1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX

2
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX

3
00:00:11,219 --> 00:00:13,930
Di ko iniisip
na wala akong kasalanan sa lahat ng 'to.

4
00:00:14,472 --> 00:00:17,225
Maraming masasamang nangyari
sa mabubuting tao...

5
00:00:18,268 --> 00:00:22,022
...dahil lang makakasunod na pangyayari
na ako ang naging sentro.

6
00:00:29,612 --> 00:00:32,115
<i>911, nasaan po ang emergency?</i>

7
00:00:32,657 --> 00:00:34,534
<i>Binaril ako. Naku!</i>

8
00:00:34,534 --> 00:00:37,704
Ayon sa prosecutors,
love triangle ito na nauwi sa pagpaslang.

9
00:00:37,704 --> 00:00:39,706
POKPOK

10
00:00:39,706 --> 00:00:41,416
Sa lahat ng kasong nahawakan ko,

11
00:00:41,416 --> 00:00:45,295
ito ang pinakakakaiba
at pinakakarumal-dumal.

12
00:00:49,549 --> 00:00:52,969
Iginigiit ng defense
na posibleng walang nangyaring murder.

13
00:00:54,304 --> 00:00:56,639
Obsessed ako sa kasong 'to, lahat kami.

14
00:00:56,639 --> 00:00:58,808
Pero alam naming pahirapan 'to.

15
00:00:59,309 --> 00:01:02,145
Wala kaming bangkay, walang armas,

16
00:01:02,145 --> 00:01:03,938
halos wala ring crime scene.

17
00:01:03,938 --> 00:01:07,067
May mga gano'n ang bawat murder trial.

18
00:01:10,528 --> 00:01:14,491
Akala ko, nakita ko na ang lahat.
Wala pa akong nakikitang ganito.

19
00:01:16,076 --> 00:01:17,994
Natakot ako para sa mga anak ko.

20
00:01:19,704 --> 00:01:23,917
Nakakatakot 'yong taong kinakaharap namin.
Walang nakakaalam ng kaya pa niyang gawin.

21
00:01:29,297 --> 00:01:31,966
'Yong salitang naiisip ko, "halimaw."

22
00:01:50,151 --> 00:01:52,195
Noong 2000 yata 'yon.

23
00:01:53,988 --> 00:01:57,450
{\an8}Nagtrabaho ako bilang mekaniko
sa isang truck stop.

24
00:01:59,786 --> 00:02:03,540
{\an8}Isang araw, may magandang blonde
na nagtrabaho doon.

25
00:02:05,792 --> 00:02:09,045
Niyaya niya akong mag-date,
at medyo kenkoy 'yong ginawa niya.

26
00:02:10,713 --> 00:02:13,091
Na-attract ako sa pagka-dork niya.

27
00:02:14,425 --> 00:02:17,303
Na-in love ako sa kanya
nang sobrang bilis.

28
00:02:18,263 --> 00:02:23,017
Bigla na lang, nasa amin na ang lahat,
white picket fence na lang ang kulang.

29
00:02:24,394 --> 00:02:26,646
'Yon ang, alam mo na,
'yong American Dream.

30
00:02:27,147 --> 00:02:28,022
Muntikan na.

31
00:02:28,648 --> 00:02:30,900
Sa umaga nagtatrabaho si Dave,
ako naman sa gabi,

32
00:02:30,900 --> 00:02:32,652
kaya halos di na kami nagkikita.

33
00:02:32,652 --> 00:02:36,739
at sa tingin ko, doon nagsimula
na lumabo ang lahat sa pagitan namin.

34
00:02:38,867 --> 00:02:41,327
Hindi na kami masayang magkasama,

35
00:02:41,911 --> 00:02:44,205
at panahon na siguro 'yon
na maghiwalay kami.

36
00:02:50,336 --> 00:02:53,214
Nabuo na ang isip kong uuwi na ako,

37
00:02:53,214 --> 00:02:55,717
at isasama ko 'yong mga bata.

38
00:02:56,801 --> 00:02:59,470
Aalagaan ko ang mga anak ko
kahit anumang mangyari,

39
00:02:59,470 --> 00:03:02,891
kaya, maghiwalay man kami o hindi,
dapat nasa iisang lugar lang kami.

40
00:03:04,726 --> 00:03:07,812
{\an8}'Yon kung bakit ako lumipat
sa Omaha, Nebraska.

41
00:03:10,273 --> 00:03:13,526
{\an8}Pero wala akong kaalam-alam
sa naghihintay sa akin doon.

42
00:03:14,694 --> 00:03:18,489
NEBRASKA ...ANG MAGANDANG BUHAY
PINAGMULAN NG ARBOR DAY

43
00:03:22,785 --> 00:03:25,330
Magsisimula ako na single na.

44
00:03:26,372 --> 00:03:27,957
Medyo nakakalungkot

45
00:03:27,957 --> 00:03:30,919
kung nasa bagong lugar ka
at wala kang kilala.

46
00:03:31,669 --> 00:03:34,172
{\an8}Kaya nagtrabaho ako
sa automotive industry,

47
00:03:34,172 --> 00:03:36,090
{\an8}pumipihit ng wrench, kasi 'yon ako, e.

48
00:03:38,009 --> 00:03:40,970
Umupa ako ng maliit
na one-bedroom apartment, maganda 'yon.

49
00:03:42,138 --> 00:03:46,809
Wild and free ako sa edad na 35,
at determinado akong i-enjoy 'yon.

50
00:03:53,608 --> 00:03:55,068
Plenty of Fish.

51
00:03:55,068 --> 00:03:57,528
'Yon yata ang ginagamit ng lahat noon.

52
00:03:58,696 --> 00:04:01,824
Siyempre, di ako naghanap
ng seryosong relasyon.

53
00:04:03,868 --> 00:04:05,328
FUN LANG ANG HANAP.
...CASUAL LANG.

54
00:04:07,038 --> 00:04:09,666
Sobrang excited na ako sa puntong 'yon.

55
00:04:12,418 --> 00:04:14,128
IMINA-MATCH KA SA 10654 NA KABABAIHAN

56
00:04:14,712 --> 00:04:16,130
WALA KANG NAKA-MATCH.

57
00:04:16,130 --> 00:04:18,049
Zero, <i>zilch</i>, wala.

58
00:04:18,800 --> 00:04:21,344
Ganoon ba ako ka lala
na walang gustong kumausap sa 'kin?

59
00:04:23,096 --> 00:04:24,889
Ilang araw pagkatapos no'n...

60
00:04:26,933 --> 00:04:28,226
...tiningnan ko ulit, at...

61
00:04:31,646 --> 00:04:34,107
Noon na dumating si Liz sa buhay ko.

62
00:04:35,566 --> 00:04:37,527
{\an8}Sobrang cool niya, down-to-earth.

63
00:04:39,070 --> 00:04:41,155
May cleaning company siya.

64
00:04:42,323 --> 00:04:44,325
Halatang gustong-gusto niya ng animals.

65
00:04:44,325 --> 00:04:46,661
May dalawang aso siya, isang pusa,

66
00:04:47,370 --> 00:04:49,038
at isang malaking ahas.

67
00:04:49,038 --> 00:04:51,916
Marami kaming pagkakapareho.

68
00:04:52,834 --> 00:04:56,587
Pareho naming gusto ng sci-fi,
action movies, heavy metal.

69
00:04:57,964 --> 00:05:00,758
Hilig niya ang mga motor, may motor ako.

70
00:05:00,758 --> 00:05:02,135
Tadhana 'yon.

71
00:05:03,761 --> 00:05:06,264
Pareho kaming may anak na lalaki at babae.

72
00:05:06,764 --> 00:05:08,850
Malungkot kami pareho.

73
00:05:12,145 --> 00:05:15,940
'Yon ang unang totoong date ko
pagkatapos ng maraming taon.

74
00:05:16,607 --> 00:05:18,151
Sobrang kinabahan ako,

75
00:05:18,151 --> 00:05:20,236
pero nag-click talaga kami.

76
00:05:28,453 --> 00:05:30,788
Sobrang palangiti niya, energetic.

77
00:05:31,748 --> 00:05:32,707
Sobrang sigla.

78
00:05:35,835 --> 00:05:38,504
Pumupunta kami ng downtown
at nagba-bar hopping.

79
00:05:52,935 --> 00:05:57,273
Matagal-tagal na rin kasi,
kaya no'ng pumayag, sinunggaban ko na.

80
00:06:12,538 --> 00:06:14,457
Tamang-tama kami para sa isa't isa.

81
00:06:14,457 --> 00:06:16,626
May personal space pa rin ako,

82
00:06:16,626 --> 00:06:20,505
pero may makakausap na ako
at makakasamang tumambay.

83
00:06:22,590 --> 00:06:26,135
'Yon talaga ang kailangan ko sa buhay ko
noong panahong 'yon.

84
00:06:32,225 --> 00:06:34,227
Sa unang date pa lang namin,

85
00:06:34,227 --> 00:06:36,354
nilinaw ko na kay Liz

86
00:06:36,354 --> 00:06:39,232
na hinding-hindi ako magko-commit.

87
00:06:43,444 --> 00:06:44,570
Tapos, isang araw...

88
00:06:46,072 --> 00:06:48,116
Dumating si Cari Farver sa buhay ko.

89
00:06:56,749 --> 00:06:59,752
'Yong una kong naisip,
"Grabe, ang ganda niya."

90
00:07:05,133 --> 00:07:07,927
- Uy! Mukhang mekaniko ka, a.
- Mukha lang ba? Kasi...

91
00:07:07,927 --> 00:07:09,262
Nagngitian lang kami.

92
00:07:09,262 --> 00:07:12,014
Busy ka ba,
puwedeng patingnan 'yong kotse ko?

93
00:07:12,014 --> 00:07:13,474
Oo, siyempre. Puwede.

94
00:07:14,684 --> 00:07:17,061
Customer siya, manager ako, 'yon lang.

95
00:07:19,814 --> 00:07:21,315
Ang bawat kotse...

96
00:07:23,234 --> 00:07:24,861
Akala ko, di na kami magkikita.

97
00:07:26,237 --> 00:07:27,989
Sige, maraming salamat!

98
00:07:42,670 --> 00:07:44,338
Lumipas ang dalawang linggo,

99
00:07:44,338 --> 00:07:47,675
tumitingin-tingin ako sa profiles
sa isang dating site,

100
00:07:47,675 --> 00:07:50,678
may nakita ako na kilalang-kilala ko.

101
00:07:53,598 --> 00:07:56,726
'Yong babae sa shop
two weeks ago, si Cari Farver.

102
00:08:00,146 --> 00:08:02,273
At siyempre, kinontak ko siya.

103
00:08:03,608 --> 00:08:04,942
"Uy, kilala kita, a."

104
00:08:06,903 --> 00:08:10,740
Nag-reply siya, sinabi niya,
"Kilala rin kita," at 'yon na.

105
00:08:13,493 --> 00:08:15,161
Sobrang ganda ng unang date namin.

106
00:08:17,079 --> 00:08:19,165
Nagkuwento siya tungkol sa buhay niya.

107
00:08:19,999 --> 00:08:22,543
Doon siya lumaki,
sa isang maliit na bayan.

108
00:08:26,589 --> 00:08:29,217
Medyo bata pa siya no'ng nagkaanak.

109
00:08:31,511 --> 00:08:34,013
Pero bumalik siya ng college
para mag-aral.

110
00:08:37,558 --> 00:08:39,352
Pang-career ang trabaho niya.

111
00:08:41,020 --> 00:08:42,563
Mahilig siya sa computers.

112
00:08:44,148 --> 00:08:46,692
Nangibabaw siya
sa ibang babaeng nakilala ko

113
00:08:46,692 --> 00:08:49,737
dahil sa fighting spirit at passion niya.

114
00:08:50,404 --> 00:08:54,450
Matalino siya at sexy,
ang layo talaga ng agwat namin.

115
00:08:54,450 --> 00:08:58,496
Pero nagtanong ako kung gusto niyang
pumunta ng apartment ko, pumayag siya.

116
00:09:04,085 --> 00:09:06,337
Di pa nga kami nakapagtanggal ng coat,

117
00:09:08,005 --> 00:09:09,924
may tao na sa labas.

118
00:09:11,384 --> 00:09:12,343
Si Liz.

119
00:09:14,428 --> 00:09:15,304
Sabi niya,

120
00:09:15,304 --> 00:09:17,431
"May kukunin ako sa apartment mo."

121
00:09:19,267 --> 00:09:21,602
Magiging sobrang hirap nito.

122
00:09:25,815 --> 00:09:28,317
Ipinaliwanag ko kay Cari 'yong nangyayari.

123
00:09:29,443 --> 00:09:32,530
'Yong pag-usapan namin 'yon,
siyempre, sobrang awkward.

124
00:09:36,742 --> 00:09:41,247
Nagtinginan sa mata sina Cari at Liz,
ng mga three seconds siguro.

125
00:09:47,712 --> 00:09:49,589
Pagkaalis ni Liz sa apartment,

126
00:09:52,049 --> 00:09:55,136
tinawagan ko si Cari, sabi niya,
"Nasa kalahati na 'ko ng daan."

127
00:09:55,136 --> 00:09:57,722
"Ba't di na lang ikaw
ang pumunta sa bahay ko?"

128
00:10:01,767 --> 00:10:05,980
Sa Macedonia siya nakatira,
maliit na bayan lagpas ng border, sa Iowa.

129
00:10:10,318 --> 00:10:14,196
Pagdating ko, sinabi niya,
"Ganito, ha. Di tayo boyfriend-girlfriend,

130
00:10:14,196 --> 00:10:17,283
di tayo monogamous,
di rin tayo magpapakasal. Fun lang."

131
00:10:17,283 --> 00:10:20,036
At ako naman, "Aba naman! Seryoso?"

132
00:10:20,745 --> 00:10:22,204
Sige ba! Call ako.

133
00:10:28,919 --> 00:10:31,922
Three blocks lang ang layo
ng pinagtatrabahuan ni Cari sa apartment

134
00:10:31,922 --> 00:10:35,635
kaya kahit sandali pa lang,
lagi na kaming magkasama.

135
00:10:37,428 --> 00:10:39,847
Madalas, nandoon siya pag gabi,
pero di lang 'yon sex.

136
00:10:39,847 --> 00:10:42,558
Mahaba rin ang mga pag-uusap namin.

137
00:10:43,601 --> 00:10:45,936
At siyempre, masaya akong nandoon siya.

138
00:10:50,650 --> 00:10:54,195
Tapos, isang araw,
gumising ako ng alas séis para magtrabaho.

139
00:10:54,904 --> 00:10:57,490
Ikiniss ko siya, tapos lumabas na.

140
00:10:58,991 --> 00:11:01,327
Hindi ko alam noon,

141
00:11:01,869 --> 00:11:05,081
pero habambuhay babaguhin
ng araw na 'yon ang buhay ko.

142
00:11:09,502 --> 00:11:11,337
Mga ten, ten-thirty,

143
00:11:13,714 --> 00:11:15,383
nag-text si Cari.

144
00:11:16,676 --> 00:11:20,429
{\an8}UY, MAG-LIVE IN NA TAYO

145
00:11:21,013 --> 00:11:23,724
Inisip ko, "Two weeks pa nga lang tayo."

146
00:11:23,724 --> 00:11:27,395
"Oo, intense nga at romantic,
pero two weeks pa lang tayo."

