1
00:00:53,887 --> 00:00:54,888
Sandali lang.

2
00:00:54,971 --> 00:00:58,224
<i>Hindi ito ang unang beses…</i>

3
00:01:00,894 --> 00:01:02,729
<i>na bumaligtad ang mundo ko.</i>

4
00:01:08,735 --> 00:01:09,569
Sino ka?

5
00:01:17,202 --> 00:01:18,620
<i>Natutunan kong</i>

6
00:01:19,454 --> 00:01:21,456
<i>isang araw lang ang kailangan…</i>

7
00:01:23,708 --> 00:01:24,959
<i>upang bumaligtad…</i>

8
00:01:26,711 --> 00:01:29,172
<i>ang buong buhay ko.</i>

9
00:01:31,341 --> 00:01:32,342
<i>Una ko itong natutunan…</i>

10
00:01:32,884 --> 00:01:33,968
Hi.

11
00:01:34,344 --> 00:01:35,512
Ang tagal nating hindi nagkita.

12
00:01:36,429 --> 00:01:38,807
<i>dalawampung taon na ang nakararaan.</i>

13
00:01:38,890 --> 00:01:41,017
PARA SA KALIGTASAN AT KASIYAHAN MO
YOUNGSAN POLICE STATION

14
00:01:44,229 --> 00:01:45,271
Hoy, bata.

15
00:01:46,439 --> 00:01:47,315
May problema ba?

16
00:01:47,816 --> 00:01:48,775
Kailangan mo ng tulong?

17
00:01:54,322 --> 00:01:55,740
Sandali,

18
00:01:55,824 --> 00:01:57,200
dugo ba 'yang nasa damit mo?

19
00:02:04,124 --> 00:02:05,083
Hoy!

20
00:02:06,668 --> 00:02:09,379
YOUNGSAN EXPRESS BUS TERMINAL

21
00:02:19,055 --> 00:02:20,223
LIGAL NA PAGBABAGO NG PANGALAN

22
00:02:20,306 --> 00:02:21,307
<i>At</i>

23
00:02:22,183 --> 00:02:23,184
<i>narinig ko muli…</i>

24
00:02:25,019 --> 00:02:26,479
BAGONG PANGALAN
KIM HYE-JOO

25
00:02:26,563 --> 00:02:28,189
<i>…ang pangalang iyon…</i>

26
00:02:28,273 --> 00:02:29,566
<i>Kim Jae-eun.</i>

27
00:02:31,568 --> 00:02:34,571
<i>…makalipas ang 20 na taon.</i>

28
00:02:35,738 --> 00:02:36,614
Dapat bang

29
00:02:36,698 --> 00:02:38,199
Kim Hye-joo ang itawag ko sa 'yo?

30
00:02:45,081 --> 00:02:46,249
Mamatay-tao ka.

31
00:02:58,261 --> 00:03:01,180
EPISODE 5: PAGHAHARAP

32
00:03:02,765 --> 00:03:03,641
{\an8}Kumusta ka na?

33
00:03:05,435 --> 00:03:06,436
{\an8}Oo nga pala.

34
00:03:06,519 --> 00:03:08,605
{\an8}Alam kong huli na,
pero binabati kita sa kasal mo.

35
00:03:09,647 --> 00:03:11,399
{\an8}Asawa ng isang assemblyman?

36
00:03:12,275 --> 00:03:13,276
{\an8}Ang galing.

37
00:03:22,160 --> 00:03:24,329
{\an8}Kinausap mo ang punong tagapayo ko

38
00:03:24,913 --> 00:03:27,415
{\an8}pero nais kitang makausap ng personal.

39
00:03:32,629 --> 00:03:33,838
Makinig ka…

40
00:03:33,922 --> 00:03:35,256
Anak mo ba 'yan?

41
00:03:35,340 --> 00:03:36,466
Hindi.

42
00:03:37,342 --> 00:03:38,384
Kung gano'n, sino siya?

43
00:03:42,388 --> 00:03:43,348
Kakilala ko lang.

44
00:03:48,269 --> 00:03:51,314
Oo, kakilala ko lang.

45
00:03:53,191 --> 00:03:54,317
Seung-hee.

46
00:03:56,110 --> 00:03:58,154
Medyo marami akong gagawin ngayon,

47
00:03:58,696 --> 00:03:59,697
kaya naman,

48
00:04:00,615 --> 00:04:02,283
sa susunod na tayo mag-usap.

49
00:04:06,079 --> 00:04:06,996
Sige.

50
00:04:08,623 --> 00:04:10,250
Ibigay mo sa 'kin ang numero mo.

51
00:04:10,875 --> 00:04:12,001
Sige.

52
00:04:29,852 --> 00:04:30,979
I-save mo ang numero ko.

53
00:04:31,813 --> 00:04:32,772
Tatawagan kita.

54
00:04:35,650 --> 00:04:36,776
Sige.

55
00:04:39,153 --> 00:04:40,571
Masaya akong makita ka.

56
00:04:46,077 --> 00:04:47,328
Na-miss kita,

57
00:04:48,413 --> 00:04:49,330
kaibigan ko.

58
00:04:53,167 --> 00:04:54,377
Magkita tayo ulit.

59
00:05:05,972 --> 00:05:07,015
Ms. Kim.

60
00:05:08,516 --> 00:05:09,350
Ms. Kim.

61
00:05:13,646 --> 00:05:17,358
Sa susunod na natin bisitahin si Ji-hoon.

62
00:05:17,942 --> 00:05:20,528
Masama ang pakiramdam ko.
Kailangan kong magpahinga.

63
00:05:30,496 --> 00:05:31,331
<i>Ano?</i>

64
00:05:31,414 --> 00:05:32,248
Ang pangalan ko?

65
00:05:32,332 --> 00:05:33,333
Oo.

66
00:05:33,416 --> 00:05:36,294
Mangungutang ako para sa pondo
ng kampanya.

67
00:05:36,377 --> 00:05:38,212
Kailangan ko
ang resident registration forms natin

68
00:05:38,296 --> 00:05:40,214
kasi nakapangalan
sa atin pareho ang bahay,

69
00:05:40,298 --> 00:05:42,300
at ang nakalagay roon
binago mo ang pangalan mo.

70
00:05:42,925 --> 00:05:43,760
Kim Jae-eun?

71
00:05:44,635 --> 00:05:46,596
Maganda naman. Bakit mo binago?

72
00:05:49,098 --> 00:05:50,266
Wala lang.

73
00:05:51,517 --> 00:05:52,685
"Kim Jae-eun."

74
00:05:53,936 --> 00:05:55,188
Bago 'yon, ah.

75
00:05:56,314 --> 00:05:57,148
Mauna ka nang matulog.

76
00:05:57,732 --> 00:05:58,941
May gagawin lang ako.

77
00:06:16,584 --> 00:06:18,711
Salamat sa pakikipag-usap sa amin.

78
00:06:21,506 --> 00:06:25,009
Narito ako para sabihin sa 'yong
tigilan na ninyo ang ginagawa n'yo.

79
00:06:25,885 --> 00:06:28,513
Walang masamang ginagawa ang biyenan ko.

80
00:06:29,847 --> 00:06:31,599
Mamaya na 'yan.

81
00:06:32,350 --> 00:06:34,310
Sa Youngsan ka ba nakatira noon?

82
00:06:34,894 --> 00:06:36,729
Probinsya rin ito ng asawa ko.

83
00:06:37,480 --> 00:06:39,107
Gano'n ba?

84
00:06:41,651 --> 00:06:44,779
Palagi siyang may masayang kuwento
tungkol sa Youngsan,

85
00:06:44,862 --> 00:06:48,866
kaya kapag nakakakilala ako ng tagaroon,
gumagaan ang loob ko sa kanila.

86
00:06:49,492 --> 00:06:52,495
Pero magpapakapropesyonal ako

87
00:06:52,578 --> 00:06:54,038
at ibubukod

88
00:06:54,872 --> 00:06:56,165
ang tama sa mali.

89
00:07:10,513 --> 00:07:13,266
Ngayong kilala na natin siya,
ayain mo siyang lumabas ulit.

90
00:07:15,768 --> 00:07:16,811
Ano'ng ginagawa mo?

91
00:07:18,646 --> 00:07:20,773
Sir, 'yong pamilya ni Ji Seung-kyu…

92
00:07:21,649 --> 00:07:22,692
Ji Seung…

93
00:07:22,775 --> 00:07:24,610
'Yong medical student? Bakit?

94
00:07:26,571 --> 00:07:28,948
Nag-overdose sa gamot ang nanay niya.

95
00:07:36,789 --> 00:07:41,002
Sa tingin mo ba okay ang naging meeting
ni Mr. Nam kay Mr. Choi?

96
00:07:41,711 --> 00:07:43,212
Parang balisa kasi siya.

97
00:07:43,838 --> 00:07:44,839
Kaya nga.

