng iyon, pupunta si Russell
sa dressing room.

993
01:05:44,732 --> 01:05:48,152
Sasabihin niya,
"Haharapin ko na talaga si Wilt."

994
01:05:48,235 --> 01:05:51,364
"Mahihirapan talaga ako rito,

995
01:05:51,447 --> 01:05:54,951
pero kailangan n'yong lumamang."

996
01:05:56,285 --> 01:06:00,373
Pagkatapos kunin ang bola kay Wilt
at tumalon sa harap nito,

997
01:06:00,456 --> 01:06:03,042
pumuwesto sa likod at gitgitin ito,

998
01:06:03,125 --> 01:06:05,586
at subukang pumuntos ng mahirap na tira,

999
01:06:05,670 --> 01:06:09,632
wala na siyang magagawa pa sa court.

1000
01:06:09,715 --> 01:06:13,135
Pero ito ang masasabi ko.
Pagkatapos ng mahika ni Russell.

1001
01:06:13,928 --> 01:06:16,597
galit na galit si Wilt.

1002
01:06:17,473 --> 01:06:20,017
<i>May away, at nasa sentro si Chamberlain.</i>

1003
01:06:20,101 --> 01:06:26,357
At makaka-35 puntos siya,
pero kalahati roon, kami ang panalo.

1004
01:06:26,440 --> 01:06:28,818
GULO SA CELTICS
JONES AT WILT, NAGTALO

1005
01:06:28,901 --> 01:06:33,489
Di makakapantay ang stats niya kay Wilt.

1006
01:06:33,572 --> 01:06:35,783
Pero sa huli,

1007
01:06:35,866 --> 01:06:40,496
lagi niyang iniisip na di mahalaga
kung paano ka naglaro,

1008
01:06:40,579 --> 01:06:41,872
nakailang puntos ka,

1009
01:06:41,956 --> 01:06:45,084
basta, sa huli, masasabi mong,
"Nanalo tayo."

1010
01:06:47,086 --> 01:06:49,130
Nang pumantay sa tatlo ang panalo,

1011
01:06:49,755 --> 01:06:51,298
pagalingan na ito.

1012
01:06:52,508 --> 01:06:55,636
<i>Dahil nakatabla</i>
<i>ang 1962 Eastern Division series,</i>

1013
01:06:55,720 --> 01:06:59,724
<i>ipapakita ng Game 7 ang kaibahan</i>
<i>nina Chamberlain at Russell.</i>

1014
01:07:00,725 --> 01:07:02,268
Mahusay si Chamberlain.

1015
01:07:03,936 --> 01:07:07,773
Pero parang leon si Russell.

1016
01:07:07,857 --> 01:07:11,610
Para manalo, lahat ay kaya niyang gawin.

1017
01:07:11,694 --> 01:07:16,198
Sa huli, isa lang ang mananalo.

1018
01:07:17,575 --> 01:07:19,660
At ito ang pinakanakakatawa.

1019
01:07:20,244 --> 01:07:21,412
Sa Boston,

1020
01:07:21,495 --> 01:07:24,290
ganap ang kumpiyansa namin
kay Bill Russell.

1021
01:07:24,373 --> 01:07:26,959
<i>Grabe, napakalupit na laro!</i>

1022
01:07:27,043 --> 01:07:29,879
<i>Sa nalalabing 13 segundo sa tablang laro,</i>

1023
01:07:29,962 --> 01:07:32,256
<i>nasa Celtics ang tsansang tapusin ito.</i>

1024
01:07:32,339 --> 01:07:35,926
<i>Kumanan si Cousy, bumalik sa gitna.</i>

1025
01:07:36,594 --> 01:07:39,680
<i>Heinsohn, tumira sa baseline. Sablay.</i>

1026
01:07:39,764 --> 01:07:42,892
Hindi lumusot ang tira.
Nasa Philadelphia ang bola.

1027
01:07:43,476 --> 01:07:45,478
<i>Pagkakataon na ng Warriors.</i>

1028
01:07:45,978 --> 01:07:49,982
<i>At isa lang ang plano nila.</i>
<i>Ibigay kay Wilt ang bola.</i>

1029
01:07:51,025 --> 01:07:52,735
<i>Sinupalpal ni Russell!</i>

1030
01:07:52,818 --> 01:07:55,821
<i>At tanda iyon kung gaano niya</i>
<i>kagustong manalo.</i>

1031
01:07:55,905 --> 01:07:57,239
<i>Bola ng Boston.</i>

1032
01:07:59,533 --> 01:08:01,577
<i>Dahil nakataya ang serye,</i>

1033
01:08:01,660 --> 01:08:04,205
<i>alam ni Bill kung kanino magtitiwala.</i>

1034
01:08:05,915 --> 01:08:07,875
<i>Sam Jones, tumira sa malayo.</i>

1035
01:08:09,710 --> 01:08:10,544
<i>Wowee!</i>

1036
01:08:10,628 --> 01:08:14,131
<i>Ubos na ang oras,</i>
<i>at nagawa na naman ng Boston Celtics!</i>

1037
01:08:17,009 --> 01:08:19,011
Sabi ni Bill Russell dati,

1038
01:08:19,095 --> 01:08:21,972
"Kung gusto mong
maging kampeon nang ikaw lang,

1039
01:08:22,056 --> 01:08:23,849
mag-tennis ka, iho."

1040
01:08:23,933 --> 01:08:28,104
"Pero kung nais mong manalo
bilang pamilya, makiisa ka

1041
01:08:28,187 --> 01:08:29,480
sa teammates mo."