147
00:11:27,395 --> 00:11:32,066
{\an8}AKALA KO NAPAG-USAPAN NA NATIN 'TO

148
00:11:33,192 --> 00:11:35,861
Parang kaka-send ko pa nga lang,

149
00:11:35,861 --> 00:11:38,781
umulan na ng reply.

150
00:11:39,573 --> 00:11:41,867
SIGE 'TANG-INA MO

151
00:11:42,451 --> 00:11:44,995
SINIRA MO ANG BUHAY KO

152
00:11:45,579 --> 00:11:47,206
AYAW NA KITANG MAKITA

153
00:11:47,206 --> 00:11:48,666
Nagulat talaga ako.

154
00:11:49,417 --> 00:11:52,378
May relasyon nga kami,
pero hindi gano'n kaseryoso.

155
00:11:54,171 --> 00:11:57,341
Sa puntong 'yon, naisip ko,
"Kahit gaano pa kayo ka-compatible

156
00:11:57,341 --> 00:11:59,260
hindi mo talaga sila kilala."

157
00:12:02,179 --> 00:12:05,516
No'ng umuwi ako ng tanghalian,
walang senyales na nando'n si Cari.

158
00:12:05,516 --> 00:12:08,853
Wala na'ng mga bag niya,
'yong toothbrush, wala na siya.

159
00:12:11,647 --> 00:12:14,650
Nalungkot ako kasi wala kaming narating,

160
00:12:15,151 --> 00:12:18,529
pero sinubukan kong mag-move on
na parang walang nangyari.

161
00:12:25,411 --> 00:12:28,205
Dalawang araw din akong
walang contact kay Cari,

162
00:12:28,205 --> 00:12:31,584
tapos bigla na lang,
nakatanggap ako ng mga text niya.

163
00:12:32,168 --> 00:12:34,044
{\an8}WALANG HIYA KA

164
00:12:34,044 --> 00:12:35,713
{\an8}SISIRAIN KO ANG IMPORTANTE SA 'YO

165
00:12:35,713 --> 00:12:38,966
{\an8}No'ng una,
pakont-konti lang 'yong messages,

166
00:12:38,966 --> 00:12:40,551
pero tumindi na pagtagal.

167
00:12:41,385 --> 00:12:42,344
MASISIRA ANG BUHAY MO

168
00:12:42,344 --> 00:12:44,096
Mas nakakapanakit, mas bastos...

169
00:12:44,096 --> 00:12:45,431
KASI SINIRA MO ANG SA 'KIN

170
00:12:45,431 --> 00:12:47,516
...mas nakakatakot habang tumatagal.

171
00:12:48,601 --> 00:12:52,104
Bakit ba niya ako hina-harass?
Di ko maintindihan.

172
00:13:03,824 --> 00:13:05,034
Noong panahong 'yon,

173
00:13:05,868 --> 00:13:08,913
independent talaga si Cari.

174
00:13:09,914 --> 00:13:12,374
Ipapaalam niya sa 'yo ang opinyon niya.

175
00:13:12,708 --> 00:13:16,253
INA NI CARI

176
00:13:17,505 --> 00:13:20,090
Alam kong may nakilala siya.

177
00:13:20,591 --> 00:13:23,010
May bago siyang relasyon,

178
00:13:23,010 --> 00:13:26,597
at 'yong mga gano'n,
malilibang ka talaga sa simula.

179
00:13:26,597 --> 00:13:29,141
Ilang blocks lang ang layo
ng tirahan no'ng lalaki

180
00:13:29,141 --> 00:13:31,352
mula sa pinagtatrabahuan niya,
nakatulong 'yon,

181
00:13:31,852 --> 00:13:33,562
at puwede siyang mag-stay do'n.

182
00:13:34,063 --> 00:13:37,233
Kaya di ko na masyadong inalala
na hindi ko siya nakakausap.

183
00:13:37,858 --> 00:13:41,570
Pero pagtagal,
hindi ko pa rin siya ma-contact.

184
00:13:42,988 --> 00:13:46,283
'Yong mga mag-iina,
minsan magkasundo, minsan hindi,

185
00:13:46,283 --> 00:13:47,827
at gano'n din kami,

186
00:13:47,827 --> 00:13:52,540
pero nakakapagtaka lang talaga
na hindi ko siya ma-contact.

187
00:13:56,669 --> 00:14:01,006
Nasa trabaho ako no'n,
pumasok 'yong taga-front desk at sinabing,

188
00:14:01,006 --> 00:14:03,175
"Dave, may mga sherrif sa harap,
hinahanap ka."

189
00:14:09,265 --> 00:14:10,474
Kumusta kayo?

190
00:14:11,392 --> 00:14:14,895
Ano ba ang nagawa ko
na hinahanap ako ng mga sherrif?

191
00:14:14,895 --> 00:14:17,773
Di ko alam ang nangyayari,
pero di nakakatawa.

192
00:14:19,400 --> 00:14:22,611
'Yong unang tanong nila,
"Kilala mo ba si Cari Farver?"

193
00:14:22,611 --> 00:14:23,988
At siyempre, oo.

194
00:14:24,655 --> 00:14:28,576
Sinabi nilang nag-file
ng missing person's report ang nanay niya.

195
00:14:29,159 --> 00:14:31,787
Nasa hot seat na 'ko.
'Yong tingin nila sa 'kin parang,

196
00:14:31,787 --> 00:14:34,957
"Ba't di mo alam kung nasaan siya?
E, boyfriend ka niya."

197
00:14:36,000 --> 00:14:37,835
Kaya inilabas ko 'yong phone ko

198
00:14:37,835 --> 00:14:39,044
at ipinakita ko

199
00:14:39,044 --> 00:14:42,089
'yong bastos na mga mensaheng
ipinadala niya sa 'kin.

200
00:14:43,716 --> 00:14:46,135
Pagkatapos noon,
nag-iba na ang kilos nila.

201
00:14:47,553 --> 00:14:49,722
Parang sinasabi nila na,

202
00:14:49,722 --> 00:14:52,391
"Di maganda ang hiwalayan",
na lagi nilang nakikita 'yon.

203
00:14:52,391 --> 00:14:55,811
Na maliit lang 'yon at titigil din.

204
00:14:55,811 --> 00:14:58,647
Na walang nangha-harass ng gano'n katagal.

205
00:15:04,987 --> 00:15:07,740
Di nagtagal matapos naming i-report
na nawawala siya,

206
00:15:07,740 --> 00:15:11,452
nakatanggap ako ng messages
galing sa Facebook page ni Cari.

207
00:15:12,453 --> 00:15:16,373
HINDI AKO NAWAWALA
AYOKO LANG UMUWI NGAYON.

208
00:15:16,373 --> 00:15:20,294
MAHAL KO KAYONG LAHAT,
PERO KAILANGAN KO NG PANAHON.

209
00:15:23,130 --> 00:15:26,091
Nag-text siya ng "Happy Mother's Day"
noong Mother's Day,

210
00:15:26,592 --> 00:15:31,305
pero umabot sa punto na isa o dalawang
salita na lang ang natatanggap ko

211
00:15:31,305 --> 00:15:35,601
at naging pabastos nang pabastos.

212
00:15:52,201 --> 00:15:54,370
Matagal kong hindi nakita si Liz,

213
00:15:55,329 --> 00:15:57,748
pero, isang araw,
pumunta siya sa apartment.

214
00:15:58,415 --> 00:16:01,043
Sinabi niyang
may ipapakita daw siya sa akin.

215
00:16:03,587 --> 00:16:05,798
Tiningnan ko ang gilid ng kotse niya,

216
00:16:06,298 --> 00:16:09,510
at may malalim na gasgas.

217
00:16:16,308 --> 00:16:18,185
MAS MALALA PA ANG GAGAWIN KO

218
00:16:18,185 --> 00:16:23,273
KUNG HINDI MO TATANTANAN SI DAVE

219
00:16:23,273 --> 00:16:25,484
POKPOK

220
00:16:25,484 --> 00:16:30,572
Mukhang hina-harass din
ni Cari si Liz kagaya ko,

221
00:16:31,156 --> 00:16:32,783
tinetext niya at ine-email.

222
00:16:34,868 --> 00:16:37,287
Halatang nagseselos si Cari kay Liz.

223
00:16:43,293 --> 00:16:46,463
{\an8}SIYA ANG SUMIRA SA ATING DALAWA

224
00:16:46,463 --> 00:16:50,467
{\an8}Nag-alala kami na baka anumang oras,
may masamang mangyayari.

225
00:16:51,051 --> 00:16:53,262
KAYA KO PANG HIGITAN

226
00:16:53,262 --> 00:16:55,848
'YONG MGA GASGAS SA KOTSE

227
00:17:09,111 --> 00:17:11,697
Officer ako sa Omaha Police Department

228
00:17:11,697 --> 00:17:13,741
ng 22 at kalahating taon.

229
00:17:15,367 --> 00:17:17,619
Sa huling sampu
hanggang 12 taon ng career ko,

230
00:17:17,619 --> 00:17:20,247
Naging detective ako
sa Special Victims Unit,

231
00:17:20,748 --> 00:17:23,834
na nagse-specialize
sa domestic violence at stalking.

232
00:17:32,926 --> 00:17:36,221
Pinuntahan ako ni Dave Kroupa
noong katapusan ng 2012.

233
00:17:37,723 --> 00:17:40,934
Palagi kaming may ganitong kaso.
Talagang karaniwan na.

234
00:17:41,518 --> 00:17:45,272
{\an8}Selosang ex-girlfriend
'yong kinakaharap namin,

235
00:17:45,272 --> 00:17:48,609
at posibleng nasa initial phase
na siya ng stalking.

236
00:17:49,693 --> 00:17:53,947
'Yong ipinaparating niya,
kung titingnan mo lahat ng text at email,

237
00:17:53,947 --> 00:17:56,742
"Kung di ka magiging akin,
walang ibang makakakuha sa 'yo."

238
00:17:56,742 --> 00:17:57,993
SISIRAIN KO ANG BUHAY MO
AT KUKUNIN ANG KALIGAYAHAN MO

239
00:17:57,993 --> 00:18:01,413
Pero ito 'yong naging pinakakakaiba

240
00:18:02,164 --> 00:18:04,416
at pinaka-unpredictable
na kasong hinawakan ko.

241
00:18:11,131 --> 00:18:14,426
ANO'NG LASA NG KAPE MO?

242
00:18:17,096 --> 00:18:18,347
NAKIKITA MO BA 'KO?

243
00:18:18,347 --> 00:18:19,264
NAKIKITA KITA

244
00:18:19,264 --> 00:18:20,933
GUSTO MONG NASA BUHAY MO 'KO

245
00:18:20,933 --> 00:18:23,102
MAGSASAMA TAYO HABAMBUHAY

246
00:18:23,102 --> 00:18:26,855
'Yong mga text ni Cari, sa mga unang araw,

247
00:18:26,855 --> 00:18:30,901
galing sa phone niya mismo,
pero nag-iba kalaunan.

248
00:18:30,901 --> 00:18:31,860
HOY MALIIT ANG TITE
HOY GAGO

249
00:18:31,860 --> 00:18:35,072
Marami-raming phone number din 'yon,

250
00:18:35,072 --> 00:18:36,615
20, 30, 40.

251
00:18:37,324 --> 00:18:39,201
Nahirapan akong mag-block.

252
00:18:39,785 --> 00:18:42,412
PAG SINAKTAN KITA, MAGBABAGO ANG LAHAT
SISIRAIN KO ANG BUHAY MO

253
00:18:42,412 --> 00:18:45,874
NASA AKIN PA ANG SUSI NG APARTMENT
IPAPAKITA KO SA 'YO KUNG ANO ANG BALIW

254
00:18:45,874 --> 00:18:46,792
SUSUNDAN KITA

255
00:18:46,792 --> 00:18:51,797
Alam kong si Cari 'yon
kasi pareho ang pananalita.

256
00:18:52,297 --> 00:18:54,925
KOKONTROLIN KO ANG BUHAY MO
GUSTO MO PA RIN AKO

257
00:18:54,925 --> 00:18:57,177
PINAPANOOD KITA
SISIRAIN KO ANG BUHAY MO

258
00:18:57,177 --> 00:18:59,638
Ganoon din 'yong sa emails.

259
00:18:59,638 --> 00:19:03,892
'Yong ginamit sa emails,
nakapangalan sa iba't ibang alias

260
00:19:03,892 --> 00:19:08,063
o random na mga pangalan lang
na dumami at umabot sa 125 kada araw.

261
00:19:08,063 --> 00:19:12,317
HINDI KO HAHAYAANG MAY MAKASAMA KANG IBA
GUGULUHIN KO ANG MGA ANAK MO

262
00:19:24,705 --> 00:19:27,791
NAKIKITA KITA SA PINAGTATRABAHUAN MO

263
00:19:32,796 --> 00:19:37,301
Nag-report si Dave
na nagme-message si Cari

264
00:19:37,301 --> 00:19:41,805
na dinedetalye 'yong mga customer
na nakakausap niya

265
00:19:41,805 --> 00:19:44,850
habang nakatayo sa labas
ng pinagtatrabahuan niya.

266
00:19:45,642 --> 00:19:48,770
LAHAT NG MGA PUTANG KINAKAUSAP MO

267
00:19:48,770 --> 00:19:53,066
KINUKUNAN KO ANG PLATE NUMBER NILA

268
00:19:56,486 --> 00:19:58,447
WALA AKONG PAKIALAM
KUNG CUSTOMERS LANG SILA

269
00:19:58,447 --> 00:20:01,742
IDADAMAY KO SILA

270
00:20:04,369 --> 00:20:07,206
Inisip ko, "Okay, kung nakikita niya
ang ginagawa ni Dave,

271
00:20:09,666 --> 00:20:12,085
malamang nagtatago siya malapit doon."

272
00:20:14,671 --> 00:20:17,257
Tiningnan ko saan-saan
'yong puwedeng makita

273
00:20:17,257 --> 00:20:19,593
kung ano'ng ginagawa ni Dave.

274
00:20:27,684 --> 00:20:33,023
Nag-reverse stakeout ako para malaman
kung mula saan siya nagmamanman.

275
00:20:38,153 --> 00:20:41,073
Kinuha ko ang picture ni Cari,
nagbahay-bahay ako.

276
00:20:42,115 --> 00:20:43,659
Walang nakakita sa kanya.

277
00:20:43,659 --> 00:20:47,162
Alam kong dapat mahanap ko muna siya
bago ako may magawa.

278
00:20:52,417 --> 00:20:55,128
Sobrang nakakawindang
ang sumunod na nangyari.

279
00:20:55,128 --> 00:20:58,382
{\an8}NASA 11618 BURT STREET AKO

280
00:20:58,382 --> 00:20:59,883
{\an8}Sinabi ni Cari

281
00:20:59,883 --> 00:21:03,804
{\an8}na dalawang building lang ang layo niya,
at nasa iisang apartment complex kami.

282
00:21:34,584 --> 00:21:36,169
One, two, three...

283
00:21:36,169 --> 00:21:38,422
Umasa akong mahuhuli ko siya.

284
00:21:42,301 --> 00:21:45,387
Pero habang papalapit ako,
five, six, seven,

285
00:21:46,305 --> 00:21:48,140
gusto ko nang tumawag ng pulis.

286
00:21:54,813 --> 00:21:57,274
Sobrang di na ako mapakali.

287
00:21:59,067 --> 00:22:00,777
Ayokong tumawag sa mga pulis.

288
00:22:01,445 --> 00:22:03,196
Gusto ko siyang saktan nang matindi.