98
00:07:45,465 --> 00:07:47,175
Bakit kaya?

99
00:07:49,010 --> 00:07:50,219
OPISINA NG ASSEMBLYMAN

100
00:07:50,303 --> 00:07:51,637
Salamat. Paalam.

101
00:07:56,559 --> 00:07:59,270
Natanggal na ang gamot sa tiyan niya.
Ligtas na siya.

102
00:08:02,982 --> 00:08:04,150
Bakit niya ginawa 'yon?

103
00:08:06,444 --> 00:08:07,403
Hindi ako sigurado.

104
00:08:07,487 --> 00:08:08,321
Pero…

105
00:08:09,322 --> 00:08:11,991
baka dahil nalulungkot siya
sa pagkawala ng anak niya,

106
00:08:12,074 --> 00:08:13,701
o dahil sa mga masasakit na komento.

107
00:08:14,744 --> 00:08:18,789
Bawat artikulo tungkol kay Ji,
sinasabing dapat lang sa kaniyang mamatay.

108
00:08:22,585 --> 00:08:24,962
Sinabi ko lang na "masasakit na komento,"

109
00:08:25,630 --> 00:08:27,340
pero ito ang sinasabi ng publiko.

110
00:08:28,090 --> 00:08:30,092
Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo

111
00:08:30,676 --> 00:08:32,970
sa nangyari kay Ji o sa nanay niya.

112
00:08:40,478 --> 00:08:42,688
Iniisip mo ba si Ji-hoon?

113
00:08:45,399 --> 00:08:47,026
Paanong hindi ko siya iisipin?

114
00:08:48,194 --> 00:08:50,863
Baka nakatanggap rin siya
ng maraming masasakit na komento

115
00:08:51,614 --> 00:08:53,324
sa tuwing may nagawa siyang mali

116
00:08:53,908 --> 00:08:55,743
at kahit na matapos niyang mamatay.

117
00:08:57,954 --> 00:08:59,997
Totoong mali ang ginawa niya,

118
00:09:00,081 --> 00:09:03,668
at dapat siyang mapagalitan
at maparusahan dahil dito.

119
00:09:06,712 --> 00:09:08,005
Pero…

120
00:09:08,089 --> 00:09:10,675
DAPAT AKUIN NI NAM JOONG-DO ANG GINAWA
NG ANAK NIYA AT BUMABA SA PUWESTO

121
00:09:12,510 --> 00:09:14,220
<i>Madalas, humihingi ng habag
ang mga magulang</i>

122
00:09:14,887 --> 00:09:18,015
<i>kapag may nagagawang mali
ang mga anak nila…</i>

123
00:09:18,099 --> 00:09:21,394
Hinihiling kong maparusahan siya
nang naaayon sa batas,

124
00:09:21,477 --> 00:09:24,355
at humihingi ako ng tawad bilang ama niya

125
00:09:25,022 --> 00:09:26,774
dahil hindi ko siya nadisiplina
nang maayos.

126
00:09:26,857 --> 00:09:28,442
{\an8}PAMBANSANG KAPULUNGAN
NG REPUBLIKA NG KOREA

127
00:09:29,652 --> 00:09:31,445
<i>…pero kabaligtaran ang ginawa ko.</i>

128
00:09:33,072 --> 00:09:34,031
Hi, honey.

129
00:09:42,498 --> 00:09:46,544
NAM HUMINGI NG TAWAD
SA PAMBUBUGBOG NG ANAK

130
00:09:50,798 --> 00:09:52,883
<i>At nasaktan ang asawa ko.</i>

131
00:09:58,306 --> 00:10:00,141
'Wag mong bigyan ng kuwento
ang isang kriminal.

132
00:10:03,728 --> 00:10:04,812
Ano?

133
00:10:06,689 --> 00:10:08,482
"'Wag mong bigyan ng kuwento
ang isang kriminal."

134
00:10:09,025 --> 00:10:11,444
Ayan ang sinasabi ng mga tao ngayon

135
00:10:12,028 --> 00:10:15,239
kapag may sinabing ganiyan
sa pelikula at telebisyon.

136
00:10:16,157 --> 00:10:19,327
Ayaw nilang kaawaan ang isang kriminal,

137
00:10:19,410 --> 00:10:21,078
o kahit na intindihin.

138
00:10:21,704 --> 00:10:23,164
Ito ang sentimyento ng mga tao.

139
00:10:25,583 --> 00:10:28,210
Nalulungkot ako
kapag naiisip ko si Ji-hoon,

140
00:10:29,045 --> 00:10:30,463
pero ito ang totoo.

141
00:10:32,506 --> 00:10:34,383
Ang ibig ko lang sabihin,

142
00:10:34,467 --> 00:10:37,428
sarilinin mo na lang
ang awang nararamdaman mo

143
00:10:37,511 --> 00:10:40,056
para kay Ji-hoon
o sa nanay ni Ji Seung-kyu.

144
00:10:40,556 --> 00:10:42,516
Sabihin mo na lang 'yan sa asawa mo.

145
00:10:43,643 --> 00:10:45,978
Sa ngayon, hindi ka tatay ni Ji-hoon.

146
00:10:46,062 --> 00:10:48,272
Isa kang assemblyman
na may pinaghahandaang eleksiyon.

147
00:10:48,856 --> 00:10:51,192
Tulad ng sinabi mo, magpakapropesyonal ka.

148
00:11:15,216 --> 00:11:16,801
Kung mamamatayan ka ng anak,

149
00:11:17,718 --> 00:11:19,804
ano'ng mas gugustuhing mo
na maging sanhi nito?

150
00:11:20,805 --> 00:11:23,182
Pagpapatiwakal, sadyang papatayin siya…

151
00:11:25,017 --> 00:11:26,268
o aksidente?

152
00:11:30,231 --> 00:11:32,441
'Yong huli ang pinakamagaan.

153
00:11:38,447 --> 00:11:39,990
Ito nga, hindi ba?

154
00:11:40,741 --> 00:11:41,826
Oo.

155
00:11:44,912 --> 00:11:46,288
Para sa isang magulang.

156
00:12:00,177 --> 00:12:01,137
ASSEMBLYMAN
NAM JOONG-DO

157
00:12:01,220 --> 00:12:04,473
<i>Palagi siyang may masayang kuwento
tungkol sa Youngsan,</i>

158
00:12:04,557 --> 00:12:07,935
<i>kaya kapag nakakakilala ako ng tagaroon,
gumagaan ang loob ko sa kanila.</i>

159
00:12:08,436 --> 00:12:10,354
-Lumayas siya?
-Oo.

160
00:12:10,938 --> 00:12:13,232
Umalis siya agad pagka-graduate.

161
00:12:13,315 --> 00:12:15,651
Tinakasan niya ang mga krimen niya.

162
00:12:29,123 --> 00:12:30,458
SEOUL PATUNGONG YOUNGSAN

163
00:12:38,632 --> 00:12:41,844
KIM JAE-EUN

164
00:12:54,148 --> 00:12:56,525
Masaya na ngayon ang buhay mo, ano?

165
00:13:39,860 --> 00:13:41,654
BAGONG MENSAHE MULA KAY SEUNG-HEE

166
00:13:45,366 --> 00:13:47,326
MEDICAL STUDENT NAGPAKAMATAY
MATAPOS PANGALANAN NI NAM

167
00:13:49,828 --> 00:13:51,497
<i>May pinatay rin ang asawa mo.</i>

168
00:13:53,332 --> 00:13:54,583
<i>Siya nga pala,</i>

169
00:13:54,667 --> 00:13:56,418
<i>alam niya ba ang nakaraan mo?</i>

170
00:14:10,683 --> 00:14:12,309
TUMATAWAG

171
00:14:16,730 --> 00:14:18,607
-Seung-hee, bakit?
<i>-Napanuod ko ang balita.</i>

172
00:14:21,193 --> 00:14:22,236
Makinig--

173
00:14:22,319 --> 00:14:23,362
Makinig ka, Seung-hee…

174
00:14:23,445 --> 00:14:25,114
<i>Sa tingin mo ba, maitatago ng pagpunta mo</i>

175
00:14:25,698 --> 00:14:28,075
sa Seoul at pagpapalit mo ng pangalan
ang ginawa mong krimen?

176
00:14:29,243 --> 00:14:32,997
<i>Kung 'yon ang gusto mo,
dapat nagpaka-low profile ka lang.</i>

177
00:14:33,080 --> 00:14:34,790
<i>Sa tingin mo walang makakikilala sa 'yo</i>

178
00:14:35,499 --> 00:14:37,626
kung asawa ka ng isang assemblyman?

179
00:14:40,838 --> 00:14:42,006
<i>Pumunta ka sa Youngsan.</i>

180
00:14:42,840 --> 00:14:43,674
<i>Ituloy natin</i>

181
00:14:44,592 --> 00:14:46,051
<i>ang pag-uusap natin.</i>

182
00:14:48,512 --> 00:14:50,139
Pumunta ka rito bukas.