1042
01:08:29,563 --> 01:08:34,819
CELTICS, PINULBOS ANG WARRIORS,
NAGHAHANDA PARA SA LAKERS

1043
01:08:34,902 --> 01:08:36,529
<i>Para sa susunod na panalo,</i>

1044
01:08:36,612 --> 01:08:40,324
<i>dapat matalo ng Celtics</i>
<i>ang pamilyar ngunit lumakas na kalaban.</i>

1045
01:08:42,451 --> 01:08:45,663
<i>Lumipat ang Lakers</i>
<i>sa Los Angeles mula sa Minneapolis,</i>

1046
01:08:45,746 --> 01:08:48,791
<i>at may dalawang papausbong na manlalaro.</i>

1047
01:08:52,461 --> 01:08:54,088
Buweno, ako si Jerry West

1048
01:08:54,171 --> 01:08:56,841
at ang ginagawa ko dati…

1049
01:08:57,800 --> 01:09:00,386
Ano 'yong sport na dini-dribble ang bola?

1050
01:09:00,469 --> 01:09:01,595
Basketball, oo.

1051
01:09:02,721 --> 01:09:06,267
<i>Naglalagablab si Rod Hundley,</i>
<i>sa likod niya, si Jerry West.</i>

1052
01:09:06,350 --> 01:09:08,894
<i>West, tumira, at nakapuntos na naman siya.</i>

1053
01:09:10,479 --> 01:09:14,817
Magaling na manlalaro si Jerry.
Isa sa mahuhusay sa opensa

1054
01:09:14,900 --> 01:09:17,695
na magaling din sa depensa.

1055
01:09:17,778 --> 01:09:19,613
Nanguna si Jerry West sa draft,

1056
01:09:19,697 --> 01:09:23,784
isa sa pinakamagagaling na shooter
at mahirap kalabanin sa kasaysayan.

1057
01:09:24,785 --> 01:09:27,454
Kilala siya sa Los Angeles
bilang Mr. Clutch.

1058
01:09:27,538 --> 01:09:31,625
Sa dulo ng laro, kapag na kay Jerry
ang bola, tiyak na ang panalo.

1059
01:09:37,339 --> 01:09:40,509
Di ako nabagabag makalaban ang Celtics.

1060
01:09:41,635 --> 01:09:44,096
Nakalaban nila ako para maiba naman.

1061
01:09:44,180 --> 01:09:47,433
Nasa amin din si Elgin Baylor,
na masayang panoorin.

1062
01:09:47,933 --> 01:09:50,895
Wala nang mas huhusay na forward
kay Elgin Baylor.

1063
01:09:50,978 --> 01:09:54,231
Di naaalala ng mga tao
kung gaano kagaling si Elgin.

1064
01:09:54,315 --> 01:09:58,736
Si Elgin ang Dr. J bago si Dr. J.
Siya ang Michael bago si Michael.

1065
01:10:01,280 --> 01:10:06,327
<i>Sa Game 5 ng 1962 NBA Finals,</i>
<i>binuhat ni Baylor ang koponan niya,</i>

1066
01:10:06,410 --> 01:10:09,747
<i>at naka-61 puntos,</i>
<i>bagong rekord sa finals.</i>

1067
01:10:10,456 --> 01:10:13,542
Kung may kumpiyansa kang
kaya mo, gawin mo.

1068
01:10:13,626 --> 01:10:16,545
Lahat ng mahuhusay,
may ganoong kumpiyansa.

1069
01:10:17,880 --> 01:10:21,258
<i>Sold out ang Garden</i>
<i>sa pangwakas na ikapitong laro.</i>

1070
01:10:24,261 --> 01:10:29,433
Ang Game 7 ng 1962 laban sa Lakers
ay kilala bilang Selvy game.

1071
01:10:29,516 --> 01:10:33,062
<i>Sa natitirang limang segundo</i>
<i>na nakatabla sa 100 ang laro,</i>

1072
01:10:33,145 --> 01:10:34,647
<i>nasa Lakers ang bola.</i>

1073
01:10:35,648 --> 01:10:38,067
Kasama ni Selvy sa depensa si Jerry West.

1074
01:10:38,150 --> 01:10:40,152
Kaharap ko si Selvy sa half court,

1075
01:10:40,236 --> 01:10:43,739
at lumayo siya sa akin papunta sa sulok.

1076
01:10:45,324 --> 01:10:47,826
Siyam sa sampu ang nalulusot niya roon.

1077
01:10:47,910 --> 01:10:50,204
<i>Tatlong segundo, tumira si Selvy!</i>

1078
01:10:50,913 --> 01:10:53,374
<i>Sablay, rebound… Overtime!</i>

1079
01:10:55,167 --> 01:10:59,588
<i>Napaluhod si Bill Russell</i>
<i>sa sahig dahil sa emosyon.</i>

1080
01:10:59,672 --> 01:11:03,467
<i>Sa overtime, nakaanim na puntos</i>
<i>ang hapo nang Russell</i>

1081
01:11:03,550 --> 01:11:05,469
<i>para makaungos ang Celtics.</i>

1082
01:11:08,347 --> 01:11:11,850
<i>Si Baylor naman. Sa tingin ko,</i>
<i>ang foul ay kay Frank Ramsey.</i>

1083
01:11:12,643 --> 01:11:16,397
<i>Umalis siya sa larong may 23 puntos.</i>
<i>Pumasok si Gene Guarilia.</i>

1084
01:11:17,606 --> 01:11:20,859
Noon lang napasok
si Gene Guarilia sa laro.

1085
01:11:20,943 --> 01:11:22,236
Sa unang pagkakataon.

1086
01:11:22,861 --> 01:11:26,156
Walang magawa si Red.
Pinabantay niya ito kay Elgin.

1087
01:11:26,240 --> 01:11:28,033
<i>Si Baylor, bantay si Guarilia.</i>

1088
01:11:28,117 --> 01:11:30,828
<i>Umikot, tumira, sablay.</i>
<i>Russell, nag-rebound!</i>

1089
01:11:31,912 --> 01:11:35,040
<i>Nakabantay si Guarilia kay Baylor.</i>
<i>Tip-in ni Selvy.</i>

1090
01:11:35,124 --> 01:11:36,583
<i>Rebound, Sam Jones!</i>

1091
01:11:39,378 --> 01:11:42,840
Ang nangyari, takot na takot siya,
di siya makagalaw.

1092
01:11:42,923 --> 01:11:46,385
Nang mameke si Elgin,
di siya gumalaw. Tumayo lang siya.