289
00:22:08,285 --> 00:22:09,911
Tapos, umabot na ako sa 10,

290
00:22:10,954 --> 00:22:12,372
tapos 11,

291
00:22:13,290 --> 00:22:15,375
at siyempre, 12 'yong hinahanap ko.

292
00:22:20,797 --> 00:22:21,923
Walang 12.

293
00:22:23,050 --> 00:22:23,967
Wala.

294
00:22:25,344 --> 00:22:27,763
Pinaglaruan na naman ako.

295
00:22:31,725 --> 00:22:33,685
Nang pabalik na ako sa apartment,

296
00:22:34,311 --> 00:22:36,563
tiningnan ko lahat
ng apartment sa paligid,

297
00:22:36,563 --> 00:22:38,732
hinuhulaan kung mula saan
siya nagmamanman.

298
00:22:42,069 --> 00:22:44,112
Ginawa niya 'yon para guluhin ang isip ko.

299
00:22:53,205 --> 00:22:56,291
Pagkatapos no'n,
mas lumala lang ang mga bagay.

300
00:23:02,255 --> 00:23:03,090
Diyos ko.

301
00:23:05,300 --> 00:23:07,010
Nasa loob ng bahay ni Liz si Cari.

302
00:23:07,010 --> 00:23:09,888
{\an8}NANDITO KAYA SIYA?

303
00:23:13,350 --> 00:23:15,227
{\an8}NAIWAN NIYANG BUKAS ANG PINTO SA GARAHE

304
00:23:15,227 --> 00:23:17,687
{\an8}Ano, seryoso, paano... Seryoso ka ba?

305
00:23:21,191 --> 00:23:23,485
Grabe na 'to.

306
00:23:30,200 --> 00:23:35,497
Di lang niya ginasgasan ang kotse ni Liz,
nag-spray paint pa siya sa pader.

307
00:23:35,497 --> 00:23:38,959
POKPOK

308
00:23:40,877 --> 00:23:43,964
Tinawagan 'yong mga pulis,
nag-file ng police report,

309
00:23:44,881 --> 00:23:46,550
pero alam ko 'yong tindi ng stress

310
00:23:46,550 --> 00:23:49,428
na idinulot no'n sa kay Liz
at sa mga anak niya.

311
00:23:50,887 --> 00:23:55,267
Pakiramdam ko, hina-harass si Liz
kasi nakipagrelasyon ako sa babaeng 'yon,

312
00:23:55,976 --> 00:23:58,478
na ginagawa ring impiyerno ang buhay niya.

313
00:24:00,856 --> 00:24:03,608
POKPOK KA, LIZ

314
00:24:03,608 --> 00:24:08,447
HOMEWRECKER KA

315
00:24:09,531 --> 00:24:12,868
Pakiramdam ko,
siya ang tunay na biktima sa lahat ng 'to,

316
00:24:14,161 --> 00:24:16,538
at gusto kong subukang protektahan siya.

317
00:24:18,290 --> 00:24:20,083
Dama naming ligtas kami kung magkasama,

318
00:24:20,584 --> 00:24:22,878
at bumalik ang pagtitinginan namin.

319
00:24:41,480 --> 00:24:44,191
{\an8}Si Dave at ako, close pa rin kami.

320
00:24:44,191 --> 00:24:47,277
Pumupunta sa bahay niya
ang mga bata kada weekends,

321
00:24:47,277 --> 00:24:51,323
kaya may alam sila
sa nangyayari sa kanila ni Cari

322
00:24:51,323 --> 00:24:53,742
at pinagbinabantaan niya si Dave.

323
00:24:56,077 --> 00:24:59,748
Noong sinabi niya
'yong tungkol sa texts at sa vandalism,

324
00:25:00,373 --> 00:25:04,169
sinabi ko sa kanya na ayokong pumunta
ang mga bata sa bahay niya.

325
00:25:04,169 --> 00:25:06,922
Kung gusto niyang makita,
dapat pumunta siya sa bahay ko.

326
00:25:08,381 --> 00:25:09,883
Kinabahan ako dahil doon.

327
00:25:18,141 --> 00:25:21,186
Nagtatrabaho ako, tapos tumawag si Liz.

328
00:25:21,186 --> 00:25:23,438
Nabasag mula sa loob
ang isa sa mga bintana ko,

329
00:25:23,438 --> 00:25:25,857
at mukhang may pumasok sa apartment ko.

330
00:25:32,239 --> 00:25:33,990
UMALIS KA, POKPOK

331
00:25:33,990 --> 00:25:36,910
Sa itaas ng kama,
may isinulat gamit ang red lipstick,

332
00:25:36,910 --> 00:25:39,120
"Lumayas ka, pokpok."

333
00:25:40,163 --> 00:25:44,501
Sa may kama naman, may mga damit ni Liz.

334
00:25:44,501 --> 00:25:48,171
Ang mga 'yon,
sinaksak at pinunit gamit ang kutsilyo.

335
00:25:52,467 --> 00:25:54,177
Parang pinapatay.

336
00:25:56,012 --> 00:26:01,309
Hindi ko alam kung ano pang violent
na physical threat ang puwedeng mangyari.

337
00:26:06,231 --> 00:26:09,985
Sa isip ko, "Paano kung nando'n si Liz
no'ng nakapasok si Cari?"

338
00:26:09,985 --> 00:26:12,821
Sasaksakin ba niya talaga niya si Liz?

339
00:26:15,407 --> 00:26:17,325
Totoong panganib 'to. Di kalokohan.

340
00:26:20,620 --> 00:26:23,331
{\an8}MAMAMATAY SIYA

341
00:26:23,331 --> 00:26:26,668
{\an8}WALANG MAKAKAPIGIL SA AKIN

342
00:26:36,970 --> 00:26:41,308
Sa puntong ito ng imbestigasyon,
dahil sa lahat ng krimeng nagawa,

343
00:26:41,308 --> 00:26:45,770
tingin ko, may sapat nang probable cause
para sa arrest warrant ni Cari.

344
00:26:45,770 --> 00:26:48,690
Kaya lang, sa ngayon,
'yon lang ang magagawa ko.

345
00:26:48,690 --> 00:26:50,233
kasi hindi ko siya mahanap.

346
00:26:51,860 --> 00:26:54,195
Normal 'yon sa isang stalking case.

347
00:26:54,696 --> 00:26:58,241
Pero pag natatagalan ang imbestigasyon
sa mga ganitong kaso,

348
00:26:58,241 --> 00:27:01,536
mas makikita mo
ang epekto nito sa mga biktima.

349
00:27:07,000 --> 00:27:10,003
Higit isang taon nang
sige-sige lang 'yong stalking.

350
00:27:10,837 --> 00:27:13,381
Normal lang
na maghapunan kami ng mga anak ko.

351
00:27:13,381 --> 00:27:16,426
tapos may message na, "Nasa ano ka,
kumakain kayo ng mga anak mo."

352
00:27:16,426 --> 00:27:18,136
E di, putang ina mo!

353
00:27:19,137 --> 00:27:20,138
Tantanan mo 'ko.

354
00:27:28,980 --> 00:27:31,483
Paunti-unti, 'yong normal para sa 'yo,

355
00:27:32,525 --> 00:27:33,943
nagiging abnormal na.

356
00:27:38,198 --> 00:27:40,241
Lagi ka na lang mag-aalala at matatakot.

357
00:27:44,454 --> 00:27:47,415
{\an8}MAKAKAPASOK PA RIN AKO SA BUILDING

358
00:27:51,503 --> 00:27:53,797
Lagi mong iisipin
kung anong puwedeng mangyari.

359
00:28:03,056 --> 00:28:06,351
IDINIDIKIT KO ANG TENGA KO SA PINTUAN MO

360
00:28:07,811 --> 00:28:11,272
NARIRINIG KO LAHAT

361
00:28:17,320 --> 00:28:19,072
PINAPANOOD KITA

362
00:28:21,908 --> 00:28:25,161
Minsan mahirap ihiwalay ang katotohanan

363
00:28:25,161 --> 00:28:27,038
sa nasa isip ko lang.

364
00:28:39,801 --> 00:28:41,428
Sa pagdaan ng mga buwan,

365
00:28:41,428 --> 00:28:44,472
mas naglagi ako sa bar.

366
00:28:46,307 --> 00:28:48,893
Umiinom ako, pero alam mo 'yon,
natanggal ang stress ko.

367
00:28:50,019 --> 00:28:53,273
Humihinto sandali
sa pagtakbo ang lintik na utak ko.

368
00:29:00,321 --> 00:29:02,949
Malapit na akong mag-mental breakdown.

369
00:29:21,551 --> 00:29:25,221
SINUNOG KO ANG BAHAY
NG KADIRING POKPOK NA 'YON

370
00:29:25,221 --> 00:29:28,308
Para akong binuhusan
ng malamig na tubig. Sabi ko, "Lintik."

371
00:29:33,688 --> 00:29:36,316
Sinunog ni Cari ang bahay ni Liz.

372
00:29:40,779 --> 00:29:43,865
SANA MAMATAY 'YONG PUTA AT MGA ANAK NIYA

373
00:30:02,383 --> 00:30:05,220
Subukan mong bigyan sila ng...
Inilabas na silang lahat dito.

374
00:30:08,973 --> 00:30:11,851
Doon, doon kayo, sige na. Doon kayo.

375
00:30:17,273 --> 00:30:20,610
Mag-isa si Liz, umiiyak lang siya.

376
00:30:26,616 --> 00:30:29,244
Buti na lang, wala sa bahay
'yong mga anak niya,

377
00:30:29,744 --> 00:30:32,080
pero namatay ang lahat ng alaga niya.

378
00:30:35,917 --> 00:30:39,295
Nawalan ng tahanan
at lahat ng pag-aari niya.

379
00:30:45,844 --> 00:30:49,180
Naisip ko, "Magbabago na nang tuluyan
'yong takbo ng imbestigasyon."

380
00:30:50,974 --> 00:30:52,976
Kinontak ko ang fire investigator.

381
00:30:55,061 --> 00:30:58,189
Nagkita kami sa pinangyarihan,
nilibot ang bahay.

382
00:31:06,990 --> 00:31:10,910
May tubig pa,
may nakakasulasok na amoy ng apoy.

383
00:31:15,915 --> 00:31:19,127
Marami akong nakitang problema.

384
00:31:20,628 --> 00:31:22,881
Naisip ko, "Baka umabot ito

385
00:31:22,881 --> 00:31:25,842
sa puntong
may malubhang masaktan o mamatay."

386
00:31:25,842 --> 00:31:29,095
Sa isip ko lang,
"Dapat mahuli ko ang taong 'to!"

387
00:31:31,973 --> 00:31:35,977
Siyempre, kasama sa imbestigasyon namin
na kausapin si Liz.

388
00:31:37,228 --> 00:31:39,522
Ini-record ang interview sa tape.

389
00:31:40,607 --> 00:31:43,443
<i>Naiintindihan kong
may mga problemang nangyayari.</i>

390
00:31:43,443 --> 00:31:45,236
<i>Puwedeng sabihin mo sa akin?</i>

391
00:31:45,737 --> 00:31:47,113
<i>'Yong lalaking karelasyon ko,</i>

392
00:31:47,113 --> 00:31:49,490
<i>may girlfriend siya,
two weeks 'yong relasyon nila,</i>

393
00:31:49,490 --> 00:31:51,951
<i>at sino-stalk niya ako mula pa November.</i>

394
00:31:51,951 --> 00:31:54,162
<i>- Alam mo ba ang pangalan niya?
- Cari.</i>

395
00:31:55,288 --> 00:31:58,041
<i>Panay ang text niya,
papatayin niya raw kami ng mga anak ko.</i>

396
00:31:58,041 --> 00:32:02,295
<i>Okay po.
Halata namang sinadya 'yong sunog.</i>

397
00:32:03,922 --> 00:32:05,632
<i>E, paano 'yong pets ko?</i>

398
00:32:06,507 --> 00:32:09,594
<i>- 'Yong pets...
- Alam kong patay na sila, pero...</i>

399
00:32:09,594 --> 00:32:14,766
<i>Human Society na po
ang bahala sa kanila. Sorry po.</i>

400
00:32:16,517 --> 00:32:18,311
<i>Sana mawala na siya.</i>

401
00:32:31,282 --> 00:32:37,080
Pagkatapos ng sunog, kinuha ni Liz
ang maisasalba niya at lumipat siya.

402
00:32:37,080 --> 00:32:40,708
Hindi niya sinabi sa akin kung saan,
at di ko siya sinisisi.

403
00:32:40,708 --> 00:32:43,920
Ayaw niyang habulin siya ni Cari.

404
00:32:46,798 --> 00:32:49,550
Sa puntong 'yon,
pakiramdam ko, nag-iisa ako.

405
00:32:52,053 --> 00:32:54,889
Di ko alam kung magagalit ako,
malulungkot, o maiiyak.

406
00:32:56,808 --> 00:32:58,393
Nawalan ako ng partner,

407
00:32:58,393 --> 00:33:01,604
ng taong nakakaintindi
ng pinagdadaanan ko.

408
00:33:04,357 --> 00:33:08,945
Pakiramdam ko, dapat lang rin akong
mag-empake at umalis.

409
00:33:10,405 --> 00:33:12,073
Nagpalit ako ng phone,

410
00:33:12,657 --> 00:33:14,325
at nagpalit ng trabaho.

411
00:33:16,828 --> 00:33:20,081
Gusto kong buuin ulit ang buhay ko
nang malayo kay Cari.

412
00:33:22,083 --> 00:33:23,751
Pero sa isip ko lang,

413
00:33:23,751 --> 00:33:27,005
alam kong nand'yan lang siya.

414
00:33:33,636 --> 00:33:37,724
PAGKALIPAS NG ISANG TAON

415
00:33:49,277 --> 00:33:52,530
Maliit na agency lang
ang Pottawattamie County Sheriff's Office.

416
00:33:54,699 --> 00:33:58,244
Dalawang taon na'ng nakakaraan,
nabalitaan kong may iba pang mga detective

417
00:33:58,244 --> 00:34:01,998
na nag-iimbestiga
tungkol sa pagkawala ni Cari Farver.

418
00:34:02,874 --> 00:34:06,294
Ang alam ko, single mom siya
at nawala siya na parang bula.

419
00:34:07,503 --> 00:34:09,422
Walang nakakita sa kanya mismo,

420
00:34:09,422 --> 00:34:12,884
pero nakikipag-usap pa rin siya
sa email at sa text.

421
00:34:14,010 --> 00:34:17,346
Noong panahon ding 'yon,
ang detectives ng Omaha Police Department,

422
00:34:17,346 --> 00:34:22,268
{\an8}iniimbestigahan din 'yong arson,
harassment, at vandalism,

423
00:34:22,935 --> 00:34:27,899
pero matapos ng mahabang panahon,
walang narating ang mga imbestigador.

424
00:34:34,405 --> 00:34:37,533
{\an8}Interesting talaga para sa 'kin
ang kasong 'yon at naintriga ako.

425
00:34:41,996 --> 00:34:43,247
Kinausap ko si Jim,

426
00:34:43,247 --> 00:34:46,667
sinabi ko, "Magtanong tayo
kung puwede nating kunin 'yong kaso."

427
00:34:53,716 --> 00:34:55,802
Kami ni Ryan, mag-bestfriends kami.

428
00:34:57,762 --> 00:34:59,430
Ang galing ng tira mo, Ryan.

429
00:35:00,723 --> 00:35:03,518
Si Jim 'yong pinaka-urbanized
na cowboy na nakilala ko.