183
00:14:50,806 --> 00:14:52,766
At 'wag kang tatakas.

184
00:14:54,768 --> 00:14:57,021
Seung-hee--

185
00:15:06,113 --> 00:15:08,449
{\an8}MAY PINATAY RIN ANG ASAWA MO.
ALAM NIYA BA ANG NAKARAAN MO?

186
00:15:22,796 --> 00:15:23,797
Ma.

187
00:15:26,258 --> 00:15:27,551
Ma.

188
00:15:27,635 --> 00:15:29,178
Ma, nandito na ako.

189
00:15:30,596 --> 00:15:33,349
Saan ka ba nagpunta?

190
00:15:34,350 --> 00:15:35,517
Pasensiya na.

191
00:15:35,601 --> 00:15:36,685
May inayos lang ako.

192
00:15:38,520 --> 00:15:39,772
Ma.

193
00:15:41,357 --> 00:15:43,025
Ano?

194
00:15:43,108 --> 00:15:44,443
Kasi…

195
00:15:44,526 --> 00:15:47,237
Alam kong dapat magkasama tayong bibili
ng mga lupain bukas,

196
00:15:47,947 --> 00:15:49,323
pero puwede bang hindi na ako sumama?

197
00:15:50,157 --> 00:15:50,991
Bakit?

198
00:15:51,909 --> 00:15:53,077
May gagawin ako bukas.

199
00:15:53,994 --> 00:15:56,622
Kikitain mo rin naman
ang mga kaibigan mo sa gabi.

200
00:15:57,206 --> 00:15:58,874
Sasama ako sa susunod, okay?

201
00:15:58,958 --> 00:16:00,709
Bukas lang hindi.

202
00:16:01,377 --> 00:16:03,420
Hindi rin naman ako makatutulong.

203
00:16:06,674 --> 00:16:09,009
Nandito na ba si Ki-young?

204
00:16:13,138 --> 00:16:14,181
"Ki-young"?

205
00:16:15,599 --> 00:16:18,644
Buong araw kang wala sa bahay,

206
00:16:18,727 --> 00:16:21,730
at ang unang hahanapin mo ay ang asawa mo?

207
00:16:22,648 --> 00:16:26,694
Hindi ka ba nag-alala sa akin?
Naiwan ako mag-isa rito.

208
00:16:27,653 --> 00:16:32,324
Dapat iniwan n'yo na lang ako
at sa Australia na kayo tumira.

209
00:16:36,036 --> 00:16:37,037
Ma.

210
00:16:37,788 --> 00:16:39,790
Puwede bang
'wag kang magsalita ng ganiyan?

211
00:16:39,873 --> 00:16:43,252
Patawarin mo na ako kung sinabi kong
gusto kong tumira sa Australia.

212
00:16:43,335 --> 00:16:45,504
Hindi naman ako natuloy. Kaya--

213
00:16:45,587 --> 00:16:46,755
Tumigil ka na.

214
00:16:47,756 --> 00:16:51,176
Ikaw na lang ang anak ko
dahil namatay na si Seung-ho,

215
00:16:52,219 --> 00:16:55,014
pero ayoko nang makipag-usap
sa isang taong walang puso tulad mo.

216
00:16:55,723 --> 00:16:58,017
Aalis ako mag-isa bukas.

217
00:16:58,100 --> 00:17:00,686
Sana mamatay na lang ako

218
00:17:00,769 --> 00:17:02,354
-para makita ko na si Seung-ho.
-Ma.

219
00:17:05,983 --> 00:17:06,900
Sige.

220
00:17:06,984 --> 00:17:08,444
Sasama ako.

221
00:17:08,527 --> 00:17:10,237
Pasensiya na. Sasama na ako sa 'yo.

222
00:17:10,821 --> 00:17:12,948
Kaya pakiusap, tumigil ka na.

223
00:17:24,001 --> 00:17:25,961
PUMUNTA KA SA ADDRESS NA ITO

224
00:17:31,008 --> 00:17:34,011
<i>Pumunta ka sa address na ito
bukas ng alas siyete ng gabi.</i>

225
00:17:36,764 --> 00:17:37,681
Mamamatay-tao ka.

226
00:17:48,776 --> 00:17:49,902
BURAHIN

227
00:17:50,736 --> 00:17:51,695
MAMAMATAY-TAO KA.

228
00:17:51,779 --> 00:17:52,988
BURAHIN MULA SA TELEPONONG ITO

229
00:18:14,134 --> 00:18:16,553
Aayusin ko ang mga binanggit mo

230
00:18:16,637 --> 00:18:17,846
at ibabalik ko agad sa 'yo.

231
00:18:17,930 --> 00:18:18,972
Sige, mabuti.

232
00:18:20,015 --> 00:18:21,350
Pero sa totoo lang,

233
00:18:21,850 --> 00:18:24,812
parang masyado pang maaga para pag-usapan
ang agenda para sa susunod na termino.

234
00:18:25,354 --> 00:18:27,022
Pinaghahandaan pa lang natin
ang eleksiyon.

235
00:18:27,106 --> 00:18:28,357
Hindi naman, sir.

236
00:18:28,440 --> 00:18:30,567
Dapat magplano ka na agad.

237
00:18:30,651 --> 00:18:34,071
Gusto kong makatrabaho ka sa terminong ito

238
00:18:34,154 --> 00:18:37,157
dahil nakita ko kung paano mo
tinutulungan ang mga kapos sa buhay

239
00:18:37,241 --> 00:18:39,827
noong nakaraang termino mo.

240
00:18:40,410 --> 00:18:43,580
Hindi ako sumali sa 'yo
para lang sa isang termino.

241
00:18:44,623 --> 00:18:47,584
Kailangan mong manatili sa politika

242
00:18:48,210 --> 00:18:50,003
at tulungan ang bansa natin.

243
00:18:50,087 --> 00:18:51,088
Tama.

244
00:18:51,171 --> 00:18:52,673
'Wag mong alalahanin ang eleksiyon.

245
00:18:52,756 --> 00:18:54,258
Kami na ang bahala sa legwork.

246
00:18:54,341 --> 00:18:56,009
Araw-araw akong nag-ja-jogging
ng 30 minuto.

247
00:18:57,511 --> 00:18:58,470
Ano ka ba.

248
00:19:00,305 --> 00:19:01,849
Salamat at pinatitibay n'yo ang loob ko.

249
00:19:01,932 --> 00:19:03,225
Gagawin ko ang makakaya ko.

250
00:19:03,308 --> 00:19:04,476
-Kaya mo ito, sir!
-Oo nga.

251
00:19:20,159 --> 00:19:21,118
Bakit ka nasa labas?

252
00:19:21,702 --> 00:19:22,578
Ki-young.

253
00:19:26,415 --> 00:19:28,083
Hinihintay mo ba ako?

254
00:19:29,751 --> 00:19:32,212
Hindi ka kasi umuwi
kaya inisip ko iniwan mo na ako.

255
00:19:33,881 --> 00:19:36,967
Gusto mo bang lumabas mamayang gabi?

256
00:19:37,551 --> 00:19:38,635
Hindi na tayo nakakalabas eh.

257
00:19:39,887 --> 00:19:40,888
Sa susunod na lang siguro.

258
00:19:41,722 --> 00:19:43,056
Mag-isa si mama sa bahay.

259
00:19:45,767 --> 00:19:46,643
Ki-young.

260
00:19:49,313 --> 00:19:50,647
Magiging…

261
00:19:52,024 --> 00:19:53,233
maayos din ang lahat.

262
00:20:04,828 --> 00:20:06,371
Uy, kumain ka na.

263
00:20:06,455 --> 00:20:09,041
Hindi kakain si Hye-joo. Masakit ang ulo.

264
00:20:09,583 --> 00:20:10,834
Baka sinisipon siya.

265
00:20:11,585 --> 00:20:13,170
Ayos na ba ang pakiramdam mo?

266
00:20:14,838 --> 00:20:16,632
-Oo.
-Kumain ka na.

267
00:20:17,549 --> 00:20:19,509
Dadalhan ko siya ng lugaw.

268
00:20:19,593 --> 00:20:21,136
Ako na lang ang magdadala sa kaniya.

269
00:21:15,148 --> 00:21:16,400
Ano'ng--

270
00:21:16,483 --> 00:21:19,528
Akin na 'yan.
Bakit mo hinahawakan ang telepono ko?

271
00:21:21,780 --> 00:21:22,864
'DI NASAGOT NA TAWAG NI HONEY

272
00:21:26,326 --> 00:21:29,705
'Wag kang basta papasok dito o pakialaman
ang mga gamit ko. Naiintindihan mo?

273
00:21:32,249 --> 00:21:33,250
Sige.

274
00:21:33,834 --> 00:21:34,710
Pasensiya na.