1093
01:11:46,885 --> 01:11:48,804
Tinapos si Elgin.

1094
01:11:48,887 --> 01:11:51,473
<i>Out. Nag-rebound. At may foul.</i>

1095
01:11:52,933 --> 01:11:55,686
<i>Si Baylor ang na-foul.</i>
<i>Out na si Elgin Baylor.</i>

1096
01:11:56,186 --> 01:11:59,523
<i>At nagtayuan sa Boston Garden</i>
<i>para kay Elgin Baylor.</i>

1097
01:12:01,025 --> 01:12:05,154
<i>Lalapitan siya ni Russell para kamayan</i>
<i>ang mahusay na basketbolista,</i>

1098
01:12:05,237 --> 01:12:06,238
<i>si Elgin Baylor.</i>

1099
01:12:06,947 --> 01:12:10,242
<i>Dahil kontrolado na ang laro,</i>
<i>inubos ni Cousy ang oras</i>

1100
01:12:10,326 --> 01:12:12,578
<i>sa makasaysayan nitong kanang dribble.</i>

1101
01:12:13,996 --> 01:12:16,540
<i>Inuubos niya ang oras,</i>

1102
01:12:16,623 --> 01:12:19,001
<i>at tapos na ang laro!</i>

1103
01:12:24,757 --> 01:12:27,343
Para kay Bill Russell, 30 puntos,

1104
01:12:27,426 --> 01:12:30,971
at 40, inuulit ko, 40 rebounds.

1105
01:12:31,597 --> 01:12:33,932
Napakalupit na basketball game.

1106
01:12:35,309 --> 01:12:39,521
<i>Sa locker room, may tradisyunal</i>
<i>na pagdiriwang at tapunan ng beer.</i>

1107
01:12:39,605 --> 01:12:41,857
<i>Ang ikalimang kampeonato ni Russell,</i>

1108
01:12:41,940 --> 01:12:44,943
<i>at naging dinastiya na ang Celtics.</i>

1109
01:12:45,569 --> 01:12:49,281
ANG IKALIMA NILANG TITULO
SA LOOB NG ANIM NA TAON

1110
01:12:54,828 --> 01:12:59,875
Pagdating ng 1960s, nabubuhay na
si Russell sa American Dream.

1111
01:12:59,958 --> 01:13:01,335
May bahay sa suburbs,

1112
01:13:01,418 --> 01:13:04,254
may tatlong batang anak,
mapagmahal na asawa,

1113
01:13:04,338 --> 01:13:06,840
maganda ang trabaho, ang kotse.

1114
01:13:06,924 --> 01:13:11,053
Lahat ng mga tanda ng buhay ng kasaganaan.

1115
01:13:13,972 --> 01:13:18,268
<i>Nagiging komportable na sina Bill at Rose</i>
<i>sa Reading na lugar ng mga puti,</i>

1116
01:13:18,352 --> 01:13:21,688
<i>at ipinagmalaki na ng Reading</i>
<i>ang sikat nitong residente.</i>

1117
01:13:22,189 --> 01:13:25,734
<i>Noong tagsibol ng 1963,</i>
<i>hinandugan nila ang mga Russell</i>

1118
01:13:25,818 --> 01:13:28,695
<i>ng testimonyal na handaan</i>
<i>bilang pagkilala.</i>

1119
01:13:29,446 --> 01:13:33,450
<i>Ang taunang pulong ng bayan</i>
<i>ng Marso 1963</i>

1120
01:13:33,534 --> 01:13:37,454
<i>ay nagtatalaga ng araw</i>
<i>na tataguriang Bill Russell Day.</i>

1121
01:13:37,538 --> 01:13:40,916
<i>Bill, pinararangalan namin kayo</i>
<i>ni Rose at iyong pamilya</i>

1122
01:13:40,999 --> 01:13:45,295
<i>dito sa Reading para sa kung sino ka,</i>
<i>di lang bilang basketbolista,</i>

1123
01:13:45,796 --> 01:13:51,301
<i>kundi bilang sportsman, atleta,</i>
<i>ama, at miyembro ng pamilya…</i>

1124
01:13:51,844 --> 01:13:54,805
<i>Bilang matagal na residente ng bayang ito,</i>

1125
01:13:54,888 --> 01:13:58,642
<i>nais kong isipin na isa</i>
<i>sa mga katangi-tangi rito</i>

1126
01:13:58,725 --> 01:13:59,852
<i>ay pakikipagkapwa…</i>

1127
01:13:59,935 --> 01:14:03,689
<i>Mrs. Russell, labis kong ikinagagalak</i>

1128
01:14:03,772 --> 01:14:05,149
<i>at ikinararangal ito…</i>

1129
01:14:05,232 --> 01:14:07,568
<i>Papuri sa kanyang lahi, lahi ng tao.</i>

1130
01:14:08,152 --> 01:14:11,238
<i>at makasalo kayong dalawa ni Mrs. Russell.</i>

1131
01:14:11,321 --> 01:14:13,699
<i>At kayo naman ang magsalita.</i>

1132
01:14:14,908 --> 01:14:16,160
<i>Maraming salamat.</i>

1133
01:14:17,494 --> 01:14:20,747
<i>Kinakabahan na naman ako,</i>
<i>sobra akong kinakabahan.</i>

1134
01:14:20,831 --> 01:14:24,501
<i>Mas gusto ko pang makalaban</i>
<i>si Chamberlain kaysa gawin ito.</i>

1135
01:14:25,002 --> 01:14:27,045
<i>Di ko alam kung saan magsisimula.</i>

1136
01:14:27,129 --> 01:14:29,840
<i>Pero ang masasabi ko,</i>
<i>nang buong katapatan,</i>

1137
01:14:29,923 --> 01:14:31,925
<i>medyo labis para sa aking</i>

1138
01:14:32,509 --> 01:14:35,846
<i>makita ang napakaraming</i>
<i>naggagandahang tao rito ngayon.</i>

1139
01:14:35,929 --> 01:14:39,808
<i>Pakiramdam ko, hindi sayang ang buhay ko.</i>

1140
01:14:39,892 --> 01:14:44,688
<i>Akala ko talaga,</i>
<i>walang nakapansing narito ako.</i>

1141
01:14:45,772 --> 01:14:49,651
<i>At ito ang lagi kong maaalala,</i>

1142
01:14:50,444 --> 01:14:53,113
<i>at sana mabuhay akong</i>

1143
01:14:53,655 --> 01:14:56,742
<i>laging makakapagparamdam</i>
<i>sa inyo nang ganito sa akin.</i>

1144
01:14:56,825 --> 01:14:59,495
<i>At lubos kong</i>
<i>pinahahalagahan ito. Salamat.</i>

1145
01:15:01,955 --> 01:15:03,165
Na-touch si Russell.