430
00:35:04,519 --> 00:35:07,563
Di pa yata siya nakakasakay ng kabayo,
pero pasado ang porma niya.

431
00:35:10,483 --> 00:35:13,778
Si Ryan, siya 'yong tipong
kumikilos muna bago mag-isip.

432
00:35:16,197 --> 00:35:17,115
Binabawi ko na.

433
00:35:20,076 --> 00:35:21,994
Mas organized ako.

434
00:35:24,831 --> 00:35:27,875
Pinupunuan namin ang pagkukulang
sa skills at abilidad ng isa't isa.

435
00:35:29,919 --> 00:35:32,547
Pinuntahan namin ni Avis 'yong boss namin,

436
00:35:32,547 --> 00:35:35,967
nagtanong kami kung puwede naming
i-takeover 'yong Cari Faver case,

437
00:35:35,967 --> 00:35:37,385
at pumayag naman siya.

438
00:35:47,645 --> 00:35:50,148
Pinuntahan namin si Nancy Raney,
'yong nanay ni Cari.

439
00:35:50,148 --> 00:35:51,858
Nakatira siya sa Macedonia, Iowa.

440
00:35:53,067 --> 00:35:55,653
Ikinuwento niya
kung paano nagsimula ang buong kaso.

441
00:35:58,739 --> 00:36:02,535
Ilang taon na noong huling kinausap kami
ng isang imbestigador nang harapan,

442
00:36:02,535 --> 00:36:04,495
kaya may mga duda ako.

443
00:36:04,495 --> 00:36:08,541
Siguro nawalan ako ng pasensiya sa kanya
no'ng dumating siya,

444
00:36:08,541 --> 00:36:11,002
kasi wala akong masyadong tiwala sa kanya.

445
00:36:11,544 --> 00:36:14,672
<i>Kailan po ba siya ninyo huling nakita?</i>

446
00:36:14,672 --> 00:36:18,342
<i>Hindi na namin siya nakita
mula pa noong November 11, 2012.</i>

447
00:36:18,342 --> 00:36:20,261
<i>A, dalawang taon na ang nakakaraan.</i>

448
00:36:22,263 --> 00:36:25,224
<i>Maikling panahon lang bago siya umalis,</i>

449
00:36:25,224 --> 00:36:28,019
<i>sinabi niya, "Magtatrabaho ako sa Kansas</i>

450
00:36:28,019 --> 00:36:30,813
<i>at $100,000 ang kikitain ko kada taon."</i>

451
00:36:31,939 --> 00:36:34,734
<i>At si Max, 'yong anak niya,
kinailangang tumira sa amin.</i>

452
00:36:36,235 --> 00:36:39,322
<i>Gusto kong malaman
kung kumusta siya bago siya umalis.</i>

453
00:36:39,322 --> 00:36:41,699
<i>Kung ano'ng nangyari,
kung may nabanggit ba siya.</i>

454
00:36:41,699 --> 00:36:44,702
<i>Pagod siya
kasi palagi siyang nagtatrabaho.</i>

455
00:36:45,703 --> 00:36:48,789
Siguro nga may mga bagay
na di siya sinabi sa akin,

456
00:36:48,789 --> 00:36:51,500
may mga bagay rin
akong di sinabi sa nanay ko.

457
00:36:52,460 --> 00:36:54,503
<i>Pero lagi siyang tumatawag.</i>

458
00:36:57,298 --> 00:37:01,844
<i>Hindi ko maintindihan,
at ini-report namin na nawawala siya.</i>

459
00:37:04,180 --> 00:37:07,183
<i>Kung nagpasya siya na ayaw na niya rito,</i>

460
00:37:07,183 --> 00:37:08,726
<i>desisyon na niya 'yon,</i>

461
00:37:08,726 --> 00:37:11,395
<i>pero gusto kong malaman
kung ayos lang siya,</i>

462
00:37:11,395 --> 00:37:13,940
<i>kung may sakit siya, kung nasaktan siya.</i>

463
00:37:23,074 --> 00:37:25,785
Noong una, hinawakan ko lang 'tong kaso

464
00:37:25,785 --> 00:37:27,203
kasi interesting.

465
00:37:27,203 --> 00:37:28,913
Pero no'ng nakita ko na si Nancy...

466
00:37:30,289 --> 00:37:31,165
nag-iba na.

467
00:37:31,165 --> 00:37:32,833
Gusto kong mabigyan siya ng sagot.

468
00:37:37,588 --> 00:37:39,757
Kung titingnan 'yong case file,

469
00:37:40,716 --> 00:37:43,094
nakalagay sa original report

470
00:37:43,094 --> 00:37:45,763
na may history
ng bipolar disorder si Cari.

471
00:37:48,057 --> 00:37:51,060
BIPOLAR SI CARI

472
00:37:51,769 --> 00:37:53,896
Oo, may problema siya sa depression.

473
00:37:54,522 --> 00:37:57,608
Malamang, nagdala siya ng gamot,

474
00:37:58,734 --> 00:38:00,111
{\an8}pero hindi.

475
00:38:00,111 --> 00:38:02,488
{\an8}GAMOT NA NAKITA SA BAHAY NI CARI

476
00:38:04,323 --> 00:38:06,117
Kung di iniinom ni Cari ang gamot niya,

477
00:38:06,117 --> 00:38:08,869
puwedeng 'yon kung bakit
nag-iba ang personality niya,

478
00:38:08,869 --> 00:38:12,915
'yong harassment,
'yong messages, 'yong stalking, lahat.

479
00:38:15,501 --> 00:38:17,920
Ang conclusion ng original investigators,

480
00:38:17,920 --> 00:38:20,965
sintomas ng mental health crisis
ang pagkawala niya.

481
00:38:24,677 --> 00:38:25,553
Umasa ako

482
00:38:26,971 --> 00:38:28,180
na babalik siya.

483
00:38:46,657 --> 00:38:49,618
Lumipat ako
at sinusubukan ko lang na magsimula ulit.

484
00:38:49,618 --> 00:38:51,370
Wala na si Liz sa buhay ko.

485
00:38:51,370 --> 00:38:53,998
Kaya, siyempre,
gusto kong makipag-date ulit.

486
00:38:59,962 --> 00:39:02,465
Nag-online ako ulit,
pumunta sa ibang dating site.

487
00:39:04,050 --> 00:39:04,925
LALAKI NAGHAHANAP NG BABAE

488
00:39:04,925 --> 00:39:05,968
CONNECTIONS MO

489
00:39:05,968 --> 00:39:08,512
Gumawa ng profiles, kumausap ng mga tao.

490
00:39:09,638 --> 00:39:12,183
May kinausap akong isang babae.

491
00:39:13,434 --> 00:39:17,396
Maganda ang takbo ng mga bagay,
nagcha-chat kami, nag-set up ng date.

492
00:39:31,160 --> 00:39:32,536
Isang oras na ako do'n.

493
00:39:32,536 --> 00:39:35,623
Lumapit ang waiter. Sinabing,
"Inindian kayo?" o kung anuman 'yon.

494
00:39:35,623 --> 00:39:37,291
Sabi ko naman, "Mukha nga."

495
00:39:40,086 --> 00:39:42,671
{\an8}PARATING NA AKO PERO MALE-LATE AKO.

496
00:39:42,671 --> 00:39:44,882
Kaya umupo na muna ako.

497
00:39:48,803 --> 00:39:49,929
Nang umupo...

498
00:39:51,889 --> 00:39:52,848
Nang umupo...

499
00:39:54,266 --> 00:39:55,267
Nang umupo.

500
00:39:57,269 --> 00:39:59,855
At no'ng naisip ko na hindi siya pupunta,

501
00:39:59,855 --> 00:40:01,565
nag-message siya ulit.

502
00:40:01,565 --> 00:40:03,192
SI CARI 'TO

503
00:40:04,860 --> 00:40:06,362
PUTANG INA MO

504
00:40:10,282 --> 00:40:13,244
Nagkamali ako
at pinabalik si Cari sa buhay ko.

505
00:40:19,417 --> 00:40:23,462
Pero ngayon, mas nagiging malala na.

506
00:40:25,673 --> 00:40:30,469
Bigla-bigla na lang,
'yong ex kong si Amy ang naging target.

507
00:40:32,513 --> 00:40:36,475
MAGHINTAY KA, GIGILITAN KO ANG LEEG NIYA

508
00:40:37,935 --> 00:40:40,938
May natanggap akong messages ni Cari.

509
00:40:41,522 --> 00:40:44,442
nagsasabing dapat kong layuan si Dave.

510
00:40:47,069 --> 00:40:50,239
KUNG MAPAPATAY LANG KITA, GAGAWIN KO

511
00:40:51,532 --> 00:40:52,533
Kinilabutan ako.

512
00:40:57,246 --> 00:41:01,250
Pagkatapos, idinamay na sa text
'yong mga anak ko.

513
00:41:12,178 --> 00:41:16,265
Isang weekend, pumunta kami ng mga bata
sa park para maglaro sandali.

514
00:41:24,565 --> 00:41:28,194
NASA SLIDE SI RYAN

515
00:41:31,530 --> 00:41:34,700
AT ITINUTULAK MO SI LEXI SA SWING

516
00:41:34,700 --> 00:41:37,036
Alam niya 'yong mga ginagawa namin.

517
00:41:55,304 --> 00:41:58,891
Iniisip ko,
"Palagi ba niya akong sinusundan?"

518
00:42:03,646 --> 00:42:06,941
Isang gabi, nakatanggap ako
ng text ni Cari,

519
00:42:06,941 --> 00:42:09,360
sinabi niya,

520
00:42:10,945 --> 00:42:14,990
gigilitan daw niya ang leeg
ng mga anak ko habang natutulog.

521
00:42:18,118 --> 00:42:21,789
Nakita ko ang anak kong natutulog sa sofa,
may katabing baseball bat.

522
00:42:22,289 --> 00:42:24,625
Ginising ko
at sinabihang doon siya sa kuwarto niya,

523
00:42:24,625 --> 00:42:27,419
at no'ng tinanong ko siya
kung bakit siya nasa sofa,

524
00:42:27,419 --> 00:42:30,756
sinabi niyang poprotektahan niya kami.

525
00:42:32,299 --> 00:42:33,592
Nakakadurog ng puso.

526
00:42:35,928 --> 00:42:38,347
Dapat walang batang makaramdam ng gano'n.

527
00:42:43,811 --> 00:42:45,938
Baril ang hinahanap ko.

528
00:42:45,938 --> 00:42:48,607
'Yong pang target po ba...

529
00:42:48,607 --> 00:42:53,279
Pakiramdam ko no'n,
malapit nang may totoong masaktan.

530
00:42:54,572 --> 00:42:57,074
Kailangan kong protektahan ang pamilya ko.

531
00:42:58,576 --> 00:43:01,036
Kaya binilhan ako ng tatay ko ng baril.

532
00:43:02,705 --> 00:43:06,000
Smith & Wesson
na nine-millimeter automatic 'yon.

533
00:43:06,000 --> 00:43:08,127
Sa likod tayo,
aasikasuhin namin para sa 'yo.

534
00:43:11,046 --> 00:43:13,841
Hindi ako gunslinger.
Di ko 'yon isasabit sa bewang ko.

535
00:43:13,841 --> 00:43:18,679
Nandoon 'yon sa taas ng closet sa bedroom,
doon sa talagang di maaabot ng mga bata,

536
00:43:18,679 --> 00:43:23,642
pero maaabot at makukuha ko
kung tingin ko, kailangan ko.

537
00:43:24,351 --> 00:43:26,645
Ayoko na kailanganin kong gamitin 'yon.

538
00:43:34,903 --> 00:43:36,864
Maraming misteryo sa kasong 'to.

539
00:43:37,823 --> 00:43:39,992
Pero ang pinakamalaking misteryo,

540
00:43:39,992 --> 00:43:44,371
dalawang taon nang ni walang sinuman
ang nakakita o nakakausap kay Cari.

541
00:43:45,789 --> 00:43:49,418
'Yong emails at mesages
at 'yong social media,

542
00:43:49,418 --> 00:43:51,420
di 'yon patunay
na buhay pa si Cari Farver.

543
00:43:53,714 --> 00:43:56,842
Sa messages, sinabi ni Cari
na titigil na siya sa trabaho,

544
00:43:56,842 --> 00:43:59,303
lilipat ng Kansas,
at kailangan lang niya ng space.

545
00:43:59,303 --> 00:44:01,430
{\an8}PAGHALUGHOG NG TIRAHAN

546
00:44:01,430 --> 00:44:05,559
{\an8}Pero noong tiningnan namin ang original
na pictures ng bahay ni Cari,

547
00:44:06,185 --> 00:44:09,188
nakita naming
puno pa ng damit ang closet niya.

548
00:44:09,813 --> 00:44:12,191
Lahat ng pag-aari niya, nasa bahay pa.

549
00:44:12,691 --> 00:44:14,818
Parang babalik lang siya pagkabukas.

550
00:44:14,818 --> 00:44:16,528
Babalik siya ngayong hapon.

551
00:44:17,029 --> 00:44:18,489
Walang nag-iba.

552
00:44:19,406 --> 00:44:23,911
Maayos pa 'yong kama,
may nakasablay pang coat sa silya.

553
00:44:25,162 --> 00:44:28,832
Walang senyales na nag-empake siya
at lumipat sa ibang siyudad.

554
00:44:30,918 --> 00:44:34,713
May bank records kami ni Cari,
nakakita kami ng dalawang transactions

555
00:44:34,713 --> 00:44:37,508
at naganap 'yon
dalawang araw matapos mawala siya.

556
00:44:38,717 --> 00:44:40,636
Pagkatapos no'n, wala na.

557
00:44:41,136 --> 00:44:43,555
At siyempre,
mahirap mabuhay ng walang pera.

558
00:44:48,894 --> 00:44:50,437
Noong nawala siya,

559
00:44:51,355 --> 00:44:53,273
malapit nang mamatay ang papa niya.

560
00:44:55,567 --> 00:45:00,072
Naniniwala akong di siya aalis,
kasi malubha ang sakit ng tatay niya.

561
00:45:02,366 --> 00:45:04,535
Dalawa, tatlong linggo
matapos niyang mamatay,

562
00:45:04,535 --> 00:45:07,496
napanaginipan ko siya
at parang totoong-totoo 'yong panaginip.

563
00:45:07,496 --> 00:45:09,415
Doon sa panaginip, sinabi niya,

564
00:45:09,957 --> 00:45:12,501
"Nance, kasama ko siya,
wag kang mag-alala."

565
00:45:16,213 --> 00:45:17,840
Naaalala ko pa rin ang mukha niya.

566
00:45:19,842 --> 00:45:22,136
Pero dapat nandito ako para kay Max,

567
00:45:23,262 --> 00:45:25,013
para bigyan siya ng stable na buhay.

568
00:45:25,806 --> 00:45:27,599
Fourteen pa lang siya.

569
00:45:28,684 --> 00:45:31,520
Di ko alam
kung dahil ba nanay ako, pero alam ko.

570
00:45:31,520 --> 00:45:32,855
Wala na si Cari.

571
00:45:41,280 --> 00:45:43,782
Noong pumunta si Jim
at kinausap ulit kami,

572
00:45:44,867 --> 00:45:47,286
Sinabi ko, "Tingin ko,
di siya nagkusang umalis."

573
00:45:47,286 --> 00:45:50,581
At... tiningnan niya ako at sinabing,

574
00:45:50,581 --> 00:45:53,292
"Tingin ko, di rin siya umalis
nang siya lang."