275
00:22:15,292 --> 00:22:16,626
Hi, honey.

276
00:22:17,753 --> 00:22:18,920
Hindi ko nasagot ang tawag mo.

277
00:22:19,004 --> 00:22:21,214
Pasensiya na. Bakit?

278
00:22:23,133 --> 00:22:23,967
Ano?

279
00:22:24,676 --> 00:22:25,510
Ang boses ko?

280
00:22:27,012 --> 00:22:29,473
Wala akong sakit.

281
00:22:29,556 --> 00:22:31,016
Sinisipon lang ako siguro.

282
00:22:33,977 --> 00:22:35,520
Nangangamusta ka lang?

283
00:22:36,521 --> 00:22:37,481
Sige.

284
00:22:38,231 --> 00:22:39,816
Sige. Magkita tayo mamaya.

285
00:22:39,900 --> 00:22:40,734
Paalam.

286
00:22:56,041 --> 00:22:57,459
OSPITAL NG KWANGSUN UNIVERSITY

287
00:22:57,542 --> 00:23:01,671
Pakiusap, 'wag mong bisitahin
ang ina ni Ji Seung-kyu sa ospital.

288
00:23:02,339 --> 00:23:04,382
<i>Magagalit lang sa 'yo ang publiko.</i>

289
00:23:23,693 --> 00:23:25,612
-Ma.
-Nandito ka na pala, anak.

290
00:23:26,113 --> 00:23:28,073
May sakit ka ba?

291
00:23:30,117 --> 00:23:32,702
Sinisipon ka ba? O baka naman iba na 'yan.

292
00:23:32,786 --> 00:23:34,246
Hindi, ayos lang ako.

293
00:23:34,329 --> 00:23:35,914
Kumain ka na?

294
00:23:35,997 --> 00:23:37,499
Oo. Nagugutom ka ba?

295
00:23:37,582 --> 00:23:39,209
Kumain na ako.

296
00:23:39,292 --> 00:23:40,502
Gusto mo dalhan kita ng gamot?

297
00:23:40,585 --> 00:23:41,878
Huwag na.

298
00:23:42,629 --> 00:23:44,965
-Ma, magpagaling ka.
-Sige.

299
00:23:45,048 --> 00:23:48,927
-Okay?
-Wala akong sakit. Ayos lang ako.

300
00:23:49,010 --> 00:23:50,637
Sigurado ka?

301
00:24:16,121 --> 00:24:17,205
Ang kapal ng mukha mo.

302
00:24:18,957 --> 00:24:20,709
Bakit ka pumunta rito?

303
00:24:29,092 --> 00:24:30,677
Pinatay mo ang anak ko!

304
00:24:30,760 --> 00:24:32,637
Gusto mo ba tingnan
kung namatay na rin ang ina niya?

305
00:24:32,721 --> 00:24:35,599
Wala kang kaparatang pumunta rito,
mamamatay-tao ka!

306
00:24:41,271 --> 00:24:43,273
Magsalita ka! Hayop ka!

307
00:24:43,356 --> 00:24:46,693
Bakit mo ginawa kay Seung-kyu 'yon?

308
00:24:47,694 --> 00:24:49,905
Wala kang karapatan
kahit pa isa kang assemblyman!

309
00:24:51,656 --> 00:24:52,991
Nasaan ang tsapa mo?

310
00:24:53,074 --> 00:24:54,159
Ano?

311
00:24:54,242 --> 00:24:56,369
Bababa ka ba sa puwesto
dahil sa ginawa mo?

312
00:24:56,453 --> 00:24:57,287
Ano?

313
00:25:00,081 --> 00:25:01,333
Ako rin…

314
00:25:03,043 --> 00:25:04,461
nawalan ako ng anak.

315
00:25:07,130 --> 00:25:08,381
Hindi ako naparito…

316
00:25:10,217 --> 00:25:11,468
bilang isang assemblyman.

317
00:25:13,261 --> 00:25:14,304
Narito ako…

318
00:25:16,097 --> 00:25:17,265
bilang isang ama…

319
00:25:18,850 --> 00:25:20,268
na nawalan ng anak.

320
00:25:25,565 --> 00:25:26,483
Tumigil ka na!

321
00:25:27,609 --> 00:25:31,071
Kahit ano pang sabihin mo,
hindi na babalik ang anak ko.

322
00:25:31,571 --> 00:25:32,656
Sumagot ka!

323
00:25:33,823 --> 00:25:36,076
Dapat bang mamatay siya?

324
00:25:36,576 --> 00:25:37,994
Sumagot ka!

325
00:25:42,374 --> 00:25:45,460
Pinatay mo ang anak ko!

326
00:25:46,670 --> 00:25:48,880
Bitawan n'yo ako!

327
00:25:51,466 --> 00:25:53,468
Bitawan n'yo ako!

328
00:26:09,276 --> 00:26:12,946
<i>'Wag kang basta papasok dito o pakialaman
ang mga gamit ko. Naiintindihan mo?</i>

329
00:26:34,342 --> 00:26:36,303
Binigay niya ito sa akin dito,

330
00:26:37,846 --> 00:26:39,431
tapos nilagay ko sa bag ko.

331
00:26:40,390 --> 00:26:42,100
Nasaan na ba 'yon?

332
00:27:16,384 --> 00:27:18,720
YOUNGSAN SESAME OIL

333
00:27:20,722 --> 00:27:23,308
Masama ang pakiramdam ko.
Kailangan kong magpahinga.

334
00:27:37,113 --> 00:27:38,031
YOUNGSAN PATUNGONG SEOUL

335
00:27:38,114 --> 00:27:39,240
<i>Youngsan?</i>

336
00:28:29,124 --> 00:28:32,001
GAMOT PARA SA SIPON

337
00:30:00,882 --> 00:30:02,300
{\an8}ASSEMBLYMAN NAM JOONG-DO

338
00:30:05,512 --> 00:30:06,346
Honey.

339
00:30:08,807 --> 00:30:10,767
Pasensiya na. Nagulat ba kita?

340
00:30:11,726 --> 00:30:13,853
Hayaan mo na 'yan, honey. Ako nang bahala.

341
00:30:13,937 --> 00:30:15,563
-Ako na.
-Ayos lang.

342
00:30:16,731 --> 00:30:18,233
Pasensiya na. Gagawa ako ng bago.

343
00:30:18,316 --> 00:30:19,692
Ayos lang.

344
00:30:19,776 --> 00:30:21,277
Mauuna na ako.

345
00:30:26,366 --> 00:30:28,952
Ngayon pala bibisita ang klase
ni Yoon-seo sa Pambansang Kapulungan.

346
00:30:29,869 --> 00:30:31,996
Oo nga pala. Ngayon pala 'yon.

347
00:30:34,415 --> 00:30:35,416
Sandali.

348
00:30:38,795 --> 00:30:40,338
Hindi ka nilalagnat.

349
00:30:41,005 --> 00:30:44,092
Para kang may sakit kahapon,
at ngayon maputla ka.

350
00:30:45,301 --> 00:30:46,636
Hindi, ayos lang ako.

351
00:30:47,971 --> 00:30:49,848
'Wag mong sabihin 'yan.
Magpunta ka sa doktor mamaya.

352
00:30:51,015 --> 00:30:52,058
Sige.

353
00:30:52,141 --> 00:30:53,685
Magkita tayo mamaya.

354
00:31:20,837 --> 00:31:24,924
SEUNG-HEE: PUMUNTA KA SA ADDRESS
NA ITO BUKAS NG ALAS-SIYETE NG GABI.

355
00:31:57,832 --> 00:31:58,791
Pasok.

356
00:32:02,086 --> 00:32:04,213
Para sa almusal at tanghalian…

357
00:32:06,591 --> 00:32:07,592
Oo nga pala.

358
00:32:11,304 --> 00:32:12,847
Nakalimutan mo ata ito.

359
00:32:12,931 --> 00:32:14,599
Kinuha mo ba ito sa studio ko?

360
00:32:14,682 --> 00:32:15,725
Ano?

361
00:32:15,808 --> 00:32:16,643
Oo.

362
00:32:17,602 --> 00:32:20,355
Pumunta ako kagabi
para hanapin ang lip balm ko.

363
00:32:20,438 --> 00:32:22,273
-Lip balm?
-Oo, 'yong lip balm ko.

364
00:32:23,983 --> 00:32:26,027
Nakita ko ang passcode
noong binubuksan mo--

365
00:32:26,110 --> 00:32:27,570
Ano'ng sinabi ko sa 'yo?

366
00:32:27,654 --> 00:32:30,907
'Di ba sabi ko 'wag kang papasok sa kahit
ano'ng kuwarto ko nang walang paalam?

367
00:32:37,789 --> 00:32:38,706
Pasensiya na.

368
00:32:39,916 --> 00:32:42,210
Bata lang ako.
Hindi dapat ako pumasok doon.