1146
01:15:03,248 --> 01:15:06,752
Nadama niyang,
"Sa wakas, tanggap na ako sa bayan ko."

1147
01:15:06,835 --> 01:15:09,630
Nagpasya siya,
"Mananatili na tayo sa Reading."

1148
01:15:09,713 --> 01:15:13,509
"Maliit na ang bahay,
humanap na tayo ng isa pa sa Reading."

1149
01:15:13,592 --> 01:15:16,386
Naghanap siya ng mas magagara sa kanluran.

1150
01:15:16,887 --> 01:15:18,305
<i>Wala pang isang buwan,</i>

1151
01:15:18,388 --> 01:15:22,518
<i>may tsismis na nais kong bumili</i>
<i>ng bahay sa kabilang bahagi ng bayan.</i>

1152
01:15:22,601 --> 01:15:24,853
<i>At tumutol ang mga kapitbahay.</i>

1153
01:15:24,937 --> 01:15:27,064
<i>Bilang atleta, celebrity pa nga,</i>

1154
01:15:27,147 --> 01:15:31,818
<i>masayang makasama ka sa bayan,</i>
<i>basta wag kang lumapit sa akin.</i>

1155
01:15:32,486 --> 01:15:34,571
<i>Umiiyak na umuwi si Rose pagkakita</i>

1156
01:15:34,655 --> 01:15:37,783
<i>sa mga residenteng</i>
<i>nagpetisyon laban sa pagbili.</i>

1157
01:15:37,866 --> 01:15:40,953
<i>"Kalimutan na natin ang bahay,"</i>
<i>sabi sa akin ni Rose.</i>

1158
01:15:41,036 --> 01:15:42,621
<i>"Ayaw nila sa atin dito."</i>

1159
01:15:42,704 --> 01:15:45,832
<i>"Binili ko ang bahay na iyon,</i>
<i>ako ang nagbabayad."</i>

1160
01:15:45,916 --> 01:15:48,835
<i>"Wala akong pakialam</i>
<i>sa iniisip ng iba," sagot ko.</i>

1161
01:15:48,919 --> 01:15:53,090
<i>"Sino'ng makakalaro ng mga anak natin?</i>
<i>Ano'ng sasabihin sa kanila?"</i>

1162
01:15:53,173 --> 01:15:54,007
<i>sabi ni Rose.</i>

1163
01:15:56,552 --> 01:15:58,595
<i>"Iniisip ko ang mga bata."</i>

1164
01:15:58,679 --> 01:16:02,182
<i>"Di ko sila mahaharap</i>
<i>kung ipagpapatuloy ko iyon.</i>

1165
01:16:02,266 --> 01:16:05,102
<i>Di ako payag na may magsabi</i>
<i>kung saan ako titira.</i>

1166
01:16:06,061 --> 01:16:10,065
Habang nananalo si Russell ng mga titulo
at lalo siyang sumisikat,

1167
01:16:10,148 --> 01:16:14,403
alam niyang di siya mapoprotektahan
ng pagkapanalo sa racism.

1168
01:16:20,117 --> 01:16:24,037
<i>Halos buong buhay ko,</i>
<i>tumutugon ako sa puting cultural bias.</i>

1169
01:16:24,121 --> 01:16:25,664
<i>Kalat iyon kahit saan.</i>

1170
01:16:25,747 --> 01:16:27,874
Ibang-ibang pamumuhay iyon.

1171
01:16:27,958 --> 01:16:31,253
<i>Sa mga aklatan, sa mga TV show,</i>
<i>sa mukha ng mga tao.</i>

1172
01:16:32,504 --> 01:16:34,881
<i>Malaki ang tsansa nating magtagumpay.</i>

1173
01:16:36,133 --> 01:16:38,302
<i>Gaganda gaya mo ang pakiramdam mo.</i>

1174
01:16:39,928 --> 01:16:42,472
Di ka sisikat kung di ka marunong manamit.

1175
01:16:44,766 --> 01:16:46,518
<i>At 'yon ang kagandahan doon.</i>

1176
01:16:50,689 --> 01:16:52,733
<i>May ilang nagagawa ang mga puti</i>

1177
01:16:52,816 --> 01:16:55,485
<i>nang di inihahayag ang prejudice sa akin.</i>

1178
01:16:57,279 --> 01:17:00,991
<i>Matagal ang iginugol ko</i>
<i>sa paglaban ng lahat ng porma ng bias.</i>

1179
01:17:02,200 --> 01:17:05,287
<i>Lagi akong nasa depensa,</i>
<i>gaya sa basketball.</i>

1180
01:17:06,580 --> 01:17:08,206
<i>Nais ko rin ng opensa.</i>

1181
01:17:10,584 --> 01:17:15,339
Ang ebolusyong pinagdaanan ni Russell
ay tipikal sa maraming Itim

1182
01:17:15,422 --> 01:17:18,091
na nagpakahirap,
at kinailangang isipin noon,

1183
01:17:18,175 --> 01:17:22,721
"Kailangang gamitin ang platform ko
para magprotesta sa nangyayari sa amin."

1184
01:17:24,139 --> 01:17:27,851
"May masasabi pa ba ako rito
higit sa pagtagumpay ko?"