575
00:45:53,292 --> 00:45:55,586
Niyakap ko siya at umiyak ako,

576
00:45:55,586 --> 00:45:59,590
kasi wala sa mga awtoridad
ang nagsabi sa akin ng gano'n dati.

577
00:46:04,136 --> 00:46:07,306
Kung wala na si Cari,
magbabago ang takbo ng kaso.

578
00:46:14,897 --> 00:46:17,983
Puro teorya at haka-haka lang dati,

579
00:46:17,983 --> 00:46:19,943
pero itinuloy namin 'yong kaso,

580
00:46:19,943 --> 00:46:23,238
at itinuring namin na death investigation.

581
00:46:27,117 --> 00:46:30,037
Alam naming ilang taon nang
nakakatanggap sina Dave at Liz

582
00:46:30,037 --> 00:46:32,748
ng mga text at emails na nangha-harrass.

583
00:46:34,374 --> 00:46:38,086
Pero kung patay na si Cari,
malinaw na hindi siya ang nagpadala.

584
00:46:38,921 --> 00:46:40,839
Kaya, para malaman ang nangyari kay Cari,

585
00:46:40,839 --> 00:46:43,091
dapat malaman
kung kanino galing ang messages.

586
00:46:46,678 --> 00:46:48,222
Kailangan namin ng IT guy.

587
00:46:53,018 --> 00:46:54,019
Sandali lang, ha.

588
00:46:59,274 --> 00:47:01,944
{\an8}May Soylent ako

589
00:47:02,945 --> 00:47:04,279
{\an8}na may caffeine,

590
00:47:04,279 --> 00:47:06,281
{\an8}at kape, na may caffeine din,

591
00:47:06,281 --> 00:47:09,660
at tira-tira ng huling kape ko,
na may caffeine din.

592
00:47:10,619 --> 00:47:12,871
Nagtrabaho si Tony Kava
sa IT department namin,

593
00:47:12,871 --> 00:47:16,291
at volunteer din siya
sa sheriff's office bilang deputy.

594
00:47:16,291 --> 00:47:17,251
Soylent.

595
00:47:17,251 --> 00:47:18,836
Ano 'yong Soylent?

596
00:47:18,836 --> 00:47:22,840
'Yong iniinom ng nerds imbes na kumain.

597
00:47:22,840 --> 00:47:27,636
Kumakain ako ng dalawa o tatlo nito
sa isang araw, tapos kumakain ng hummus.

598
00:47:28,679 --> 00:47:32,182
Bilang reserve deputy,
binabayaran si Tony ng $1 kada taon

599
00:47:32,182 --> 00:47:34,810
para tumulong
sa digital forensics investigations.

600
00:47:34,810 --> 00:47:39,231
Hindi ko alam kung halata,
pero "on the spectrum" din daw ako.

601
00:47:40,357 --> 00:47:42,484
Maiintindihan mo pag nakita mong

602
00:47:42,484 --> 00:47:44,945
pareho lang ang kinakain
at iniinom ko araw-araw.

603
00:47:44,945 --> 00:47:48,323
Sa tingin ko nakakatulong nga 'to
sa investigations at kung ano pa.

604
00:47:54,997 --> 00:47:59,084
{\an8}Sa Cari Farver case,
may daang libong email messages,

605
00:47:59,084 --> 00:48:01,169
daang libong text messages.

606
00:48:02,296 --> 00:48:04,882
Digital evidence
sa loob ng higit dalawang taon.

607
00:48:04,882 --> 00:48:07,259
Kung mahahanap natin ang pinanggalingan,

608
00:48:07,259 --> 00:48:09,469
baka malaman natin ang nangyari kay Cari.

609
00:48:13,181 --> 00:48:15,434
Bawat computer sa Internet,
may IP address.

610
00:48:16,018 --> 00:48:17,227
{\an8}TINGNAN ANG SOURCE

611
00:48:17,227 --> 00:48:19,229
{\an8}Internet Protocol ang ibig sabihin no'n.

612
00:48:20,105 --> 00:48:23,483
Parang address ng bahay mo,
pero ito, sa computer mo nga lang.

613
00:48:23,483 --> 00:48:26,778
At kung mahahanap natin
'yong IP address ng email,

614
00:48:26,778 --> 00:48:28,822
o 'yong ginamit sa pag-send ng text,

615
00:48:28,822 --> 00:48:32,576
puwedeng magamit 'yon sa pag-trace
'yong totoong location.

616
00:48:34,494 --> 00:48:36,997
Pero, 'yong nagse-send ng messages,

617
00:48:36,997 --> 00:48:41,460
gumagamit ng iba't ibang service
para matago ang totoong IP address niya.

618
00:48:41,460 --> 00:48:45,339
Mga VPN, proxy,
minsan pa nga 'yong Wi-Fi sa McDonald's.

619
00:48:48,342 --> 00:48:51,803
Sigurado ako na may IP address doon

620
00:48:51,803 --> 00:48:54,389
na magiging susi sa pag-solve nito.

621
00:48:54,932 --> 00:48:57,517
Ang solution,
gawin 'yong kailangan kong program.

622
00:49:06,693 --> 00:49:07,986
Tinawag ko 'yong Dex.

623
00:49:10,781 --> 00:49:14,493
Noong handa na 'yong Dex,
tinanong ko 'yon.

624
00:49:17,996 --> 00:49:22,042
Sinubukan kong maghanap ng pattern
sa magulong impormasyon na 'yon.

625
00:49:27,172 --> 00:49:29,299
Milyon-milyon 'yong IP na nasa amin.

626
00:49:30,050 --> 00:49:31,969
Tinanong ko, "Ilan doon ang unique?"

627
00:49:38,475 --> 00:49:40,894
Na-narrow down ko sa 13,000.

628
00:49:42,396 --> 00:49:44,231
Tapos, nag-follow up ako,

629
00:49:44,231 --> 00:49:48,610
"Ibigay mo 'yong top ten IP addresses
na laging lumalabas sa kasong 'to."

630
00:49:52,614 --> 00:49:56,326
Sa top ten na IP addresses
na laging lumalabas sa kasong 'to,

631
00:49:56,326 --> 00:49:59,246
walo doon ang VPNs.
HIndi natin magagamit 'yon.

632
00:50:01,373 --> 00:50:04,209
Pero 'yong top one,
'yong palaging lumalabas,

633
00:50:05,210 --> 00:50:11,550
174.71.6.113 'yong IP address.

634
00:50:21,268 --> 00:50:25,272
Konektado ang IP address na 'yon
sa isang bahay sa Council Bluffs, Iowa.

635
00:50:26,106 --> 00:50:30,193
Bahay 'yon ng lalaking
nagngangalang Todd Butterbaugh.

636
00:50:31,111 --> 00:50:32,821
Nakakagulat talaga 'yon kasi...

637
00:50:34,364 --> 00:50:37,200
nagtatrabaho si Todd
sa Pottawattamie County,

638
00:50:37,784 --> 00:50:39,036
at ako ang boss niya.

639
00:50:42,372 --> 00:50:45,625
Siyempre, ang awkward.

640
00:50:51,506 --> 00:50:54,384
Ang unang hakbang,
'yong itago ang case file

641
00:50:54,384 --> 00:50:57,304
kasi taga-IT siya,
may access siya sa mga files na 'yon.

642
00:50:59,306 --> 00:51:03,185
Pinakitaan siya namin ng search warrant
para mahalughog ang bahay niya.

643
00:51:06,813 --> 00:51:08,690
Pinaghinalaan naming lahat si Todd.

644
00:51:08,690 --> 00:51:10,525
IT computer guy siya,

645
00:51:10,525 --> 00:51:14,112
at maraming digital sa kasong 'to.

646
00:51:16,281 --> 00:51:18,992
Pero nagtanong kami
kung sino'ng kasama niya sa bahay,

647
00:51:18,992 --> 00:51:20,452
at gumagamit ng Wi-Fi.

648
00:51:22,120 --> 00:51:25,540
Sinabi niya, may on-off girlfriend siya.

649
00:51:25,540 --> 00:51:27,000
BAHAY NI TODD

650
00:51:27,000 --> 00:51:30,587
Sa bahay siya ni Todd nakikitira
mula noong nasunog 'yong bahay niya.

651
00:51:37,677 --> 00:51:40,764
'Yong on-off girlfriend ni Tod,
'yong ka-live-in niya,

652
00:51:41,681 --> 00:51:43,683
si Liz Golyar.

653
00:51:47,187 --> 00:51:48,647
Nawindang talaga ko.

654
00:51:49,231 --> 00:51:52,567
Bigla na lang nagbago ang kaso
nang gano'n na lang.

655
00:51:55,570 --> 00:52:00,242
Sinabi ni Todd na ilang taon nang
ginagamit ni Liz 'yong Wi-Fi niya.

656
00:52:03,995 --> 00:52:05,997
Pinagtagpi-tagpi namin
ang digital evidence

657
00:52:05,997 --> 00:52:08,166
sa lahat ng email accounts at iba pa,

658
00:52:08,166 --> 00:52:11,628
malinaw na si Liz ang itinuturo.

659
00:52:13,797 --> 00:52:17,217
Lahat 'yon, ipinapalabas
na ini-impersonate ni Liz si Cari

660
00:52:17,217 --> 00:52:19,177
mula nang nawala si Cari.

661
00:52:20,804 --> 00:52:25,350
Bawat message na ipinadala kay Dave,
kay Liz, kay Nancy, kay Max,

662
00:52:25,350 --> 00:52:26,768
galing kay Liz lahat.

663
00:52:27,602 --> 00:52:30,230
Akala namin, si Liz ang biktima.

664
00:52:30,230 --> 00:52:31,356
Pero hindi totoo 'yon.

665
00:52:31,356 --> 00:52:33,900
Ang totoo, si Liz 'yong stalker.

666
00:52:49,749 --> 00:52:54,045
Dumating 'yong mga sheriff
at sinabing si Liz ang may pakana.

667
00:52:57,048 --> 00:52:59,050
Di ako makapag-isip bigla.

668
00:53:00,844 --> 00:53:04,222
Pumunta ako sa likod ng shop
kung nasaan 'yong toolbox ko,

669
00:53:04,222 --> 00:53:07,100
sinandalan ko 'yon at umiyak ako.

670
00:53:18,320 --> 00:53:21,406
Sinubukan kong isa-isahin
ang bawat piraso ng puzzle

671
00:53:21,406 --> 00:53:22,991
at buuin ang mga 'yon.

672
00:53:28,496 --> 00:53:33,001
Hindi si Cari
'yong nasa labas ng bahay at nagte-text.

673
00:53:35,378 --> 00:53:37,881
Hindi si Cari 'yong gumasgas ng kotse ko,

674
00:53:37,881 --> 00:53:40,008
o 'yong sumunog ng bahay ni Liz,

675
00:53:40,008 --> 00:53:42,427
o 'yong bumasag
ng mga lintik na binata ko.

676
00:53:49,476 --> 00:53:52,520
Si Liz pala 'yong stalker,
simula pa ng umpisa.

677
00:53:54,189 --> 00:53:56,274
Ano, nakakasira ng bait.

678
00:53:58,318 --> 00:54:00,153
Hindi ako natagalan

679
00:54:00,862 --> 00:54:02,739
sa pag-intindi ng nangyayari

680
00:54:02,739 --> 00:54:06,534
para isiping baka patay na si Cari

681
00:54:07,452 --> 00:54:09,120
at mahirap tanggapin 'yon.

682
00:54:11,081 --> 00:54:12,290
Sobrang hirap.

683
00:54:26,388 --> 00:54:28,932
Sa puntong 'yon,
naniniwala kaming si Liz ang may pakana

684
00:54:28,932 --> 00:54:30,767
ng kung ano ang nangyari kay Cari,

685
00:54:30,767 --> 00:54:33,979
pero 'yong pag-impersonate lang niya
kay Cari ang mapapatunayan namin.

686
00:54:33,979 --> 00:54:34,896
'Yon lang.

687
00:54:34,896 --> 00:54:36,982
Di namin masasabi ang nangyari kay Cari,

688
00:54:36,982 --> 00:54:39,109
{\an8}di namin masasabi kung sangkot si Liz,

689
00:54:39,109 --> 00:54:41,695
{\an8}at di puwedeng
basta na lang namin hulihin si Liz.

690
00:54:41,695 --> 00:54:44,614
{\an8}Pero siya ang naging primary suspect
sa nangyari kay Cari.

691
00:54:45,615 --> 00:54:47,367
Ngayon, kailangan naming tingnan

692
00:54:47,367 --> 00:54:50,870
sa ibang anggulo
ang lahat ng ebidensiyang nakolekta.

693
00:54:54,165 --> 00:54:57,335
Naniwala ang original investigators
na si Liz ang biktima,

694
00:54:58,211 --> 00:55:00,005
kaya dinownload nila ang phone niya

695
00:55:00,005 --> 00:55:02,966
isang buwan at kalahati pa lang
bago mawala si Cari.

696
00:55:06,469 --> 00:55:08,763
Noong tinitingnan ko
ang downloads ng phone ni Liz,

697
00:55:10,223 --> 00:55:12,726
May nakita akong
di nakita ng original investigators.

698
00:55:18,523 --> 00:55:21,067
May picture ng kotse ni Cari,

699
00:55:21,067 --> 00:55:23,778
na kinuha noong Christmas eve noong 2012.

700
00:55:26,156 --> 00:55:27,532
DI TUGMA ANG MGA PETSA!

701
00:55:27,532 --> 00:55:29,034
Dito sa case file,

702
00:55:29,034 --> 00:55:32,829
{\an8}makikita natin na hangang January 8,
hindi pa na-recover ng police ang kotse.

703
00:55:33,580 --> 00:55:37,500
{\an8}Parang ipinapakita nito na alam ni Liz
kung nasaan ang kotse.

704
00:55:38,043 --> 00:55:41,880
{\an8}Naglabas 'yon
ng bagong anggulo sa imbestigasyon.

705
00:55:41,880 --> 00:55:43,673
{\an8}SINUSURI ANG SASAKYAN NI CARI

706
00:55:43,673 --> 00:55:46,801
Noong na-recover ang sasakyan
noong January 2013,

707
00:55:46,801 --> 00:55:48,219
sinuri 'yon.

708
00:55:51,598 --> 00:55:56,394
Noong binabasa ko 'yong report,
nakita kong may fingerprint na natuklasan.

709
00:55:57,979 --> 00:55:59,856
Nasa loob ng sasakyan 'yong fingerprint,

710
00:55:59,856 --> 00:56:02,442
nasa mint container
na nasa center console.

711
00:56:04,194 --> 00:56:08,239
Ikinumpara namin 'yon
sa fingerprints ni Liz.

712
00:56:12,744 --> 00:56:15,747
Nag-match. Kay Liz 'yong fingerprints
sa mint container.

713
00:56:17,415 --> 00:56:21,503
Solid evidence 'to
na pumasok si Liz sa kotse ni Cari

714
00:56:21,503 --> 00:56:25,131
bago pa mag-January 8, noong na-recover
namin 'yong sasakyan noong 2013.

715
00:56:26,591 --> 00:56:28,218
Malaking break 'yon para sa amin,

716
00:56:28,843 --> 00:56:31,262
pero, di pa rin nasasagot ang mga tanong

717
00:56:31,262 --> 00:56:34,349
sa kung ano'ng nangyari kay Cari
o kung nasaan siya.