369
00:32:45,213 --> 00:32:46,214
Pero ginawa ko 'yon…

370
00:32:47,548 --> 00:32:50,760
kasi nangako kang hahanapin mo
ang lip balm ko.

371
00:32:55,807 --> 00:32:57,225
Hindi mo ba ito kukunin?

372
00:33:01,145 --> 00:33:02,230
Ibalik ko na lang ba ito?

373
00:33:02,313 --> 00:33:03,606
O itapon?

374
00:33:13,783 --> 00:33:15,159
May estatwa rin.

375
00:33:15,243 --> 00:33:16,411
Oo nga.

376
00:33:17,495 --> 00:33:18,788
Ang laki.

377
00:33:20,123 --> 00:33:21,040
Hello,

378
00:33:21,124 --> 00:33:23,376
ako si Assemblyman Nam Joong-do
ng Sinyang.

379
00:33:24,961 --> 00:33:26,546
-Ang astig mo!
-Ang pogi mo!

380
00:33:26,629 --> 00:33:28,548
-Ang galing mo!
-Masaya kaming makilala ka!

381
00:33:28,631 --> 00:33:29,966
Ano ang pakiramdam na narito kayo?

382
00:33:30,049 --> 00:33:31,926
-Ang saya!
-Ang ganda rito!

383
00:33:32,010 --> 00:33:33,720
-Nakamamangha!
-Ang astig!

384
00:33:33,803 --> 00:33:34,762
Salamat.

385
00:34:40,536 --> 00:34:43,414
Pinababalik ito ni Hye-joo?
Bakit hindi niya ito ginagamit?

386
00:34:43,498 --> 00:34:44,832
Ewan ko.

387
00:34:45,500 --> 00:34:46,751
Sige.

388
00:34:47,794 --> 00:34:50,046
Luto na.

389
00:35:01,432 --> 00:35:03,684
Sa susunod, tikman mo ang kalguksu, okay?

390
00:35:04,268 --> 00:35:06,562
Salamat. Paalam.

391
00:35:06,646 --> 00:35:07,897
Paalam.

392
00:35:08,397 --> 00:35:09,440
Magbayad ka.

393
00:35:10,358 --> 00:35:11,567
Kailangan mong magbayad.

394
00:35:12,568 --> 00:35:14,445
Ms. Hyeon, hindi siya nagbayad.

395
00:35:14,946 --> 00:35:17,865
Hoy, bakit ka aalis nang hindi--

396
00:35:18,699 --> 00:35:21,828
Bumalik ka para sa kalguksu, okay?
Dahan-dahan, baka matapon.

397
00:35:22,411 --> 00:35:23,579
-Pero--
-Sige na.

398
00:35:26,165 --> 00:35:28,584
LIBRENG PAGKAIN PARA SA MGA KABATAAN
AT BUNTIS

399
00:35:32,672 --> 00:35:33,798
Kumain ka na ba?

400
00:35:37,051 --> 00:35:38,594
Masaya akong makilala ka.

401
00:35:39,512 --> 00:35:41,139
Masaya akong makilala ka.

402
00:35:41,222 --> 00:35:42,098
Naku.

403
00:35:43,099 --> 00:35:44,517
-Ang astig.
-Masaya akong makilala ka.

404
00:35:44,642 --> 00:35:46,936
-Ang astig ng papa mo.
-Ipapa-frame ko ito.

405
00:35:47,603 --> 00:35:48,437
Magkita tayo sa bahay.

406
00:35:49,939 --> 00:35:51,607
Ikaw pala si Da-som.

407
00:35:51,691 --> 00:35:52,608
Hi.

408
00:35:52,692 --> 00:35:54,652
-Hello.
-Masaya akong makilala ka.

409
00:35:56,487 --> 00:35:59,198
Ito po ba talaga
ang personal na numero mo?

410
00:35:59,282 --> 00:36:01,242
Oo. Kapag tinawagan mo 'yan,
ako ang sasagot.

411
00:36:01,325 --> 00:36:02,451
Talaga ba?

412
00:36:02,869 --> 00:36:04,370
Nagbibigay po ba kayo ng payo sa pag-ibig?

413
00:36:04,453 --> 00:36:07,832
Pasensiya na, pero tuwing Sabado
at Linggo lang.

414
00:36:09,083 --> 00:36:10,126
Nag-almusal ka ba?

415
00:36:10,793 --> 00:36:12,170
Dadagdagan ko na.

416
00:36:12,253 --> 00:36:13,379
Salamat.

417
00:36:18,426 --> 00:36:20,803
Hindi mo alam ang bagay-bagay rito

418
00:36:20,887 --> 00:36:22,889
kaya hindi kita masisisi,

419
00:36:24,432 --> 00:36:28,686
pero nababagabag pa rin ako
dahil hindi ko ito maipaliwanag sa 'yo.

420
00:36:31,355 --> 00:36:33,316
Ang daming batang dumadayo ngayon.

421
00:36:33,399 --> 00:36:35,067
-Talaga?
-Oo.

422
00:36:35,151 --> 00:36:39,780
Sana marami pang batang dumating.

423
00:36:40,781 --> 00:36:43,910
'Di ba sabi mo binigyan ka rin
ng lola ni Yoon-seo ng libreng dumplings?

424
00:36:43,993 --> 00:36:44,827
Oo.

425
00:36:46,329 --> 00:36:49,207
Kapag gabi na nakakauwi ang nanay ko,

426
00:36:49,290 --> 00:36:52,501
pumupunta ako rito
para manghingi ng dumplings.

427
00:36:54,295 --> 00:36:58,591
Tapos pupunta rito ang nanay ko
para magbayad at humingi ng tawad,

428
00:36:58,674 --> 00:37:01,510
pero hindi niya tinatanggap dahil dapat
daw kumakain nang maigi ang mga bata.

429
00:37:02,136 --> 00:37:05,681
At sabi niya gano'n daw dapat
ang mga kapitbahay.

430
00:37:08,226 --> 00:37:10,561
Noong bumalik ako rito,

431
00:37:10,645 --> 00:37:12,897
noong walang-wala ako,

432
00:37:14,523 --> 00:37:16,442
at binigyan niya ako ng trabaho.

433
00:37:17,068 --> 00:37:18,444
Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.

434
00:37:19,779 --> 00:37:21,405
Kung hindi lang siya namatay agad,

435
00:37:21,489 --> 00:37:23,824
sana nakita niyang naging assemblyman
ang anak niya.

436
00:37:25,076 --> 00:37:26,327
Kung iisipin mo nga,

437
00:37:26,410 --> 00:37:28,829
nagmana siguro si Assemblyman Nam
sa nanay niya.

438
00:37:31,207 --> 00:37:34,168
Yeo-jin, puwede ko bang iuwi
ang mantikang iyan?

439
00:37:34,252 --> 00:37:35,670
Sige.

440
00:37:40,758 --> 00:37:42,176
{\an8}PAGPAPAIGTING NG SUPORTA
SA MGA BIKTIMA NG PANG-AABUSO

441
00:37:42,260 --> 00:37:43,803
{\an8}SUPORTA SA BIKTIMA AT PARUSA
SA DIGITAL SEX CRIME

442
00:37:45,221 --> 00:37:46,222
Sir,

443
00:37:46,305 --> 00:37:48,808
bilang miyembro ng Komite ng Lehislasyon
at Hudikatura,

444
00:37:48,891 --> 00:37:52,645
siguradong alam mo na walang nakapasang
iminungkahing susog tungkol sa pang-aabuso

445
00:37:52,728 --> 00:37:55,856
sa pagsisiyasat ng komite
na dadalhin sa plenaryo

446
00:37:56,357 --> 00:37:57,566
ngayong taon.

447
00:37:58,234 --> 00:38:01,362
Sa dami ng panukalang batas na inihahain
sa Pambansang Kapulungan araw-araw,

448
00:38:01,445 --> 00:38:05,241
siguradong hindi lahat
ay napag-uusapang nang mabuti.

449
00:38:06,617 --> 00:38:08,786
Ilang buwan na lang,
matatapos na ang termino ko.

450
00:38:09,870 --> 00:38:12,081
Lahat ng hindi maipapasa bilang batas,

451
00:38:12,915 --> 00:38:14,583
itatapon lang at masasayang.

452
00:38:15,084 --> 00:38:16,043
Oo nga.

453
00:38:17,295 --> 00:38:19,755
Sa totoo lang,

454
00:38:20,381 --> 00:38:23,592
kung walang mangyayaring malaking kaso
ng pang-aabuso

455
00:38:24,343 --> 00:38:25,386
na siyang ikagagalit

456
00:38:26,137 --> 00:38:28,431
ng sambayanan,

457
00:38:29,223 --> 00:38:32,685
mahihirapan tayong ipasa
ang panukalang ito

458
00:38:33,519 --> 00:38:35,396
sa loob ng anim na buwan.