1185
01:17:31,021 --> 01:17:37,110
Ito ang simula ng pangmalakasang atake

1186
01:17:37,778 --> 01:17:41,657
sa sistema ng segregation
at diskriminasyon.

1187
01:17:42,366 --> 01:17:46,453
<i>Noong 1963, habang lumalakas</i>
<i>ang kilusang karapatang sibil, pinalalim</i>

1188
01:17:46,536 --> 01:17:49,331
<i>pinalalim ni Russell</i>
<i>ang pangako ng pakikibaka.</i>

1189
01:17:51,375 --> 01:17:54,461
May malaking rally,
at nanguna si Russell sa martsa

1190
01:17:54,544 --> 01:17:57,839
mula Roxbury, komunidad na Itim,
patungong Boston Common.

1191
01:18:19,111 --> 01:18:21,613
<i>Tapos, ginanap sa Mall sa Washington, DC</i>

1192
01:18:21,697 --> 01:18:24,783
<i>ang pinakamalaking martsa</i>
<i>sa kasaysayan ng bansa.</i>

1193
01:18:27,202 --> 01:18:30,789
<i>Sinamahan sila ng mga puting</i>
<i>nakisimpatya mula sa kung saan.</i>

1194
01:18:30,872 --> 01:18:34,543
<i>Ang pangunahin nilang layon,</i>
<i>programa ng karapatang sibil.</i>

1195
01:18:35,877 --> 01:18:39,923
Walang pahinga o katahimikan sa Amerika

1196
01:18:40,882 --> 01:18:43,885
hanggang walang karapatang
pangmamamayan ang Negro.

1197
01:18:45,178 --> 01:18:49,099
Noong Martsa sa Washington,
naroon din ako sa hotel na tinutuluyan

1198
01:18:49,182 --> 01:18:51,059
ni Reverend Martin Luther King.

1199
01:18:51,143 --> 01:18:53,895
Nagtagpo kami sa lobby
at sandaling nag-usap.

1200
01:18:53,979 --> 01:18:57,357
Inimbitahan niya ako sa entablado
nang magtalumpati siya.

1201
01:18:57,441 --> 01:18:59,484
At magalang akong tumanggi.

1202
01:19:01,319 --> 01:19:05,949
At ang dahilan ng pagtanggi ko,
ilang taon na silang nagpapakahirap

1203
01:19:06,032 --> 01:19:09,870
para magawa iyon,
at wala pa naman akong nagagawa.

1204
01:19:09,953 --> 01:19:12,956
At di tamang umakyat ako sa entablado

1205
01:19:13,039 --> 01:19:15,834
at sabihing, "Ito ang nagawa namin."

1206
01:19:16,334 --> 01:19:17,878
Kaya umupo ako sa harapan.

1207
01:19:19,004 --> 01:19:22,174
Picnic ang tanda namin doon,
pero natakot sila roon.

1208
01:19:22,924 --> 01:19:25,552
May mga paratrooper sa siyudad.

1209
01:19:25,635 --> 01:19:29,222
Nag-imbak sila ng plasma,
inakalang dadanak ang dugo roon.

1210
01:19:29,306 --> 01:19:32,017
Katapangan ang pagsali
sa Martsa sa Washington.

1211
01:19:33,894 --> 01:19:37,439
Parang sa panahon
ng paglalaro ng basketball ni Russell,

1212
01:19:38,148 --> 01:19:40,275
iba ang uri ng gulo sa mundo.

1213
01:19:40,358 --> 01:19:44,821
Di trabaho o karera ang mawawala sa 'yo,

1214
01:19:44,905 --> 01:19:46,406
kundi buhay mo.

1215
01:19:46,907 --> 01:19:49,284
May mga nagbabanta at tumatawag sa akin,

1216
01:19:49,367 --> 01:19:52,996
sinasabing papatayin nila ako,
pasasabugin ang bahay ko.

1217
01:19:54,498 --> 01:19:57,375
Sabi ko, "Pag nangyari iyon, handa ako."

1218
01:20:01,004 --> 01:20:05,675
Siyam na taon ang ginugol
ni Medgar Evers para labanan ang racism.

1219
01:20:05,759 --> 01:20:07,761
Ngayon, namatay siya sa laban.

1220
01:20:07,844 --> 01:20:11,181
Tatlumpu't pitong taong gulang,
beterano ng World War II,

1221
01:20:11,264 --> 01:20:14,601
martir sa laban ng Negro
para wakasan ang segregation.

1222
01:20:18,522 --> 01:20:20,941
Nang mabaril si Medgar Evers,

1223
01:20:21,525 --> 01:20:26,571
inalala namin siya sa Boston,
sa Boston Common.

1224
01:20:27,364 --> 01:20:30,033
Tumabi ako sa kapatid niya,
si Charlie Evers,

1225
01:20:30,116 --> 01:20:33,537
sabi ko, "Kung may magagawa ako,
ito ang numero ko."

1226
01:20:34,246 --> 01:20:39,793
Tinawagan niya ako noong summer
at sinabing, "Tinamaan morale natin."

1227
01:20:39,876 --> 01:20:43,630
"Bakit di kayo mag-basketball clinic
sa Jackson, Mississippi,

1228
01:20:43,713 --> 01:20:46,675
para ipakitang may malasakit sa labas?"

1229
01:20:53,932 --> 01:20:57,894
Sa Mississippi noong 1964,
sagupaan pa rin ang usapan,

1230
01:20:57,978 --> 01:21:01,731
napakalala niyon.

1231
01:21:01,815 --> 01:21:05,527
Kung ang White Citizens Council,
ang Ku Klux Klan,

1232
01:21:05,610 --> 01:21:10,115
at ibang grupong hangad
ang pananatili ng mga puti,

1233
01:21:10,198 --> 01:21:14,327
nalimot ko na ang pangalan,
ayaw nila nito.

1234
01:21:14,411 --> 01:21:16,079
At kung sila masusunod,

1235
01:21:16,580 --> 01:21:19,374
sabi nila, ayos lang sa kanilang pumatay.

1236
01:21:19,457 --> 01:21:25,088
Sabi sa akin ni Charlie,
"Alam mong di ka namin pababayaan."