718
00:56:38,103 --> 00:56:40,438
{\an8}Sa puntong 'yon, malaki na ang nakataya

719
00:56:40,438 --> 00:56:43,566
{\an8}kasi di namin alam kung ano
ang kayang gawin ni Liz.

720
00:56:52,492 --> 00:56:54,744
Habang naghahanap pa kami ng evidence,

721
00:56:55,245 --> 00:56:58,498
naglagay kami ng tracker
sa sasakyan ni Liz.

722
00:57:07,715 --> 00:57:10,844
{\an8}Lagi naming mino-monitor
'yong GPS location niya.

723
00:57:27,569 --> 00:57:33,199
Nalaman naming nagda-drive siya
at umiikot siya sa bahay ni Amy araw-araw.

724
00:57:40,832 --> 00:57:44,335
Kaya sa puntong 'to,
nag-alala na kami sa kaligtasan ni Amy.

725
00:57:55,138 --> 00:57:58,600
Binibisita ko 'yong mga bata
tuwing Sunday night.

726
00:57:59,267 --> 00:58:02,896
Nakakauwi ako, mga 8:30 na, alas nuwebe.

727
00:58:03,897 --> 00:58:06,149
Pumasok ako ng kuwarto para magpalit.

728
00:58:07,275 --> 00:58:11,696
Pagbukas ko ng pinto ng closet,
napansin kong may gumalaw ng baril ko.

729
00:58:17,869 --> 00:58:19,120
Nawala 'yong baril.

730
00:58:19,120 --> 00:58:20,413
Wala ro'n.

731
00:58:23,708 --> 00:58:25,752
Nanlamig ako. Sabi ko, "Lintik."

732
00:58:48,608 --> 00:58:50,902
<i>911, nasaan po ang emergency?</i>

733
00:58:51,402 --> 00:58:52,362
<i>Binaril ako.</i>

734
00:58:52,862 --> 00:58:54,197
<i>Okay, nasaan po kayo?</i>

735
00:58:54,948 --> 00:58:58,326
<i>Nasa park malapit sa sheriff's department.</i>

736
00:59:00,286 --> 00:59:03,456
Noong gabi ng December 5, 2015,

737
00:59:03,456 --> 00:59:07,210
nasa labas ako, kinokontrol ang traffic
sa isang nativity scene.

738
00:59:07,210 --> 00:59:10,171
Habang ginagawa ko 'yon,
may narinig akong radio call.

739
00:59:10,171 --> 00:59:12,757
May binaril daw sa Big Lake Park.

740
00:59:14,884 --> 00:59:17,011
<i>Okay po. Matindi po ba ang pagdugo?</i>

741
00:59:17,804 --> 00:59:20,682
<i>Balot ng dugo ang paa at binti ko.</i>

742
00:59:21,432 --> 00:59:24,602
<i>Okay po. Nand'yan pa po ba 'yong bumaril?</i>

743
00:59:25,436 --> 00:59:27,814
<i>Wala na siguro. Tumakbo na.</i>

744
00:59:29,190 --> 00:59:31,025
Babaeng binaril sa Big Lake Park.

745
00:59:31,901 --> 00:59:35,989
No'ng narinig ko 'yon,
biglang nanlamig ang buong katawan ko.

746
00:59:35,989 --> 00:59:38,408
Biglang gano'n... Kumbinsido ako

747
00:59:38,408 --> 00:59:42,745
na 'yong ex-wife ni David na si Amy Flora
'yong binaril sa Big Lake Park.

748
00:59:43,788 --> 00:59:46,332
<i>- Kilala po ba ninyo 'yong bumaril?
- Hindi.</i>

749
00:59:48,459 --> 00:59:51,629
<i>- Babae po ba o lalaki?
- Babae.</i>

750
00:59:53,965 --> 00:59:56,134
Maya-maya, may news report,

751
00:59:56,134 --> 00:59:59,220
may binaril daw na babae
at Liz Golyar ang pangalan niya.

752
01:00:04,183 --> 01:00:06,352
<i>'Yong tanong na tumatakbo sa utak namin,</i>

753
01:00:08,313 --> 01:00:10,523
"Sino 'yong gustong bumaril kay Liz?"

754
01:00:15,695 --> 01:00:19,574
<i>Pagkagimbal at pagaalintana ang bumabalot
sa nangyaring pagbaril sa isang park.</i>

755
01:00:19,574 --> 01:00:23,745
<i>Hanggang ngayon, di pa nahanap ng pulisya
ang babaeng may binaril na babae sa paa.</i>

756
01:00:23,745 --> 01:00:25,955
<i>Mukhang kakaiba ang mga nangyari.</i>

757
01:00:26,789 --> 01:00:29,334
Ang narinig ko lang,
"Pulis, buksan mo 'to."

758
01:00:30,501 --> 01:00:32,211
Binuksan ko 'yong pinto,

759
01:00:32,211 --> 01:00:36,507
at may dalawang officers
na nakalabas na 'yong baril.

760
01:00:37,467 --> 01:00:38,551
Natakot ako.

761
01:00:39,636 --> 01:00:42,680
Insiip ko,
"Ano'ng mangyayari sa mga anak ko?"

762
01:00:43,973 --> 01:00:45,183
"Makukulong ako."

763
01:00:52,482 --> 01:00:54,442
Noong naka-recover na siya
sa pagkakabarill,

764
01:00:55,068 --> 01:00:57,904
inimbitahan namin si Liz
sa sheriff's office para ma-interview.

765
01:00:59,697 --> 01:01:03,284
<i>Ako po si Investigator Doty,
Nagtatrabaho po ako sa Sheriff's Office.</i>

766
01:01:05,787 --> 01:01:08,665
<i>Alam ko po ang nangyari sa Big Lake.</i>

767
01:01:08,665 --> 01:01:10,875
<i>- Okay.
- Nabasa ko na ang initial police report.</i>

768
01:01:10,875 --> 01:01:14,754
<i>At na-ID ko si Amy
bilang prime suspect. Okay po?</i>

769
01:01:15,338 --> 01:01:17,465
<i>Puwede nga niyang gawin 'yon.</i>

770
01:01:18,424 --> 01:01:21,260
'Yong totoo, di ako nagsuspetsa
na binaril ni Amy si Liz.

771
01:01:23,137 --> 01:01:27,225
Parang kalokohan, pero suspetsa namin,
si Liz ang gumawa nito sa sarili niya.

772
01:01:31,896 --> 01:01:35,233
Naniniwala kaming ninakaw ni Liz
'yong baril sa apartment ni Dave,

773
01:01:37,694 --> 01:01:40,238
tapos ginamit niya
para barilin ang sarili niya.

774
01:01:42,156 --> 01:01:43,700
<i>Binaril ako sa paa.</i>

775
01:01:46,661 --> 01:01:48,955
Parang sinusubukan niyang i-setup si Amy,

776
01:01:48,955 --> 01:01:52,458
di lang sa pagbaril,
pero pati na rin sa pagpatay kay Cari.

777
01:01:54,836 --> 01:01:57,797
<i>Alam kong may galit sa 'yo si Amy.</i>

778
01:01:57,797 --> 01:02:01,050
<i>At katulad rin 'yon
ng galit niya kay Cari.</i>

779
01:02:01,050 --> 01:02:03,386
<i>- Nangyari ba na...
- Sinabi niya kay Dave 'yon.</i>

780
01:02:03,386 --> 01:02:04,387
<i>Sinabi niya sa akin.</i>

781
01:02:04,387 --> 01:02:09,058
<i>- Ano po ang sinabi niya tungkol kay Cari?
- Gusto niyang bugbugin nang matindi.</i>

782
01:02:09,892 --> 01:02:13,521
Alam namin 'yong laro ni Liz,
at nakilaro na rin kami sa sinabi niya.

783
01:02:14,105 --> 01:02:15,314
<i>Sa isip ko lang,</i>

784
01:02:15,314 --> 01:02:19,444
<i>kung ganyan siya katapang
para barilin ka niya</i>

785
01:02:19,444 --> 01:02:22,822
<i>sige, siguro gano'n din siya katapang
para may gawin kay Cari.</i>

786
01:02:24,615 --> 01:02:28,077
Naisip naming tutulungan niya kami
sa abot ng makakaya niya,

787
01:02:28,077 --> 01:02:29,787
kung ikukulong namin si Amy.

788
01:02:29,787 --> 01:02:33,166
Kaya sinamantala namin 'yon
para baliktarin ang sitwasyon,

789
01:02:33,166 --> 01:02:34,834
at linlangin siya.

790
01:02:35,418 --> 01:02:37,336
<i>Kung aalahanin ninyo...</i>

791
01:02:37,336 --> 01:02:41,299
<i>kung may pagkakataong
nag-usap kayo ni Amy sa anumang paraan,</i>

792
01:02:41,299 --> 01:02:44,927
<i>at masiguro ninyong
may sinabi siyang mas matindi</i>

793
01:02:44,927 --> 01:02:46,929
<i>kaysa sa, "gusto kong bugbugin si Cari."</i>

794
01:02:46,929 --> 01:02:49,599
<i>Kung nagpahayag siya ng matinding banta,</i>

795
01:02:49,599 --> 01:02:52,435
<i>o nagpahiwatig
na may ginawa siya kay Cari,</i>

796
01:02:52,435 --> 01:02:55,688
<i>sobrang importante po sa 'kin
kung may ganoon kami.</i>

797
01:02:55,688 --> 01:02:58,441
<i>Kasi kung meron,
puwede kaming gumawa ng kaso.</i>

798
01:02:59,066 --> 01:03:02,653
Sana may isulat si Liz
na nagkukunwaring siya si Amy,

799
01:03:02,653 --> 01:03:04,822
at sana sapat na
ang impormasyong makuha namin

800
01:03:04,822 --> 01:03:07,784
para makagawa kami ng kaso laban kay Liz.

801
01:03:12,622 --> 01:03:14,624
Akala ni Liz, mas matalino siya sa amin,

802
01:03:14,624 --> 01:03:17,043
pero maraming hakbang
ang lamang namin sa kanya.

803
01:03:19,045 --> 01:03:23,090
BINARIL KITA SA BIG LAKE PARK
KASI HINDI MO NILALAYUAN SI DAVE

804
01:03:23,674 --> 01:03:25,676
Ilang araw matapos ng interview ni Liz,

805
01:03:25,676 --> 01:03:27,804
nag-forward siya
ng messages galing kay Amy.

806
01:03:29,347 --> 01:03:33,184
Umaaming, "Binaril kita sa Big Lake Park
kasi hindi mo nilalayuan si Dave."

807
01:03:35,603 --> 01:03:38,231
Alam naming si Liz lang 'yon,
ginagamit ang pangalan ni Amy

808
01:03:38,231 --> 01:03:40,107
sa pagpapadala ng mensahe.

809
01:03:41,400 --> 01:03:42,610
Magandang simula 'yon,

810
01:03:43,861 --> 01:03:48,366
pero kailangan pa namin ng impormasyon
kung ano ang talagang nangyari kay Cari.

811
01:03:55,248 --> 01:03:58,251
Alam kong di basta-bastang mahuhuli
ng pulis si Liz,

812
01:03:58,251 --> 01:04:00,711
kasi kulang ang ebidensiya nila
para masakdal siya.

813
01:04:02,421 --> 01:04:06,133
Pero ako, 'yong mga bata, at si Amy,
lahat kami namemeligro.

814
01:04:06,133 --> 01:04:10,805
Hindi namin alam kung may mangyayari
at kung anong kabaliwan ang mangyayari.

815
01:04:15,893 --> 01:04:18,646
Kung kaya niyang barilin sarili niya,
ano pa ang kaya niya?

816
01:04:20,690 --> 01:04:22,817
Sobrang natakot ako sa puntong 'yon.

817
01:04:27,446 --> 01:04:30,700
{\an8}Nag-alala ako kay Amy at sa mga anak niya,

818
01:04:31,909 --> 01:04:33,411
{\an8}kaya gumawa ako ng plano.

819
01:04:41,961 --> 01:04:45,298
Kinausap ko si Dave
at ini-record ang pinag-usapan namin.

820
01:04:45,965 --> 01:04:48,426
<i>Mag-usap tayo ng ama sa ama,
lalaki sa lalaki,</i>

821
01:04:48,426 --> 01:04:52,597
<i>Gagawin ko ang lahat
para makasama ko ang mga anak ko.</i>

822
01:04:58,936 --> 01:05:02,064
<i>Siguro titira ako kina Amy
kung ako ang nasa lugar mo.</i>

823
01:05:02,064 --> 01:05:02,982
<i>Sige.</i>

824
01:05:06,360 --> 01:05:09,447
<i>Kung dapat magbalikan kami ng ex ko
at tumira akong kasama siya,</i>

825
01:05:09,447 --> 01:05:12,158
<i>sige, basta maging ligtas 'yong mga bata.</i>

826
01:05:12,658 --> 01:05:14,577
{\an8}<i>Sige, susundin ko ang payo mo.</i>

827
01:05:23,502 --> 01:05:26,047
May iba pa ba akong motibo sa plano ko?

828
01:05:26,547 --> 01:05:27,381
Oo.

829
01:05:27,381 --> 01:05:29,884
Alam naming pag nalaman ni Liz

830
01:05:29,884 --> 01:05:31,928
na titira si Dave kina Amy,

831
01:05:32,595 --> 01:05:37,350
magpapakita na siya
ng tunay na nararamdaman niya.

832
01:05:48,486 --> 01:05:50,988
<i>- Si Investigator Doty po 'to.
- Oo.</i>

833
01:05:50,988 --> 01:05:53,366
<i>- Sino po 'to?
- Si Liz.</i>

834
01:05:53,366 --> 01:05:54,951
<i>Liz, ano'ng problema?</i>

835
01:05:55,451 --> 01:05:59,038
<i>Hindi siya ikinulong. May binaril siya,</i>

836
01:05:59,038 --> 01:06:02,166
<i>may pinatay,
pero titira siyang kasama si Dave,</i>

837
01:06:02,166 --> 01:06:05,628
<i>at malaya pa rin siya,
at hindi ninyo siya hinuhuli.</i>

838
01:06:06,545 --> 01:06:09,840
<i>Wala po akong magagawa
kung di kami kakausapin ni Amy.</i>

839
01:06:11,717 --> 01:06:13,386
<i>- Nand'yan pa po ba kayo?
- Oo.</i>

840
01:06:15,805 --> 01:06:18,182
<i>Kung may sasabihin pa siya sa inyo,</i>

841
01:06:18,182 --> 01:06:20,184
<i>doon tayo makakagawa ng kaso.</i>

842
01:06:20,184 --> 01:06:21,102
<i>Okay.</i>

843
01:06:21,686 --> 01:06:22,979
<i>Sige. Bye.</i>

844
01:06:26,649 --> 01:06:29,443
'Yong tawag kay Jim
'yong nagbago ng lahat.

845
01:06:29,986 --> 01:06:31,779
Gumagana na 'yong plano.

846
01:06:36,409 --> 01:06:39,078
Noong gabing iyon,
may malaking break para sa amin.

847
01:06:40,997 --> 01:06:43,958
Nag-forward si Liz
ng mas maraming messages galing kay Amy.

848
01:06:45,084 --> 01:06:47,586
SUMAKAY AKO SA KOTSE NG BALIW NA SI CARI

849
01:06:47,586 --> 01:06:51,507
Ngayon, mga detalye na
ng pagpatay kay Cari ang dumating.

850
01:07:02,893 --> 01:07:05,813
'Yong email, parang description ng killer
kung paano nangyari.