459
00:38:36,439 --> 00:38:37,523
Sang-ayon ako.

460
00:38:37,606 --> 00:38:39,108
'Yong kaso ni Ji Seung-kyu,

461
00:38:39,817 --> 00:38:42,611
nanawagan ang mga tao ng mas marahas
na parusa sa mga nang-aabuso.

462
00:38:42,695 --> 00:38:44,030
Pero hindi naman tumagal 'yon.

463
00:38:45,197 --> 00:38:48,159
Nasa Dynamic Korea na tayo
kung saan may bagong balita kada araw.

464
00:38:49,285 --> 00:38:52,413
Sir, oras na para bisitahin mo
ang tanggapan ng distrito.

465
00:38:53,247 --> 00:38:54,206
Sige.

466
00:39:15,603 --> 00:39:16,645
Bakit nandito ka pa?

467
00:39:17,521 --> 00:39:18,522
Hindi pa ako nagbabayad.

468
00:39:19,106 --> 00:39:19,982
Hindi na.

469
00:39:20,066 --> 00:39:21,650
Gusto kong magbayad.

470
00:39:21,734 --> 00:39:23,778
Hindi rin namin pinagbabayad
ang mga buntis.

471
00:39:23,861 --> 00:39:25,529
Hindi mo binasa nang mabuti, ano?

472
00:39:25,613 --> 00:39:26,906
LIBRENG PAGKAIN PARA SA MGA KABATAAN
AT BUNTIS

473
00:39:26,989 --> 00:39:29,283
Akala mo ba hindi kita siningil noon

474
00:39:29,367 --> 00:39:32,036
dahil dinadala mo ang anak ni Ji-hoon?

475
00:39:33,829 --> 00:39:35,664
Totoo rin naman 'yon.

476
00:39:35,748 --> 00:39:36,582
Pero

477
00:39:36,665 --> 00:39:40,002
masaya akong nakakakain ka ng dumplings
kahit na nagsusuka ka sa pagbubuntis.

478
00:39:40,086 --> 00:39:42,671
Pumunta ka rito kahit kailan mo gusto.

479
00:39:45,424 --> 00:39:46,425
Sige.

480
00:40:21,710 --> 00:40:23,295
YEO-JIN

481
00:40:34,473 --> 00:40:37,017
-Yeo-jin.
-Hye-joo. Ako ito.

482
00:40:37,101 --> 00:40:38,060
Natanggap ko ang mantika.

483
00:40:38,144 --> 00:40:39,937
Sigurado ka bang ipapagamit mo
sa 'kin 'yon dito?

484
00:40:40,020 --> 00:40:41,689
Bakit hindi mo ginagamit sa bahay?

485
00:40:44,692 --> 00:40:46,944
Puwede mong bigyan si Yeong-seon.

486
00:40:47,903 --> 00:40:50,030
-Binigyan ko na siya.
-Diyos ko po.

487
00:40:50,114 --> 00:40:52,783
<i>-…nakabangga ng motor sa Cheongdam Bridge</i>
-Hala.

488
00:40:52,867 --> 00:40:54,118
<i>-ala una ng madaling-araw
-Bakit?</i>

489
00:40:54,201 --> 00:40:55,661
{\an8}<i>-at tumakas.</i>
-Diyos ko.

490
00:40:55,744 --> 00:40:57,538
Kilala mo si Ko Ji-seop ng Daehan Party?

491
00:40:57,621 --> 00:40:59,832
Tumakas ang asawa niya

492
00:40:59,915 --> 00:41:02,585
matapos makabangga at makapatay ng lalaki.

493
00:41:03,502 --> 00:41:04,545
<i>Diyos ko.</i>

494
00:41:05,045 --> 00:41:06,589
-'Di siya matawagan ngayon.
<i>-Inaaral ngayon</i>

495
00:41:06,672 --> 00:41:08,340
<i>ng kapulisan ang CCTV footage…</i>

496
00:41:09,508 --> 00:41:11,302
<i>Naaawa ako sa biktima,</i>

497
00:41:11,385 --> 00:41:14,221
<i>pero nag-aalala rin ako sa asawa niya.
Politiko iyon.</i>

498
00:41:18,893 --> 00:41:21,270
Ms. Woo, puwede ka bang magkomento
sa sitwasyon ngayon?

499
00:41:34,533 --> 00:41:37,036
{\an8}-Ano?
-Naghihintay na po ang sasakyan mo, sir.

500
00:41:37,119 --> 00:41:38,162
{\an8}Sige. Salamat.

501
00:41:43,459 --> 00:41:44,793
Magkita tayo mamaya.

502
00:41:52,676 --> 00:41:55,221
<i>Nakabangga ang asawa
ni Assemblyman Ko Ji-seop ng Daehan Party</i>

503
00:41:55,304 --> 00:41:58,057
<i>ng isang delivery bike,
kung saan namatay ang pasahero nito.</i>

504
00:41:58,140 --> 00:41:59,808
<i>Nangyari ang aksidente
sa Cheongdam Bridge,</i>

505
00:41:59,892 --> 00:42:01,977
<i>ala una ng madaling araw,
tatlong araw na ang nakalilipas,</i>

506
00:42:02,061 --> 00:42:03,395
<i>na siyang ikinagagalit ng mga tao.</i>

507
00:42:03,479 --> 00:42:06,065
-Magkita tayo bukas.
<i>-Inaaral ng pulisya ang CCTV footage</i>

508
00:42:06,148 --> 00:42:09,235
<i>-at inaresto ang asawa ni Ko.</i>
-Paalam.

509
00:42:09,318 --> 00:42:11,904
Sa tingin mo ba hindi talaga alam
ni Assemblyman Ko?

510
00:42:11,987 --> 00:42:12,863
Hindi ko alam.

511
00:42:13,531 --> 00:42:16,825
Dapat talaga umayos ang pamilya niya.

512
00:42:16,909 --> 00:42:19,328
Masisira ang karera nila
dahil lang sa pagkakamali ng isa.

513
00:42:19,411 --> 00:42:20,829
Kaya nga.

514
00:42:23,958 --> 00:42:25,334
-Hello.
-Hello.

515
00:42:31,423 --> 00:42:32,967
ASSEMBLYMAN KO JI-SEOP

516
00:42:43,644 --> 00:42:45,187
Kawawa naman si Assemblyman Ko.

517
00:42:46,522 --> 00:42:50,025
Masuwerte si Assemblyman Nam
dahil si Ms. Kim ang asawa niya.

518
00:42:50,109 --> 00:42:53,195
Hindi man siya tumutulong,
pero hindi siya nakasisira.

519
00:42:53,279 --> 00:42:58,200
Pero kapag nagkaproblema ang tahimik
na tao, madalas malaki ito.

520
00:42:58,284 --> 00:42:59,326
Ano ka ba.

521
00:42:59,410 --> 00:43:01,161
'Wag kang magsalita ng ganiyan.

522
00:43:01,245 --> 00:43:03,872
Pero, hindi siya 'yong tipong

523
00:43:04,540 --> 00:43:06,542
magsasanhi ng gulo.

524
00:43:07,418 --> 00:43:08,252
'Di ba, Mr. Jang?

525
00:43:10,296 --> 00:43:13,632
Sana nga.

526
00:43:19,805 --> 00:43:23,350
WOO JIN-SEOK PINABABA SA PUWESTO
SI KO JI-SEOP.

527
00:43:26,645 --> 00:43:28,397
MGA KONTROBERSIYA NG DAEHAN PARTY

528
00:43:31,150 --> 00:43:33,402
TUMATAWAG

529
00:43:52,004 --> 00:43:53,589
<i>Bakit hindi ka sumasagot?</i>

530
00:44:14,068 --> 00:44:14,985
Seung-hee.

531
00:44:15,069 --> 00:44:16,737
Hindi ka sumasagot.

532
00:44:17,946 --> 00:44:20,991
Tumigil na sa pag-ring
noong sasagutin ko na.

533
00:44:24,536 --> 00:44:26,914
-Pero Seung-hee--
<i>-Pupunta ka sa Youngsan mamaya, 'di ba?</i>

534
00:44:29,917 --> 00:44:30,793
Oo.

535
00:44:30,876 --> 00:44:31,752
Okay.

536
00:44:32,336 --> 00:44:33,796
Hindi ka kasi sumasagot sa mga text ko,

537
00:44:34,380 --> 00:44:35,839
kaya akala ko hindi ka pupunta.

538
00:44:36,590 --> 00:44:37,591
Inisip ko,

539
00:44:38,384 --> 00:44:40,135
"Tumakas na naman ba siya?

540
00:44:40,219 --> 00:44:42,346
Ginagawa niyang kawili-wili
ang mga bagay-bagay."

541
00:44:42,930 --> 00:44:46,517
Hindi, pupunta ako sa Youngsan.

542
00:44:47,059 --> 00:44:48,394
Darating ako.