1237
01:21:26,965 --> 01:21:28,091
Sabi ko, "Sige."

1238
01:21:29,342 --> 01:21:33,471
Inanunsyo niya sa mga miyembro ng team

1239
01:21:33,555 --> 01:21:36,308
na pupunta siya sa Mississippi.

1240
01:21:36,391 --> 01:21:39,561
May nagsabi, "Delikado ang lugar na iyon."

1241
01:21:40,145 --> 01:21:43,148
Sabi naman ni Cousy o ni Sharman,

1242
01:21:43,231 --> 01:21:46,109
"Bill, ayos ka lang,
di ka lang dapat mapansin."

1243
01:21:46,192 --> 01:21:52,532
Alam mo 'yon, narito ang lalaking
nanalo ng kampeonato sa NBA,

1244
01:21:53,033 --> 01:21:56,369
MVP, 6'9", Itim, may balbas,

1245
01:21:56,453 --> 01:22:00,165
pupunta sa Mississipp sa Freedom Summer,
at di dapat mapansin?

1246
01:22:00,248 --> 01:22:03,043
Sabi niya,
"Doon ko nalamang delikado ako."

1247
01:22:06,755 --> 01:22:09,507
Mr. Russell, bakit ka napadpad
sa Mississippi?

1248
01:22:09,591 --> 01:22:13,136
Inimbitahan ako ni Mr. Evers
na bumisita rito noong nakaraan,

1249
01:22:13,219 --> 01:22:17,807
at matagal ko na siyang kilala,
kaya ikinalugod kong maimbitahan.

1250
01:22:17,891 --> 01:22:21,227
Sinusubaybayan ko ang nangyayari dito,

1251
01:22:21,311 --> 01:22:24,314
at bahagi na ito ng buhay ko.

1252
01:22:26,441 --> 01:22:30,362
Isang layunin ng pagpunta ko
ay magsagawa ng basketball clinic.

1253
01:22:30,862 --> 01:22:34,407
Makakatulong kaya ang presensya mo
para maibsan ang gulo?

1254
01:22:34,491 --> 01:22:37,285
Sana. Umaasa akong di na lalala pa.

1255
01:22:37,911 --> 01:22:41,998
Tingin mo, mapaglalaro mo
ang mga batang puti kasama ng mga Negro?

1256
01:22:42,540 --> 01:22:44,459
Sa tingin ko. Bakit hindi?

1257
01:22:45,085 --> 01:22:47,045
Mga anak ko, puti ang mga kalaro.

1258
01:22:47,128 --> 01:22:48,838
-Wala pang nasaktan.
-Wala pa.

1259
01:22:50,048 --> 01:22:51,883
-Masayang makilala ka.
-Salamat.

1260
01:22:52,550 --> 01:22:56,930
<i>Nag-clinics si Russell sa Jackson</i>
<i>sa kabila ng mga banta sa buhay niya.</i>

1261
01:22:57,013 --> 01:23:00,058
<i>Dahil delikadong lumabas ng siyudad,</i>

1262
01:23:00,141 --> 01:23:03,228
<i>napilitan si Russell</i>
<i>na putulin ang pananatili roon.</i>

1263
01:23:03,311 --> 01:23:06,147
<i>Gayunpaman, pumasok siya</i>
<i>sa tiyan ng halimaw at</i>

1264
01:23:06,231 --> 01:23:09,526
<i>naninindigan sa publiko</i>
<i>laban sa takot sa lahi.</i>

1265
01:23:14,656 --> 01:23:18,201
<i>Walang paggalaw sa ngayon</i>
<i>ang kilusan sa karapatang sibil.</i>

1266
01:23:18,284 --> 01:23:21,538
<i>Nakaligtaan naming</i>
<i>nasa amin ang responsibilidad</i>

1267
01:23:21,621 --> 01:23:26,710
<i>para baguhin sa susunod na 2 o 3 taon</i>
<i>ang ginawa sa loob ng tatlong siglo.</i>

1268
01:23:26,793 --> 01:23:29,754
<i>Kailangang baguhin ang pag-iisip,</i>

1269
01:23:29,838 --> 01:23:33,383
<i>at mayroon na lang kaming 2 o 3 taon</i>
<i>para magawa iyon.</i>

1270
01:23:33,466 --> 01:23:37,345
<i>Dapat mas maunawaan</i>
<i>ang mga nakikibaka sa laban.</i>

1271
01:23:37,429 --> 01:23:38,430
<i>Ang mga tao iyon,</i>

1272
01:23:38,513 --> 01:23:41,808
<i>mga puti at mga Negro</i>
<i>na nakatira sa pook ng labanan</i>

1273
01:23:41,891 --> 01:23:45,979
<i>araw-araw, gabi-gabi,</i>
<i>na siyang mga tunay na mandirigma.</i>

1274
01:23:46,062 --> 01:23:49,566
<i>Kasingkomplikado ng politika</i>
<i>ang mga karapatang pantao.</i>

1275
01:23:49,649 --> 01:23:51,985
<i>Ang tanging mapagkakasunduan natin,</i>

1276
01:23:52,068 --> 01:23:54,279
<i>kailangang malutas ang problema.</i>

1277
01:24:02,996 --> 01:24:07,959
<i>Sa gitna ng kaguluhan sa kultura,</i>
<i>niyanig ng pagbabago ang Celtics.</i>

1278
01:24:09,210 --> 01:24:12,130
<i>Si Bob Cousy, ang Houdini ng hardwood,</i>

1279
01:24:12,213 --> 01:24:14,966
<i>ang kapitan at pinakasikat nitong player,</i>

1280
01:24:15,050 --> 01:24:17,260
<i>ay sasabak sa huli nitong season.</i>

1281
01:24:19,054 --> 01:24:21,181
PAALAM KAY BOB COUSY

1282
01:24:21,264 --> 01:24:25,643
Sa taon ng pagretiro ni Cousy,
aniya sa amin, "Huling taon ko na 'to."