851
01:07:05,813 --> 01:07:08,357
{\an8}SINAKSAK SIYA SA TIYAN
NILINIS ANG KOTSE NIYA

852
01:07:08,357 --> 01:07:10,901
NAUUBOS ANG BUHAY NIYA

853
01:07:11,819 --> 01:07:13,362
Alam naming di si Amy 'yon.

854
01:07:13,362 --> 01:07:16,699
Si Liz 'yon, nagme-message sa sarili niya
at nagpapanggap na si Amy.

855
01:07:22,079 --> 01:07:25,666
{\an8}Sinabi sa email
na nag-park siya sa abandonadong lote,

856
01:07:26,208 --> 01:07:29,128
{\an8}binalot ng tarp si Cari, at sinunog siya.

857
01:07:32,465 --> 01:07:34,592
Bilang mga detective, may excitement,

858
01:07:34,592 --> 01:07:38,054
siguro kasi may ebidensiya na kami
pagkatapos maghanap ng ilang taon.

859
01:07:39,638 --> 01:07:44,018
Pero, ang lala rin kasi
ng ikinuwento niya.

860
01:07:44,018 --> 01:07:46,854
INILAGAY SA MGA GARBAGE BAG

861
01:07:46,854 --> 01:07:48,689
SA IMBAKAN NG BASURA DITO

862
01:07:48,689 --> 01:07:50,066
Ang mga confessional emails,

863
01:07:50,066 --> 01:07:53,027
kung totoo nga 'yon,
malaking break 'yon, kasi hanggang ngayon,

864
01:07:53,027 --> 01:07:54,987
hindi namin alam ang nangyari kay Cari.

865
01:07:54,987 --> 01:07:59,158
Naniniwala kami na may kinalaman si Liz,
pero di namin alam ang ginawa niya.

866
01:08:01,702 --> 01:08:03,287
Sa pagbasa ko ng mga email na 'to,

867
01:08:03,287 --> 01:08:07,249
'yong madalas niyang sinasabing
may sinaksak sa kotse ni Cari.

868
01:08:08,250 --> 01:08:10,503
Kaya binalikan namin 'yong sasakyan,

869
01:08:10,503 --> 01:08:13,130
pero bakas ng dugo na ang hinanap namin.

870
01:08:22,598 --> 01:08:25,142
Sinuri ulit ang sasakyan
gamit ang blood reagent.

871
01:08:27,937 --> 01:08:30,606
Nag-spray lang kami
kahit saan namin maisip.

872
01:08:32,191 --> 01:08:36,195
'Yong chemical na 'yon,
liliwanag pag pinailawan ng black light.

873
01:08:41,575 --> 01:08:44,578
'Yong black light,
ginamit sa front seat, sa passenger seat,

874
01:08:44,578 --> 01:08:46,580
sa mga back seats.

875
01:08:46,580 --> 01:08:47,873
at sa back hatch.

876
01:08:50,501 --> 01:08:51,752
Wala kaming nakita.

877
01:08:53,879 --> 01:08:55,673
Walang bakas ng dugo.

878
01:08:57,716 --> 01:08:59,176
Pero sasakyan ni Cari 'yon.

879
01:08:59,176 --> 01:09:02,388
Malaki ang tsansa, na nagda-drive siya
noong sinaksak siya.

880
01:09:15,276 --> 01:09:17,611
Kaya tinanggal ko ang tela
sa driver's seat,

881
01:09:18,863 --> 01:09:21,615
at wala din doon. Normal na foam lang.

882
01:09:30,291 --> 01:09:33,335
Tapos, doon naman ako sa passenger seat,
tinanggal ko ang tela.

883
01:09:48,601 --> 01:09:51,270
Sa ilalim ng upuan na 'yon,
may malaking pulang bakas.

884
01:09:59,153 --> 01:10:00,946
Inisip ko, "May crime scene na tayo."

885
01:10:09,371 --> 01:10:12,625
<i>- Sino'ng kasama mo? Si Ambrose?
- Oo, magkasama kami sa sasakyan.</i>

886
01:10:26,931 --> 01:10:28,933
<i>Tinawagan ako ni Investigator Avis,</i>

887
01:10:28,933 --> 01:10:31,352
sabi niya, "Ipapaalam lang namin
na hinuli na siya."

888
01:10:37,775 --> 01:10:41,987
Noong sandaling 'yon, pakiramdam ko,
may natangal na tinik sa dibdib ko.

889
01:10:42,988 --> 01:10:44,198
Pero hindi lahat.

890
01:10:49,536 --> 01:10:52,539
Di puwedeng ilang taon kang gano'n,
tapos bigla na lang maawawala.

891
01:10:53,916 --> 01:10:55,668
Hindi ganoon 'yon.

892
01:11:17,648 --> 01:11:21,235
<i>Ang dahilan kung bakit ka
nasa upuang 'yan ngayon,</i>

893
01:11:21,235 --> 01:11:24,863
<i>kasi marami akong tanong
na dapat ninyong sagutin.</i>

894
01:11:25,489 --> 01:11:27,908
<i>Nakita n'yo na po ba 'yong kotse ni Cari?</i>

895
01:11:30,411 --> 01:11:32,121
<i>- Nakita n'yo na po ba?
- Hindi.</i>

896
01:11:32,705 --> 01:11:36,750
<i>May picture ng kotse niyang may plaka,
'yong Explorer, sa phone ninyo.</i>

897
01:11:38,127 --> 01:11:41,213
<i>- Di ko pa nakikita ang kotse niya. Hindi.
- Nakasakay na kayo.</i>

898
01:11:41,213 --> 01:11:43,424
<i>- Na-drive n'yo na nga.
- Hindi ko ginawa 'yon.</i>

899
01:11:43,424 --> 01:11:45,467
<i>Hindi pa ako nakasakay sa kotse niya.</i>

900
01:11:45,467 --> 01:11:48,762
<i>Di ko pa nalalapitan 'yon. Kahit kailan.</i>

901
01:11:50,389 --> 01:11:53,475
<i>- Nandoon po ang fingerprints ninyo.
- Hindi pa.</i>

902
01:11:53,475 --> 01:11:57,479
<i>Di ako nagsisinungaling. Di pa ako
nakalapit sa kotse niya. Di ko nakita.</i>

903
01:11:58,147 --> 01:12:00,983
<i>Ngayon, gusto kong
mag-isip kayo nang mabuti, ha,</i>

904
01:12:00,983 --> 01:12:04,236
<i>tungkol sa... kung ano'ng gagawin ninyo.</i>

905
01:12:04,862 --> 01:12:09,533
<i>Uupo ba kayo sa silyang 'yan
at magsisisi o magiging walang awa?</i>

906
01:12:09,533 --> 01:12:12,244
<i>Kasi ngayon, pagkatapos ng apat na taon,</i>

907
01:12:13,162 --> 01:12:15,497
<i>naghahanap ng mga sagot ang pamilya niya.</i>

908
01:12:16,457 --> 01:12:18,876
<i>Sa loob ng maraming taon,</i>

909
01:12:18,876 --> 01:12:24,089
<i>may mga taong nagse-send ng emails
gamit ang pekeng accounts ni Cari.</i>

910
01:12:24,715 --> 01:12:27,426
<i>Alam mo kung kaninong IP address
'yong lumabas?</i>

911
01:12:28,344 --> 01:12:29,219
<i>Sa bahay mo.</i>

912
01:12:31,096 --> 01:12:33,223
<i>Bakit mo ginawa ang mga email na 'yon?</i>

913
01:12:33,724 --> 01:12:35,768
<i>Wala akong ginawang email.</i>

914
01:12:37,478 --> 01:12:38,771
<i>Galing 'yon sa inyo.</i>

915
01:12:38,771 --> 01:12:40,105
<i>Hindi 'yon galing sa akin.</i>

916
01:12:42,900 --> 01:12:45,819
<i>Di ninyo ako puwedeng akusahan
ng hindi ko ginawa.</i>

917
01:12:47,863 --> 01:12:49,823
<i>Ikaw ang itinuturo ng lahat.</i>

918
01:12:50,866 --> 01:12:53,327
<i>Di na 'ko magsasalita,
at gusto ko ng attorney.</i>

919
01:12:59,166 --> 01:13:01,794
Kakapasok lang sa newsroom,
isang pag-aresto.

920
01:13:02,378 --> 01:13:04,296
Kinasuhan si Golyar
ng first-degree murder,

921
01:13:04,296 --> 01:13:06,757
at naka-detain na siya
sa Pottawattamie County Jail.

922
01:13:08,008 --> 01:13:10,803
Inaresto na si Liz,
pero di pa tapos ang imbestigasyon.

923
01:13:11,845 --> 01:13:13,472
Magiging mahirap 'yong trial.

924
01:13:14,056 --> 01:13:17,351
Kailangang magagaling na prosecutors
ang makatrabaho namin.

925
01:13:20,938 --> 01:13:22,523
Kung titingnan sa labas,

926
01:13:23,023 --> 01:13:25,651
mukhang malabo itong kaso.

927
01:13:27,111 --> 01:13:28,362
Iniisip ko sa sarili ko,

928
01:13:28,362 --> 01:13:31,865
paano ko mapapaniwala ang korte
na totoo ito?

929
01:13:31,865 --> 01:13:33,742
MGA PICTURE NA IPINADALA NI CARI

930
01:13:33,742 --> 01:13:38,163
Ginasgasan niya ang sarili niyang kotse,
sinaksak ang sarili niyang mga damit.

931
01:13:38,163 --> 01:13:39,164
BAHAY NI DAVE
PINASOK

932
01:13:39,164 --> 01:13:42,000
Sinunog din niya ang sarili niyang bahay.

933
01:13:43,043 --> 01:13:46,004
Sino ba kasi
ang babaril sa sarili niyang paa?

934
01:13:47,005 --> 01:13:49,174
Pero 'yong talagang inaalala ko,
sa totoo lang,

935
01:13:49,174 --> 01:13:51,635
paano mapapatunayang murder 'to
kung walang bangkay?"

936
01:13:53,595 --> 01:13:57,433
Kailangan naming patunayan na,
A, patay na si Cari

937
01:13:57,433 --> 01:14:00,144
at, B, pinatay siya ni Liz.

938
01:14:04,773 --> 01:14:07,526
Nauubos 'yong oras at lakas ko sa trabaho,
araw at gabi,

939
01:14:07,526 --> 01:14:11,530
para makahanap ng solid evidence
na magpapatunay na patay na si Cari.

940
01:14:14,741 --> 01:14:17,578
Kami ni Avis,
hinalughog namin ang bawat sulok.

941
01:14:17,578 --> 01:14:21,915
Lahat ng makakatulong sa kasong 'to,
tinanggap namin.

942
01:14:23,917 --> 01:14:25,169
Sobrang nakakapagod.

943
01:14:25,919 --> 01:14:28,672
Labindalawa, minsan 14,
16 oras sa isang araw,

944
01:14:28,672 --> 01:14:32,593
paulit-ulit binabalikan 'yong phone dump
na libong beses na naming natingnan,

945
01:14:32,593 --> 01:14:34,845
para masiguradong wala kaming makaligtaan.

946
01:14:36,472 --> 01:14:40,225
Lahat ng email, lahat ng email account,
para walang makaligtaan kahit isa.

947
01:14:43,103 --> 01:14:45,022
Naging pabigat ito sa buhay ko.

948
01:14:48,066 --> 01:14:50,319
Nasisira na
ang pagsasama namin ng asawa ko.

949
01:14:50,819 --> 01:14:55,032
Alam kong di ako mabuting ama
sa panahong 'yon, at nadurog ang puso ko.

950
01:14:59,286 --> 01:15:02,456
Isang taon o higit pa bago ako
nagsimula sa kasong 'to,

951
01:15:02,456 --> 01:15:05,209
na-diagnose ako na may brain tumor.

952
01:15:07,336 --> 01:15:11,089
Sa puntong 'yon ng kaso,
noong talagang tumitindi na,

953
01:15:11,089 --> 01:15:14,384
mas lumaki 'yong tumor,
at ibig sabihin, dapat magpa-opera na 'ko.

954
01:15:15,594 --> 01:15:17,346
Kaya nagtanong ako,

955
01:15:17,346 --> 01:15:20,557
"Maaapektuhan ba nito
ang abilidad kong magtrabaho?

956
01:15:21,058 --> 01:15:23,435
At 'yong sagot na nakuha ko, oo.

957
01:15:24,853 --> 01:15:28,524
Kaya sinabi ko agad, "Di ako magpapa-opera
hanggang di natatapos ang kaso."

958
01:15:30,901 --> 01:15:33,195
Dedikado kaming dalawa nang 100%,

959
01:15:33,987 --> 01:15:37,699
at humihiling lang kami
na makita na namin ang missing piece.

960
01:15:43,664 --> 01:15:45,082
Binalikan namin lahat,

961
01:15:45,082 --> 01:15:48,210
nagtatanong,
"may hindi pa ba kayo nasabi sa amin?"

962
01:15:50,837 --> 01:15:56,134
Ininterview namin si Dave
ng pang-13, pang-14, pang ilang beses na.

963
01:15:56,843 --> 01:15:59,388
Paalis na sila, pero tumitigil.

964
01:15:59,388 --> 01:16:02,975
Tapos lumingon si Kava
at biglang nagtanong,

965
01:16:03,559 --> 01:16:06,353
"Isa na lang. May electronics ba kayo

966
01:16:06,353 --> 01:16:09,773
mula November, December 2012
na puwede naming tingnan?"

967
01:16:09,773 --> 01:16:11,900
"May hindi pa ba kayo naibigay sa amin?"

968
01:16:11,900 --> 01:16:15,279
Pumunta ako sa storage unit namin
at naghanap ng konti.

969
01:16:18,615 --> 01:16:20,492
May nakita akong lumang tablet,

970
01:16:20,492 --> 01:16:24,329
nakabaon, maalikabok,
at wala na'ng battery.

971
01:16:28,875 --> 01:16:33,505
Walang interesting doon,
pero may memory card siya.

972
01:16:33,505 --> 01:16:36,466
May microSD card na nakasaksak.

973
01:16:44,683 --> 01:16:46,476
Noong inexamine ko 'yong microSD card,

974
01:16:49,104 --> 01:16:51,023
wala akong nakita.

975
01:16:51,023 --> 01:16:53,066
Walang laman. Burado lahat.

976
01:16:58,030 --> 01:16:59,698
Pero puwede nating suriin,

977
01:16:59,698 --> 01:17:03,327
at puwede tayong maghanap ng na-delete
na information, kaya 'yon ang ginawa ko.

978
01:17:04,119 --> 01:17:05,454
Tapos, biglang...

979
01:17:11,209 --> 01:17:14,963
may nakita akong halos
11,000 thumbnail kalaki na pictures doon.

980
01:17:16,423 --> 01:17:21,637
Noong tiningnan ko ang pictures,
marami akong nakitang selfies ni Liz.

981
01:17:24,181 --> 01:17:25,265
Selfie ni Liz.

982
01:17:26,516 --> 01:17:28,101
Isa pang selfie ni Liz.

983
01:17:29,019 --> 01:17:29,895
Isa pa.

984
01:17:33,231 --> 01:17:35,025
Bumilis ang tibok ng puso ko.

985
01:17:38,195 --> 01:17:40,489
Base sa dates sa mga pictures,

986
01:17:42,491 --> 01:17:46,662
nakita ko na
ito 'yong SD card ng phone ni Liz,

987
01:17:46,662 --> 01:17:48,455
noong nawawala pa si Cari.