543
00:44:49,103 --> 00:44:51,480
Sige. Mamaya na lang.

544
00:45:02,241 --> 00:45:04,201
Nakikita mo 'yong greenhouse roon?

545
00:45:04,284 --> 00:45:06,412
-Ganiyan kalaki ang bibilihin mo.
-Ni hindi nga natin alam

546
00:45:06,495 --> 00:45:07,746
kung may ipatatayong kalsada riyan.

547
00:45:07,830 --> 00:45:09,164
Ano ka ba, ma'am.

548
00:45:09,248 --> 00:45:11,708
Dumoble na ang presyo niyan
mula noong nakaraang buwan.

549
00:45:11,792 --> 00:45:14,253
Tataas 'yan kapag may kalsadang gagawin.

550
00:45:17,589 --> 00:45:20,134
Ang tagal mo. Akala ko umalis ka na.

551
00:45:20,217 --> 00:45:22,010
Kausap mo na naman ba ang asawa mo?

552
00:45:22,803 --> 00:45:23,720
Hindi.

553
00:45:23,804 --> 00:45:26,807
Naku, mukhang masaya
ang buhay may asawa niya.

554
00:45:26,890 --> 00:45:27,808
Ano'ng pakialam ko?

555
00:45:28,308 --> 00:45:31,812
Masyado siyang masaya sa asawa niya
kaya nalilimutan niya ang ina niya.

556
00:45:31,895 --> 00:45:34,356
-Ma.
-Hindi rin kita kailangan.

557
00:45:34,440 --> 00:45:36,316
Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko.

558
00:45:37,067 --> 00:45:38,235
Kaya pumunta ka na sa asawa mo.

559
00:45:41,447 --> 00:45:42,656
Mr. Park, tara na.

560
00:45:49,496 --> 00:45:51,790
-Magkita tayo bukas.
-Paalam.

561
00:45:51,874 --> 00:45:56,003
SONMAT NOODLES

562
00:46:03,969 --> 00:46:05,387
Hello, sir.

563
00:46:05,471 --> 00:46:07,014
-Hello.
-Hello.

564
00:46:07,097 --> 00:46:09,016
-Naniniwala ako sa 'yo.
-Salamat.

565
00:46:09,099 --> 00:46:10,309
-Kaya mo 'yan.
-Salamat.

566
00:46:19,776 --> 00:46:22,404
{\an8}ANG MAGALING NA ASSEMBLYMAN!
NANINIWALA KAMI SA 'YO, NAM JOONG-DO

567
00:46:27,117 --> 00:46:28,243
Ma'am.

568
00:46:28,327 --> 00:46:30,120
Diyos ko, Assemblyman Nam.

569
00:46:31,622 --> 00:46:33,499
-Ma'am, ano'ng ginagawa mo rito?
-Ano'ng--

570
00:46:33,582 --> 00:46:35,292
-Kasi--
-Assemblyman Nam.

571
00:46:35,375 --> 00:46:36,585
Naku.

572
00:46:36,668 --> 00:46:39,963
Ma'am, naglilinis ka na naman dito?

573
00:46:40,047 --> 00:46:43,926
Pumasok ka rito at magtsaa.

574
00:46:44,009 --> 00:46:49,306
Lubos ang pasasalamat ko sa 'yo

575
00:46:49,389 --> 00:46:51,642
kaya gusto kong makabawi,

576
00:46:51,725 --> 00:46:54,603
pero sabi nila hindi ka tumatanggap
ng kahit ano na regalo.

577
00:46:55,395 --> 00:46:57,981
Wala na akong ibang maibibigay sa 'yo.

578
00:46:58,065 --> 00:47:02,778
Wala ito. 'Wag mo akong alalahanin.

579
00:47:04,738 --> 00:47:06,198
Sir.

580
00:47:06,281 --> 00:47:07,574
Hindi.

581
00:47:07,658 --> 00:47:09,368
Madumi ito.

582
00:47:09,910 --> 00:47:11,870
Naku, sir.

583
00:47:12,579 --> 00:47:14,206
Salamat sa 'yo,

584
00:47:14,873 --> 00:47:16,875
dapat lang ang nangyari sa hayop na 'yon.

585
00:47:17,668 --> 00:47:18,835
At ngayon,

586
00:47:19,545 --> 00:47:22,047
nakamit ko na ang kapayapaan.

587
00:47:23,257 --> 00:47:28,428
Susuklian ko ang kabutihan mo.

588
00:47:29,846 --> 00:47:30,889
Salamat.

589
00:47:31,473 --> 00:47:33,100
Maraming salamat.

590
00:47:33,976 --> 00:47:35,435
Salamat.

591
00:47:37,437 --> 00:47:38,981
Mag-ingat po kayo pauwi.

592
00:47:40,232 --> 00:47:41,608
Paalam, ma'am.

593
00:47:50,993 --> 00:47:53,245
Hindi niya pa alam.

594
00:47:54,413 --> 00:47:56,498
<i>Ini-upload ng hayop na 'yon ang video</i>

595
00:47:56,582 --> 00:47:58,250
<i>bago siya nagpakamatay.</i>

596
00:47:59,710 --> 00:48:01,795
Noong inilabas ang warrant of arrest,

597
00:48:01,878 --> 00:48:03,505
nagbanta lang siyang ilalabas ito.

598
00:48:03,589 --> 00:48:07,134
Tapos isinara na ang kaso
nang mamatay siya.

599
00:48:07,217 --> 00:48:09,970
Kaya walang nakaalam agad
tungkol sa video.

600
00:48:12,097 --> 00:48:14,016
Kumalat na ba ito?

601
00:48:14,891 --> 00:48:17,519
Hinahanap ngayon ng mga pulis
kung sino ang nagkakalat nito.

602
00:48:17,603 --> 00:48:20,272
Tinatrabaho ngayon
ng espesyalistang kinuha mo

603
00:48:20,355 --> 00:48:22,649
ang pagbura sa mga video.

604
00:48:22,733 --> 00:48:26,778
Pero mahirap matanggal lahat ng ito
nang mabilisan.

605
00:48:29,990 --> 00:48:33,660
Buti na lang hindi na pinag-uusapan
ang kasong ito ngayon.

606
00:48:34,286 --> 00:48:36,997
Natutuwa pa man din siya
dahil nakamit na ang hustisya sa apo niya.

607
00:48:37,080 --> 00:48:40,167
Kapag nalaman niya ang tungkol sa video…

608
00:48:42,336 --> 00:48:44,087
sigurado magugulat siya.

609
00:48:45,172 --> 00:48:48,258
Para sa kaniya,
wala na dapat ulit na lumabas na balita

610
00:48:48,342 --> 00:48:50,677
tungkol sa kasong ito.

611
00:48:51,720 --> 00:48:52,679
Tama ka.

612
00:48:53,764 --> 00:48:55,349
Hindi ito maaari.

613
00:49:23,794 --> 00:49:26,630
1 JEONGMIMUL-RO 2-GIL, YOUNGSAN-SI

614
00:49:38,517 --> 00:49:40,185
YOUNGSAN

615
00:50:14,511 --> 00:50:17,055
Mayroon tayong 370 na miyembro.

616
00:50:17,139 --> 00:50:20,225
Tumaas ng sampung porsyento ang bilang
ng miyembro kumpara noong nakaraang buwan.

617
00:50:20,308 --> 00:50:22,227
At patuloy itong tumataas.

618
00:50:22,310 --> 00:50:25,188
Mas maganda ang mga pasilidad natin
at mga kagamitan

619
00:50:25,272 --> 00:50:26,898
kumpara sa mga kalaban natin.

620
00:50:26,982 --> 00:50:29,901
Ito marahil ang pangunahing dahilan
kaya dumarami ang mga customer natin.

621
00:50:31,319 --> 00:50:32,195
Magaling.

622
00:50:32,904 --> 00:50:35,115
Siguraduhin mong makakapag-ensayo
ang mga customer natin

623
00:50:35,198 --> 00:50:37,409
sa kalugod-lugod na kapaligiran.

624
00:50:37,492 --> 00:50:38,785
Opo, sir.

625
00:50:53,425 --> 00:50:54,926
Seung-hee. Ako ito.

626
00:50:55,010 --> 00:50:58,764
Dahil makikipagkita naman ang nanay mo
sa mga kaibigan niya,

627
00:50:59,473 --> 00:51:01,683
bakit hindi tayo lumabas dalawa?

628
00:51:04,144 --> 00:51:06,021
Gano'n ba? May gagawin ka?

629
00:51:08,148 --> 00:51:08,982
Kasama ang kaibigan mo?

630
00:51:09,691 --> 00:51:10,817
Sige.

631
00:51:10,901 --> 00:51:11,985
Magsaya ka.

632
00:51:12,068 --> 00:51:13,487
Magkita tayo sa bahay mamaya.

633
00:51:14,154 --> 00:51:15,572
Sige. Paalam.