1283
01:24:25,727 --> 01:24:28,730
Nais naming tiyaking
taon iyon ng kampeonato.

1284
01:24:29,606 --> 01:24:34,861
<i>Ang 1962-1963 season</i>
<i>ay pagpupugay kay Bob Cousy</i>

1285
01:24:34,944 --> 01:24:37,697
<i>sa bawat siyudad na napuntahan ng Celtics.</i>

1286
01:24:38,364 --> 01:24:40,241
May mga karatula sa Garden,

1287
01:24:40,325 --> 01:24:43,453
"Mahal ka namin, Cousy."
"Mami-miss ka namin, Cous."

1288
01:24:44,245 --> 01:24:47,165
Umasa kaming panalong aalis si Cousy.

1289
01:24:47,248 --> 01:24:51,252
Ang pagnanais ko ng kampeonato noon,
gaya ng una kong pagkapanalo.

1290
01:24:52,504 --> 01:24:56,841
<i>Ginawa ng team ang lahat</i>
<i>sa isa pang kampeonato para kay Cousy.</i>

1291
01:24:57,342 --> 01:24:58,968
<i>Nakapasok sila sa finals,</i>

1292
01:24:59,052 --> 01:25:01,721
<i>kung saan nag-aabang</i>
<i>ang pamilyar na kalaban.</i>

1293
01:25:03,014 --> 01:25:04,516
<i>Balak ng Celtics</i>

1294
01:25:04,599 --> 01:25:08,269
<i>na manalo ng ikalima nitong</i>
<i>sunod-sunod na World Championship.</i>

1295
01:25:08,353 --> 01:25:11,648
<i>Nabigo ang Celtics na ayusin</i>
<i>ang serye sa Boston.</i>

1296
01:25:11,731 --> 01:25:16,027
<i>Ngayon, lamang sila ng 3-2 series</i>
<i>laban sa Los Angeles sa Game 6.</i>

1297
01:25:17,153 --> 01:25:19,823
Madrama lang ito dahil sa mga pangyayari,

1298
01:25:19,906 --> 01:25:24,327
huling taon ko, wakas ng karera ko,
at nakataya ang World Championship.

1299
01:25:25,620 --> 01:25:28,873
<i>Kung kabado si Cousy</i>
<i>sa huling laro ng karera niya,</i>

1300
01:25:28,957 --> 01:25:30,333
<i>di bakas sa laro niya.</i>

1301
01:25:31,501 --> 01:25:33,253
<i>Cousy, sinalo si Russell.</i>

1302
01:25:34,712 --> 01:25:37,715
<i>Ipinasa kay Sanders. Tingnan n'yo iyon!</i>

1303
01:25:38,633 --> 01:25:40,468
<i>Malakas si Cousy sa first half,</i>

1304
01:25:40,552 --> 01:25:43,304
<i>na nagtulak sa pangunguna ng Celtics.</i>

1305
01:25:44,514 --> 01:25:47,851
<i>Iyon ang wakas ng first half,</i>
<i>ang score ay…</i>

1306
01:25:47,934 --> 01:25:50,937
<i>Ang Celtics machine,</i>
<i>pinalupit nina Cousy at Russell</i>

1307
01:25:51,020 --> 01:25:54,274
<i>sa nakalipas na pitong taon,</i>
<i>ay walang kasabit-sabit.</i>

1308
01:25:55,191 --> 01:25:57,735
<i>Nakabantay si Krebs kay Russell,</i>
<i>si Baylor…</i>

1309
01:25:57,819 --> 01:26:01,990
<i>Tapos, sa umpisa ng 4th quarter,</i>
<i>habang lamang ang Boston, 92-83,</i>

1310
01:26:02,073 --> 01:26:03,158
<i>bumagsak si Cousy.</i>

1311
01:26:04,784 --> 01:26:06,035
<i>Bumagsak si Cousy!</i>

1312
01:26:06,119 --> 01:26:09,622
<i>Sa pagtakbo mula sa kabila,</i>
<i>mukhang naipit ang ankle niya.</i>

1313
01:26:09,706 --> 01:26:12,709
<i>Magiging matinding dagok ito</i>
<i>sa Boston Celtics.</i>

1314
01:26:13,251 --> 01:26:15,920
Sa loob ng 13 taon, unang beses iyon.

1315
01:26:16,004 --> 01:26:19,090
Hangga't maaari,
nais kong wakasan 'yon sa court.

1316
01:26:19,174 --> 01:26:22,010
<i>Mukhang seryosong injury ito,</i>

1317
01:26:22,093 --> 01:26:23,469
<i>sa lakad niya…</i>

1318
01:26:23,553 --> 01:26:27,557
Alam naming lahat na kung wala
si Cousy, magkakaproblema kami.

1319
01:26:29,184 --> 01:26:31,686
<i>Gumitna si West at nakuha niya!</i>

1320
01:26:33,688 --> 01:26:36,900
<i>Binabantayan ni Russell si Baylor,</i>
<i>pero nakatakas siya!</i>

1321
01:26:38,109 --> 01:26:41,779
Dahil wala si Cousy,
nawalan kami ng ritmo,

1322
01:26:41,863 --> 01:26:43,531
at nadurog kami.

1323
01:26:44,949 --> 01:26:47,493
Alam naming mahusay
ang kalaban namin,

1324
01:26:47,577 --> 01:26:50,663
pero akala namin, panalo kami.
Amin ang pagkakataon.

1325
01:26:53,833 --> 01:26:56,419
<i>Palakad-lakad si Red Auerbach sa gilid.</i>

1326
01:26:57,962 --> 01:27:02,258
<i>Sa apat na minutong natitira,</i>
<i>isang puntos na lang ang lamang ng Celtics</i>

1327
01:27:02,342 --> 01:27:04,219
<i>nang mangyari ang di inaasahan.</i>

1328
01:27:06,429 --> 01:27:08,306
<i>Nagbabalik si Bob Cousy!</i>

1329
01:27:08,932 --> 01:27:11,017
Ang trainer naming si Buddy LeRoux,

1330
01:27:11,100 --> 01:27:14,562
tinapalan iyon ng yelo
hanggang madama kong makakabalik ako

1331
01:27:14,646 --> 01:27:16,522
sa laro at tapusin iyon.