988
01:17:49,414 --> 01:17:50,332
Importante 'to.

989
01:17:57,297 --> 01:18:00,175
Tiningnan ko 'yong libo-libong pictures.

990
01:18:03,261 --> 01:18:07,474
May impormasyon ba dito noong 2012

991
01:18:08,100 --> 01:18:10,686
na makakatulong sa amin sa kaso?

992
01:18:15,357 --> 01:18:17,484
Sa libo-libong pictures,

993
01:18:17,484 --> 01:18:19,653
may isang nakatawag ng pansin ko.

994
01:18:24,991 --> 01:18:27,786
Akala ko, piraso ng rosewood.

995
01:18:28,662 --> 01:18:31,081
Di ko inisip na may bearing 'yon sa kaso,

996
01:18:31,081 --> 01:18:33,917
pero na-curious ako
kasi kakaiba ang itsura.

997
01:18:37,129 --> 01:18:40,298
Noong tiningnan ko
mula sa iba't ibang anggulo,

998
01:18:40,298 --> 01:18:42,551
Naisip ko, "Parang paa 'to, a."

999
01:18:45,721 --> 01:18:48,765
Di naman ako pathologist.
Pero may copy ako ng <i>Gray's Anatomy</i>,

1000
01:18:48,765 --> 01:18:50,308
kaya pumunta ako sa bookshelf.

1001
01:18:50,308 --> 01:18:53,145
May drawing na nagpapakita

1002
01:18:53,145 --> 01:18:55,230
kung nasaan 'yong veins sa paa.

1003
01:18:55,230 --> 01:18:57,983
At postmortem, may nangyayari

1004
01:18:57,983 --> 01:19:01,778
na tinatawag na venous marbling,
'yong nagiging visible ang veins.

1005
01:19:03,530 --> 01:19:06,366
At naisip ko, alam mo 'yon, di ko inasahan

1006
01:19:06,366 --> 01:19:09,536
na picture na pala ng bangkay
ang tinitingnan ko.

1007
01:19:12,581 --> 01:19:14,291
Posibleng paa ni Cari 'yon.

1008
01:19:21,465 --> 01:19:24,092
Presidents' Day weekend
noong nakatanggap ako ng tawag.

1009
01:19:26,136 --> 01:19:28,805
Dapat tingnan mo talaga nang mabuti.

1010
01:19:30,557 --> 01:19:34,811
Pero may pag-asa nang mas marami na
ang evidence namin sa pagsabak sa trial.

1011
01:19:37,022 --> 01:19:39,691
Naramdaman din namin
na mapapatunayan namin

1012
01:19:40,275 --> 01:19:42,819
na paa ni Cari 'yon, kasi may tattoo.

1013
01:19:45,489 --> 01:19:47,032
Kinausap namin si Nancy,

1014
01:19:47,032 --> 01:19:50,368
at tinanong namin,
"May ganito bang tattoo si Cari?"

1015
01:19:52,537 --> 01:19:53,914
At oo ang sagot niya.

1016
01:19:53,914 --> 01:19:56,708
May gano'ng tattoo si Cari
sa kaliwang paa niya.

1017
01:19:57,417 --> 01:19:59,628
Chinese symbol 'yon ng "nanay".

1018
01:20:12,057 --> 01:20:14,559
Ngayong gabi,
may babaeng on trial para sa murder.

1019
01:20:14,559 --> 01:20:17,479
Ayon sa prosecutors,
love triangle ito na nauwi sa pagpaslang,

1020
01:20:17,479 --> 01:20:21,358
pero iginigiit ng defense
na posibleng walang nangyaring murder.

1021
01:20:26,112 --> 01:20:29,074
Sa unang araw sa korte,
medyo ninenerbiyos ako pagpasok ko.

1022
01:20:33,787 --> 01:20:36,790
Hindi siguradong magtatagumpay kami,

1023
01:20:37,499 --> 01:20:41,211
kasi kailangan naming mapatunayan
na hindi lang pinatay si Cari,

1024
01:20:41,211 --> 01:20:43,713
kundi 'yong pagpatay sa kanya,

1025
01:20:44,422 --> 01:20:46,633
'yong pamamaraan, ay premeditated.

1026
01:20:46,633 --> 01:20:48,885
Magiging malalaking hamon 'yon.

1027
01:20:55,267 --> 01:20:59,104
Ito ay kakaiba at kagimbal-gimbal
na kaso ng nakamamatay na pag-ibig.

1028
01:21:02,107 --> 01:21:06,486
Di ko talaga alam 'yong nangyari kay Cari
hanggang noong nag-trial na.

1029
01:21:06,486 --> 01:21:08,905
Walang kaduda-duda,
Your Honor, na patay na si Cari,

1030
01:21:09,489 --> 01:21:11,950
at ipinapakita ng evidence
na pinatay siya sa Omaha.

1031
01:21:11,950 --> 01:21:14,327
Para sa pamilya niya,
sana di ganito ang nangyari.

1032
01:21:16,413 --> 01:21:20,208
'Yong marinig na sinaksak si Cari, 'yon...

1033
01:21:23,169 --> 01:21:25,088
'Yong anak mo, hindi mo basta...

1034
01:21:26,381 --> 01:21:28,341
Hindi mo talaga 'yon...

1035
01:21:30,093 --> 01:21:31,303
Bangungot 'yon.

1036
01:21:32,095 --> 01:21:33,722
Trophy picture ito.

1037
01:21:34,598 --> 01:21:37,017
Para i-memorialize
ang karumal-dumal na ginawa niya

1038
01:21:37,017 --> 01:21:39,603
na parang accomplishment iyon.

1039
01:21:39,603 --> 01:21:42,272
Sinubukan naman nila
akong ihanda sa mangyayari,

1040
01:21:42,272 --> 01:21:44,482
pero, tingin ko,
di maihahanda ang kahit sino

1041
01:21:45,025 --> 01:21:48,194
kung malalaman mong tinadtad ang anak mo

1042
01:21:49,029 --> 01:21:49,988
at...

1043
01:21:51,156 --> 01:21:51,990
itinapon.

1044
01:21:52,574 --> 01:21:56,453
Walang ni isang tao sa mundong ito
ang nakakita sa kanya o nakausap niya

1045
01:21:57,537 --> 01:22:00,165
mula noong November 13, 2012.

1046
01:22:01,708 --> 01:22:03,335
Ang sakit-sakit.

1047
01:22:12,469 --> 01:22:16,097
'Yong paghintay ng hatol ang mas malala.

1048
01:22:16,097 --> 01:22:17,599
Di ka masyadong makakatulog.

1049
01:22:18,975 --> 01:22:22,646
Titingnan mo 'yong evidence.
Nagawa mo ba ang lahat ng kaya mo?

1050
01:22:34,574 --> 01:22:38,078
Naaalala ko 'yong pagpasok ko
sa courtroom. Ano 'yon... tense.

1051
01:22:40,455 --> 01:22:43,166
Nandoon ang media at ang pamilya.

1052
01:22:46,086 --> 01:22:48,296
Hinintay namin 'yong judge
na umupo ng bench.

1053
01:22:52,509 --> 01:22:53,885
May bahaging gustong maniwala

1054
01:22:53,885 --> 01:22:56,888
na sigurado nang guilty siya,

1055
01:22:57,389 --> 01:23:01,017
pero nag-aalala kami
kasi may posibilidad pa

1056
01:23:01,017 --> 01:23:02,602
na makalaya siya.

1057
01:23:04,437 --> 01:23:05,897
Malaki ang nakataya.

1058
01:23:05,897 --> 01:23:09,275
Kung lalabas na not guilty si Liz,
di malilinis ang pangalan ni Cari.

1059
01:23:09,275 --> 01:23:13,029
Habambuhay ang epekto nito
kay Nancy at Max,

1060
01:23:13,029 --> 01:23:14,447
at sa buong pamilya.

1061
01:23:22,372 --> 01:23:24,749
Tumayo ako. Naaalala ko,

1062
01:23:24,749 --> 01:23:27,961
nanginginig ang mga kamay ko
nang dahil sa nerbiyos.

1063
01:23:30,588 --> 01:23:34,259
Napatunayan ng korteng ito, matapos ng
masusing pagsusuri ng ebidensiya,

1064
01:23:34,884 --> 01:23:36,720
na ang katuwiran ng depensa

1065
01:23:37,345 --> 01:23:39,347
na hindi sapat ang ebidensiya ng estado

1066
01:23:39,347 --> 01:23:43,059
dahil hindi natagpuan
ang katawan ni Cari Farver...

1067
01:23:44,185 --> 01:23:46,855
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

1068
01:23:46,855 --> 01:23:48,523
'Yong mga sinasabi niya,

1069
01:23:49,024 --> 01:23:51,526
parang magiging not guilty pa 'yong hatol.

1070
01:23:52,193 --> 01:23:55,780
...ay pinapawalang bisa
ng dami ng ebidensiya

1071
01:23:55,780 --> 01:23:58,366
na inilantad ng state
sa paglilitis na ito.

1072
01:23:58,366 --> 01:24:00,744
Pero, nag-iba na 'yong pananalita niya.

1073
01:24:01,536 --> 01:24:05,206
Hindi nagkusang umalis si Cari Farver,

1074
01:24:05,206 --> 01:24:07,375
at nawala na lang sa mundo.

1075
01:24:08,084 --> 01:24:09,711
Nakakalungkot na pinatay siya.

1076
01:24:12,297 --> 01:24:14,924
Napatunayan ng hukumang ito
na beyond reasonable doubt

1077
01:24:14,924 --> 01:24:18,511
na ang isinasakdal
ay sinadyang pinaslang si Cari Farver

1078
01:24:19,179 --> 01:24:21,723
nang may deliberate at premeditated malice

1079
01:24:21,723 --> 01:24:25,560
noong mismong araw
o ng mga November 13, 2012

1080
01:24:25,560 --> 01:24:27,520
dito sa Douglas Country, Nebraska.

1081
01:24:37,655 --> 01:24:41,576
May nag-iyakan
at nag-yakapan sa mga miyembro ng pamilya.

1082
01:24:48,374 --> 01:24:51,711
Para kay Nancy at Max,
sobrang nalulungkot ako para sa kanila,

1083
01:24:51,711 --> 01:24:54,964
kasi nawalan sila ng anak, ng nanay,

1084
01:24:55,465 --> 01:24:57,342
at di na natin maibabalik 'yon.

1085
01:24:57,842 --> 01:24:59,928
'Yong maliit na bagay
na maibabalik lang namin

1086
01:24:59,928 --> 01:25:03,473
e, 'yong reputation ni Cari
sa maliit na community na 'yon.

1087
01:25:05,809 --> 01:25:09,104
Inakala ng mga tao
na nababaliw na si Cari,

1088
01:25:09,104 --> 01:25:10,939
at, siyempre, sobrang sakit no'n.

1089
01:25:10,939 --> 01:25:13,233
Matindi ang dulot na sakit no'n
sa pamilya niya.

1090
01:25:18,863 --> 01:25:21,866
Naging close talaga kami
nina Nancy at Max sa mga nangyari.

1091
01:25:22,492 --> 01:25:23,910
Ipasok mo...

1092
01:25:23,910 --> 01:25:26,371
Nakilala rin namin 'yong totoong Cari.

1093
01:25:27,330 --> 01:25:28,206
Naku po.

1094
01:25:28,206 --> 01:25:29,374
Tara, Mama.

1095
01:25:29,916 --> 01:25:33,419
Sige, tara.

1096
01:25:33,962 --> 01:25:36,172
{\an8}Teka. Kukunin ko 'yong cookie. Kita n'yo?

1097
01:25:36,172 --> 01:25:38,466
{\an8}Nakita naming mabuti siyang ina.

1098
01:25:38,466 --> 01:25:39,843
{\an8}Tingnan mo 'yong sumama.

1099
01:25:39,843 --> 01:25:41,344
{\an8}Mabait siyang tao.

1100
01:25:41,344 --> 01:25:43,138
{\an8}- Aba!
- Ay! Kinuha niya 'yong...

1101
01:25:43,888 --> 01:25:46,182
{\an8}- Nagawa naman niya.
- Okay, sige.

1102
01:25:46,766 --> 01:25:48,101
{\an8}A, naku.

1103
01:25:48,101 --> 01:25:50,812
{\an8}Kailangan mo lang... I-off siya...

1104
01:25:50,812 --> 01:25:53,606
{\an8}'Yong babaeng naka-date ko, may pangarap,

1105
01:25:53,606 --> 01:25:58,695
{\an8}at... palangiti,
at gusto niyang may marating siya.

1106
01:26:01,573 --> 01:26:04,117
Hinahanap lang niya
ang lugar niya sa mundo.

1107
01:26:12,500 --> 01:26:14,002
Nagsisisi ako sa nangyari.

1108
01:26:15,587 --> 01:26:18,506
Kung di ko nakilala si Cari,
di niya makikilala si Liz,

1109
01:26:18,506 --> 01:26:20,133
at di mangyayari 'to.

1110
01:26:22,218 --> 01:26:24,971
Kung alam ko lang na 'yong choice pala
'yong kabaliwang 'to,

1111
01:26:24,971 --> 01:26:29,767
o 'yong sabihin kay Cari na ayoko,
sasabihin ko kay Cari na ayoko.

1112
01:26:33,104 --> 01:26:35,440
Pero walang gano'ng choice.

1113
01:26:36,649 --> 01:26:37,483
Alam mo 'yon.

1114
01:26:42,071 --> 01:26:44,407
Sige, kung gano'n, alin 'yong akin?

1115
01:26:44,407 --> 01:26:47,493
- Six hanggang ten.
- Hay, mukhang di maganda 'to.

1116
01:26:47,493 --> 01:26:48,828
Eto ang ten, six.

1117
01:26:48,828 --> 01:26:51,706
Oo. Ayoko ng options ko, totoo.

1118
01:26:52,248 --> 01:26:54,459
- Tirahin mo na lang lahat.
- 'Yon na nga.

1119
01:26:57,837 --> 01:27:00,882
Habambuhay akong magpapasalamat

1120
01:27:02,050 --> 01:27:03,176
kay Jim Doty

1121
01:27:04,052 --> 01:27:05,303
at Ryan Avis

1122
01:27:06,930 --> 01:27:08,681
at Tony Kava.

1123
01:27:08,681 --> 01:27:11,517
- Ako na ba ulit?
- Hindi ka talaga marunong mag-pool?

1124
01:27:11,517 --> 01:27:13,019
Napapanood ko lang dati.

1125
01:27:14,938 --> 01:27:15,897
Okay.

1126
01:27:21,611 --> 01:27:24,572
Dahil sa kanila,
naging payapa na ang pag-iisip ko.

1127
01:27:27,075 --> 01:27:27,909
At...

1128
01:27:29,452 --> 01:27:31,246
palagi akong nandito para sa kanila.

1129
01:27:32,163 --> 01:27:34,165
Magaling sila sa ginagawa nila.

1130
01:27:36,167 --> 01:27:39,504
Kung di dahil sa kanila,
wala pa rin akong alam.

1131
01:27:54,269 --> 01:27:58,189
HINATULAN SI LIZ GOLYAR
NG HABAMBUHAY NA PAGKAKAKULONG

1132
01:27:58,189 --> 01:28:03,403
NA WALANG POSIBILIDAD
NA MABIGYAN NG PAROLE

1133
01:29:25,651 --> 01:29:29,906
Tagapagsalin ng Subtitle: J.M.B. Descalso