634
00:51:19,075 --> 00:51:20,118
Kaibigan?

635
00:51:30,921 --> 00:51:34,216
<i>Maligayang pagdating sa Youngsan,
siyudad na puno ng pag-ibig at saya.</i>

636
00:51:52,651 --> 00:51:54,528
TAHANAN NG KABATAAN NG YOUNGSAN

637
00:51:54,611 --> 00:51:55,737
Seung-ho.

638
00:51:57,447 --> 00:52:01,159
'Di ba sinabi ko
'wag mo akong gugulatin ng ganito?

639
00:52:04,246 --> 00:52:05,413
Hindi mo ba ako gusto?

640
00:52:07,582 --> 00:52:08,416
Bakit hindi?

641
00:52:10,710 --> 00:52:12,212
Seung-ho, kasi…

642
00:52:13,880 --> 00:52:17,467
Bilang kapatid lang ni Seung-hee
ang tingin ko sa 'yo.

643
00:52:26,017 --> 00:52:27,936
Kaya naman nakikiusap ako.

644
00:52:32,482 --> 00:52:33,900
'Wag ka nang pumunta ulit dito.

645
00:52:44,202 --> 00:52:45,370
Paalam.

646
00:52:48,123 --> 00:52:49,457
Kim Jae-eun.

647
00:52:55,589 --> 00:52:57,799
Seung-ho, bitiwan mo ako.

648
00:52:58,508 --> 00:52:59,342
Pakiusap.

649
00:53:17,360 --> 00:53:19,362
NAKA-DUTY PARA SA KALIGTASAN MO
YOUNGSAN POLICE STATION

650
00:53:30,040 --> 00:53:31,374
Hoy, bata.

651
00:53:31,458 --> 00:53:33,209
May problema ba? Kailangan mo ng tulong?

652
00:53:35,003 --> 00:53:37,964
Sandali, dugo ba 'yang nasa damit mo?

653
00:53:45,388 --> 00:53:46,431
Hoy!

654
00:53:54,356 --> 00:53:55,815
Gusto kong humingi ka ng tawad.

655
00:53:57,776 --> 00:53:59,986
At layuan mo na ako.

656
00:54:05,825 --> 00:54:06,743
Ano?

657
00:54:06,826 --> 00:54:08,870
Gano'n lang ang mga lalaki

658
00:54:09,371 --> 00:54:12,832
kapag may gusto sila.

659
00:54:14,000 --> 00:54:15,919
At sa totoo lang,

660
00:54:16,002 --> 00:54:18,129
wala namang nangyari.

661
00:54:18,213 --> 00:54:20,632
Nagalusan lang ang mga palad at tuhod mo.

662
00:54:20,715 --> 00:54:22,050
Kasi…

663
00:54:23,218 --> 00:54:24,552
Kasi tumakas ako.

664
00:54:24,636 --> 00:54:26,054
Kung hindi, baka…

665
00:54:28,306 --> 00:54:29,182
Heto.

666
00:54:29,766 --> 00:54:31,977
Kunin mo ito.

667
00:54:32,060 --> 00:54:36,606
Alam kong nasasaktan ka
at nababalisa ngayon.

668
00:54:36,690 --> 00:54:39,901
Pero puwede ka bang magpanggap
na naging nobyo mo

669
00:54:39,985 --> 00:54:42,737
ang isang mag-aaral ng law
sa Seoul National University?

670
00:54:42,821 --> 00:54:43,947
Bitawan mo ako.

671
00:54:47,158 --> 00:54:48,243
Bibigyan…

672
00:54:48,785 --> 00:54:52,205
Bibigyan kita ng scholarship
sa Gyeongji University.

673
00:54:52,789 --> 00:54:56,167
Tita ng asawa ko ang chairwoman doon.

674
00:54:59,838 --> 00:55:03,008
Paano ka mag-aaral

675
00:55:03,091 --> 00:55:05,051
kung wala kang mga magulang?

676
00:55:05,844 --> 00:55:08,722
Sisiguraduhin kong magkakaroon ka
ng scholarship.

677
00:55:08,805 --> 00:55:13,393
'Wag na natin itong palakihin. Okay?

678
00:55:24,529 --> 00:55:25,447
Kung gano'n,

679
00:55:26,281 --> 00:55:28,324
tatanggapin ko ang scholarship.

680
00:55:29,534 --> 00:55:30,577
Sige.

681
00:55:31,161 --> 00:55:33,538
Sisiguraduhin kong makukuha mo ito.

682
00:55:34,789 --> 00:55:35,832
Ang scholarship.

683
00:55:47,844 --> 00:55:48,845
Kim Jae-eun.

684
00:55:56,644 --> 00:55:57,771
Mali ang iniisip mo.

685
00:55:59,272 --> 00:56:01,608
Hindi naman talaga kita gusto.

686
00:56:02,859 --> 00:56:05,236
Kung gusto mo ng pera,
sana nanghingi ka na lang.

687
00:56:06,529 --> 00:56:07,989
Kaawa-awang ulila.

688
00:56:23,546 --> 00:56:26,800
JIN SEUNG-HO NG YOUNGSAN HIGH SCHOOL,
NATANGGAP SA SNU SCHOOL OF LAW

689
00:56:28,551 --> 00:56:31,763
<i>Pero puwede ka bang magpanggap
na naging nobyo mo</i>

690
00:56:31,846 --> 00:56:33,932
<i>ang isang mag-aaral ng law
sa Seoul National University?</i>

691
00:56:40,480 --> 00:56:41,314
Jin Seung-ho.

692
00:56:51,866 --> 00:56:53,451
<i>Dalawampung taon na ang nakalilipas,</i>

693
00:56:56,371 --> 00:56:57,872
<i>ang araw na bumaligtad</i>

694
00:56:58,748 --> 00:57:01,251
<i>ang mundo ko sa unang pagkakataon.</i>

695
00:57:04,587 --> 00:57:05,797
Pinatay mo siya.

696
00:57:07,257 --> 00:57:08,341
Mamamatay-tao ka.

697
00:57:13,555 --> 00:57:16,432
Ang Seung-ho ko…

698
00:57:19,102 --> 00:57:22,856
Anak ko…

699
00:57:25,024 --> 00:57:29,195
Diyos ko, Seung-ho…

700
00:57:33,992 --> 00:57:36,453
JIN SEUNG-HO NG YOUNGSAN HIGH SCHOOL,
NATANGGAP SA SNU SCHOOL OF LAW

701
00:57:39,205 --> 00:57:41,833
YOUNGSAN PATUNGONG GANGNAM

702
00:57:45,628 --> 00:57:47,589
Ang tanging magagawa ko noon…

703
00:57:52,010 --> 00:57:53,761
ay ang tumakas.

704
00:57:57,891 --> 00:58:00,685
ASAWA NI KO JI-SEOP, SANHI
NG PINAKAMALAKING ESKANDALO SA KARERA NIYA

705
00:58:02,812 --> 00:58:04,439
<i>Akala ko hindi na ako babalik.</i>

706
00:58:41,518 --> 00:58:43,520
ILHWADANG

707
00:58:50,860 --> 00:58:51,945
Nandito na siya.

708
00:59:06,042 --> 00:59:07,252
Honey.

709
00:59:17,762 --> 00:59:18,638
Buti nakarating ka.

710
00:59:52,589 --> 00:59:55,466
TROLLEY

711
00:59:55,550 --> 00:59:57,468
{\an8}<i>Tungkol ito sa ating dalawa.
Ang asawa ko--</i>

712
00:59:57,552 --> 01:00:01,180
{\an8}<i>Ang asawa mo ay isang assemblyman
at malapit na ang eleksiyon.</i>

713
01:00:01,264 --> 01:00:03,766
{\an8}<i>Gusto mo bang ipakalat ko
kung ano ang ginawa mo noon?</i>

714
01:00:03,850 --> 01:00:07,478
{\an8}<i>Walang impluwensiya ang asawa ko
sa mga ginagawa ko sa politika.</i>

715
01:00:07,562 --> 01:00:10,189
{\an8}Alam kong huli na,
pero may kailangan akong gawin.

716
01:00:10,273 --> 01:00:11,357
{\an8}<i>Isa-isa lang, puwede?</i>

717
01:00:11,441 --> 01:00:12,859
{\an8}<i>Bakit ba kailangan niyang madamay?</i>

718
01:00:12,942 --> 01:00:14,819
{\an8}<i>Ikaw. Puwede mo bang akuin ang nangyari?</i>

719
01:00:14,902 --> 01:00:16,571
{\an8}<i>Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan.</i>

720
01:00:16,654 --> 01:00:18,573
{\an8}<i>Bakit gusto mong malaman?</i>

721
01:00:18,656 --> 01:00:20,658
{\an8}<i>Mayroon ka bang pinaghihinalaan?</i>

722
01:00:20,742 --> 01:00:25,622
{\an8}Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Sem Pabion