1332
01:27:19,108 --> 01:27:21,736
<i>Sinemento ng Celtics ang lamang.</i>

1333
01:27:24,572 --> 01:27:27,867
<i>At sa mga huling segundo,</i>
<i>nasa kamay ni Cousy ang bola.</i>

1334
01:27:28,368 --> 01:27:29,577
<i>Isang segundo.</i>

1335
01:27:29,661 --> 01:27:31,663
<i>Inihagis ni Cousy ang bola pataas,</i>

1336
01:27:31,746 --> 01:27:34,415
<i>at World Champions ulit</i>
<i>ang Boston Celtics!</i>

1337
01:27:34,499 --> 01:27:36,167
<i>Iyon ang pagtatapos ng laro.</i>

1338
01:27:41,798 --> 01:27:44,509
<i>Ang ikaanim na kampeonato</i>
<i>sa pitong season.</i>

1339
01:27:45,009 --> 01:27:47,845
Napakapalad ko na sa 13 taon ko rito,

1340
01:27:47,929 --> 01:27:50,265
tinupad ng Diyos ang huling hiling ko.

1341
01:27:50,765 --> 01:27:53,810
-Buweno…
-Ang tinding tapos. Diyos ko!

1342
01:27:53,893 --> 01:27:55,270
Gusto ko iyon, mahusay.

1343
01:27:55,895 --> 01:28:00,483
Noon pa man, halos perpektong
teammate na ang turing ko kay Cousy.

1344
01:28:01,442 --> 01:28:02,986
Yakap-yakap si Russ,

1345
01:28:03,069 --> 01:28:05,780
nais mong ibahagi
ang saya sa malapit sa 'yo.

1346
01:28:09,742 --> 01:28:13,246
Sa ganito, masasabi kong
kung uulitin kong gawin ito,

1347
01:28:13,997 --> 01:28:16,916
di ko maiisip na maglaro
sa iba bukod sa Boston.

1348
01:28:25,383 --> 01:28:27,343
Ilang beses akong tinanong

1349
01:28:27,427 --> 01:28:30,138
kung ano'ng hahanap-hanapin ko
sa paglalaro.

1350
01:28:30,847 --> 01:28:34,475
Nang magretiro si Cous,
nagtatalumpati siya't umiiyak,

1351
01:28:34,559 --> 01:28:36,519
tapos, nag-iyakan na ang lahat…

1352
01:28:37,520 --> 01:28:38,771
Mahal ka namin, Cous!

1353
01:28:44,152 --> 01:28:46,988
May sumigaw ng, "Mahal ka namin, Cous."

1354
01:28:47,071 --> 01:28:48,573
Ang gandang sandali n'on.

1355
01:28:48,656 --> 01:28:51,409
Sabi ko sa katabi kong si Red,

1356
01:28:51,492 --> 01:28:53,536
"Hinding-hindi ko gagawin iyan."

1357
01:28:58,624 --> 01:29:03,629
<i>Espesyal kaming magkaibigan, bagaman</i>
<i>di malapit, at labis ko siyang ginagalang</i>

1358
01:29:03,713 --> 01:29:07,759
<i>para malunod sa inggit na pilit</i>
<i>na nilalagay ng iba sa aming dalawa.</i>

1359
01:29:08,259 --> 01:29:11,429
<i>Pero di ko masabing malapit ako kay Cousy.</i>

1360
01:29:11,512 --> 01:29:14,015
<i>Masyadong matindi ang competitive pressure</i>

1361
01:29:14,098 --> 01:29:17,226
<i>sa professional sports</i>
<i>para magbahagi ng takot at nais</i>

1362
01:29:17,310 --> 01:29:19,145
<i>sa kasama mo sa industriya.</i>

1363
01:29:20,980 --> 01:29:24,901
<i>Para kay Russell, nagsimulang</i>
<i>bumigat ang takot kaysa pag-asa.</i>

1364
01:29:24,984 --> 01:29:28,071
<i>Dismayado siya sa di pag-usad</i>
<i>ng karapatang sibil,</i>

1365
01:29:28,154 --> 01:29:30,782
<i>at inisip kung may halaga pa ba ang laro.</i>

1366
01:29:31,824 --> 01:29:34,952
<i>Sa kabila ng lahat,</i>
<i>walang-hanggan ang paghahanap ko</i>

1367
01:29:35,036 --> 01:29:38,915
<i>gaya ng lahat ng lalaking Negro</i>
<i>sa kanilang pagtanda.</i>

1368
01:29:42,210 --> 01:29:44,003
<i>Pero ako ang kampeon ng mundo.</i>

1369
01:29:46,130 --> 01:29:47,632
<i>Patuloy ang pressure.</i>

1370
01:29:47,715 --> 01:29:49,467
<i>Kailangan pa ring maglaro.</i>

1371
01:29:49,550 --> 01:29:51,636
<i>Kailangang harapin ang mga kalaban.</i>

1372
01:29:53,012 --> 01:29:55,348
<i>May lumapit sa akin sa Boston at aniya,</i>

1373
01:29:55,431 --> 01:29:58,643
"Ano nang gagawin n'yo
ngayong wala na si Cousy?"

1374
01:30:00,478 --> 01:30:01,687
Sabi ko, "Buweno…

1375
01:30:03,231 --> 01:30:06,025
mahirap, pero mag-a-adjust kami."

1376
01:30:06,109 --> 01:30:08,111
"Pero gawan mo ng pabor sarili mo,

1377
01:30:08,194 --> 01:30:11,155
at tawagan mo ang <i>Boston Globe </i>o WBZ,

1378
01:30:11,656 --> 01:30:15,576
at alamin mo kung sino
ang MVP sa huling tatlong taon."

1379
01:32:01,057 --> 01:32:06,062
Ang pagsasalin ng subtitle
ay ginawa ni: Jessica Ignacio



